Está en la página 1de 3

MGA GABAY SA

PAGKATUTO SA
EsP 10

IKALAWANG
MARKAHAN
S.Y.2020-2021

Isinulat ni:

JOANNE F. CEMPRON
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
IKALAWANG MARKAHAN
Quarter: 2 Week: 1 Day: 1 Activity No.: 1

Pamagat ng Gawain: Ang Makataong Kilos


Kompetensi: Naipapaliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung
nagmumula ito sa kalooban na malayang isinasagawa sa
pamamatnubay ng isip/kaalaman (EsP10MK-IIa-5.1)
Layunin: Nakikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula
ito sa malayang pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng
isip.
Sanggunian: Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.
Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste,
Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito,
and Sheryll T. Gayola. 2015. Gabay sa Pagtuturo. Pasig: FEP
Printing Corporation.

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.


Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste,
Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito,
and Sheryll T. Gayola. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Modyul para sa Mag-aaral. Pasig: FEP Printing Corporation.
Copyright: For Classroom use ONLY Pending for Permission
DepED owned materials

KONSEPTO:

Dalawang uri ng kilos ng tao:


1. Ang Kilos ng Tao (act of man): Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao
at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ito ay walang aspekto sa pagiging mabuti o
masama. Halimbawa, ang mga biyolohikal at pisyolohikal na nagaganap sa tao tulad ng
paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa sugat,
paghikab, at iba pa.

2. Ang makataong kilos (human act): Ito ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman,
malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob
kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na
niloob, sinadya, at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay
responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
Samakatwid, ito ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensya.

PAGSASANAY
A. Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA kung ang ipinapahayag ay
tama at sagutin ng MALI kung ang ipinapahayag ay mali.

________1. Ang makataong kilos ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t
may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.(TAMA)
________2. Ang kilos ng tao ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip
at kilos-loob kaya walang kapanagutang nakapaloob dito. (TAMA)
________3. Ang taong may kapanagutan ay alam ang kanyang ginagawa at ninais niyang gawin
ang kilos na ito.(TAMA)
________4. Kung mabuti at masamang kilos ay katangap-tanggap sapagkat ito ay parte ng
pagkatao ng isang tao. (MALI)
________5. Ang pananagutan ay depende sa taong kumilos ng isang kilos. (MALI)

B. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano ang mga kilos na maituturing na kilos ng tao?


________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

2. Kailan mo masasabi na ang isang kilos ay makatao at dapat mapanagutan?


________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

También podría gustarte