Está en la página 1de 5

n

laa
am
a ha
I LI
B
BI
g P
ri n
AG
a
g- a
a N
IPI

7
P

N DI
HI

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Angkop at Inaasahang
Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinata

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


SURIIN
Ang pagbibinata/pagdadalaga o adolescence ay napakahalaga sa buhay ng tao dahil ito ay transisyon
sa panahon ng pagiging bata at patungo sa pagiging ganap na tao.
Narito ang paglalarawan ng mga inaasahang kakayahan at kilos:
1. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
Walang taong nabubuhay nang nag-iisa, kailangan natin ang bawat isa. Kaya, sa iyong pakikisalamuha
maging mapanagutan ka sa iyong mga ginagawa.
2. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
Bawat desisyon ay may kaakibat na pananagutan kaya pag-isipan mong mabuti ang anumang gagawing
pagpapasya.
3. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
Ang pagkamit ng magandang kinabukasan ay hindi mabilisan. Ito ay isang proseso na dapat paghandaan
kaya ngayon pa lang, galingan mo ang iyong pag-aaral.
4. Paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya
“Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng kaning isinubo na kapag napaso ay iyong iluluwa”. Mabigat ang
nakaatang na responsibilidad kaya bago magdesisyon maging handa sa anumang kahihinatnan.
5. Pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa mabuting asal
Ito ang mga sumusunod na kakayahan upang mapaghandaan ang mataas na antas ng
pagdadalaga/pagbibinata:
 Hayaang mangibabaw ang iyong kalakasan
 Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon.
 Maging positibo sa iyong mga iniisip

Maraming tao ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadadagdagan ang iyong edad
gayundin ang iyong mga tungkulin. Mulat ka na ba sa iba-iba mong tungkulin? Hayaan mong tulungan
kita upang mapalago at higit na mapayabong ang iyong pag-uunawa, pagkilala sa iba’t ibang tungkulin
ng nagbibinata/nagdadalaga.

1. Ang Tungkulin sa Sarili. Simulan sa sarili ang pagtupad sa mga tungkulin.


 wastong pamamahala sa mga pagbabago sa pangangatawan
 pagpapaunlad ng talento, kakayahan, at wastong paggamit nito
 makabuluhang paggamit ng mga hilig.
2. Ang Tungkulin Bilang Anak. Mahalaga ang magandang ugnayan sa mga magulang. Anuman ang
kanilang magandang payo ay agad mong sundin sapagkat ito ay para sa iyong kabutihan.
3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid. Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay makatutulong
upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.
4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral. Gawin mo ang higit na inaasahan sa iyo pagdating sa pag-
aaral.
 Mag-aral nang mabuti
 Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
 Pataasin ang mga marka.
 Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay.
 Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip.
 Matutong lutasin ang sariling mga suliranin.
 Makilahok sa mga gawain sa paaralan
5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan. Bilang kasapi ng isang lipunan magandang tunguhin ang
pagtupad sa mga sumusunod:
 pangalagaan nang maayos at malinis na barangay
 makibahagi at maglingkod sa gawain ng pamayanan
 maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao
 maging tapat, makilahok, at makibahagi sa mga pagpupulong sa kinabibilangang
pamayanan
6. Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya. Ang pag-aalay ng panalangin araw-araw ay
napakalaking bagay na para masabing isa kang tunay na mananampalataya.
7. Ang Tungkulin Bilang Konsiyumer ng Media. Gamitin ang mapanuring pag-iisip (critical thinking)
sa pagtanggap ng mga impormasyong napanood sa social media ngunit huwag kaligtaan ang mga
obligasyon lalo na sa pag-aaral at gawaing bahay.
8. Ang Tungkulin sa Kalikasan. Ang kalikasan ay iyong tahanan nararapat lamang na pangalagaan.
Maaari mong gawin ang sumusunod:
 Ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalaman na natutuhan sa paaralan.
 Ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa siyensiya.
 Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa at sa tubig.
 Hikayatin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan.
 Gamitin ang social media para ipahayag ang pangangalaga sa kalikasan.

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek (√) kung ikaw ay sang-ayon at ekis (x)
kung ikaw ay hindi sang-ayon. Isulat ang iyong mga sagot sa kwaderno sa EsP.
_______1. Ang mga napapansing mga pagbabago sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata ay dapat
ipagwalang bahala.
_______2. Dapat huwag mong kalimutan ang pagiging isip bata sa panahon na ikaw ay isang ganap na dalaga o
binata.
_______3. Maging responsable sa mga tungkulin sa sarili at sa kapwa.
_______4. Kailangan huwag kang makinig sa mga payo ng mga magulang kung ikaw ay nagdadalaga o
nagbibinata dahil malaki at marunong ka nang umunawa sa iyong sarili.
_______5. Kailangang pumasok sa isang relasyon sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
_______6. Ang pagsali sa mga bisyo ay dapat subukan para madagdagan ang karanasan sa buhay.
_______7. Lalong pagtibayin ang pakikipagkapwa sa mga kaibigan.
_______8. Pag-igihan ang pag-aaral dahil may pangarap ka sa buhay.
_______9. Sumali sa iba’t ibang aktibidad para malinang ang mga kakayahan sa panahon ng pagdadalaga o
pagbibinata.
______10. Balewalain ang mga pagsubok at huwag itong harapin.

Gawain 3: “Halo-Halo Espesyal”


Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap sa hanay A. Sa hanay B ay ang mga letrang pinaghalo-halo,
ilagay ang sagot sa hanay C. Isulat ito sa kwaderno sa ESP.
A B C

1. Bilang isang dalaga/binata dapat


linangin ang _____ at kilos para
magkaroon ng tiwala sa sarili. nayhkkaaa Sagot:__________

2. Kailangan ng mga ____para


magkaroon ng kaalaman kung
paano harapin ang mga hamon bgaya Sagot: __________
ng buhay
3. Nagsisilbing pangganyak o
_________ang mga ito sa binatilyo
o dalagita upang gawin niya ang onybsatiom Sagot: __________
mga inaasahan sa kaniya ng
lipunan.
4. Dahil malaki ka na at hindi ka na
isang bata, dapat ang iyong oslik Sagot:_________
______ ay naaayon sa
pamantayan bilang
dalaga/binata.

5. Dapat gampanan ang mga


______________ sa sarili, sa nliukngut Sagot: __________
tahanan, sa paaralan at lalo na
sa lipunan.

PAGYAMANIN:Gawain 4: Ideya Ako, Dugtungan Mo

Panuto: Dugtungan ang ideya sa ibaba upang mabuo ang diwa nito. Kopyahin at isulat sa iyong
kuwaderno sa EsP.

Halimbawa: Ang pag-aaral ay bigyang halaga dahil ito ang daan para sa magandang
kinabukasan.

1. Natutunan ko na ang pagbibinata/pagdadalaga ay may mahahalagang tungkulin na dapat


gampanan dahil _____________________________
2. Nakatutulong ang tiwala sa sarili para sa _________________________
3. Kailangan kong paghandaan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata upang ______________________
4. Haharapin ko ang mga pagsubok sa pamamagitan ng may
__________________________________________________________
5. Kailangan kong makinig sa mga payo ng aking mga magulang at sa mga taong nakapaligid sa
akin sapagkat ______________________________

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kwaderno sa EsP.

1. Sa pagtupad sa iyong pangarap kailangan mong maging:


a. Marunong dumiskarte at manloko ng ibang tao para aasenso
b. Matiyaga sa lahat ng bagay pero madaling sumuko sa mga pagsubok
c. Dapat marunong makisama para makapagsamantala sa kahinaan ng iba
d. Kailangan may tiwala sa sarili, kakayahan, kilos at marunong makinig sa mga payo sa mga nakatatanda.
2. Kailangan ang pakikipagkapwa-tao sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata dahil ____________.
a. makinig ka lang pero sarili mo ang masusunod na desisyon.
b. para may mga taong maaari mong sisihin sa panahon ng kapalpakan.
c. para malinang ang sarili sa mga bagay at magkaroon ng gabay sa mga desisyon sa buhay.
d. hindi na kailangan ng gabay ng kahit na sino dahil malaki ka na at marunong ka nang magdesisyon sa
iyong buhay.
3. Alin sa mga sumusunod ang katangian sa pagiging magaling at mahusay sa pakikipagkaibigan at
pakikipagkapwa-tao?
a. Pagkakaroon ng tamang asal c. Paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya
b. Pagkakaroon ng sariling mundo d. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
4. Alin sa mga sumusunod na tungkulin ang nagbibigay-papuri sa Poong Maykapal?
a. bilang masunuring anak c. bilang konsyumer ng media
b. bilang mananampalataya d. bilang tagapangalaga sa kalikasan
5. Bahagi ng pakikipag-ugnayan sa kapwa kung saan naibabahagi ang nararamdaman, ninanais at mga plano sa
buhay.
a. pakiki-isa b. paglilibang c. komunikasyon d. pagkukunwari
6. Bilang isang binatilyo o dalagita masasabi mong mahal mo ang iyong sarili kung_______________.
a. sarili mo lang ang mahal mo
b. mahal at nagpapahalaga ka sa ibang tao
c. mas mahalaga ang materyal na bagay kaysa buhay ng ibang tao
d. mahal mo lang ang mga mayayaman para ikaw ay mahalin din nila
7. Ito ay nagsisilbing pampalakas ng loob upang malagpasan ang mga pagsubok sa panahon ng pagdadalaga o
pagbibinata.
a. gabay b. motibasyon c. pagpapaganda d. pagmamalasakit
8. Ang tiwala sa sarili ay mahalaga sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata dahil ____________________.
a. nakatutulong sa pagiging marahas sa sarili at sa ibang tao
b. nakatutulong sa kompetisyon ng mga karibal para sa pag-unlad sa buhay
c. nakatutulong sa pag-unlad ng sarili, batay sa pag-iisip at sa pakikipagkapwa-tao
d. nakapagbibigay-linaw at tiwala sa sarili upang makaapak sa karapatan ng ibang tao
9. Batay sa pagiging binata o dalaga, alin sa mga sumusunod ang totoo?
a. Ang pagiging ganap na dalaga o binata ay may mahahalagang layunin at tungkulin sa buhay.
b. Ang pagiging ganap na dalaga o binata ay may kaakibat na responsibilidad na dapat hindi mo gampanan.
c. Ikaw ang masusunod sa mga pagpapasya sa buhay dahil marunong ka nang mag-isip para sa mga plano
mo sa buhay.
d. Malaya ka na sa pagiging bata kaya gawin mo na ang gusto mo, na walang kaakibat na basbas sa iyong
mga magulang.
10. Kailangan mong mangarap para sa sarili _______________________.
a. upang lalapit sa iyo ang maraming tao dahil asenso ka sa buhay
b. upang balewalain ang mga pangarap at aasa na lang sa mga magulang
c. upang mangarap para magkaroon ng maraming salapi at mabibili mo ang lahat ng gusto mo.
d. upang makapagbigay ng inspirasyon sa buhay na magsusumikap para sa magandang bukas
11. Alin sa mga sumusunod ang tama sa tungkulin sa kalikasan?
a. para makapagsamantala sa kalikasan
b. para mapangalagaan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon
c. para mabigyan ng linaw ang sarili na walang halaga ang kalikasan sa lipunan.
d. para malaman mo na ang kalikasan ay hindi dapat pahalagahan dahil itoy nagsisilbing palamuti lamang
sa bawat paligid.
12. Alin sa mga pahayag ang nagpapahiwatig ng pagiging positibo sa buhay
a. Nakadaragdag sa pagiging wais para makapanloko sa ibang tao.
b. Nakababawas ng mga tungkulin dahil hindi ka desidido at positibo sa buhay.
c. Nakatutulong para makaiwas sa mga kapalpakan at makapanisi ng ibang tao.
d. Nakapagbibigay ng lakas ng loob para gawin ang mga tamang desisyon sa buhay para sa hinaharap.
13. Ang paglalaro at paglibang ay mahalaga sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata sapagkat____________.
a. para makaiwas sa mga gawaing bahay
b. para makalimutan ang lahat ng problema at hindi na kailangan ng solusyon.
c. makalakwatsa sa paaralan at makatakas sa mga tungkulin bilang isang dalaga o binata.
d. ito ay paraan upang malibang at makalimutan ang iyong pag-aalala, takot, pagdududa at insekyuridad
14. Ang mga sumusunod na mga kilos ay nagpapakita ng masusing pag-iingat sa pagpapasya MALIBAN sa:
a. upang magkaroon ng linaw ang mga plano sa buhay
b. para walang ibang taong sisisihin kung sakaling bigo ang iyong pagpapasya
c. para hindi palpak ang mga gagawin at tuluy-tuloy ang mga adhikain sa buhay
d. para magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga gagawing hakbang tungo sa hinaharap
15. Ito ang angkop na katangian bilang isang nagdadalaga o nagbibinata kung _____________.
a. nahihiya ka at ayaw mo ng makisalamuha sa ibang tao
b. mayroon ka ng sariling pananaw na hindi patas ang mundo
c. may pagbabago sa pisikal na katangian at pananaw sa buhay
d. marunong ka ng magsarili at ayaw mo ng makinig sa iyong mga magulang

También podría gustarte