Está en la página 1de 8

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
Bagong Silangan High School

Name:_____________________________ GradeLevel/Section:______________Date:_________

Unang Markahan
LEARNING ACTIVITY SHEET # 4
Araling Panlipunan 10
Paksa: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction And
Management (CBDRRM) Plan

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


• Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan

II. Panimula
Panimulang Gawain:
Gawain 1: Larawan-Suri (12 Puntos)
Panuto: Suriin ang mga larawan. Sagutan ang matrix sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Bilang mag-aaral, ano ang gagawin mo……………

Unang Larawan Ikalawang Larawan


Bago
Habang Nagaganap

Pagkatapos ng Pangyayari

1
AP10-LAS-Q1-Vol.4
Mga Susing Konsepto:

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction And


Management (CBDRRM) Plan

Sa araling ito, ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na suriin ang mahahalagang kaalaman


tungkol sa mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan. Ito ang magsisilbing gabay mo sa
pagbuo ng CBDRRM Plan para sa pamayanang iyong kinabibilangan.
Hindi madali ang pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan. May apat (4) na yugto ito upang maging komprehensibo. Mayroon ding mga pagtaya at
pananaliksik na kailangan gawin upang maging tiyak ang mga datos at maging epektibo ang plano.
Handa ka na ba? Halika at iyong tuklasin ang mga nararapat gawin bilang paghahanda sa
gagawing disaster management plan. Sige, simulan mo na. Tiyaking masasagot mo ang lahat ng mga
inihandang gawain para sa iyo.

Disaster Risk Mitigation


Ang Disaster Risk Mitigation ay tumutukoy sa pagsisikap na bawasan ang pagkawala ng
buhay at pagkasira ng mga ari-arian sa pamamagitan ng maagang pagpaplano at paghahanda upang
mabawasan ang epekto ng mga kalamidad. Magagawa ito sa pamamagitan ng:
1. Masusing pag-aaral ukol sa panganib at sakuna
2. Pagsasagawa ng pangmadalian at pangmatagalang plano ukol sa mga paghahandang dapat gawin.

Unang Yugto: Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad (Disaster Prevention and Mitigation)


Ang yugtong ito ay tatalakay kung paano mapipigilan o mahahadlangan (prevention) at
mababawasan ang panganib (mitigation) na maaaring maidulot ng kalamidad at hamong
pangkapaligiran. Kailangan magkaroon ng sapat na kaalaman at pang-unawa ang mga babalangkas
ng plano kung ano ang mga panganib, kung sino at ano ang maaaring mapinsala at kung maaari bang
hadlangan o mabawasan ang epekto ng kalamidad. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nauuna
ang pagtataya sa hakbang na ito sa pagbuo ng plano ng Community-Based disaster Risk Reduction
Management.

Unang Hakbang: Paghadlang at Mitigasyon ng kalamidad


(Disaster prevention and Mitigation)

Pagtataya ng Pagtataya ng Pagtataya ng Pagtataya ng


Panganib Kahinaan at Kapasidad Peligro ( Risk
(Hazard Kakulangan (Capacity Assessment)
Assessment) (Vulnerability Assessment)
Assessment)

Paghadlang Mitigasyon

2
AP10-LAS-Q1-Vol.4
Pagtataya ng Panganib (Hazard Assessment)
Ang Pagtataya ng Panganib ay proseso ng pagtukoy o pagkilala sa katangian ng panganib,
pagsusuri sa pinsala na maaaring maidulot nito at pamamahala sa panganib upang maiwasan ang
matinding epekto nito sa isang lugar na makararanas ng sakuna o kalamidad sa isang partikular na
panahon.
Pisikal na katangian ng Hazard
Pagkakakilanlan,, pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at
kung paano ito umusbong sa isang lugar
Katangian Pag-alam sa uri ng hazard
Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
Lawak Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard
Predictability Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard
Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan
ang malawakang pinsala
Temporal na katangian ng Hazard
Frequency Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazaed ay nagaganap taon-taon, isang
beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan lamang
Duration Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito ay panandalian
lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay buwan tulad
ng digmaang sibil.
Speed of Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang babala tulad ng
onset lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng babala tulad ng bagyo o baha.
Forewarning Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama
nito sa isang komunidad.
Force Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas na
pagbuhos ng ulan, baha. pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal wave at storm surge;
lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o
kabahayan; seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya
ng digmaang sibil, rebelyon at pag-aaaklas; industrial/technological tulad ng
polusyon, pagsabog, pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng
taggutom, tagtuyot at pagsalakay ng peste sa mga pananim.
Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)
Sa pamamagitan ng VCA, masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa
pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar. Sa vulnerability
Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o
bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Samantala, sa Capacity Assessment naman ay
tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard.

Mga Katangian ng Vulnerability at Capacity Assessment


Kategorya Deskripsyon Halimbawa
Pisikal o Tumutukoy sa materyal na ➢ Hindi sapat nakita
Materyal yaman tulad ng sweldo mula ➢ Pagkakaroon ng utang
sa trabaho, pera sa bangko at ➢ Kakulangan ng sapat na kakayahan at
sa mga likas na yaman. Ang edukasyon
kawalan o kakulangan ng mga

3
AP10-LAS-Q1-Vol.4
nabanggit na pinagkukunag- ➢ Kawalan ng pangunahing serbisyo tulad
yaman ay nangangahulugan na ng edukasyon, pangkalusugan, Sistema ng
ang isang komunidad ay komunikasyon at transportasyon.
vulnerable o maaaring
mapinsala kung ito ay
makararanas ng hazard
Panlipunan Tumutukoy sa pagiging ➢ Kawalan ng pagkakaisa ng mga
vulnerable o kawalan ng miyembro ng pamilya, ng mga
kakayahan ng grupo ng tao sa mamamayan
isang lipunan. Halimbawa ay ➢ Hindi maayos na ugnayan sa pagitan ng
mga kabataan, mga matatanda, mamamayan at pamahalaan
mga may kapansanan, ➢ Kawalan ng maayos na sistema ng
maysakit at iba pang pangkat pamahalaan tungkol sa Disaster
na maaaring maging biktima Management.
ng hazard. Kasama rin dito ang
pagiging vulnerable ng
institusyong panlipunan tulad
ng pamahalaan.
Pag-uugali May mga paniniwala at gawi ➢ Kawalan ng interes sa mga programa ng
tungkol sa ang mga mamamayan na pamahalaan
Hazard nakahahadlang sa pagiging ➢ Pagiging negatibo sa mga pagbabago
ligtas ng isang komunidad. ➢ Kawalan ng sapat na kaalaman tungkol
Bunga nito, nagiging sa hazard sa kanilang lugar
vulnerable ang isang ➢ Pagiging palaasa sa pamahalaan at sa
komunidad tulong ng pribadong sector.
Sa Pagtaya sa Kapasidad (Capacity Assessment)
Tatlong kategorya (3) ng Kapasidad ng Isang Lugar o Komunidad
1. Pisikal o Materyal- ito ay tumutukoy sa kakayahan ng mga bumubuo sa komunidad na
isaayos at ibalik sa dati ang mga estruktura sa komunidad gaya ng mga gusali tulad ng bahay,
paaralan, simbahan, at mga tanggapan. Kabilang din sa pisikal ang mga daanan at tulay.
2. Panlipunan- ito ay makikita sa pamamagitan ng pag-iral ng pagtutulungan at pagkakaisa sa
pagitan ng mga mamamayan sa komunidad. Ang pag-iral ng pagtutulungan sa panahon ng
bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad ay makabubuti para madaling makabangon sa
anumang pinsala na hatid ng anumang hazard.
3. Pag-uugali o kaasalan- mahalaga rin ang positibong pananaw ng mga mamamayan upang
mabilis na mapanumbalik ang kalagayan ng komunidad sa kabila ng malaking pinsalang
dinanas sa harap ng isang hazard. Ang pagbabahagi ng oras sa pagtulong sa kapwa ay higit na
magpapabilis ng pagsasaayos ng mga pinsala.
Risk Assessment
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at
hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan. Ito ay
tumutukoy sa pagkilala sa mga nakaambang panganib sa bawat komunidad at sektor ng lipunan.
May apat (4) na hakbang sa pagsasagawa ng risk assessment:
1. Pagkilala sa mga risk o hazard sa komunidad
2. Pagbuo ng risk profile
3. Pag-aanalisa ng mga datos
4. Pagtataya sa mga risk
4
AP10-LAS-Q1-Vol.4
Ikalawang Yugto: Kahandaan sa Disaster (Disaster Preparedness)
Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Preparedness. Ito ay tumutukoy sa mga
hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna, o hazard. Mahalagang
malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at maging ng mga
kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Dapat ring
maliwanag sa bawat sektor ng lipunan ang kanilang gagawin upang magkaroon ng koordinasyon at
maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na maaari pang magdulot ng dagdag na pinsala o pagkawala
ng buhay.
Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala
at babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong (3) pangunahing layunin:
1. To inform- magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na
katangian ng komunidad.
2. To advise- magbigay ng impormasyon tungkol sa mga Gawain para sa proteksiyon,
paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
3. To instruct- magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugara na dapat
puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
Ikatlong Yugto: Pagtugon sa Disaster (Disaster Response)
Ang ikatlong Yugto ay tinatawag na Disaster Response. Sa pagkakataong ito ay tinataya kung
gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha
mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong (3) uri ng pagtataya gaya ng mga sumusunod:
1. Pagtataya sa pangangailangan (Needs Assessment)- inaalam dito kung gaano karami ang
kailangang tulong gaya ng pagkain, damit, gamot, tirahan at iba pa, ng mga mamamayang
naapektuhan ng kalamidad.
2. Pagtataya sa Nasira o Nawasak (Damage Assessment)- ito ang sumusukat sa laki o lawak ng
nasira o nawasak na mga ari-arian at pananim dahil sa naganap na kalamidad at sakuna.
3. Pagtataya sa Nawala (Loss Assessment)-ito ay ang pagsukat sa lahat ng mga nawala dahil sa
kalamidad gaya ng iba’t ibang serbisyo (tubig, kuryente) maging mga produksiyon.
Ikaapat na Yugto: Rehabilitasyom at Muling Pagbangon sa Disaster (Disaster Rehabilitation and
Recovery)
Nakapaloob dito ang pagsasaayos ng mga imprastraktura, kagamitan, o pasilidad, at mga
estrukturang nasira at nawasak matapos ang paghagupit ng isang kalamidad. Kabilang din sa yugtong
ito ang pagpapanumbalik ng mga nahintong paglilingkod nang sa gayon ay maibalik sa normal ang
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan sa apektadong komunidad. Kadalasan, bahagi
rin ng rehabilitasyon at muling pagbangon ang pagsasagawa ng mga debriefing o psychosocial
services upang matulungan ang mga biktima na malampasan ang lahat ng naranasang sakit ng
kalooban at trauma dahil sa naganap na kalamidad.
Ilan sa mga tinatawag na remedial measures na ipinapatupad ng pamahalan pagkatapos ng
isang kalamidad na bahagi ng rehabilitasyon at recovery ay gaya ng:
1. Pagpigil ng pagtaas ng presyo ng bilihin ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng
pagkain at gamot
2. Pagpigil sa pagsasamantala ng mga negosyante tulad ng pagpataw ng mataas na presyo sa
mga paninda pagkatapos ng kalamidad.
3. Pagpigil sa mga negosyante na mag-imbak ng mga pangunahing produkto gaya ng langis o
gas, bigas at gamot.

5
AP10-LAS-Q1-Vol.4
4. Paglalaan ng pondo sa pagpapaayos ng mga nasirang imprastruktura gaya ng tulay at
kalsada
5. Pagpapautang ng walang interes ng mga pampublikong institusyon (GSIS at SSS Calamity
Loans) sa mga naapektuhan ng kalamidad.
III. Mga Pamamaraan:
Gawain 1: Thumbs up , Thumbs down !! : (10 puntos)

Panuto: Iguhit sa inyong sagutang papel ang thumbs up kung ang pangungusap ay tama at thumbs
down kung mali.
1. Sa Disaster Response tinataya kung gaano kalawak ang dulot ng nagdaang kalamidad.
2. Ang pagsasamantala ng mga negosyante tulad ng pagpataw ng mataas na presyo sa mga
paninda pagkatapos ng kalamidad ay isang remedial measure ng pamahalaan.
3. Sa pagtataya ng panganib inaalisa dito ang lawak, sakop, at laki ng pinsala na maaaring
maranasan ng komunidad.
4. Ang pagtataya ng pangangailangan ng mamamayan ay kailangan malaman kung gaano
karami ang nangangailangan ng tulong katulad ng pagkain, damit, gamut at iba pa.
5. Ang pag-iral ng pagtutulungan sa panahon ng bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad ay
di-makabubuti.
6. Sa unang yugto ng CBDRRM kailangan matukoy ang mga hakbang o dapat gawin bago at
sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna, o hazard.
7. Sa ikaapat na yugto isinasagawa ang pagsasaayos ng mga imprastraktura, kagamitan, o
pasilidad, at mga estrukturang nasira at nawasak matapos ang paghagupit ng isang
kalamidad.
8. Tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o
bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard ay tinatawag na Vulnerability Assessment.
9. Ang mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang
komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard ay tinatawag na non- structural mitigation.
10. Dapat maging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi alam
Gawain 2: Liham-Panawagan(10 Puntos)
Panuto : Gumawa ng isang liham panawagan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga
tungkulin ng CBDRRM sa pagtugon sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel.

______________,

_________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 3: Peligro, Iwasan Mo! (12 puntos)


Panuto: Kompletuhin ang tsart sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga konseptong nakalahad.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pagtataya ng Peligro:
Mitigasyong Estruktural: Mitigasyong Di-estruktural:
Kahalagahan ng Pagtataya ng Peligro:

6
AP10-LAS-Q1-Vol.4
Gawain 4: Yugto sa Pagpaplano (20 puntos )
Panuto: Ilahad sa unang kolumn ang mga yugto sa pagsasagawa ng CBDRRM plan. Sa katapat na
kolumn iyong ilarawan ang mga detalyeng dapat gawin upang maisakatuparan ang mga yugto sa
pagpaplano. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

CBDRRM PLAN

Unang Yugto:
_________________________

Ikalawang Yugto:
_________________________

Ikatlong Yugto:
_________________________

Ikaapat na Yugto:
_________________________

Repleksyon: Dugtungan mo! (10 puntos).


Panuto: Sa pagbuo ng plano ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management
(CBDRRM), mahalagang sundin ang apat na yugto ng pagsagawa. Dugtungan ang sumusunod: Isulat
ang sagot sa sagutan papel.
Ang Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad ay______________________________ ___.
Ang Paghahanda sa Kalamidad ay _____________________________________________.
Sa yugto ng Pagtugon sa Kalamidad isinasagawa ang ______________________________.
Pagkatapos ng kalamidad, isinasagawa ang Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad upang
_________________________________________________________________________.
Mahalaga ang disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan upang __________________._

Inihanda ni:
JENNIFER B. SERQUILLOS

Mga Sanggunian:
Santos, B. (2020). Modyul sa Araling Panlipunan 10- Mga Kontemporaryong Isyu, Department of
Education-Region 1
Sebastian, A. et al. (2018) Modyul sa Araling Panlipunan 10 Bolyum 2, No.1 Mga
Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5:
Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan
Unang Edisyon,
Banogon G. et al. (2020). Modyul sa Araling Panlipunan 10 Unang edisyon, ADM, Department of
Education-Region I
https://images.app.goo.gl/8ytDyHR9USBwHin56
https://images.app.goo.gl/UoTrku9XtcYtqL3i7
7
AP10-LAS-Q1-Vol.4
8
AP10-LAS-Q1-Vol.4

También podría gustarte