Está en la página 1de 320

Karapatang-ari sa Pilipinas 2012

Rex Book Store, Inc.

RBS Serye sa Filipino – Panitikan


Obra Maestra IV (El Filibusterismo)
Ikaapat na Edisyon 2012
ISBN 978-971-23-6126-5
Klasipikasyon: Batayang Akdang Pampanitikan (03-FP-00028)

Inilathala na may karapatang-ari 2012 at ipinamahagi ng Rex Book Store, Inc. (RBSI) na may punong tanggapan sa 856 Nicanor
Reyes Sr. St., Sampaloc, Manila / Tel. Blg.: 735-1364, 736-0567

Mga Sangay ng RBSI:

LUZON
•MORAYTA: 856 N. Reyes Sr. St., Sampaloc, Manila / Tel. Blg.: 736-0567, 735-1364; Telefax: 736-4191 •RECTO: 1977 C.M. Recto
Ave., Sampaloc, Manila / Tel. Blg.: 735-5527, 736-3063; Telefax: 735-5534 •MAKATI: Unit UG-2, Star Centrum Bldg., Sen. Gil
Puyat Ave., Makati City / Tel. Blg.: 818-5363; Telefax: 893-3744 •ROCKWELL: 1st Floor, Ateneo Professional School, Rockwell
Center, Bel-Air, Makati City / Tel. Blg.: 729-2015 •CUBAO: 36 Shopwise Arcade, Araneta Center, Cubao, Quezon City / Telefax:
911-1070 •SHAW: 548 Facilities Center Bldg., Shaw Blvd., Mandaluyong City / Tel. Blg.: 531-1306; Telefax: 531-1339 •CAVITE:
Block 4, Lot 20 Don Gregorio Heights 2, Zone 1-A Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas, Cavite / Telefax: (046) 416-1824 •NAGA: Rodson
Bldg. I-II, J. Hernandez Ave., Naga City, Camarines Sur / Telefax: (054) 811-6878 •LEGAZPI: 3rd Floor Bichara Mall, Magallanes
cor. Alonzo St., Legazpi City, Albay / Telefax: (052) 480-2244 •CALAPAN: Brgy. Salong, National Hi-way, Calapan City, Oriental
Mindoro / Telefax: (043) 288-1650 •BATANES: L. Lopez St., Kaywalungan, Basco, Batanes •TUGUEGARAO: 10 Arellano St., Brgy.
Ugac Sur, Tuguegarao, Cagayan / Telefax: (078) 844-8072 •CABANATUAN: Fontelera Building, 1271 Del Pilar Ext., Sangitan East,
Cabanatuan City, Nueva Ecija / Tel. Blg.: (044) 464-2151; Telefax: (044) 600-5684 •URDANETA: Zone 6, Pinmaludpod, Urdaneta
City, Pangasinan / Telefax: (075) 568-3975 •ANGELES: 259 (Stall B) Sto. Rosario St., San Jose, Angeles City, Pampanga / Telefax:
(045) 887-5371
VISAYAS
•TACLOBAN: Brgy. 74 Marasbaras, Tacloban City, Leyte / Tel. Blg.: (053) 323-8976; Telefax: (053) 523-1784 •ILOILO: 75 Lopez
Jaena St., Brgy. San Isidro, Jaro, Iloilo City, Iloilo / Tel. Blg.: (033) 329-0332; Telefax: (033) 329-0336 •BACOLOD: 28 Brgy. 36, Purok
Immaculada, Quezon Ave., Bacolod City, Negros Occidental •CEBU: 11 Sanciangko St., Cebu City / Tel. Blg.: (032) 416-9684, 254-
6773; Telefax: (032) 254-6466
MINDANAO
•CAGAYAN DE ORO: J. Seriña St. cor. Vamenta Blvd., Carmen, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental / Telefax: (088) 858-6775
•DAVAO: 156 C.M. Recto St., Davao City, Davao / Tel. Blg.: (082) 225-3167, 221-7840; Telefax: (082) 221-0272 •GENERAL SANTOS:
Aparante St., Dadiangas Heights, General Santos City, South Cotabato / Telefax: (083) 554-7102

www.rexpublishing.com.ph

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin


o i-recopy sa mga aklat, polyeto, balangkas, o sulatin—
maging ito ay palimbag, mimyograp, makinilyado, kopyang
panlarawan, o sa anumang porma—para ipamahagi o
ipagbili nang walang pahintulot ng Tagapaglimbag at ng/ng
mga May-akda. Ang lalabag ay ipagsasakdal sang-ayon sa
batas sa karapatang-ari, tatak-pangkalakal, patente, at iba
pang kaugnay na batas.

RBSI’s Book Association Memberships: Philippine Booksellers Association, Inc. (PBAI); Book Development Association of the
Philippines (BDAP); Philippine Educational Publishers Association (PEPA); Book Exporters Association of the Philippines (BEAP);
Academic Booksellers Association of the Philippines (ABAP); Children’s Literature Association of the Philippines, Inc. (CLAPI);
Asian Publishers Resources Center (APRC)

PEPA’s International Book Association Memberships: International Publishers Association (IPA); Asia Pacific Publishers
Association (APPA); ASEAN Book Publishers Association (ABPA); Philippine Book Publishing Development Federation (Philbook)

Inilimbag ng rex printing company, inc.


84-86 P. Florentino St., Sta. Mesa Heights, Quezon City / Tel. Blg.: 857-7777

ii

Calvary Christian School - SY 2013-2014


MGA NILALAMAN
Pasasalamat at Paghahandog ..................................................................................................................................... v
Panimula ........................................................................................................................................................................ vii
Buod ng Noli Me Tangere ............................................................................................................................................... ix
Buod ng El Filibusterismo .............................................................................................................................................. xi
Kasaysayan ng El Filibusterismo ................................................................................................................................. xiii
Mga Tauhan ........................................................................................................................................................................ xv

UNANG BAHAGI
NASA KAMAY NG TAO ANG TAGUMPAY NG KANYANG MITHIIN
Kabanata
1 Sa Kubyerta ................................................................................................................................................ 2
2 Sa Ilalim ng Kubyerta.............................................................................................................................. 9
3 Mga Alamat ................................................................................................................................................ 18
4 Kabesang Tales ......................................................................................................................................... 25
5 Ang Noche Buena ng Isang Kutsero .................................................................................................. 32
6 Si Basilio....................................................................................................................................................... 39
7 Si Simoun .................................................................................................................................................... 48
8 Maligayang Pasko .................................................................................................................................... 54
9 Mga Pilato ................................................................................................................................................... 60
10 Kayamanan at Karalitaan ...................................................................................................................... 66

IKALAWANG BAHAGI
HINDI KAILANMAN MANGINGIBABAW ANG KASAMAAN SA KABUTIHAN

11 Sa Los Baños .............................................................................................................................................. 76


12 Placido Penitente ..................................................................................................................................... 86
13 Ang Klase sa Pisika................................................................................................................................... 94
14 Sa Bahay ng mga Mag-aaral ................................................................................................................ 102
15 Si Ginoong Pasta ...................................................................................................................................... 109
16 Ang mga Kapighatian ng Isang Intsik .............................................................................................. 116
iii

Calvary Christian School - SY 2013-2014


17 Ang Perya sa Quiapo .............................................................................................................................. 124
18 Mga Kadayaan .......................................................................................................................................... 131
19 Ang Mitsa .................................................................................................................................................... 140
20 Ang Nagpapalagay.................................................................................................................................. 146

IKATLONG BAHAGI
HINDI NAIKAKAILA SA POONG MAYKAPAL ANG MAGANDANG KALOOBAN

21 Iba’t Ibang Anyo ng Maynila ................................................................................................................ 154


22 Ang Palabas ............................................................................................................................................... 161
23 Isang Bangkay .......................................................................................................................................... 168
24 Ang mga Pangarap ................................................................................................................................. 174
25 Tawanan at Iyakan ................................................................................................................................... 181
26 Mga Paskil ................................................................................................................................................... 188
27 Ang Prayle at ang Pilipino..................................................................................................................... 195
28 Ang mga Katatakutan ............................................................................................................................ 203
29 Mga Huling Salita Tungkol kay Kapitan Tiago ............................................................................... 212
30 Si Huli .......................................................................................................................................................... 219

IKAAPAT NA BAHAGI
NAGBUBUNGA NG KASAWIAN ANG MASAMANG NASA
31 Ang Mataas na Kawani........................................................................................................................... 230
32 Ang mga Ibinunga ng mga Paskil...................................................................................................... 237
33 Ang Huling Matuwid .............................................................................................................................. 243
34 Ang Kasal Nina Paulita at Juanito ...................................................................................................... 250
35 Ang Pista ..................................................................................................................................................... 256
36 Ang mga Kagipitan ni Ben Zayb......................................................................................................... 264
37 Ang Hiwaga ............................................................................................................................................... 272
38 Ang Kasawian ............................................................................................................................................ 279
39 Ang Wakas .................................................................................................................................................. 286
Talasalitaan ........................................................................................................................................................................ 294
Talasanggunian .................................................................................................................................................................. 299
Indeks ........................................................................................................................................................................ 300

iv

Calvary Christian School - SY 2013-2014


PASASALAMAT
AT PAGHAHANDOG

Taos-puso naming inihahandog ang Ikaapat na Edisyon ng Obra Maestra IV: El Filibusterismo sa lahat
ng mga Pilipinong nagmamahal sa bayan, nagpapahalaga sa kanilang pamilya, nagmamalasakit sa kanilang
kapaligiran at kalikasan at nagkakawanggawa sa kanilang kapwa; at higit sa lahat, sa mga kabataang may
mataas na adhikain o pangarap sa buhay.
Sa mga kapwa naming guro na aming katuwang sa pagdadala sa tuwid na landas ng mga kabataang
nasa ating pangangasiwa, sa inyo rin inihahandog ang aklat na ito.
Higit sa lahat, sa ating Panginoon, na aking manggagamot at gumagabay upang makapaghasik ng
kaalaman sa mga kabataan. Marami pong salamat.
Felicidad Q. Cuaño

Naging mapaghamon sa aming kakayahan ang natapos na aklat ng Obra Maestra. Ang mga kaisipang
taglay ng bawat bahagi ng aklat na ito ay nagampanan dahil sa tulong at inspirasyon na naibigay ng aming
mga magulang at kapatid at iba pang mga kaanak. Higit sa lahat, ang pagpapasalamat namin sa Panginoon
na siyang nagbigay ng lahat ng mga biyaya at paggabay sa lahat ng pagkakataon.
Amelia V. Bucu

Inihahandog ko ang aklat na ito sa aking mga magulang, mga kapatid, at mga pamangkin na nagsil-
bing mga sandigan at inspirasyon ko; at higit sa lahat sa Panginoon na nagbigay at patuloy na nagbibigay
sa akin ng mga biyaya at patnubay.
“SA LAHAT NG BAGAY, ANG DIYOS AY PURIHIN.”
Marga B. Carreon

Calvary Christian School - SY 2013-2014


vi

Calvary Christian School - SY 2013-2014


PANIMULA
Ang mga kabataan ay dapat mulat sa mga nangyayari sa kanyang paligid hindi lamang dito sa bansa
kundi maging sa buong daigdig. Dapat ay alam nila ang kanilang gagawin kung paano sila kikilos at
haharap sa anumang pagsubok na daratal sa kanila. Paano matutulungan ang mga kabataan na maihanda
sa isang magandang kinabukasan? Ano ang magiging papel ng mga guro? Sa itinuturo sa silid-aralan, hindi
na ngayon sapat na palawakin lamang ang kaalaman at linangin ang kanilang kasanayan. Ang mahalaga ay
maipaunawa sa kanila ang lahat ng ipinapasok sa kanilang kaisipan at kung paano isasabuhay ang mga ito
upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng Inang Bayan.
Ito ang handog ng OBRA MAESTRA (Ikaapat na Edisyon).
Walo ang elemento nito:

– bawat aralin ay may itinakdang tunguhin o hangarin na gustong ipaunawa sa mga


mag-aaral. Sa ilalim nito ay nakatala ang mahalagang kaalaman at mahalagang katanungan na
siyang pinakapokus ng aralin/kabanata.

– binubuo ito ng mga layunin na magpapalawak ng kanilang tala-


salitaan, at ng kaalaman at damdamin, at kung paano ito maisasabuhay sa mga kasanayang pan-
saykomotor.

– sa Ibong Adarna at Florante at Laura ay ipinasok ang pagbabalik-


alaala sa nakalipas o nakaraang aralin. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay sadyang
pinagaan upang maging madali sa pag-unawa ng mga mag-aaral.

Halagahang Pangkatauhan: Nakasaad dito ang mga gintong-butil na gustong ipaunawa sa


mga mag-aaral na maaari nilang ipamana o ipasa sa susunod na salinlahi.

– may kulay ang mga salitang maaaring bago sa paningin at pandinig ng mga
mag-aaral at binigyang-kahulugan upang mapabilis ang pag-unawa sa kanilang binabasa.

– binubuo ito ng dalawang bahagi:

Mga Katanungan – mula sa pinakamadali patungo sa pinakamahirap ang mga tanong at


pagpapaliwanag na hahasa sa kanilang Higher Order Thinking Skills (HOTS).

Gawain – sinimulan ito sa pagbibigay ng mahalaga at sariwang impormasyon, napapanahong


isyu na nais ipabatid at pagkatapos maunawaan ay isabuhay upang ang bawat mag-aaral ay
maging mabuting anak ng kanyang Manlilikha. Nakapokus ang mga paksa sa edukasyong
transformative, edukasyong politikal, edukasyong pangkapaligiran, pangkatarungan at
pangkapayapaan, at paggalang sa kasarian. Upang mahasa ang talentong ipinagkaloob ng
Manlilikha, ang walong uri ng Multiple Intelligences ay ginamit.

vii

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Makikita sa Batayang Kagamitang Pangguro ang iba pang gawain na inilaan para sa
mga magagaling sa klase, katamtaman ang galing, at mahihina upang makaagapay sa mga
kaganapan sa loob ng silid-aralan. Ito ang tinatawag na Differentiated Instruction.
Sa bawat gawain ay may inihandang rubric upang sukatin ang kakayahan ng mga
mag-aaral.

– ito ang susukat kung naunawaan ng mga mag-aaral ang aralin o kabanatang
tinalakay. Iba’t ibang estratehiya ng pagtatanong ang ginamit dito.

– ito ang tinatawag na follow-up sa Ingles. Kung naunawaan ng mag-aaral


ang aralin, madaling maisasakatuparan ang ipinagagawa sa kanya. Ito ang bunga ng kanyang
pagkatuto.

– makatutulong ito nang labis sa bahagi ng guro at mag-aaral sapagkat magkakaroon


ang huli ng ideya sa paksang tatalakayin sa kinabukasan, samantalang ang guro ay hindi na
mahihirapang magdikta ng mga katanungan.

Naging instrumento ng OBRA MAESTRA ang Understanding by Design (UbD) na binibigyang-diin


ang kahalagahan ng paglikha at pakikilahok sa iba pang anyo ng programa na lilikha ng isang mayamang
konteksto para sa mabilis na pagkatuto at pagkaunawa.
Inaasahang sa tulong ng OBRA MAESTRA ay makalilikha ng mabubuting mag-aaral na magiging
dakila at tunay na magmamahal sa bayan at higit sa lahat sa ating Manlilikha na Siyang dahilan kung bakit
tayo ay naririto sa daigdig na ating ginagalawan.

Ang mga May-akda

viii

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Buod ng Noli Me Tangere

Si Kapitan Tiago ay naghandog ng isang masaganang hapunan para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra
mula sa Europa. Si Crisostomo Ibarra ay isang mayamang binata na kasintahan ng kanyang anak na si Maria
Clara at anak ng kanyang kaibigang si Don Rafael Ibarra.
Ilan sa mga dumalo sa hapunan ay si Padre Damaso na paring Pransiskano at kura ng San Diego, si
Padre Sibyla na isang paring Dominiko, si Tenyente Guevarra na opisyal ng mga guwardiya sibil, ang huwad
na manggagamot na si Don Tiburcio de Espadaña at ang kanyang asawang si Doña Victorina. Napag-
usapan nila ang pag-aaral ni Ibarra sa Europa habang kumakain. Ang lahat ay humanga sa katalinuhan
ng binata maliban kay Padre Damaso na dalawang beses ipinahiya ang binata ngunit ito ay kanyang
pinagpasensiyahan.
Nang matapos ang hapunan, si Ibarra ay nagpaalam na at sumabay sa kanya si Tenyente Guevarra.
Ang tenyente ang nagsalaysay kay Ibarra tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama sa bilangguan. Ayon sa
tenyente, si Don Rafael Ibarra ay ibinilanggo dahil sa hindi sinasadyang pagkakapatay sa isang mangmang
na Kastilang tagasingil ng buwis.
Kinaumagahan, dinalaw ni Ibarra si Maria Clara. Ginunita nila ang mga araw ng kanilang pagmamahalan
simula pa ng kanilang pagkabata. Kinabukasan, araw ng mga patay, natuklasan ni Ibarra na nawawala
ang libingan ng kanyang ama. Sa pamamagitan ng sepulturero, napag-alaman niyang ipinahukay ni
Padre Damaso ang bangkay ng kanyang ama at pagkatapos ay ipinalipat sa libingan ng mga Intsik ngunit
dahil umuulan noon nang malakas at napakabigat ng bangkay, itinapon na lamang niya ito sa lawa.
Nakaramdam ng matinding galit si Ibarra. Nang lisanin niya ang libingan ay nakasalubong niya si Padre Salvi
at napagbuntunan niya ito ng kanyang galit. Ang tanging nasabi ng pari sa binata ay wala siyang kinalaman
sa mga pangyayari at hindi siya ang kura ng San Diego ng mga panahong iyon.
Sa kabila ng lahat, tinangka ni Ibarra na kalimutan ang mga nangyari at sa halip ay ipinagpatuloy na
lamang niya ang isang mabuting adhikain. Ito ay ang pagpapatayo ng isang paaralan.
Ngunit, sa araw ng paghuhugos sa paaralang ipinapatayo ni Ibarra, nangyari ang hindi inaasahan.
Ang taong namahala sa paghuhugos ay namatay dahil sa pagbagsak ng batong inihuhugos. Nang si Ibarra
ay umuwi upang magpalit ng kasuotan, naging panauhin niya si Elias na nagtapat sa kanya ng masamang
balak ng taong namahala ng paghuhugos. Sinabi ni Elias na ang Diyos na ang humatol sa nangyaring
pagkamatay ng taong namahala sa paghuhugos. Si Elias ay ang pilotong iniligtas ni Ibarra sa buwaya nang
siya at ni Maria Clara at ng kanilang mga kaibigan ay nagkaroon ng kasayahan.
Si Ibarra ay naghandog ng isang pananghalian pagkatapos ng paghuhugos. Sa hindi inaasahang
pangyayari, dumating si Padre Damaso at hinamak niya ang pagkatao ng ama ni Ibarra. Hindi na napigilan
ni Ibarra ang sarili kaya’t nilundag niya ang pari at tinangkang saksakin ngunit mabilis na pumagitna si
Maria Clara sa dalawa. Ito ang dahilan kung bakit si Ibarra ay hinatulan ng pagiging excomulgado. Ito rin ang
naging dahilan upang utusan ni Padre Damaso si Kapitan Tiago na sirain ang kasunduan na ipakasal si Maria
Clara sa binata.
Nagkasakit si Maria Clara. Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago ang mag-asawang de Espadaña kasama
ang pinsan ni Don Tiburcio na si Don Alfonso Linares de Espadaña na mula sa Espanya. Ginamot ng huwad
na doktor na si Don Tiburcio si Maria Clara. Sa pagdating ni Padre Damaso, ipinakilala ni Doña Victorina si
Linares sa pari. Naisip ni Padre Damaso na si Linares ang ipakasal kay Maria Clara na lihim namang ikinabalisa
ni Padre Salvi.

ix

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Gumaling si Maria Clara. Ngunit, hindi sa mga gamot na ibinigay ni Don Tiburcio kundi dahil sa mga
gamot na ipinadala ni Ibarra kay Sinang.
Naging panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago ang Kapitan Heneral. Nabalitaan ng Kapitan Heneral ang
mga pangyayaring kinasangkutan nina Ibarra at Padre Damaso. Nang makausap ng Kapitan Heneral si
Ibarra, naging palagay ang loob nito sa binata. At sa kanyang tulong, naalis ang pagiging excomulgado ni
Ibarra. Sa kasawiang-palad, nagkaroon ng kaguluhan sa kuwartel at si Ibarra ang pinagbintangan kaya’t siya
ay hinuli at ibinilanggo sa kabila ng wala siyang kinalaman sa mga pangyayari.
Ang kasunduang pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares ay ipinaalam sa pamamagitan ng isang
hapunan sa bahay ni Kapitan Tiago. Samantala, si Ibarra ay nakatakas sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Nagkaroon ng pagkakataong mag-usap sina Ibarra at Maria Clara. Ipinagtapat ni Ibarra na siya ay
napahamak dahil sa mga sulat na ibinigay niya kay Maria Clara. Ang mga ito ay ginamit sa hukuman. Ngunit,
ayon sa dalaga, ang mga sulat na iyon ay nakuha sa kanya dahil sa pagbabanta at pananakot. Ipinagtapat ni
Maria Clara kay Ibarra na siya ay anak ni Padre Damaso. Ang lihim ng kanyang pagkatao ay nalaman ni Padre
Salvi sa isang sulat na naiwan ng kanyang tunay na ama sa kumbento. Ito ang ipinagpalit ni Padre Salvi sa
mga sulat ni Ibarra kay Maria Clara. Ipinagtapat din ni Maria Clara kay Ibarra na siya ay magpapakasal kay
Linares upang ingatan ang dangal ng kanyang ina ngunit ang kanyang pag-ibig ay mananatiling nakaukol
lamang kay Ibarra.
Pagkatapos mag-usap nina Ibarra at Maria Clara, sumakay ang binata sa bangka na kung saan ay
naghihintay na si Elias. Pinahiga ni Elias sa bangka ang binata at tinabunan niya ito ng mga damo at binagtas
nila ang Ilog Pasig. Ngunit hindi sila nakaligtas sa mga guwardiya sibil. Pinaulanan ng mga guwardiya sibil
ng bala ang bangka nina Ibarra. Sinabi ni Elias na magkita na lamang sila sa gubat na pag-aari ng mga
ninuno ni Ibarra upang doon ay kunin ang kayamanan na kanyang iniligtas mula sa nasusunog na bahay ni
Ibarra. Mabilis na lumundag sa tubig si Elias upang iligaw ang mga tumutugis sa kanila.
Kumalat ang balitang patay na si ibarra. Nawalan na ng pag-asa si Maria Clara kaya’t nakiusap siya kina
Kapitan Tiago at Padre Damaso na payagan siyang magmongha. Sa kabila ng pagtutol ni Padre Damaso sa
kagustuhan ni Maria Clara, wala itong nagawa kung hindi ang pumayag nang sabihin ng dalaga na dalawa
na lamang ang kanyang pinagpipilian: ang kumbento o ang kamatayan.
Ang balitang kumalat ay walang katotohanan. Nang makarating si Elias sa gubat, siya ay sugatan at
naghihingalo sapagkat siya ay natamaan nang paulanan siya ng bala ng mga guwardiya sibil nang siya ay
lumundag sa tubig upang iligtas si Ibarra. Ngunit, bago siya bawian ng buhay, siya ay humarap sa silangan
at sinabing “Mamamatay akong hindi man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking
Inang Bayan! Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi.”

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Buod ng El Filibusterismo

Ang Bapor Tabo ay maingat na naglalakbay patungong Laguna mula sa Maynila sa kabila ng kanyang
kahirapan sa pagsalunga sa agos at liko-likong daan ng Ilog Pasig. Sa kubyerta nito ay lulan ang mga
Reverendos na sina Padre Sibyla, Padre Salvi, Padre Camorra, at Padre Irene. Kausap nila si Quiroga na isang
negosyanteng Intsik, at si Doña Victorina. Ang donya ay patungo ng Laguna upang hanapin ang kanyang
asawang si Don Tiburcio. Sa ibaba ng kubyerta, sakay sina Padre Florentino, isang paring Pilipino, na kasama
ang kanyang pamangking si Isagani, isang makata. Sakay rin si Basilio na ngayon ay isa nang mag-aaral ng
pagkadoktor sa kalinga ni Kapitan Tiago. Kasama nila sa ibaba ng kubyerta ang karamihan sa mga Intsik at
mga Pilipino na ang ilan ay mga mag-aaral.
Ang pangunahing tauhan sa nobela ay si Simoun, isang nagbabalatkayong mag-aalahas na walang iba
kung hindi si Ibarra. Isa siya sa mga pasahero ng Bapor Tabo na nasa kubyerta. Sa mga huling pangyayari sa
Noli, si Ibarra ay tinugis ng mga guwardiya sibil ngunit sa tulong ni Elias, siya ay nakaligtas. Ang kayamanang
ibinaon ni Elias sa kagubatan ng mga Ibarra ay kanyang hinukay at siya ay nagtungo sa Cuba. Nakilala niya
roon ang mga matataas na Kastila. Sa tulong ng kanyang mga impluwensiya at ng kanyang kayamanan, siya
ay naging makapangyarihan. Pagkatapos ng labingtatlong taon, siya ay nagbalik ng Pilipinas sa katauhan
ni Simoun, isang mayamang mag-aalahas at tagapayo ng Kapitan Heneral. Ang kanyang tunay na hitsura
ay tinatakpan ng malaking salamin sa mata na kulay asul at siya ay laging nakasombrero ng bastipor. Ang
kanyang pangalan sa pagbabalik niya ng Pilipinas ay Simoun. Sa kanyang pagbabalik, dalawa lamang
ang kanyang layunin: ang ibagsak ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas at iligtas si Maria Clara sa
kumbento ng Sta. Clara.
Ang tunay na katauhan ni Simoun at ang kanyang mga layunin sa kanyang pagbabalik ay nalantad
kay Basilio nang sila ay magkita sa kagubatan na dating pag-aari ng mga Ibarra at ngayon ay pag-aari na ni
Kapitan Tiago. Noon, si Basilio ay dumadalaw sa libingan ng kanyang inang si Sisa samantalang hinuhukay
ni Simoun ang naiwang natitirang kayamanan na ibinaon ni Elias.
Ngunit, ang layunin ni Simoun na paghihimagsik laban sa mga Kastila ay hindi naisakatuparan dahil sa
pagkamatay ni Maria Clara na kanyang nalaman mula kay Basilio. Ito ang naging dahilan upang makalimot
siya sa hudyat ng pagsisimula ng himagsikan.
Si Isagani, ang pamangkin ni Padre Florentino ay naging kasintahan ni Paulita Gomez, ang magandang
dalaga na pamangkin ni Doña Victorina. Sa kasawiang-palad, si Paulita ay naipakasal kay Juanito Pelaez.
Siya ang isa sa mga mag-aaral na masigasig na nagtataguyod ng Akademya ng Wikang Kastila kasama niya
sina Macaraig, Tadeo, Pecson, Juanito, Sandoval na isang Kastila, at si Basilio. Ngunit ang huli, sa kabila
ng kanyang pagsang-ayon sa adhikain ng samahan ay hindi madalas nakakasama sa mga pagpupulong o
gawain ng akademya dahil sa kanyang pag-aalaga kay Kapitan Tiago at pag-aaral bukod pa sa alam niyang
pinaghahanap siya ng mga guwardiya sibil dahil sa bintang noon sa kanilang magkapatid ng pagnanakaw.
Ang Akademya ng Wikang Kastila ay hindi naisakatuparan ayon sa kagustuhan ng mga mag-aaral na
kasapi dahil ang naatasang magbigay ng panukala ukol dito ay si Don Custodio na tinatawag ding “Buena
Tinta” ni Ben Zayb na kanyang kaibigan at isang mamamahayag.
Maliban sa mga nabanggit pang mag-aaral ay si Placido Penitente. Isang matalinong mag-aaral ng
Unibersidad ng Sto. Tomas na mula sa Tanauan, Batangas. Ngunit dahil sa hindi magandang pamamalakad
ng karamihan ng mga propesor sa nasabing unibersidad, si Placido ay hindi na pumasok ng paaralan na
lingid sa kaalaman ng kanyang ina. Nakatagpo niya si Simoun sa perya habang siya ay naglilibot dahil ayaw
na niyang pumasok sa paaralan. Mula noon, naging kaanib na siya ni Simoun.
Pagkatapos magpagaling ni Simoun mula sa kanyang pagkakasakit, muli niyang inihanda ang lahat
ng kanyang kailangan sa kanyang balak na paghihimagsik. Sa pamamagitan niya ay naipakasal si Paulita

xi

Calvary Christian School - SY 2013-2014


kay Juanito. Sa araw ng kasal, nagtungo si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago na ngayon ay pag-aari ni
Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Dala ni Simoun ang regalong lampara na magpapasabog sa buong
kabahayan. Naroroon ang mga taong tinitingala sa lipunan tulad ng Kapitan Heneral at mga prayle.
Ang pagsabog ng kabahayan ang magiging hudyat ng himagsikan. Sina Simoun at Basilio lamang ang
nakababatid ng lahat sapagkat ang huli ay sumang-ayon na sa una tungkol sa paghihimagsik dahil sa mga
naranasan nitong mga kaapihan tulad ng pagkakabilanggo nang walang kasalanan.
Si Isagani na nag-iisa sa kanyang kalumbayan ay nasa labas ng bahay ni Kapitan Tiago at nagmamasid
sa araw ng kasal nina Paulita at Juanito. Sa gayong ayos siya nakita ni Basilio na nagpayo sa kanyang lumayo
sapagkat nalalapit na ang pagsabog ng lampara. Ito ang dahilan kung bakit pinasok ni Isagani ang bahay,
inagaw ang lampara, at itinapon sa ilog. Walang nakakilala sa kanya dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Ngunit, ito ang naging daan upang matuklasan ng mga maykapangyarihan ang binalak na paghihimagsik
ni Simoun.
Si Simoun ay pinaghahanap ng mga maykapangyarihan ngunit hindi nadakip. Siya ay nakatakas dala
ang kanyang kayamanan ngunit hindi nakaligtas sa pananakit ng mga taong nag-akalang niloko niya sa
pagkakaroon ng himagsikan. Sugatan siyang nakarating sa bahay ni Padre Florentino na nasa tabi ng dagat.
Hindi naglaon, nabatid din ng mga maykapangyarihan ang kanyang kinaroroonan. Ang tenyente
ng mga guwardiya sibil ay nagpadala ng telegrama kay Padre Florentino na nagsasabing dadakpin nila si
Simoun, patay man o buhay ito. Ayaw magpadakip ni Simoun nang buhay kaya’t uminom siya ng lason.
Ngunit, bago siya nalagutan ng hininga, ikinumpisal niya ang kanyang tunay na pagkatao at hangarin kay
Padre Florentino na ikinagulat ng huli.
Ang kayamanan ni Simoun ay inihagis ni Padre Florentino sa dagat at sinabing “Sana ay itago ka ng
kalikasan ng dapat at pahintulutan ka lamang ng Diyos na matagpuan ng tao kung gagamitin ka para sa
isang banal at dakilang layunin.”

xii

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kasaysayan ng El Filibusterismo

Ang nobelang El Filibusterismo ay sinimulang isulat ni Rizal noong 1887 sa Calamba nang magbalik
siya sa Pilipinas. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat nito sa Madrid, Paris, at Brussels. Noong Marso 29, 1891,
pagkatapos ng tatlong taon, natapos ni Rizal ang manuskrito nito sa Biarritz, isang lungsod sa Pransiya.
Noong Hulyo 5, 1891, si Rizal ay nagtungo ng Ghent, isang kilalang unibersidad sa Belgium, sa
dalawang dahilan: una, upang doon ipalimbag ang nobela sa kadahilanang higit na mababa ang halaga ng
pagpapalimbag sa Ghent at ikalawa, upang iwasan si Suzanne Jacoby. Sa tahanan nina Suzanne tumira si
Rizal nang siya ay nasa Brussels, Belgium dahil sa mataas na uri ng pamumuhay sa Paris. Dito niya nakilala
sina Jose Alejandro at Edilberto Evangelista, mga mag-aaral ng pagkainhenyero sa Unibersidad ng Ghent.
Si Alejandro ang nakasama ni Rizal sa isang maliit na silid na kanilang inupahan dahil sa mababang halaga
ng upa nito upang makapagtipid.
Noong Setyembre 18, 1891, ipinalimbag ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa F. Meyer Van, Loo
Press dahil sa ito ang nag-alok sa kanya ng pinakamababang halaga sa pagpapalimbag ng kanyang nobela
bukod pa sa maaari niya itong bayaran nang hulugan. Ngunit sa kabila nito, nakaranas pa rin ng kakulangan
ng pondo si Rizal kung kaya’t ang pagpapalimbag ay natigil. Ang kinita niya sa pagsanla ng kanyang mga
alahas, ang dalawang daang pisong pinagbilhan niya ng mga kopya ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga
bukod pa sa ipinadadalang pera ni Basa sa kanya ay hindi nakasapat sa pagpapalimbag.
Ang naging kalagayan ni Rizal sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo ay nakarating kay Valentin
Ventura at siya ay kaagad na nagpadala ng pera. Dahil sa tulong pinansyal ni Valentin Ventura, natapos ang
pagpapalimbag ng nobela.
Si Rizal ay kaagad na nagpadala ng dalawang kopya kina Basa at Sixto Lopez sa Hong Kong pagkatapos
mailimbag ang nobela. Ang orihinal na manuskrito na may dedikasyon at sarili nitong lagda ay ipinadala
niya kay Valentin Ventura sa Paris bilang tanda ng kanyang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat.
Bukod kina Basa, Lopez, at Ventura, si Rizal ay nagpadala rin ng kopya sa kanyang mga kaibigang sina
Ferdinand Blumentritt, Mariano Ponce, Graciano Lopez Jaena, T. H. Pardo de Tavera, Antonio at Juan Luna at
marami pang iba na nagbigay ng kanilang papuri sa kagandahan ng nobela.
Dahil sa kagandahan ng nobela, ito ay hinangaan sa loob at labas ng Pilipinas. Ang pahayagang La
Publicidad ng mga Pilipino sa Barcelona ay naglathala pa ng papuri ukol sa nobela. Bukod pa rito, ito ay
inilathala nang kaba-kabanata sa El Nuevo Regimen, pahayagan ng Madrid, noong Oktubre 1891.
Ang nobelang El Filibusterismo ay inihandog ni Rizal sa tatlong paring martir na sina Padre Gomez,
Padre Burgos, at Padre Zamora. Sa kanila inihandog ni Rizal ang nobela sa kadahilanang hindi maalis sa
kanyang isipan ang kawalan ng katarungan ng kanilang kamatayan.

xiii

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Mga Tauhan

xiv

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Huli

Basilio

Doña Victorina

Paulita Gomez

Kapitan Heneral

xv

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Tandang Selo

Tulisan

xvi

Calvary Christian School - SY 2013-2014


UNANG BAHAGI
NASA KAMAY NG TAO ANG TAGUMPAY
NG KANYANG MITHIIN

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 1 Sa Kubyerta

Maipaunawa na ang tamang pagpapakatao ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga


kagandahang-asal

Mahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Dapat magpakatao ayon sa Paano dapat magpakatao?
itinatadhana ng batas o kautusan ng
Manlilikha.

A. Natutukoy ang mga salitang magkasingkahulugan sa loob ng pangungusap


B. Napag-uusapan ang mga paraan kung paano magpakatao
C. Naibabahagi ang naging damdamin nang pakitaan ng hindi maganda ng kapwa
D. Nakapagsasalaysay kung paano iwinasto ang kamaliang ginawa ng kapwa

Sa Kubyerta
(talata 1–28)

Halagahang Pangkatauhan: Kumilos ka ayon sa kagandahang-asal.

1 Isang umaga ng Disyembre


ay naglalakbay sa Ilog Pasig
ang Bapor Tabo patungong
Laguna. Tinawag na tabo ang
bapor dahil sa hugis nito na
hawig sa tabo. Ang sasakyang
ito ay nasa pamamahala ng
Reverendos at Illustrisimos.
2 Ang bapor na dumadaan sa
paliko-likong bahagi ng ilog
ay tila naghahari-harian at
tila pasigaw na nag-uutos
na parang isang higante sa
tuwing ito ay sumisipol.

Calvary Christian School - SY 2013-2014


3 Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang mga Indio, mga Intsik, at mga
mestisong nagsisiksikan, habang sa itaas naman ay naroon ang mga
manlalakbay, mga prayle, mga opisyal, at kawani ng pamahalaan na
komportableng nakaupo sa mga silya.
4 Ang kapitan ng barkong iyon ay mukhang mabait. Dati siyang nagla-
lakbay sa malalaking karagatan sakay ng mga matutuling sasakyang
pandagat at inihalintulad sa isang beterano dahil sa kanyang karana-
san. Naroon din sa barko si Doña Victorina, tanging Pilipinang nakahalo
sa mga taga-Europeo, na nakaupo sa paligid ng kalalakihan at pinupu-
na ang mga bangka at mga balsang nakaharang sa daanan ng barko.
Si Don Custodio naman ay mahimbing na natutulog. Naroon din ang
kanonigong si Padre Irene na nagbibigay-ningning sa mga pari. Maging
ang mayamang alaherong si Simoun na ayon sa iba ay itinuturing na
sanggunian at tagapagbigay-sigla ng Kapitan Heneral ay naroon din.

5 Lalo lamang uminit ang ulo ng donya sa pagsigaw ng kapitan ng


“Baporp!” “Estriborp!”. Naiinis na nagtanong si Doña Victorina kung
bakit sa maling dako gumagawi ang timonel. Mahinahon naman siyang tagagabay
sinagot ng kapitan na dahil mababaw sa lugar na iyon. Ayon sa kapitan
ay hindi na niya maaari pang paandarin nang mas matulin ang bapor
magdadaan
dahil sila ay maglalagos sa palayan at masisira din ang ibang pananim.
6 Kilala si Doña Victorina ng lahat dahil sa kagaspangan ng ugali at walang
taros nitong pagkuha sa kahit na anong naisin. Siya ang tagapangasiwa walang sawa
ni Paulita Gomez, ang mayamang dalagang naulila na ng ama’t ina.
Napangasawa niya si Don Tiburcio na isang Kastila. Mabait si Don
Tiburcio ngunit nang hindi na makatiis sa ugali ng kanyang asawa ay
nag-ala Ulises na tinakasan niya ito at hindi na binalikan pa.
7 Ang manunulat na nakikipagtalo sa isang batang pari na si Padre
Camorra ay si Ben Zayb. Ang Pransiskanong payat na namagitan sa
pagtatalo ng dalawa ay si Padre Salvi.
8 Ayon kay Padre Salvi, ang tulay ng Puente del Capricho ay nasabi ng mga
marurunong sa agham na hindi matibay ang pagkakagawa. Subalit
nasabi ng Pransiskano na kahit na ilang baha at lindol na ang nagdaan
ay naroon pa rin ito. Sumang-ayon naman si Padre Camorra sa pahayag
ni Padre Salvi.
9 Hindi agad nakaisip ng maisasagot dito ang mamamahayag. Nasiyahan
naman si Padre Salvi. Nilinaw niya na walang kinalaman ang kanyang
naunang pahayag dahil ang tunay na suliranin ay ang mismong lawa.

Calvary Christian School - SY 2013-2014


10 Sumabad si Doña Victorina at ayon sa kanya ay walang maayos na lawa
sa buong kapuluan. Ngunit mabilis na sumagot si Simoun sa isang di-
pangkaraniwang tono, na simple lamang ang solusyon sa kanilang
problema at hindi niya alam kung bakit walang nakaisip nito ni isa man
sa kanila. Si Simoun ay isang mag-aalahas na may kataasan, matipuno
ang pangangatawan, kayumanggi, nakasalamin nang malaki, kung
tumayo ay nakapanimbang ang bigat ng katawan sa dalawang paa.
11 Bumaling ang lahat kay Simoun upang marinig ang naisip na solusyon
nito. Ang solusyong naisip niya ay walang gagastusin. Lalo namang
nasabik ang mga tagapakinig ni Simoun sa kanyang sasabihin. Marami
ang nakapagsasabi na ito ang sanggunian ng kamahalan kaya naman
naniniwala ang lahat na malapit nang malutas ang suliranin. Maging
si Don Custodio na hindi marunong mapagod sa kanyang panukala ay
napalingon kay Simoun.
12 Ayon kay Simoun ay simple lamang ang solusyon. Maaaring humukay
ng matuwid na kanal hanggang sa labasan at gumawa ng panibagong
ilog upang ito ay maging diretso at mapadadali at magiging maginhawa
ang paglalakbay.
13 Nagulat ang lahat sa naisip na solusyon ni Simoun. Tumutol dito si Don
Custodio dahil alam niyang maraming bayan ang masisira kung ganoon
ang gagawin.
14 Sumagot si Simoun at sinabing walang masama kung masisira ang
bayan. Iminungkahi niya ang sapilitang paggawa sa mga preso at sa
mga mamamayan, bata man o matanda, sa loob ng apat hanggang
anim na buwan. Ayon sa kanya ay hindi na kailangan pang bayaran ang
mga ito at pagdalahin na lamang sila ng sariling kagamitang panghukay
at baong pagkain.
15 Nang dahil sa mungkahi ni Simoun na ibinatay sa paggawa ng mga
piramide sa Ehipto, natakot at nag-alala si Don Custodio na baka
magbunga ito ng hindi mabuti at maging tulay ng himagsikan.
16 Binalaan ni Don Custodio si Simoun na mag-ingat sa mga salitang
namumutawi sa mga labi nito. Ngunit ayon kay Simoun ay ibinabahagi lumalabas
lamang niya ang kanyang naisip na solusyon na walang gagastusin ang
pamahalaan.
17 Nagkaroon ng mainit na sagutan sa pagitan ng dalawa nang sapilitang
gawing mga manggagawa ang mga mamamayan. Nasabi pa ni
Simoun na ang paraan lamang na iyon ang maaaring gawin upang
makapagbukas ng panibagong ilog nang hindi gagastos nang malaki.
Subalit para kay Don Custodio, hindi ito magbubunga ng mabuti.
18 Hindi na pinansin pa ni Simoun ang mga
naging katwiran ni Don Custodio kaya
bago siya umalis, sinabi na lamang niya na
hindi na muling maghihimagsik ang mga
mamamayan kahit dagsaan man ng gawain
at patawan ng higit na buwis. Idinagdag
pang sayang naman ang mga prayle
kung maghihimagsik ang bayan. Hindi
makapaniwala ang lahat sa mga narinig
kay Simoun. Maaaring si Don Custodio ay
nakakuha ng kanyang katapat.
4

Calvary Christian School - SY 2013-2014


19 Upang makaganti ay isinalaysay niya ang tunay na dahilan kung paano
nakarating dito sa Pilipinas si Simoun. Dugtong niya na nagkakilala sina
Simoun at kapitan nang minsang magipit ito sa pera ay nangutang sa
alahero. Bilang ganti, inanyayahan niya si Simoun dito sa Pilipinas. At
simula noon ay siya na ang naging sanggunian ng kapitan.
20 Ayon pa kay Don Custodio ay hindi mangyayari ang ganoong mga
problema kung sumasangguni lamang ang mga maykapangyarihan sa
mga mas matagal nang naninirahan dito sa Pilipinas.
21 Lahat ng ito ay puro parinig kay Ben Zayb, habang si Padre Irene ay
patago lamang na ngumiti.
22 Nagwika si Don Custodio kay Ben Zayb na kung ang mga
maykapangyarihan lamang ay kumukonsulta sa kanya na may utak at
karanasan ay maaagapan ang suliranin tungkol sa Ilog Pasig.
23 Tila nanumbalik ang interes ng mga kausap at nagtanong tungkol sa tawag sa mga albu-
naisip niyang panukala. Kilala ang mga panukala niya katulad ng isang laryo noong pana-
siyentipiko ng mga medikong Lucas. hon ng Kastila
24 Pakunwari pang umubo si Don Custodio bago ito sumagot at sabay na
tinanong ang mga kausap kung sila ba ay nakakita na ng mga pato.
25 Ayon kay Ben Zayb ay malamang na nakabaril na siya nito noong
minsan sa lawa. Ngunit hindi iyon ang tinutukoy ni Don Custodio kundi
ang mga pato ng mga taga-Pateros at Pasig. Muli itong nagtanong kung
ano ang kinakain ng mga pato. Hindi nakasagot si Ben Zayb.
26 Walang nakaaalam ng tamang sagot kaya naman siya na rin ang
nagsabi. Kinakain nila ang susong maliliit na nasa lawa at yaong mga
nasa buhangin.
27 Hindi mapagtanto ng mamamahayag kung saan tutungo ang sinasabi
ni Don Custodio. Ayon sa kanya ay pipilitin niya na ang lahat ng taong
nakatira sa tabing ilog na mag-alaga ng pato nang sa gayon ay kakainin
ng mga ito ang mga susong magiging dahilan ng pagbabaw ng ilog.
Hindi na kakailanganin pang maghukay upang mapalalim ang ilog.
28 Dito na sumabad si Doña Victorina at tumutol sa panukala ni Don mungkahi
Custodio dahil kapag dumami ang mga pato tiyak na darami ang bilang
ng balot na ayaw na ayaw niya.

Salungguhitan ang mga salitang magkasingkahulugan sa loob ng pangungusap.


1. Ang mga timonel ay nagpunta sa gilid ng bapor para maging tagagabay.
2. Ang Bapor Tabo ay maglalagos sa palayan ngunit hindi maiiwasang madaanan ang iba pang
pananim.
3. Nagbigay ng panukala ang bawat kasapi ukol sa proyektong isasagawa nila at ang pinuno ay
lubos na nasiyahan sa mga mungkahi nito.
4. Ang mga balang ay walang taros na naminsala sa kabukiran ng Gitnang Luzon habang walang
sawang hinahagupit ito ng malakas na hangin.
5. Pilit niyang inuunawa ang mga salitang namumutawi sa labi ng kanyang ina ngunit napakatipid
ang kanyang salita.
5

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Mga Katanungan

1. Bakit inihalintulad sa isang naghahari-harian ang Bapor Tabo?


2. Isa-isahin ang mga tauhan at ang katangian ng bawat isa.
3. Bakit lalong lumalala ang init ng ulo ni Doña Victorina?
4. Si Doña Victorina ay nakapag-asawa ng isang Kastila na matagal na niyang pinapangarap. Ano
ang kanyang naging kalagayan sa buhay pagkatapos mag-asawa?
5. Ano ang mga panukala nina Simoun at Don Custodio upang magkaroon ng maayos na lawa?
6. Aling panukala ang kapaki-pakinabang at may katuturan? Ipaliwanag.
7. Sa ating lipunan sa kasalukuyan, ano ang sinasagisag ng ibabaw ng kubyerta?
8. Paano dapat magpakatao upang maging kalugod-lugod sa mata ng Manlilikha at ng tao?

Gawain

Iba’t ibang uri ng tao ang ating nakakasalamuha sa araw-araw, may kani-kanilang pananaw,
paniniwala, interes, naisin, at misyon. Dahil sa iba-iba ang personalidad ng tao, iba-iba ang kanilang
paraan kung paano maging tao at magpakatao. May mga taong mataas ang pagkakilala sa kanilang
sarili. Mayroon ding hindi marunong tumingin at umunawa ng kanyang kapwa, may mga taong
mapagpanggap, mga taong ipinapalagay na sila lang ang marunong at naghahari-harian, at mayroon
din namang tunay na tao. Ang tunay na tao ay may puso para sa kanyang kapwa. Hindi makasarili. Ang
iniisip niya ay kabutihan para sa lahat. Kung ang tao lamang ay marunong magpakatao, ang mundo ay
magiging masaya.
Nagiging ganap ang pagkatao kung siya ay sumusunod sa batas na itinatadhana ng pamahalaan
at ng Manlilikha. Paano ba maaaring magpakatao?
1. Huwag mong inuuna ang iyong sarili.
2. Pagmalasakitan ang mga taong nangangailangan ng tulong.
3. Maging mapagpakumbaba sa lahat ng pagkakataon.
4. Kilalanin ang karapatan ng iyong kapwa.
5. Maging mapagtimpi o habaan ang pasensiya upang maiwasan ang gulo.
6. Iwasan ang pamimintas sa kapwa.
7. Iwasan ang manakit sa damdamin ng kapwa.
8. Mahalin ang iyong kapwa.
Kayo ba, bilang kabataan, ay marunong magpakatao? May pagkakataon ba sa inyong buhay na
hindi kayo itinuturing na tao?
1. Hatiin sa limang pangkat ang buong klase.
2. Pag-usapan ang mga paraan kung paano magpakatao bukod sa mga nabanggit na sa itaas.
3. Magbahaginan ang mga kasapi ng kanilang karanasan nang pakitaan sila ng hindi maganda ng
kapwa.
4. Pag-usapan kung ano ang inyong naramdaman sa kanilang ginawa.

Calvary Christian School - SY 2013-2014


5. Isa-isang itala kung paano ninyo iwinasto ang kanilang kamalian.
6. Isulat sa scroll ang inyong kasagutan.
7. Humandang iulat ang napag-usapan.

Paano ko iwinasto ang taong


Mga Pangalan nagkasala o nagkamali sa akin?

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

Rubric sa Pag-uulat
Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________
Petsa _______________________________________________ Marka __________________________

Pamantayan 1 2 3 4 5
Kulang ang Hindi sapat Katamtaman Mahusay ang Napakagaling
nilalaman ng ang mga ang ibinahagi mga ibinahagi o ng mga
Nilalaman
mga ibinahagi. ibinahagi. o nilalaman. nilalaman. ibinahagi o
nilalaman.
1 2 3 4
Magulo ang mga May ilang Mahusay ang Napakaorganisado ng
Organisasyon ideya at walang ideya na hindi pagkakasunod- pagkakalahad ng mga
kaayusan. gaanong sunod ng mga ideya.
organisado. ideya.
Napakahina ng Hindi gaanong Katamtaman ang Buhay na buhay ang
boses kaya hindi malakas ang lakas ng boses kaya pag-uulat, malakas
Tinig
maunawaan ng tinig. naintindihan. ang tinig.
tagapakinig.
Hindi kinakitaan Hindi gaanong Mahusay-husay din Napakagaling ng pag-
ng tiwala sa sarili. kinakitaan ng mag-ulat ngunit uulat dahil sa tiwalang
Tiwala
tiwala sa sarili. may pagkakataon taglay.
sa Sarili
na kinakitaan ng
tiwala sa sarili.

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Piliin sa kahon ang tamang sagot upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

beterano Don Custodio Illustrisimos kapitan


Doña Victorina Simoun balot Don Tiburcio
daong ng pamahalaan Padre Camorra kanonigo

___________ 1. Ang Bapor Tabo ay pinamamahalaan ng mga Reverendos at ___________.


___________ 2. Ang kapitan ay inihalintulad sa isang ________ dahil sa kanyang karanasan.
___________ 3. Si _________ ay nagulat sa naging panukala ni Simoun.
___________ 4. Ang _________ na si Padre Irene ay sinasabing nagbibigay-ningning sa mga pari
dahil sa kanyang kaanyuan.
___________ 5. Kilalang-kilala si ________ sa kanyang ugali at bilang tagapangalaga ni Paulita
Gomez.
___________ 6. Ang nagbigay ng panukalang maghukay ng isang tuwid na kanal buhat sa
bunganga ng ilog ay si __________.
___________ 7. Si Doña Victorina ay hindi kumakain ng _______ dahil siya ay nasusuklam dito.
___________ 8. Ang ____________ ng barko ay itinuring na mabait at isang dating manlalakbay.
___________ 9. Nag-ala-Ulises si _______ matapos niyang hambalusin ang kanyang asawa nang
minsang sila ay mag-away.
___________ 10. Si Ben Zayb na isang manunulat ay nakipagtalo sa isang batang pari na si
________.

Pumili ng isang tauhan sa binasang kabanata na hindi mo gusto ang ugali. Iguhit ang kanyang
larawan. Sumulat ng isang diyalogo na magpapalit ng kanyang ugali at mabuting pakikitungo sa
kapwa. Iguhit ito sa isang puting papel at kulayan.

Basahin: Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta, mga pahina 9–12.

Mga Katanungan

1. Sino-sino ang nasa ilalim ng kubyerta? Ilarawan ang bawat isa.


2. Bakit ayaw paakyatin ni Padre Florentino si Isagani sa ibabaw ng kubyerta?
3. Ano ang ikinainis ni Isagani sa sinabi ni Simoun na may kinalaman kay Padre Camorra?

Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang 2D Flash Animated Digital Storybook ng “Sa Kubyerta” na may gabay ng guro at sagutin ang
mga kaukulang katanungan.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.
com upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta

Maipaunawa sa mga mag-aaral na mahalaga ang masusing pag-unawa at pagtitimpi upang


malutas ang mga tunggalian at nang maiwasan ang makasakit ng kapwa

Mahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Ang pangangatwiran ay nararapat na Paano maaaring makapangatwiran
idaan sa isang maayos at malumanay na nang hindi makasusugat sa damdamin ng
paraan upang hindi makasugat sa damdamin kapwa?
ng kapwa.

A. Naiaayos ang mga gulo-gulong titik upang makabuo ng mga salita na makapagbibigay-
kahulugan sa mga piling salita na mahirap unawain sa teksto
B. Nakabubuo ng mga paraan ng paglalahad ng mga pangangatwiran
C. Nakagagawa ng komik istrip ukol sa paksang pangangatwiran nang di nakasusugat ng kapwa

Sa Ilalim ng Kubyerta
(talata 1–36)

Halagahang Pangkatauhan: Igalang mo ang damdamin ng iyong kapwa.

1 Buwan ng Disyembre, napakaraming


tao sa ilalim ng bapor. Siksikan, pawisan,
may nakaupo at mayroon din namang
nakatayo. Mapapansin mo na abala ang
mga tao, bawat isa ay may kani-kanyang
ginagawa. Kahit sobra ang dami ng tao,
sila ay masasaya. May mga kabataang
palukso-lukso sa ibabaw ng mga tampipi
at mga kargada. Hindi alintana ang ingay pansin
ng makina at bulwak ng tubig na parang
hinahalukay at walang tigil na pagsipol
ng makina.

Calvary Christian School - SY 2013-2014


2 May tatlong lalaking nag-uusap, dalawa rito ay bata pa at ang isa naman
ay may edad na. Sila ay sina Basilio, mag-aaral ng medisina, at Isagani na
hindi palakibo at nagtapos sa Ateneo. Ang kanilang kausap ay si Kapitan
Basilio.
3 Kinumusta ng kapitan si Kapitan Tiago kay Basilio. Ayon kay Basilio ay
ayaw nitong magpagamot at inutusan siyang pumunta sa San Diego
upang tingnan ang mga paupahang bahay nito. Pero may hinala siya
na kaya lang siya inutusan ni Kapitan Tiago ay upang magkaroon ng
pagkakataong humithit ng opyo.
4 Hindi raw laganap ang paghithit ng opyo noong kapanahunan nina
Kapitan Basilio. Ngunit inamin din nito na mayroon nang ganoong
droga ngunit hindi nila iyon iniintindi dahil sila ay abala sa pag-aaral.
5 “Kumusta na ang itinatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?”
6 “Mabuti po naman, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang
gagamitin.”
7 Ngunit sinabi ni Kapitan Basilio, “Palagay ko’y hindi matutuloy dahil tatanggihan
tututulan ni Padre Sibyla.”
8 “Matutuloy po dahil hinihintay na lang po namin ang permiso pagkatapos
na makipagkita ni Padre Irene kay Kapitan Heneral. Niregaluhan namin
ng dalawang kabayong kastanyo at nangakong tutulungan niya kami,”
ang giit ni Isagani.
9 Itinanong ni Kapitan Basilio na kung papayagan naman sila, saan naman
nila kukunin ang perang gagamitin?
10 “Mag-aambag ang bawat eskuwela. Hati ang bilang ng mga guro sa magbibigay
Pilipino at Kastila. Ang mga kagamitan sa paaralan at ang bahay na ng abuloy
gagamiting paaralan ay ihahandog naman ng mayamang si Macaraig.”
11 Ayon kay Kapitan Basilio ay paurong na raw ang lakad ng panahon.
Noong sila ay nag-aaral, Latin ang itinuturo dahil ang kanilang mga paatras
libro ay Latin. Ngayon namang ang inyong mga libro ay Kastila ay hindi
naman itinuturo ang wikang Kastila.
12 Lumayo na si Kapitan Basilio at sabay nagtawanan ang magkaibigan.
Nasabi nila tuloy na ang mahirap sa mga tao noon, hindi muna
tinitingnan ang kagandahan o kabutihan ng isang bagay, sa halip ay hadlang
nakikita itong sagabal.
13 Binago ni Basilio ang usapan at itinanong kay Isagani kung ano ang sabi
ng kanyang tiyo tungkol kay Paulita.
14 Namula si Isagani nang sabihin kay Basilio ang sinasabi ng kanyang napahiya
tiyo na mag-ingat sa pamimili ng mapapangasawa. Humalakhak si
Basilio. Wala naman siyang maipipintas kay Paulita. Siya ay magandang-
maganda at mayamang-mayaman. Isa lang ang maipipintas sa kanya at
ito ay palaging nakabuntot ang tiya niyang nakaiinis.
15 Tungkol kay Doña Victorina, ipinahahanap kay Isagani ang asawa nito.
Pumayag si Isagani dahil ayaw nitong mawalan ng nobya. Ang totoo
niyan ay nagtatago si Don Tiburcio sa bahay ng kanyang tiyo.
16 Kaya ayaw magtungo ng tiyo ni Isagani sa itaas ng kubyerta ay baka kasi
tanungin siya ni Doña Victorina tungkol kay Don Tiburcio at hindi niya
alam ang isasagot.
10

Calvary Christian School - SY 2013-2014


17 Nang mapalapit si Simoun sa dalawang binata ay binati niya ang mga
ito at naitanong kung magbabakasyon si Basilio at kung kababayan niya
si Isagani.
18 Sinabi ni Basilio na hindi niya kababayan si Isagani pero magkalapit ang
bayan nila.
19 Kinumusta ni Simoun ang lalawigan na nakatuon ang tingin kay Basilio.
Mabuti naman daw ito. Pero naitanong ni Basilio kung nakapunta na si
Simoun sa kanilang lugar.
20 “Hindi pa dahil ang mga mamamayan doon ay hindi bumibili ng alahas.”
Idinugtong niya na maaaring ang lugar ay mahirap.

21 Sumabat si Isagani. “Hindi naman kami bibili ng hindi namin kailangan.”


22 Pinilit ni Simoun na ngumiti at sinabing huwag magalit. Hindi naman
nito gustong hamakin ang lalawigan ni Isagani. Nabalitaan lang niya na
ang kura-paroko ay isang paring Indio. Kapag paring Indio ay tiyak na
maralita ang bayang iyon. At niyaya na lang ni Simoun ang dalawa na
uminom ng serbesa.
23 Tumanggi ang dalawa sapagkat hindi naman sila umiinom ng alak.
Tumugon si Simoun na sabi nga raw ni Padre Camorra na nababagot at
walang buhay kung puro tubig ang iniinom.
24 Gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani. Wika ni Basilio, “Kung tubig lang
ang iniinom ni Padre Camorra ay wala siguro silang tsismis na maririnig.”
25 Idinugtong ni Isagani na hindi tulad ng alkohol ang matabang na tubig
sapagkat ito ay nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay pinainit at
naging singaw, iyon ay maaaring lumawak tulad ng dagat na handang
magwasak at pumatay.
26 Natigilan si Simoun, halatang napahanga ito sa dalawa. Itinanong ni
Simoun kung kailan nagiging singaw at dagat ang tubig.
27 Sinabi ni Isagani na magiging singaw ang tubig kapag ito ay pinainit ng
galit, hindi papayag na makulong sa lalagyan. Kapag ang maliit na tubig
ng ilog ay pinagsama-sama at nagkaisa, lalakas ang agos at maaaring
sumira ng maunlad na bayan.
28 Dahil sa mainit na usapan, tumalikod si Simoun nang walang paalam.
Tinanong ni Basilio kung ano ang dahilan ng pag-init ng ulo ni Isagani
at agad namang nagpaliwanag si Isagani na hindi niya gusto si Simoun.
11

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Pinayuhan ni Basilio ang kaibigan na huwag ipakita ang inis nito dahil
balita na si Simoun ang tagapayo ng Kapitan Heneral. Nagtanong
naman si Isagani kung saan narinig ang balitang iyon.
29 Ang usap-usapang ito ay galing kay Padre Irene na labis-labis ang
paninira kay Simoun kapag nakatalikod at kapag nakaharap ay sobra
ang puri sa mangangalakal. Maya-maya pa ay ipinatawag si Isagani ng
kanyang tiyuhin na si Padre Florentino.

30 Sa dakong hulihan ng bapor ay nakaupo roon


ang isang paring Pilipino. Kagalang-galang
at tahimik, mapagpakumbaba, at maraming
humahanga sa kanya. Pinagpupugayan ng ibinabalik ang pagbati
bawat bumabati sa kanya. Maganda ang
pangangatawan ngunit may edad na rin. May
bakas ng kalungkutan sa kanyang mukha. Siya
si Padre Florentino ang tiyo ni Isagani.
31 Anak-mayaman si Padre Florentino. Hindi niya ginusto
ang mag-pari. Kagustuhan ito ng kanyang ina. Ang
kanyang ina ay palasimbahin. Naging malapit ito
sa arsobispo at sa pag-aakala na makapaglilingkod
pa ito sa Diyos kung magiging pari ang kanyang anak, pinilit niya ang
binata sa kabila ng pagtutol nito. Sa katunayan ay may nobya ito, ngunit
umiral pa rin ang katigasan ng loob ng ina. namayani
32 Naging pari si Florentino at idinaos ang kanyang una at marangal na
misa sa edad na dalawampu’t lima. Ang kasiyahan ng kanyang ina ay
lubos-lubusan, kaya nang mamatay ang kanyang ina, lahat ng ari-arian
ay ipinamana sa anak na pari.
33 Gayunpaman, ito ay sumugat sa damdamin ni Padre Florentino na para nakasakit
bang wala nang makapagpapagaling. Bago idinaos ang kanyang unang
misa, nagpakasal ang kanyang kasintahan. Kung hindi sa likas niyang
pananalig sa Diyos, marahil ay nakaisip na siya ng masama.
34 Nagdulot ng pangamba sa pari ang nangyari noong taong 1872 kaya’t
ipinasya niya na mamuhay nang tahimik na tulad ng mga karaniwang
tao sa lupaing kanyang minana. Doon niya nakasama si Isagani na
anak ng isa niyang pinsang babaeng taga-Maynila. Ngunit para sa mga
madadaldal, ito raw ay anak niya sa nabiyudang dating katipan.
35 Nang makita ng kapitan ang pari, agad itong nilapitan at pinilit na
maisama sa itaas ng kubyerta kasama ang iba pang mga prayle. Baka
raw isipin ng mga ito na ayaw niyang makihalubilo sa kanila. Nakiusap makisama
ang kapitan na siya ay makihalubilo sa mga taong nasa ibabaw ng
kubyerta. Ito ang dahilan kaya ipinatawag ang pamangkin.
36 Nasabi ni Isagani na nagdadahilan lang daw ang kanyang amain
sapagkat ayaw lamang nito na makausap ni Isagani si Doña Victorina.

12

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Isaayos ang mga ginulong titik upang mabuo ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit
sa pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

i g p
___________ 1. Si Padre Florentino ay pinagpupugayan ng bawat bumabati
a b t a sa kanya.

y a b
___________ 2. Kinakailangang mag-ambag ang bawat eskuwela upang
u l o
maipagpatuloy nila ang panukalang Akademya ng Wikang
Kastila.
k m i a
___________ 3. Nag-alala si Padre Florentino na baka isipin ng tao sa itaas ng
a a m s kubyerta na ayaw niyang makihalubilo sa kanila.

a i m a
___________ 4. Kahit na may kasintahan na si Padre Florentino ay umiral pa
n a n y rin ang kagustuhan ng ina na maging pari siya.

a s n
___________ 5. Patuloy ang takbuhan ng mga bata at hindi alintana ang
p n i ingay ng makina ng barko.

Mga Katanungan

1. Ano ang layunin ni Basilio at siya ay pupunta sa bayan ng San Diego?


2. Ano ang hinala ni Basilio at pinapupunta siya ni Kapitan Tiago sa kanya sa San Diego?
3. Bakit naniniwala si Isagani na matutuloy ang itinatatag na Akademya ng Wikang Kastila?
4. Ano ang ibig sabihin ni Kapitan Basilio na paurong na ang lahat ng panahon? Kanino niya ito
pinatutungkol?
5. Paano napagalit ni Simoun sina Isagani at Basilio?
6. Bakit napahanga nina Isagani at Basilio si Simoun sa kanilang pag-uusap?
7. Ilahad kung paano naging pari si Padre Florentino.
8. Paanong nagkaroon ng kaugnayan si Isagani kay Padre Florentino?
9. Bakit ayaw ipakausap ni Padre Florentino si Isagani kay Doña Victorina?
10. Sa ating lipunan, ano ang sinasagisag ng ilalim ng kubyerta?

13

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Gawain

Sa mga paligsahan, bawat panig ay naghahangad na magwagi. Ang iba ay nag-iisip ng paraan
kung paano mauungusan ang katunggali. Ilan sa mga paraan ay ang paggamit ng dahas, pananakit
na maaaring lumatay sa katawan, o mga salitang hindi kayang kainin. Hindi ito lumalatay sa katawan
ngunit sa puso at damdamin ay nag-iiwan ito ng sugat na matagal maghilom. Sumisira din ito ng
dangal at pagkatao ng isang nilalang.
Ito ay nagaganap kahit saan. Pakinggan mo minsan ang pag-uusap ng ilan sa ating mambabatas
at nanunungkulan sa pamahalaan. Sa kanilang pagtatalumpati, maririnig ang hindi maiiwasang mga
maanghang na salita na kung minsan ay may character assasination nang nangyayari. Inaakusahan nila
ang isa’t isa na kadalasan ay hindi na umaakma sa kanilang posisyon sa pamahalaan at pagkatao.
Maging sa pangangampanya, ang mga parinigan at pag-aakusahan ay laging main event sa mga
political rally. Sa mga bangayang ito ng magkabilang panig ay tao o mamamayan ang naiipit. Ganito
na lang ba tayo lagi? Hindi ba maaaring makapangatwiran nang hindi nakasusugat ng damdamin ng
ating kapwa?
1. Hatiin ang klase sa apat.
2. Pumili ng isang lider na magpapadaloy ng usapan at kalihim na magtatala ng mga pag-uusapan.
3. Bawat kasapi ng pangkat ay magbabahaginan ng mga karanasan nang sila ay pinaringgan ng
masasakit na salita na sumugat sa damdamin.
4. Ano ang iyong ginawa upang ipaalam sa kanya na ikaw ay nasaktan?
5. Gumawa ng komik istrip na may anim (6) hanggang walong (8) kuwadro na ipinakikita kung
paano ang tamang pangangatwiran.

Rubric sa Paggawa ng Komik Istrip

Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________


Petsa ________________________________________________ Marka __________________________

Pamantayan 1 2 3 4 5
Walang Marami sa May ilang Mahusay ang Angkop na
kaugnayan mga larawan mga pagkakagu- angkop sa
Kaangkupan
ang mga ang hindi larawang hit ng mga paksa ang
ng mga
larawang angkop sa iginuhit na larawan ngunit mga larawang
Larawang
iginuhit sa paksa. hindi angkop hindi gaanong iginuhit.
Ipinakita
paksa. sa paksa. umayon sa
paksa.
Malabo at May ilang Mahusay- Mahusay ang Napakahusay ng
nakalilito ang pangyayari husay ang pagkakasu- pagkakaayos ng
Pagkaka-
takbo ng mga na walang pagkakaha- nod-sunod mga pangyayari
sunod-sunod
pangyayari. kaugnayan nay ng mga ng mga na nagpakita ng
ng mga
sa ilang pangyayari. pangyayari. tuloy-tuloy na
Pangyayari
sitwasyon. daloy ng mga
kaganapan.

14

Calvary Christian School - SY 2013-2014


1 2 3 4
Marami sa mga May ilang salitang Mahusay ang Ang lahat ng
Mga salitang ginamit ay hindi gaanong pagkakalapat ng diyalogo ay
Diyalogong hindi umangkop sa angkop sa usapan mga diyalogo sa tumugma sa
Ginamit diyalogo ng mga ng mga tauhan. maraming usapan. usapan.
tauhan.
Walang kaugnayan May ilang pahayag Mahusay at Napakahusay at
sa teksto at hindi sa kapsyon na malinaw na napakalinaw na
Kapsyon
malinaw ang mga walang kaugnayan naipahayag ang naipahayag ang
(Caption)
kapsyon. sa teksto. nakapaloob sa nakapaloob sa
bawat kapsyon. bawat kapsyon.

Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.

_______ 1. Ang tunay na dahilan kung bakit pinapunta ni Kapitan Tiago si Basilio sa San Diego ay
upang ________.
a. maningil sa mga paupahan
b. makahithit ng opyo
c. makapamasyal sa Maynila
d. mabisita si Maria Clara
_______ 2. Umamin si ____________ na may droga na noong kapanahunan nila subalit hindi nila
ito iniintindi.
a. Kapitan Tiago
b. Kapitan Basilio
c. Kapitan ng barko
d. Kapitan Tinong
_______ 3. Ayon kay Isagani ang tanging kapintasan ni Paulita ay ______________.
a. ang kanyang kadaldalan
b. ang pagiging mayaman
c. ang pagkakaroon ng tiyahin na laging kasama
d. ang pagiging pansinin
_______ 4. Ayon kay Isagani, ang maaaring sumira sa isang maunlad na bayan ay ang tubig ____.
a. dagat
b. apoy
c. lupa
d. hangin

15

Calvary Christian School - SY 2013-2014


_______ 5. Ayon kay Simoun, ang isang bayan ay maralita kapag ang ______ ay isang Indio.
a. Kapitan Heneral
b. kalihim
c. kura paroko
d. kawani
_______ 6. Si _______ ay naging pari dahil lamang sa kagustuhan ng kanyang ina.
a. Padre Salvi
b. Padre Camorra
c. Padre Florentino
d. Padre Irene
_______ 7. Labis-labis ang paninira ni ________ kay Simoun kapag nakatalikod at kapag nakaharap
ay labis namang pumupuri sa mangangalakal.
a. Padre Camorra
b. Padre Irene
c. Ben Zayb
d. Padre Salvi
_______ 8. Ang ina ni Padre Florentino ay namatay nang maligaya matapos na makapagmisa ang
kanyang anak sa ______.
a. unang pagkakataon
b. pangalawang pagkakataon
c. ikatlong pagkakataon
d. ikaapat na pagkakataon
_______ 9. Dahil sa takot na maranasan ang mga pangyayari noong taong ______ ay ipinasya
ni Padre Florentino na tumiwalag sa pagkapari at mamuhay bilang isang karaniwang
mamamayan.
a. 1871
b. 1872
c. 1874
d. 1875
_______ 10. Ayaw paakyatin ni Padre Florentino si Isagani sa ibabaw ng kubyerta upang maiwasan
________.
a. si Doña Victorina
b. ang kapitan ng barko
c. si Simoun
d. si Padre Salvi

Nakilala at nabatid mo na ang mga naging reaksiyon ng mga tauhan sa mga pangyayaring kung
paano sila nasaktan. Balikan mo sa iyong alaala ang pangyayari sa buhay mo na ikaw ay nakasakit ng
kapwa. Isipin mo kung sino siya at gumawa ng isang liham na humihingi ng paumanhin. Isulat ito sa
isang puting papel.

16

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Basahin: Kabanata 3 – Mga Alamat, mga pahina 18–20

Mga Katanungan

1. Ano-anong alamat ang napag-usapan sa kabanata? Kanino ipinatutungkol ang mga alamat?
2. Bakit labis na hinangaan ni Ben Zayb ang alamat ng milagro ni San Nicolas?
3. Paano ipinakita ni Simoun ang kanyang pagtitimpi habang pinag-uusapan ang mga pangyayari
tungkol sa kanyang magulang?

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

17

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 3 Mga Alamat

Maipaunawa na mahalagang pigilin ang damdamin kapag sinasaling na ang mahalagang bahagi
ng ating pagkatao upang maiwasan ang mainit na pagtatalo

Mahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Kinakailangang pigilin ang damdamin Bakit kinakailangang pigilin ang
kapag nasasaling na ang mahahalagang damdamin kapag nasasaling na ang
bahagi ng ating pagkatao upang hindi mahalagang bahagi ng ating pagkatao?
magkaroon ng mainit na pagtatalo at
maiwasan ang hindi inaasahang mangyayari.

A. Natutukoy ang kahulugan ng ilang piling salita sa teksto


B. Nakapagbabahagi ng mga karanasan ng mga nakapagtimpi sa mga pangyayaring ang mga
mag-aaral ay tinutudyo at napigil ang mga sarili
C. Napag-uusapan kung bakit kailangang pigilin ang sarili kapag nasasaling na ang mahahalagang
bahagi ng pagkatao
D. Nakabubuo ng kongklusyon kung ano ang dapat gawin upang makapagtimpi

Mga Alamat
(talata 1–10)

Halagahang Pangkatauhan: Mahalagang pigilin ang damdamin upang makaiwas sa anumang


masamang balak.

1 Nadatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan


ang mga taong nasa kubyerta, habang ang mga
prayle naman ay dumaraing dahil sa pagkamulat
ng mga Pilipino at pag-uusig ng mga ito sa mga
bayarin sa simbahan. Pagkarating naman ni
Simoun ay sinabi ni Don Custodio na sayang at
hindi nito nakita ang magagandang tanawin.
Ayon naman kay Simoun, walang kuwenta sa
kanya ang isang pook kung ito ay walang alamat.

18

Calvary Christian School - SY 2013-2014


2 Kaya naman isinalaysay ng kapitan ang Alamat ng Malapad na Bato.
Ang bato raw na iyon ay itinuturing na banal ng mga katutubo at
pinamamahayan ng mga espiritu. Nang gawing tirahan ng mga tulisan
ang naturang bato ay nawala ang takot ng mga tao sa espiritu subalit
napalitan naman ng takot sa mga tulisan.

3 Nabanggit din ng kapitan ang tungkol


sa alamat ni Doña Geronima subalit
ipinakuwento niya ito kay Padre Florentino.
Si Doña Geronima raw ay may kasintahan
na nangakong sila ay magpapakasal kapag
nakapagtapos na ng pag-aaral. Ngunit hindi
na bumalik ang nobyo at nang puntahan niya
ito sa Maynila ay isa na pala itong arsobispo.
Kinausap niya ang dating kasintahan at
sinabing kailangan niyang tuparin ang
kanyang pangako. Iba naman ang naisip ng
arsobispo. Itinira niya si Doña Geronima sa
isang kuweba na malapit sa ilog. Ang lagusan
ng kuweba ay napapalamutian ng mga nagagayakan
baging.
4 Si Ben Zayb ay humanga sa istorya ni Doña Geronima habang si Doña
Victorina naman ay naiinggit dahil nais din nitong manirahan sa isang
kuweba.
5 Nagtanong naman si Simoun kay Padre Salvi, “Hindi ba’t mas mainam
kung sa isang beateryo gaya ng Sta. Clara itinira ng arsobispo si Doña
Geronima?” Sapagkat ang ipain si Doña Geronima sa panganib sa loob iumang
ng kuweba ay hindi masasabing isang mabuting gawain ng isang
matinong tao. Ngunit ayon kay Padre Salvi ay wala siya sa lugar upang
bigyang hatol ang naging desisyon ng arsobispo sa alamat kahit siya pa
ang gobernador eklesiastikong humalili sa arsobispo.
6 Upang maiba ang usapan ay ipinagpatuloy naman ni Padre Salvi ang
pagkukuwento ng alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik na
muntik nang kainin ng buwayang nasa ilog. Isang araw ay namamangka
patawid ng ilog ang naturang Intsik na hindi binyagan. Nang biglang
lumabas ang isang demonyong nag-anyong buwaya at pinalubog ang
bangka ng Intsik. Naging bato ang naturang buwaya matapos magdasal
ang Intsik kay San Nicolas. Ang pagkilala at pananampalataya ng Intsik
kay San Nicolas ay isa nang kalamangan ng Katolisismo. kalabisan

19

Calvary Christian School - SY 2013-2014


7 Nang papasok na ng lawa ang bapor ay nanggilalas ang lahat sa kaaya-
ayang tanawing nakita. May naalala si Ben Zayb nang makita ang lawa, kalugod-lugod
kaya tinanong niya ang kapitan kung saang banda ng lawa napatay ang
isang nagngangalang Guevarra, Navarra, o Ibarra.
8 Itinuro ng kapitan kung saan tinugis si Ibarra ng mga sundalong hinabol
humabol sa kanya at sinabing nang malapit na itong maabutan ay
saka sumisid at tumalon. Hinanap naman ni Doña Victorina ang mga
bakas ng pagkamatay ni Ibarra gayong maglalabing-tatlong taon nang
nangyari iyon.
9 Muling nagtanong si Ben Zayb kung saan napunta ang bangkay ni Ibarra.
Ayon kay Padre Sibyla ay malamang daw kasama na rin ng bangkay ng
kanyang ama. Iyon daw ang murang libing ayon kay Ben Zayb.
10 Namutla si Simoun at nawalan ng kibo. Kaya naman ipinagpalagay ni
Ben Zayb na maaaring nahihilo si Simoun sa paglalakbay. Nagtaka ang
manunulat dahil isang kilalang manlalakbay si Simoun gayong ang ilog
na kanilang dinaraanan ay halos patak lamang ng tubig ang laman kung
ihahambing sa mga lugar na kanyang napuntahan.

Punan ng mga nawawalang titik ang mga kahon upang mabuo ang mga kahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. Ang pasukan ng kuwebang tinitirhan ni Doña Geronima ay napapalamutian ng mga baging.

A K N

2. Ang pagkilala at pananampalataya ng Intsik kay San Nicolas ay isa nang kalamangan ng
Katolisismo.

K L S

3. Itinuro ng kapitan kung saan tinugis ng mga sundalo si Ibarra.

I B L

4. Nanggilalas ang lahat sa kaaya-ayang paligid at mga tanawin habang pumapasok sa lawa ang
Bapor Tabo.

K – D

5. Ang ipain si Doña Geronima sa panganib sa loob ng kuweba ay hindi masasabing isang mabuting
gawain ng isang matinong tao.

I M G

20

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Mga Katanungan

1. Ano ang layunin ni Simoun at dinala niya ang usapan ukol sa mga alamat?
2. Ano-ano ang katibayan na ang mga Pilipino ay namumulat na sa mga buwis na binabayaran at sa
mga bayarin sa simbahan?
3. Ano ang dahilan ng pagkagulat ni Padre Salvi nang siya ay tanungin ni Simoun ukol sa alamat ni
Doña Geronima?
4. Bukod sa Alamat ni San Nicolas, ano-anong pagpapahalagang pangkatauhan ang makukuha sa
dalawang alamat?
5. Bakit nakaramdam ng pagkahilo si Simoun nang mapag-usapan ang pangyayari sa lawa?
6. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Simoun, paano mo haharapin ang katanungang binitawan ni
Ben Zayb kay Padre Camorra?
7. Bakit kinakailangang pigilin ang damdamin kapag nasasaling na ang bahagi ng ating pagkatao?

Gawain

Ang kabutihang naidudulot ng pagiging mapagtimpi ay malayo ang mararating sa pakikipag-


kapwa. Hindi siya madaling magalit, nag-iisip muna bago gumawa ng hakbang at pinagtitimbang-
timbang muna niya ang mga bagay-bagay upang walang masagasaang tao. Ang padalos-dalos sa
kanyang pag-iisip at pagkilos ay nagbubunga ng kasiphayuan o kabiguan. Malamang, kung hindi siya
mag-iisip muna bago gumawa ng hakbang at pinagtitimbang-timbang ang mga bagay-bagay ay wala
sanang masasagasaan. Ang taong mabilis magalit o mainitin ang ulo ay malaking disgrasya ang kaha-
hantungan.
Napakahalaga sa tao ang may magandang disposisyon sa anumang pagpapasyang gagawin sa
lahat ng oras. Makapag-iisip siya nang matino. Ang iniisip niya ay para sa ikabubuti ng magkabilang
panig. Kapag madaling uminit ang ulo ng tao, mali ang kanyang desisyon na mabubuo. Madalas,
nawawala na rin siya sa katwiran dahil nadadala siya ng silakbo ng kanyang damdamin. Maaaring
marami ang mapahamak dahil hindi niya makontrol ang kanyang sarili sa pagkukulang ng ibang tao.
Ang taong hindi nakapagtitimpi sa ganitong sitwasyon ay maaaring makagawa ng mga bagay na
maaaring ikapahamak niya. Ang taong marunong magtimpi ay isang maginoo. Paano ba maaaring
mapigilan ang sarili kung may nakadaupang palad kang isang taong walang pasintabi sa damdamin
ng kanyang kapwa? Narito ang ilan sa mga paraan.
1. Sikaping unawain ang pinagmumulan ng iyong emosyon.
2. Kilalanin ang iyong mga emosyon kung ito ay bunga ng pagkatakot, kaligayahan, kalungkutan,
o pagkamangha. (Ang nabanggit na mga emosyon ay ilan lamang sa pag-uuri-uri ng damdamin
o emosyon ng tao batay sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko.)
3. Dapat mabatid na ang emosyon ay hindi katulad ng isang himala na bigla na lamang dumarating
at hindi malaman kung saan ito nagmula. Sa pagkakataong makilala ng tao ang kanyang
emosyon, siya na mismo ang dapat pumigil sa kanyang nararamdaman.
4. Alamin kung ano ang nagaganap sa iyong isipan. Mahalagang tumigil pansamantala at suriin
kung ano ang gumugulo sa iyong isipan. Maaaring nagkakamali ka sa iyong iniisip.
5. Alamin kung saan nagmumula ang iyong negatibong reaksiyon.
6. Suriin ang iyong sarili at pag-isipan ang mga posibleng solusyon.
21

Calvary Christian School - SY 2013-2014


7. Sa pagsasagawa ng solusyong iyong napili, maging bukas din sa iba pang alternatibong solusyon
upang di ito pagsisihan.
8. Pag-isipang mabuti kung tama o mali ang napiling solusyon.
9. Alamin kung naging mabisa ang solusyong ginawa.

Sa pakikipag-usap ni Simoun kina Isagani at Basilio ay natuklasan natin ang kanyang pagiging
malupit at marahas sa kanyang pananalita. Hindi niya alintana kung nakasasakit siya. Ngunit sa
kabanatang ito, maaari pala siyang magtimpi na tunay na kapuri-puri. Kahit napag-usapan ang
pagkamatay at kung paano inilibing ang bangkay ng kanyang ama, nakita pa rin sa kanya ang pagiging
matimpiin.
Kung ang lahat ng tao ay matimpiin, magiging tahimik ang mundo.
1. Hatiin ang klase sa anim na pangkat.
2. Pumili ng lider upang maging tagapagdaloy ng usapan at ng kalihim upang magtala ng mga
pag-uusapan.
3. Magbahaginan ng mga naging karanasan nang minsan ay may nanunudyo sa inyo pero naku-
hang mapigil ang inyong mga emosyon na gusto sanang sumabog.
4. Isulat sa tsart ang inyong sharings.
5. Pag-usapan kung bakit kailangang pigilin ang damdamin kapag nasasaling na ang mahalagang
bahagi ng inyong pagkatao.
6. Magmuni-muni sa lahat ng pinag-usapan at gumawa ng kongklusyon ukol sa tanong na nasa
bilang 5.

Mag-aaral Bilang Ginawa Namin para Makapagtimpi

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

Kongklusyon

22

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Rubric sa Paggawa ng Kongklusyon

Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________


Petsa _______________________________________________ Marka _________________________

Pamantayan 1 2 3 4
Hindi nabigyang- Bahagyang Malinaw na Malinaw na
Kalinawan linaw ang gustong naging malinaw naihatid ang malinaw na
ng Nilalaman sabihin at walang ang mga hakbang gustong sabihin naihatid ang
at Hakbang nabanggit na at ang gustong at ang mga gustong sabihin at
hakbang. sabihin. hakbang. ang mga hakbang.
1 2 3
Katumpakan Ilan lamang sa mga Marami sa mga inilahad Tamang lahat ang inilahad
ng Katwiran katwiran ang tama. na katwiran ang tama. na mga katwiran.
Kongklusyong Ang nabuong Mainam-inam ang Napakabuti ng
Nabuo ay May kongklusyon ay walang kongklusyon at may kongklusyong nabuo at
Tinutungo tinutungo. tinutungo rin naman. may tinutungo.

Isulat ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.


___________ 1. Ang Vice Rector na nagsasabing hindi maganda ang kalagayan ng kanilang
negosyo
___________ 2. Ang tangi lamang may kabuluhan sa kanya ay yaong may alamat
___________ 3. Ang dalagang nanirahan sa loob ng kuweba nang mahabang panahon sa
paghihintay sa kanyang minamahal
___________ 4. Ang biglang nagulat nang siya ay hingan ng reaksiyon sa ginawa ng arsobispo sa
kanyang kasintahan
___________ 5. Ang tinutukoy na gobernador eklesiastiko na humalili sa arsobispo
___________ 6. Ang taong umiwas na sagutin ang tanong na para sa kanya sa pamamagitan ng
pagkukuwento ng Alamat ni San Nicolas
___________ 7. Ang nagtanong ukol sa nangyari sa demonyong nakulong sa matigas na bato
___________ 8. Ang taong nakaalam sa kinahinatnan ni Crisostomo nang ito ay tugisin ng mga
guwardiya sibil
___________ 9. Ayon sa kuwento, ang tao na nakasama ng bangkay ni Ibarra sa ilalim ng lawa
___________ 10. Ang naramdaman ni Simoun nang pag-usapan ang nangyari kay Don Rafael

Malamang na naibigan mo ang nilalaman ng kabanatang iyong binasa. Mayroon bang pangyayari
sa buhay mo na maaaring ituring na alamat? Ikaw naman ang sumulat ng alamat na nasasabing
naging dahilan o pinagmulan ng isang bagay na hindi mo malilimutan sa iyong buhay. Isulat ito sa
isang puting papel.

23

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Basahin: Kabanata 4 – Kabesang Tales, mga pahina 25–27

Mga Katanungan

1. Sino si Tata Selo at ano ang kaugnayan niya kay Kabesang Tales?
2. Ilahad ang mga naging suliranin ni Kabesang Tales. Paano niya tinanggap ang mga ito?
3. Kung sakaling may reporma sa agraryo noong panahon ng Kastila, ganito rin kaya ang magiging
problema ni Kabesang Tales? Ipaliwanag ang sagot.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

24

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 4 Kabesang Tales

Maipaunawa sa mga mag-aaral na ang karapatan ay dapat ipagtanggol ayon sa hinihingi ng batas

Mahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Ang makatarungang batas ay sandigan Paano mo dapat ipagtanggol ang
sa pagtatanggol ng iyong karapatan. iyong karapatan kung ito ay niyuyurakan na
ng iyong kapwa?

A. Nakapagbibigay ng iba pang salita na ginagamit ang create a word activity


B. Napag-uusapan ng magkabilang panig ang isyu ukol sa proposisyon: “Mahinahong pakikipagla-
ban o aktibong pakikibaka ang kailangan upang maipagtanggol ang niyuyurakang karapatan”
C. Napagtatalunan ang paksa na ginagamit ang pamamaraang Oregon-Oxford

Kabesang Tales
(talata 1–12)

Halagahang Pangkatauhan: Ipagtanggol ang karapatan sa mapayapang paraan.

1 Si Tata Selo na umampon noon kay


Basilio ay matanda na. Ang ama ni Huli
at anak ni Tata Selo na nagngangalang
Tales ay isa nang Kabesa de Barangay.
Guminhawa ang buhay ng buong
mag-anak dahil sa tiyaga. Sa simula
ay nakikisaka lamang sila sa isang
mayamang may-ari ng lupa at nang
makaipon ng sapat na salapi ay
nagpasya na silang magsarili. Nagsimula
silang magkaingin sa isang lupa sa
bandang dulo ng bayan na inakala
nilang walang nagmamay-ari. Nagtanim
sila ng mga tubo sa lupaing iyon.

25

Calvary Christian School - SY 2013-2014


2 Nang mamatay ang asawa ni Tales at ang anak ay inakala nitong sila
ay pinarusahan. Kinalamay niya ang loob sa pag-aakalang tumigil na sa pinayapa ang loob
pagpaparusa ang diyos ng gubat.
3 Naging maunlad ang ani ni Tales sa kanyang lupain at nang malaman
ito ng mga prayle ay inangkin nila ang lupa at pinilit siyang magbigay
ng buwis. Pataas nang pataas ang buwis na ipinapataw ng mga prayle.
Ayon sa ama ay isipin na lamang niya na ang perang iyon ay nahuhulog
sa balon at kinakain ng buwaya. Ngunit sa bandang huli ay hindi na
nakapagpasensiya pa si Kabesang Tales.
4 Nagpasya siya na hindi na magbabayad pa ng buwis ngunit binantaan binalaan
siya ng tagapangasiwa ng lupa na kung hindi magbabayad ay sapilitan
siyang paaalisin sa kanyang lupain at hahanap na lamang ng panibagong
magsasaka rito. Ayon kay Kabesang Tales ay magbabayad lamang siya
kung makapagpapakita ang mga prayle ng kasulatan na magpapatunay papeles
na sila ang tunay na nagmamay-ari ng lupaing kanyang isinasaka.
5 Nagmatigas si Kabesang Tales. Ayon sa kanya ay dugo at pawis ang
kanyang ginugol sa lupang iyon. Namatay ang kanyang asawa at anak
sa pagtulong sa kanya kaya naman hindi maaaring basta na lamang
itong kunin ng kung sino. Naglingkod siya sa hari sa pamamagitan ng
kanyang salapi at dapat din siyang gawaran ng katarungan. bigyan

6 Nililibot pa rin ni Kabesang Tales ang kanyang lupain kahit na iba na ang
nakatira doon. Dala-dala ang kanyang baril bilang proteksiyon sa sarili
habang ang katiwala ay takot na takot sa tuwing makikita si Kabesang
Tales na may dalang armas. Hindi lingid sa kaalaman ng hukom
pamayapa ang pangyayaring ito. Sa katunayan ay alam nilang ayon
sa mga tuntunin, ang mga pari ay hindi maaaring magkaroon ng mga
lupain. Walang may gustong magbigay ng hatol sapagkat karamihan sa
kanila ay takot na matanggal sa kanilang katungkulan.
7 Ang anak naman ni Tales na si Tano ay
naging isang kawal. Marami sa kanilang
kababayan ang hindi makapaniwala
dahil isa itong mabait na anak. Naisip
ni Tales na ipaglaban ang anak sa
pamamagitan ng asunto at kapag siya
ay nanalo ay alam na niya ang gagawin
at kung siya ay matalo, hindi na niya
kakailanganin pa ng anak.
26

Calvary Christian School - SY 2013-2014


8 Ipinagpapalagay ng iba na nais patayin ni Kabesang Tales ang
uldog. Kaya naman nagpababa ng kautusan ang Kapitan Heneral na
nagbabawal sa pagdadala ng baril. Kinumpiska ng mga guwardiya sibil
ang kanyang baril ngunit pinalitan naman niya ito ng gulok. Ngunit
muli itong kinumpiska at muli itong napalitan ng palakol na dating
gamit ng kanyang ama. Dumating na nga ang kinatatakutan nilang
lahat. Napasakamay ng mga tulisan ang kanyang ama na nanghihingi
ng limandaang piso kapalit ng buhay ng kanyang ama.
9 Naisip ni Huli na isangla ang lahat ng kanyang mga alahas ngunit
hindi pa rin ito sapat para matubos ang ama. Pinayuhan siya ng isang
Hermana Bali, isang pusakal na pangginggera, na isangla ang kanilang talamak
bahay ngunit wala namang may gusto. Sa wakas ay nakatagpo sila ng
isang may magandang kalooban na magpapahiram sa kanila ng salapi
sa kasunduang si Huli ay maninilbihan hanggang sa mabayaran niya
ang kanyang inutang.

10 Mabigat man sa kalooban ni Huli ay tinanggap niya ang alok ng ginang.


Bisperas ng Pasko noon at kinabukasan, araw ng Pasko, ay magsisimula
na siya. Walang magawa si Tata Selo kundi ang umiyak na lamang.
11 Napakalungkot ng gabing iyon para kay Huli. Naisip niya si Basilio na
malapit nang maging isang ganap na doktor. Alam niyang hindi na
sila nababagay sa isa’t isa. Nakita niya ang laket na bigay sa kanya ng
kasintahan at nasabing mas nanaisin pa niyang siya na lamang ang
maisangla kaysa ang laket na iyon.
12 Naging masalimuot ang panaginip ni Huli nang gabing iyon.

Bumuo ng panibagong salita mula sa mga salitang may salungguhit. Isulat ang tamang sagot sa
bawat arrow.
1. Kinalamay na nila ang kanilang loob sa pag-aakalang naglubag na ang galit ng diyos ng gubat.

kinalamay

2. Si Kabesang Tales ay binantaan ng tagapangasiwa na ipasasaka sa iba ang lupa kung hindi siya
magbabayad ng buwis.

binantaan

27

Calvary Christian School - SY 2013-2014


3. Hindi ibibigay ni Kabesang Tales ang lupa kung hindi ipakikita ng mga pari ang kasulatan na sila
nga ang may-ari.

kasulatan

4. Ipinag-utos ng pangulo na gawaran ng pabuya ang nagsauli ng kanyang salapi.

gawaran

5. Si Hermana Bali ay isang pusakal na pangginggera.

pusakal

Mga Katanungan

1. Sino si Tata Selo sa Noli Me Tangere?


2. Ano ang tawag sa paraang ginawa ni Kabesang Tales upang magkaroon ng lupang kanyang
sinasaka? Maaari pa ba itong gawin sa kasalukuyan?
3. Sa tuwing magtataas ng buwis ang korporasyon ng mga prayle, saan ito inihahalintulad ni Tata
Selo upang maglubag ang kalooban ni Kabesang Tales?
4. Ano-ano ang paraang ginawa ng korporasyon ng mga prayle upang panghinaan ng loob si
Kabesang Tales sa pakikipaglaban sa kanyang karapatan?
5. Naniniwala ka ba na may karapatan si Kabesang Tales sa lupang kanyang sinasaka? Patunayan.
6. Ipaliwanag ang pahayag na ito.
Naisip ni Tales na ipaglaban ang anak sa pamamagitan ng asunto ngunit kung siya ay matalo
hindi na niya kakailanganin pa ng anak.
7. Ano ang naging epekto ng pagkakahuli ng mga tulisan kay Kabesang Tales sa buhay nina Huli at
Tata Selo?
8. Ano ang solusyong ginawa ni Huli upang tulungang makalaya si Kabesang Tales sa kamay ng
mga tulisan?
9. Paano pinahalagahan ni Huli ang alahas na ipinagkaloob ni Basilio sa kanya?
10. Ano ang magiging kapalit ng salaping hiniram ni Huli kay Hermana Bali? Gaano ito nakaapekto
sa kanyang Lolo Selo?

Gawain

Ayon sa Regalian Doctrine ang isang tao ay magkakaroon lamang ng sariling pag-aari sa
pamamagitan ng Real Estate Acquisition and Disposition gamit ang Torrens System of Real State
Ownership. Ito ay may kalakip na kasunduan o kontrata ng magkabilang panig.

28

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kahit na may ganito tayong pamamaraan sa kasalukuyan, marami pa ring suliraning pang-agraryo
ang nagaganap sa mga lalawigan. Ito ang naging dahilan kung bakit naisabatas ang repormang
agraryo upang mapanatili ang katatagan ng ating mga kanayunan.
Ang pinagmulan nito ay ang pamanang iniwan sa atin ng mga Kastila noong panahon ng
kanilang pananakop. Dito ay nakatuon sa pangangamkam ng lupa na nagiging sanhi ng malawakang
paghihirap, kaguluhang agraryo, at pananamantala ang nagiging resulta nito.

Tulad ni Kabesang Tales, hangad niya na mapataas ang antas ng kanyang kabuhayan ngunit may
mga taong humahadlang. Kung tutuusin, ano ang ilalaban ng isang karaniwang magsasaka sa mga
taong makapangyarihan? Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos ang mga usapin sa mga
lupang agraryo sa ating bansa. Ngunit ngayon, ang mga magsasaka ay marunong nang manindigan,
marunong nang lumaban. Marunong na silang ipagtanggol ang kanilang karapatan. Pero, paano kung
ang iyong karapatan ay niyuyurakan ng iyong kapwa?
1. Hatiin sa dalawang pangkat ang klase.
2. Magpulong at pag-usapan ang paksang “Mahinahong pakikipaglaban o aktibong pakikibaka
upang mapagtagumpayan ang karapatang niyuyurakan.”
3. Ang magkabilang panig ay magkakaroon ng tatlong tagapagsalita. Pumili ng tatlong kasapi na
mahusay magsalita.
4. Mag-uusap ang pangkat kung sino ang pinuno, una at ikalawang tagapagsalita. Pagkatapos ay
pag-uusapan ang panig na ipagtatanggol.
5. Isagawa ang pagtatalo sa paraang Oregon-Oxford. Sundin ang sumusunod na mga hakbang:
a. Para sa mga unang tagapagsalita ng bawat panig, ipaliliwanag nila ang proposisyon para
malinaw ang paksa na ipagtatanggol at sila ay maghaharap ng kanilang pagmamatuwid sa
pinakamabisang paraan.
b. Matapos na marinig ang pagmamatuwid ng mga unang tagapagsalita ng bawat panig,
ang pangalawang tagapagsalita naman ang magtatanong upang maipakilala ang
karapatan ng mga matuwid na panig ng katalo bago siya magpaliwanag ng kanyang
panig.
c. Bago pa lamang magsimula ang pagtatalo, pipiliin na sa pangkat ang pinakamagaling
bumuo ng mga tanong para sa kalabang pangkat.
d. Ang tagumpay ng mga kalahok sa debate ay nakasalalay nang malaki sa pagtatanong sa
kalabang panig (cross examination).
e. Matapos marinig ang katwiran ng magkabilang panig tungkulin ng lider na ihanay lahat ng
mga katwiran at pagpapatunay sa pamamagitan ng paglalagom.
f. Sa mga tagapakinig, ang bawat isa ay susulat ng kanilang reaksiyon sa bawat katwiran na
inilatag ng bawat panig.
Mula sa: Sining ng Pakikipagtalastasan I Manual, OLFU Press, 2009

29

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Rubric sa Pagtatalo
Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________
Petsa _______________________________________________ Marka _________________________

Pamantayan 1 2 3 4 5
Hindi buo Hindi gaanong May ilang pag- May sustansiya Kompleto at
ang inilala- buo ang kakataon na subalit hindi may sustansiya
had at hindi inilahad at hindi gaanong gaanong mala- ang sinasabi.
Nilalaman
malaman ang hindi gaanong malaman. man.
sinasabi. malaman ang
sinasabi.
Walang Kakaunti ang Hindi gaanong Mahusay na na- Napakahusay
ebiden- naibigay na marami at kapagbigay ng na nakapag-
Mga Ebiden-
siya o mga katibayan. mahusay ang mga katibayan. bigay ng mga
siya o Iniha-
katibayang nailagay na katibayang
ing Kati-
sumusuporta katibayan. inihain.
bayan
sa kanyang
argumento.
1 2 3 4
Walang pagkilos May bahagyang Mahusay ang mga Napakahusay at
o galaw na nai- pagkilos o galaw na kilos at galaw akmang-akma ang
Kilos sagawa sa bu- isinagawa habang kasabay ng pagpa- mga kilos o galaw
o Galaw ong panahon ng nagpapaliwanag. paliwanag. habang ibinibigay
pagtatanggol ng ang panig sa pag-
kanilang panig. tatanggol.
Hindi nakuha ang Hindi gaanong na- Mahusay na naku- Napakagaling kaya
interes ng mga kuha ang interes ng ha ang interes ng nakuha ang interes
Panghikayat manonood sapag- mga manonood. mga manonood. ng mga manonood.
kat walang buhay
kung magsalita.

30

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kilalanin ang hinihingi ng bawat bilang sa hanay A at hanapin ang sagot sa hanay B. Titik lamang
ang isulat sa patlang.
A B

_______ 1. Ang matandang mangangahoy sa Noli Me Tangere a. Tano


_______ 2. Ang sakit na ang naging dahilan ng kamatayan ng b. malaria
asawa at anak ni Kabesang Tales c. laket
_______ 3. Ang bayang kanugnog ng San Diego d. nagpaalipin
_______ 4. Ang kapitbahay na nagpautang kay Huli na isang e. korporasyon
pangginggera f. Tata Selo
_______ 5. Ang alahas na hindi maipagbili ni Huli dahil ito ay g. baril
mahalaga sa kanya
h. Hermana Bali
_______ 6. Ang nahirang na magsundalo
i. kaingin
_______ 7. Ang ipinag-utos ng Kapitan Heneral na ipasamsam
j. Tiani
_______ 8. Ang hindi matanggap ni Tata Selo para sa kanyang
apo
_______ 9. Ang umangkin ng lupang sinasaka ni Kabesang
Tales
_______ 10. Paraan ng paghahawan o paglilinis ng gubat na
ginawa ni Tata Selo

Alam mo ba ang iyong karapatan bilang isang mag-aaral? Mayroon bang pangyayari sa buhay
mo na tinapakan ang iyong karapatan? Ano ang iyong ginawa? Sumulat ng isang maikling sanaysay
kung paano mo ipagtatanggol ang iyong karapatan. Isulat ito sa isang puting papel.

Basahin: Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero, mga pahina 32–34

Mga Katanungan

1. Ano ang kinatatakutan ng kutsero sa mga guwardiya sibil? Nangyayari pa ba ito sa kasalukuyan?
2. Ano ang kasaysayan ng alamat ni Bernardo Carpio? Paano siya pinahalagahan ng kutsero?
3. Bakit tanging bahay lamang ni Kapitan Basilio ang nakikitang masaya samantalang ito ay pana-
hon ng kapaskuhan?

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

31

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 5 Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Maipaunawa sa mga mag-aaral na kapag ang karapatang pantao ay nilalabag, maaaring humingi
ng tulong sa kinauukulan at kung ito ay hindi pinakikinggan, maaaring magkaroon ng malawakang
protesta subalit sa isang matahimik na pamamaraan

Mahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Ang karapatang pantao ay tanging Anong pagkilos ang dapat na
angkin na ipinaglalaban. gawin kung ang karapatang pantao
ay nilalabag na?

A. Naisasaayos ang ginulong mga titik upang makabuo ng mga salita


B. Nakapagbabahaginan ng mga karanasan kung may ginawang paglabag ang paaralan sa mga
karapatan ng mag-aaral bilang tao
C. Napag-uusapan kung anong pagkilos ang gagawin kung nilalabag na ang kanilang karapatang
pantao

Ang Noche Buena ng Isang Kutsero


(talata 1–8)

Halagahang Pangkatauhan: Ang karapatang pantaong nilalabag ay maitutuwid sa isang


mapayapang pagkilos.

1 Mag-uumpisa na ang prusisyon para sa


Noche Buena nang dumating si Basilio
na sakay ng isang karitela. Naabala pa
sila nang harangin ng mga guwardiya
sibil ang kutsero dahil nakalimutan
nito ang kanyang sedula at dahil dito,
siya ay pinarusahan.

32

Calvary Christian School - SY 2013-2014


2 Nauna sa pila ng prusisyon ang imahen ni Matusalem. Kasunod nito
ay ang tatlong haring mago, nangunguna sa pila ay ang maitim na si
Haring Melchor na parang nais sumagasa sa mga kasama niya. Ayon sa lumusob
kutsero ay maaaring wala pang mga guwardiya noong unang panahon
dahil kung magkakagayon, marahil ay mamamatay silang lahat dahil sa
pangungulata. pagpalo

3 Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nalagot na ba ang tanikala ng kadena


kanang paa ni Bernardio Carpio. Ayon sa alamat, ang kanyang tanikala
ay nalalagot tuwing lumilipas ang isang daang taon. Kasunod sa
prusisyon ay ang mga batang malungkot sa pag-iilaw. Kasunod si San
Jose at sa likod nito ay ang mga babaeng may taklob na puting tela sa
ulo. Sa bandang gitna ay ang mga batang may hila-hilang mga parol.
Natuwa ang kutsero nang siya at ang kanyang kabayo ay mawisikan ng madiligan
bendita.
4 Nasa huli ng prusisyon ang Mahal na Birhen na binihisang tila
nagdadalantao. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan at pagiging
kimi. Nasa harapan ang mga mang-aawit at sa likod naman ang mga mahiyain
musikero at guwardiya sibil.
5 Natapos na rin ang prusisyon ngunit hindi napansin ng kutsero na
wala na palang sindi ang ilaw ng isa niyang parol. Maging si Basilio ay
hindi na napansin iyon dahil sa pagmamasid nito sa mga parol ng mga
bahay. Iba’t iba ang kulay ng mga parol at tuwing mahahapyawan ng madadapyuan
hangin ay umuugong ang mga palawit. Hindi na nito napansin ang
paglamlam ng mga bituin sa langit. Kaya pinarusahan na naman ang paglabo
kutserong si Sinong. Bumaba na ng karetela si Basilio at nagpasyang
maglakad na lamang.
6 Tanging ang bahay lamang ni Kapitan Basilio ang tila masaya. Napansin
din ni Basilio na marami silang handa. Namangha siya nang makita si nagulat
Kapitan Basilio na nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.
Nais ni Kapitan Basilio na mapalapit siya sa mga maykapangyarihan sa
kanilang bayan para sa kanyang negosyo.

7 Nasabi na lamang ni Basilio sa sarili na talagang kakaiba si Simoun


dahil kahit saan magtungo ay nakapangangalakal ito. Dito sa Pilipinas
ay maaaring magnegosyo ang kahit sino maliban na lamang sa mga
Pilipino.
33

Calvary Christian School - SY 2013-2014


8 Sumunod na nagtungo si Basilio sa tahanan
ni Kapitan Tiago kung saan siya binati ng
katiwalang nakatira roon. Ibinalita naman
ng katiwala ang mga nangyayari sa San
Diego tulad ng mga namatay na baka, mga
katulong na nakulong pati na rin ang tungkol
sa matatandang tanod na namatay. Hindi
rin niya nakalimutang ibalita ang tungkol sa
pagkakadakip ng mga tulisan kay Kabesang
Tales. Napanganga si Basilio sa narinig at
napaisip.

Isaayos ang mga ginulong titik upang mabuo ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Isulat ang sagot sa patlang.
1. Kasunod ni Matusalem si Haring Melchor na nakasakay sa kabayo at tila nais sumagasa sa
kanyang mga kasamahan.

m o s b

u u l

2. Ayon sa alamat, ang bawat tanikala ng hari ng mga Indio ay nalalagot tuwing lumilipas ang isang
daang taon.

d a k

a n e

3. Sa mga Katoliko, isang kasiyahan para sa kanila ang mawisikan ng bendita.

g a m i l

i d n a

4. Ang mga imaheng gawa ng mga Pilipino ay pawang malulungkot at parang kimi dahil sa
ginawang pag-aayos ng kura paroko sa mga ito.

h m n a

a i y i

34

Calvary Christian School - SY 2013-2014


5. Ang mga palawit sa mga bahay-bahay ay umuugong sa tuwing mahahapyawan ng hangin.

d m d u
a y a p
a n a

6. Namangha siya nang makita si Kapitan Basilio na kausap ang alperes, kura, at ang mag-aalahas
na si Simoun.

a u a t

g n l

7. Hindi napuna ng kutsero ang paglamlam ng mga bituin sa langit.

a o b g

l p a

8. Ayon sa kutsero, ang mga santo ay nabubuhay nang matagal dahil walang pangungulata na
naganap noong kapanahunan nila.

l p a p

a o g

Mga Katanungan

1. Ano ang ipinagdiriwang sa bayan nang dumating si Basilio sa San Diego?


2. Bakit nabalam ang paglalakbay ni Basilio papunta sa bahay ni Kapitan Tiago habang siya ay sakay
ng kalesa?
3. Ano ang pag-asang hinihintay ng kutsero na hahango sa kanya sa pagpapahirap?
4. Ayon kay Basilio, bakit hindi na gaanong masaya ang pagdaraos ng kapistahan sa bayan ng San
Diego?
5. Bakit bumaba na ng kalesa si Basilio samantalang hindi pa nakararating sa tahanan ni Kapitan
Tiago?
6. Ano ang dahilan at nasabi ni Basilio na ang tanging masaya sa bayan ng San Diego ay ang tahanan
ni Kapitan Basilio?
7. Ano-ano ang pagkakasalang nagawa ng kutsero ayon sa mga guwardiya sibil?
8. Ilarawan kung paano inalipusta ng mga guwardiya sibil ang hinuling kutsero.
9. Kung isa ka sa mga guwardiya sibil, paano mo haharapin si Sinong sa mga paglabag niya sa batas
trapiko?

35

Calvary Christian School - SY 2013-2014


10. Kung nilalabag na ang iyong karapatang pantao, anong pagkilos ang iyong gagawin upang
maipagtanggol ang iyong sarili?

Gawain

Napakapalad ng isang bayan na ang mga mamamayan ay nabibigyan ng kalutasan ang kanilang
mga suliranin at mga karaingan. Malimit nating naririnig ang mga panawagan sa radyo, telebisyon, at
mga pahayagan na humihingi ng katarungan sapagkat marami sa mga karapatang pantao ang madalas
na nilalabag. Hindi nag-iisa ang kutsero sa ating kabanata. Tulad siya ng maraming mamamayan na
hindi nakaliligtas na makaranas ng kalupitan sa mga taong may sinasabi at mga may kapangyarihan
sa ating bayan.
Isa na rito ang pangyayaring naganap sa isang lalawigan dito sa Pilipinas na nagpapakita
ng paglabag sa karapatang pantao. Noong Nobyembre 2007, dinakip ang sampung magsasaka,
babae at lalaki, kasama ang siyam na buwang sanggol. Sila ay dinala at ikinulong sa Detention and
Rehabilitation Center sa salang pagnanakaw ng mga pananim na sila naman ang nagtanim. Ang
maramihang pag-arestong ito ay isinagawa ng isang maimpluwensiyang land grabber. Inangkin niya
ang tinitirhan at sinasaka ng mga biktima. Sa pagdakip ay pinagsanib ang lakas ng mga elemento ng
mga maykapangyarihan dala-dala ang kanilang matataas na kalibreng armas.
Ang ibinintang na pagnanakaw ay kaagad namang na-dismiss dahil sa kawalan ng sapat na
ebidensiya. Sinikap ng Samahan ng Karapatan at mga samahan ng mga nagkakaisang magsasaka sa
lalawigang ito na sila ay maipagtanggol ngunit hindi sila makapasok sa city jail dahil pinagbawalan
sila ng mga opisyal ng bilangguan. Iyan ay kautusan ng nakatataas sa bayang iyon. Hindi ito nakapigil
sa mga samahang tumutulong sa mga nakakulong. Ang Samahan ng Karapatan ay nagprotesta sa
paggamit ng puwersa ng pamahalaan laban sa mga land grabber para sa kanilang kapakanan tulad
ng Infantry Batallion at kapulisan ng isang bayan. Dahil dito, noong Disyembre 2007, ang lupang
inaangkin ng land grabber ay idineklarang bahagi ng kagubatan ng Cebu at hindi maaaring ariin at
matituluhan ng isang pribadong mamamayan sapagkat ito ay pag-aari ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ang sampung biktima ng karahasan ay inalisan ng karapatang makapamuhay nang tahimik at
mapayapa ay nakalaya na at nakabalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Ang pangyayaring ito ay isa lamang sa mga kaganapan sa bansa. Hindi dito natatapos ang
paglapastangan sa karapatang pantao ng isang nilalang. Nangyayari ito kahit saang lugar na hindi
inaasahan ay maaaring mangyari ang mga paglabag na ito. Kung mayroon kayong nalalaman na
paglabag sa inyong karapatan bilang mag-aaral, huwag kayong matakot na ipagbigay-alam sa
kinauukulan o sa inyong mga magulang.
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
2. Pumili ng isang pinuno upang mamuno sa talakayan at isang kalihim na magtatala ng pag-
uusapan.
3. Magbahaginan ng mga karanasan kung may ginawang paglabag ang paaralan sa inyong
karapatan bilang tao.
4. Pag-usapan kung anong pagkilos ang gagawin ninyo kung tinatapakan na ang inyong karapatang
pantao.
5. Isulat ang mga kasagutan sa pamamagitan ng pagpuno sa organizer.

36

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Mga Karapatang Pantao

Mga
Mga nilabag
nilabag na
na karapatan
karapatan Anong pagkilos ang dapat
namin
namin bilang mag-aaral
bilang mag-aaral gawin para ito ay maituwid
kung ang aming karapatan
bilang tao ay nilalabag?

Rubric sa Pagpaplano ng Isang Pagkilos

Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________


Petsa ________________________________________________ Marka __________________________

Pamantayan 1 2 3
Hindi pinag-isipan ang Mangilan-ngilan lang ang Maraming suhestiyon
Buong Ingat na
katanungan. naibigay na suhestiyon at maaaring
Pinag-isipan ang mga
at hindi lahat ay isakatuparan ang mga
Suhestiyon
maisasakatuparan. ibinigay ng pangkat.
Hindi lahat ay Nakilahok ang marami sa Nakilahok ang lahat
nakikilahok sa pagbibigay ng suhestiyon. kaya nakapagbigay ng
Pakikilahok
pagbibigay ng maraming suhestiyon.
suhestiyon.

37

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap.
Hanapin sa loob ng kahon ang tamang kasagutan.

Bernardo Carpio Matusalem Kabesang Tales sedula


Tiani kura paroko Kapitan Basilio kairel ng relos
Pilipino katiwala paris ng hikaw

1. Hinarang ng mga guwardiya sibil ang kutserong naghahatid kay Basilio dahil nakalimutan niya
ang ________.
2. Ayon sa kutsero, nabuhay nang matagal si ____________ dahil walang guwardiya sibil na
nangulata noong araw.
3. Ang tinutukoy na hari ng mga Indio ay si ________________.
4. Tanging ang bahay ni ________________ ang masaya dahil maliwanag ang kanilang tahanan.
5. Ang bentahan ng alahas ni Simoun ay gaganapin sa bayan ng _____________.
6. Nagpabili ng ______________ ang alperes kay Kapitan Basilio dahil siya ay abala.
7. Ang _____________ naman ay nagpabili ng isang paris ng hikaw kay Kapitan Basilio.
8. Ayon kay Basilio ang lahat ay nakapagnenegosyo maliban sa mga ______________.
9. Si Basilio ay papunta sa dating tahanang pag-aari ni Kapitan Tiago na tinitirhan ng isang
______________.
10. Nawalan ng ganang kumain si Basilio dahil sa balitang pagkakadakip kay __________.

Napag-alaman natin ang naging kapalaran ng mga mamamayan, lalo na ng kutsero, sa kamay ng
mga maykapangyarihan. Maraming karapatang pantao ang nilalabag sa kasalukuyan.
Magsaliksik ng isang taong nilabag ang kanyang karapatang pantao. Isulat sa puting papel ang
pangyayari. Ilagay ang source kung saan ito kinuha.

Basahin: Kabanata 6 – Si Basilio, mga pahina 39–41

Mga Katanungan

1. Bakit palihim na nagpunta si Basilio sa loob ng kagubatan na pag-aari ng mga Ibarra?


2. Ilang taon na ang nakararaan buhat nang mamatay at ilibing si Sisa sa loob ng kagubatan?
3. Paano nagsimulang mabago ang buhay ni Basilio buhat nang mawala ang kanyang ina?

Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang 2D Flash Animated Digital Storybook ng “Ang Noche Buena ng Isang Kutsero” na may gabay
ng guro at sagutin ang mga kaukulang katanungan.”

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.
38

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 6 Si Basilio

Maipaunawa na ang pangarap sa buhay ay maaaring maisakatuparan kung hindi susuko sa


hamon ng buhay, at kapag ito ay nakamit ay mananatiling mapagpakumbaba at walang sawa sa
pagtulong sa kapwa

Mahahalagang Kaalaman Mahahalagang Katanungan


Ang pangarap sa buhay ay maaaring Sa anong paraan maaaring maisakatu-
magkaroon ng katuparan kung patuloy nating paran ang mga pangarap sa buhay?
haharapin ang anumang pagsubok sa buhay
Paano mapananatili at mapanganga-
nang buong tapang.
lagaan ang tagumpay na nakamit?
Mapananatili ang tagumpay sa buhay
kung ito ay may kalakip na pagpapakumbaba
at patuloy na pagtulong sa kapwa.

A. Natutukoy ang kahulugan ng ilang piling salita sa teksto


B. Napag-uusapan kung paano maaaring maisakatuparan ang mga pangarap sa buhay
C. Nakapagbibigay ng mga kaparaanan kung paano mapananatili at mapangangalagaan ang
tagumpay na nakamit

Si Basilio
(talata 1–13)
Halagahang Pangkatauhan: Ang pangarap na pinaghirapan ay nararapat na pangalagaan.

1 Nang tumunog ang batingaw para kampana


sa Noche Buena ay palihim namang
nagtungo si Basilio sa gubat. Sa tulong
ng liwanag ng buwan ay inaninag ni
Basilio ang daan papunta sa puntod ng
kanyang ina. Hindi niya nalilimutang
dalawin ang puntod ng ina taon-taon.

39

Calvary Christian School - SY 2013-2014


2 Nakayuko si Basiliong naglalakad habang sinisilip ang mga bituin mula
puwang
sa siwang ng mga punongkahoy. Nagpatuloy siyang naglalakad sa loob
ng kagubatan hanggang makarating siya sa isang matanda at sira-
sirang moog. bantayog
3 Huminto siya sa isang bunton ng bato, nagtanggal ng sombrero at
nagdasal. Umupo siya sa isang bato, tila nag-iisip. Nanumbalik sa kanya tambak
ang mga panahong hindi niya malilimutan.
4 Labintatlong taon na ang nakararaan simula nang mamatay ang kanyang
ina at malinaw pa rin sa kanyang alaala ang lahat ng mga nangyari. Sa
gubat na ito nalagutan ng hininga ang kanyang ina. May isang lalaking
sugatan ang lumapit sa kanya na nag-utos na manguha ng kahoy na
pansiga. Pagbalik niya ay isa nang bangkay ang lalaking iyon na katabi
ng kanyang ina na patay na rin. Isang lalaki pa ang dumating at siya ay
tumulong kay Basilio sa pagsisiga sa bangkay ng lalaki at paglilibing sa
kanyang ina. Pagkatapos nito, inabutan siya ng pera at iniutos na umalis
na siya sa lugar na iyon. Ang lalaking ito ay noon lamang niya nakita,
mataas, mapupula ang mga labi, at may katangusan ang ilong.

5 Naisip ni Basilio na maglakbay at makipagsapalaran sa Maynila.


Pagdating doon ni Basilio ay nagkasakit siya at gula-gulanit ang damit sira-sira
na suot. Doon niya natagpuan si Kapitan Tiago kasama si Tiya Isabel
na katatapos lamang dalhin si Maria Clara sa beateryo. Nawala sa
kanyang paningin ang sinusundang sasakyan. Nagtanong-tanong siya
at kanyang pinuntahan. Kinuha naman siya bilang isang utusan ngunit
walang bayad.
6 Pinag-aral siya ni Kapitan Tiago sa San Juan de Letran. Pumasok si Basilio
na walang maayos na damit. Madalas siyang pagtawanan ng kanyang
mga kamag-aral dahil sa sira-sira niyang damit. Naging masipag si Basilio
na magkabisado ng mga leksiyon. Naisaulo niya nang buong-buo ang
aralin. Kaya tuwing siya ay tatanungin ng kanyang guro ay nakasasagot
siya nang buong-buo. Nakapasa siya sa kanyang unang taon habang
siyam sa kanyang kamag-aral ay kinailangang mag-ulit.
7 Sa ikalawang taon ni Basilio ay nanalo sa sabong si Kapitan Tiago kaya
gamusa
naman binigyan siya nito ng balato. Ibinili niya ito ng mga maayos na
damit, piyeltrong sombrero, at sapatos.

40

Calvary Christian School - SY 2013-2014


8 Noong ikatlong taon niya ay nagkaroon siya ng isang gurong mahilig
gawing katawa-tawa ang kanyang mag-aaral. Palibhasa ay tahimik
lamang si Basilio kaya naisip ng propesor na tawagin si Basilio. Inakala ng
propesor na hindi handa si Basilio sa aralin kaya nagulat ang guro nang
sumagot ito nang kompleto at walang hinto. Kaya naman binansagan
siyang loro ng guro.
9 Ang ikaapat na taon ni Basilio ay puno ng pagbabago. Ang isa sa
dalawa niyang propesor ay tanyag, kinagigiliwan ng lahat, marunong,
makata, at may malayang mga pagkukuro. Isang araw ay may nakagalit
ang propesor na ito na ilang cadete na naging sanhi ng pag-aaway at
paghahamon. Kaya nangalap at nangakong bibigyan niya ng mataas naghanap
na marka ang sinumang sasama sa labanan gamit ang sable o espada.
Ipinakita ni Basilio ang galing sa espada. Tuwang-tuwa ang kanilang
propesor habang sila ay pinanonood. Dahil sa kasipagan ni Basilio sa
pag-aaral, siya ay nakakuha ng mataas na marka nang taong iyon at
nabigyan pa siya ng medalya.
10 Sa nakitang pagsisikap ni Basilio sa pag-aaral, hinimok ni Kapitan Tiago, hinikayat
na noon ay galit sa mga prayle dahil sa pagmomongha ni Maria Clara,
na lumipat ang binata sa Ateneo na noon ay sikat na sikat. Maraming
natutuhan dito si Basilio. Kaya naman nagtapos siya rito ng kursong
batsilyer en artes na puno ng karangalan.
11 Nais ni Basilio ang kumuha ng medisina samantalang abogasya naman
ang gusto ni Kapitan Tiago. Ngunit napapayag din ni Basilio ang amo sa
bandang huli. Inakala ni Kapitan Tiago na kung magdodoktor si Basilio
ay maaari itong makakuha ng lason na magagamit at mailalagay sa tari
ng kanyang mga manok. Ang lason na ito ay ginagamit sa pagtistis ng pag-opera
bangkay ng isang Intsik na namatay sa sipilis.
12 Lalong nagsumikap si Basilio sa pag-aaral sa napili nitong kurso.
Pagkatapos ng ikatlong taon ay kumikita na siya. Hinangad niyang
bumalik sa bayan at pakasalan si Huli.
13 Siya ang nahirang na magsalita sa araw ng kanilang pagtatapos. Lahat ay napili
nagnanais na siya ay mapakinggan at ito na ang simula ng pagbabago
ng kanyang kinabukasan.

41

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Hanapin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
Titik lamang ang isulat sa patlang.

a. napili d. naghanap g. sira-sira j. bantayog


b. pag-opera e. kampana h. gamusa k. hinikayat
c. tunog f. puwang i. tambak

___________ 1. Ang tunog ng batingaw ay naghuhudyat ng iba’t ibang kahulugan.


___________ 2. Nagpatuloy ng paglakad si Basilio sa loob ng kagubatan hanggang makarating
siya sa matanda at sira-sirang moog.
___________ 3. Hinimok ni Kapitan Tiago si Basilio na lumipat sa Ateneo sapagkat galit siya sa
mga prayle dahil sa pagmomongha ni Maria Clara.
___________ 4. Nakita niya ang buong pangyayari habang siya ay nakasilip sa siwang ng mga
dayami.
___________ 5. Tumigil si Basilio sa bunton ng mga bato at nag-ukol ng panalangin sa kanyang
ina.
___________ 6. Nakarating si Basilio sa Maynila na may sakit at gula-gulanit ang damit.
___________ 7. Naging disente ang hitsura ni Basilio nang ibili siya ni Kapitan Tiago ng sapatos at
piyeltrong sombrero.
___________ 8. Naniniwala si Kapitan Tiago na maaaring makakuha ng lason, na ikinakabit sa tari
ng manok, sa pamamagitan ng pagtistis ng bangkay ng isang Intsik na namatay
sa sipilis.
___________ 9. Napalaban ang propesor ni Basilio sa isang pagtatalo kaya para magwagi ay
nangalap siya ng mga mag-aaral na sasama sa kanya.
___________ 10. Siya ay nahirang na magtalumpati sa araw ng kanyang pagtatapos.

Mga Katanungan

1. Bakit sa hatinggabi itinataon ni Basilio ang pagdalaw sa libingan ng kanyang ina?


2. Paano nakatulong kay Basilio ang lalaking lumapit sa kanya nang mamatay ang kanyang ina?
3. Bakit naisipan ni Basilio na lumuwas ng Maynila?
4. Paano ipinakita ni Basilio ang kanyang kababaang-loob sa kanyang mga guro at kamag-aral?

42

Calvary Christian School - SY 2013-2014


5. Ilahad ang mga pangyayari sa paaralan na naging dahilan upang siya ay makilala at
mapahalagahan. Isulat ang sagot sa ribbon award chart.

6. Ihambing kung anong uri ng mag-aaral si Basilio kompara sa mga kabataan sa kasalukuyan.
7. Bakit inilipat ni Kapitan Tiago si Basilio sa Ateneo? Ano ang natuklasan ni Basilio sa paaralang ito?
8. Bakit may mga guro na nanghihiya ng mga mag-aaral?
9. Sa kasalukuyan, ano ang ginagawa ng ating pamahalaan upang matulungan ang mga kabataang
walang kakayahan na sila ay makapag-aral?
10. Ihambing ang uri ng mga guro noong panahon ng Kastila sa kasalukuyan. Alamin kung paano
sila makitungo sa kanilang mga mag-aaral. Gawin ito sa T-shirt organizer.

Uri ng Guro

Noon Ngayon

43

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Gawain

Hindi mapigilan ng tao ang paghanga kapag nakaririnig siya ng mga kuwento ukol sa mga
taong nagsimula sa mababa ngunit ngayon ay tinitingala sa larangan ng kanyang ginagalawan. Isa
na rito si Bise Presidente Jejomar Binay. Ayon sa ating nababasa at naririnig ay nagmula sa mahirap na
pamilya ngunit isa na ngayon sa mga kilalang politiko na hinahangaan. Noong kabataan niya, siya ay
pinagtatawanan dahil kailangan niyang tumulong sa magulang sa pag-aalaga ng baboy.
Si Juan Ponce Enrile naman ay isinilang na si Juanito Furugganan sa Cagayan. Ang kanyang ina ay
si Petra Furugganan, isang labandera at anak ng isang mangingisda. Nang siya ay nasa hayskul na ay
kinuha siya ng kanyang ama na isa palang tanyag na abogado, upang pag-aralin. Dito nagsimula ang
pagbabago ng kanyang buhay.
Hindi naman matatawaran ang naging tagumpay ni Henry Sy na nagdanas muna ng kahirapan
bago nagtagumpay. Siya ang may-ari ng lahat ng SM sa buong Pilipinas. Ang kanyang orihinal na
pangalan ay Sy Chi Sieng na ang kahulugan ay “makakamit ang tagumpay.” Siya ay isinilang sa Tsina
noong Disyembre 25, 1923. Ang kanyang ama ay umalis ng kanilang bansa noong si Henry ay sanggol
pa lamang upang humanap ng magandang kapalaran. Sinundan ni Henry Sy ang kanyang ama sa
Pilipinas upang dito manirahan at mangalakal sa gulang na labindalawa. Napaiyak siya nang madatnan
niya ang kanyang ama na naghihirap sa isang maliit na sari-sari store sa may Echague o Carlos Palanca
St. na ngayon. Magmula noon, ipinangako niya sa kanyang sarili na siya ay magsisikap na mapaunlad
ang maliit na negosyo ng kanyang ama at makaaahon sa kahirapan. Sa pagtutulungan nilang mag-
ama, nagawa nilang mapaunlad ang kanilang negosyo hanggang sa maitatag ang SM Chain of Stores
sa buong Pilipinas. Iyan si Henry Sy, ginamit ang kanyang sipag, tiyaga, at katapatan sa pagpapaunlad
ng kanyang negosyo. Ang totoo, siya ang pinakamayamang tao na naninirahan dito sa Pilipinas.
Mula sa: www.jpenrile.com/aboutjpe/biography.asp

Kung tutuusin, hindi lamang sila ang mga taong dati ay mahirap ngunit nang magsikap at
magtiyaga ay tagumpay ang kasunod. Sa libo-libong mag-aaral na babasa ng aklat na ito, maging
inspirasyon ninyo ang mga taong tulad nila at piliting maabot ang tunguhin na matagal na ninyong
pangarap.
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
2. Pumili ng lider na magpapadaloy ng usapan at ng isang kalihim na magtatala ng mga pag-
uusapan sa pangkat.
3. Pag-usapan ang sumusunod na mga katanungan:
a. Sa anong paraan maaaring maisakatuparan ang mga pangarap sa buhay?
b. Paano mapananatili at mapangangalagaan ang tagumpay na nakamit?

44

Calvary Christian School - SY 2013-2014


4. Isulat ang mga sagot sa House Graphic Organizer.

Pagpaplano ng mga
Pangarap sa Buhay

Paano maisasakatuparan ang Paano mapananatili at


mga pangarap sa buhay? mapangangalagaan ang
tagumpay na nakamit?

45

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Rubric sa Pangkatang Pagmamarka

Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon ___________________


Petsa _______________________________________________ Marka __________________________

Pamantayan 1 2 3
Hindi nakikiisa sa Hindi masyadong Lubos na nakikiisa sa
Nakikiisa sa Gawain
gawain. nakiisa sa gawain. gawain.
Hindi ginagampanan Nagagampanan ang Lubos na ginagam-
Ginagampanan ang
ang gawaing nakaa- gawaing nakaatang. panan ang gawaing
Gawaing Nakaatang
tang. nakaatang.

Isulat ang Oo kung may kaugnayan ang pangungusap sa kabanata at Hindi kung walang
kaugnayan sa aralin. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Pinagtawanan si Basilio ng mga guro at kamag-aral dahil sira-sira ang kanyang mga
isinusuot.
______ 2. Naisip ni Basilio na mamasukan bilang katulong upang makapag-aral.
______ 3. Lagi pa ring bumabalik sa isipan ni Basilio ang nangyari sa kanyang ina kahit labintat-
long taon na ang nakalilipas.
______ 4. Si Basilio ay huminto sa tapat ng simbahan at inalis ang kanyang sombrero at nagdasal.
______ 5. Nangagising ang mga tao dahil sa paghuhukay na ginawa ni Basilio.
______ 6. Kaagad na nakabili ng sapatos at sombrerong piyeltro si Basilio nang siya ay binayaran
nang malaki-laki sa pagtistis.
______ 7. Nagbago ang kapalaran ni Basilio nang magsimula siya sa ikatlong taon ng pag-aaral.
______ 8. Dahil sa kasipagan sa pag-aaral ni Basilio ay hinimok siya ng mga guro na lumipat sa
Ateneo.
______ 9. Sa simula pa lamang ay nais na ni Kapitan Tiago na pag-aralin si Basilio ng medisina
para makakuha ng lason para sa tari ng manok.
______ 10. Naatasan si Basilio na magtalumpati sa araw ng kanilang pagtatapos.

Nabatid mo na kung ano ang naging damdamin ni Basilio nang siya ay ipahiya ng kanyang
mga guro at mga taong nakapaligid sa kanya. Maaaring ikaw man ay nagkaroon ng ganoon ding
karanasan. Sumulat ka ng isang salaysay tungkol sa pangyayari na ikaw ay ipinahiya ng iyong guro
o pinagtawanan ng iyong mga kamag-aral. Huwag kalimutang ilagay ang iyong damdamin at kung
paano mo gustong ipakita na balang-araw ay magtatagumpay ka rin.

46

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Basahin: Kabanata 7 – Si Simoun, mga pahina 48–51

Mga Katanungan

1. Bakit nakaramdam ng takot si Basilio nang makita siya ng anino?


2. Sa iyong palagay, bakit naghuhukay ang mag-aalahas sa loob ng kagubatan? Ipaliwanag ang
sagot.
3. Ano ang dahilan at nagbalik si Simoun pagkaraan ng labintatlong taon?

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

47

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 7 Si Simoun

Maipaunawa na ang bayang minamahal ay maaaring ipaglaban sa mapayapang paraan na hindi


kinakailangang dumanak ng dugo

Mahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Ang taong nagmamahal sa bayan Sa anong paraan maaaring ipaglaban
kailan man ay hindi hahayaang mapahamak. ang isang bayang pilit na inilulubog sa isang
kumunoy ng mga mapaniil na pinuno at
sariling mamamayan?

A. Natutukoy ang kahulugan ng ilang piling salita sa teksto


B. Napag-uusapan ang dalawang uri ng tao sa mundo at kung saan sila nabibilang
C. Nakapagmumungkahi kung paano maipaglalaban ang bayan sa mga mapanira at walang
malasakit na mga tao

Si Simoun
(talata 1–23)

Halagahang Pangkatauhan: Ang taong mapagmahal sa bayan, hindi hahayaang mapariwara ang
bayan.

1 Pauwi na sana si Basilio nang may marinig


siyang yabag ng paa at naaninag niya ang isang
liwanag. Nagtago siya sa likod ng punong baliti
habang sa kabila ng puno huminto ang yabag
na narinig ni Basilio. Naaninag niya ang mukha
nito nang maghubad ng salamin at ito ay si
Simoun. Nagsimula itong maghukay gamit ang
isang asarol.

48

Calvary Christian School - SY 2013-2014


2 Muling naalala ni Basilio ang mga naging pangyayari labintatlong taon
na ang nakaraan. Ito ang lalaking tumulong sa kanya na sunugin ang
katawan ng isang lalaking sugatan at pati na rin ang sa kanyang ina.
Natuklasan niya ang isang lihim na nagpapagulo sa kanyang isipan.
Hindi niya matukoy kung sino sa dalawang lalaking iyon si Ibarra. Mula
noon palagi na itong sumasagi sa kanyang isipan sa tuwing maalala bumabalik
niya ang pagkamatay ni Ibarra.
3 Naisipan din ni Basilio na lumabas at magpakita upang mag-alok ng
tulong kay Simoun bilang ganti sa tulong na ibinigay nito labintatlong
taon na ang nakararaan. Napaunat si Simoun at tila tigreng napakislot. napagalaw
Ngunit sa halip na tanggapin ang alok ng binata ay bumunot ito ng
baril at itinutok kay Basilio. Nagtanong ang mag-aalahas kung siya ba ay
kilala ng binata.
4 Tugon ni Basilio, “Kayo po ay isang taong ipinalalagay kong napakadakila,
isang taong ipinalalagay ng lahat, ngunit hindi ako naniniwala, na
namatay na, at ang kanyang kasawian ay dinaramdam ko rin.”
5 Lumapit si Simoun kay Basilio at nagsabing siya ay nakaalam ng isang
lihim na maaaring magpahamak sa kanya. Ayon pa kay Simoun ay
kailangan na niyang patayin si Basilio upang hindi mabunyag ang
kanyang lihim. Wala namang makaaalam kung papatayin ni Simoun
si Basilio sapagkat maaaring ibintang ito sa mga tulisan na naglipana nagkalat
sa gubat. Ngunit napag-isip-isip ni Simoun na pababayaan niyang
mabuhay at maniniwala siyang hindi niya ito pagsisisihan. Sinabi pa
ni Simoun na iisa ang kanilang kapalaran, parehong naghahanap ng
katarungan at nararapat lamang na sila ay magtulungan.

6 At inamin nga ni Simoun na siya at si Ibarra ay iisa. Siya ay naglakbay


sa iba’t ibang parte ng mundo upang magpayaman at muling nagbalik
dito sa Pilipinas. Maghihiganti siya na tiyak na magbubulid sa kamatayan mabibingit
ng mga taong nagpahamak sa kanya. Pababagsakin niya ang tiwaling
pamahalaan at ibubunyag niya ang lahat ng kasamaang ginagawa nito
upang magising na rin ang bayan. Lalong palalakasin ni Simoun ang pagsusulsol
kasakiman sa pamamagitan ng pag-uudyok niya sa pangangamkam
upang maghirap ang bayan. Gigisingin din niya ang mga mamamayan
na maghimagsik upang ang bayan ay malugmok sa kasawian. pag-aangkin
7 Ayon kay Simoun ay sadyang mapupusok at kulang pa sa karanasan ang
mga mag-aaral. Inaakala nilang magiging malaya na ang mga Pilipino
kapag natuto silang magsalita ng wikang Kastila ngunit ang totoo ay
lalo lamang silang magiging alipin.
8 Pinabulaanan ni Basilio ang mga pahayag ni Simoun pagkat ang wikang
Kastila raw ang magbubuklod sa Europa at sa Pilipinas.
9 Tumutol si Simoun sa ikinatwiran ni Basilio sapagkat ayon sa kanya ay
mali ang kanilang ginagawa at hindi nila nakikita ang magiging resulta

49

Calvary Christian School - SY 2013-2014


ng kanilang panukala. Sa palagay ni Simoun ay walang magandang
maibubunga ang panukalang ito kundi ang magdulot lamang ng
pagkawala ng pagiging makabansa.
10 Tinuligsa ni Simoun ang kahilingan ng mga mag-aaral sa paglalagda
pinuna
ng kahilingan hinggil sa pagtuturo ng wikang Kastila. Ang lalong dakila
para kay Simoun ay ang makapagbigay-buhay sa isang bansang balot
ng kalungkutan. Walang silbi ang kanilang buhay kung hindi nila ilalaan
ang isang dakilang layunin para sa bayan.
11 Ipinaliwanag ni Simoun kay Basilio ang dahilan kung bakit siya ay
hahayaan nitong mabuhay. Hiningi ni Simoun ang tulong ng binata
upang bakahin ang mga lihis na hangarin ng mga kabataang maka- mali
Kastila.
12 “Kung ipinagkakait sa inyo ang pagkakaroon ng kinatawan sa mga
samahan at mga mambabatas ay lalong mabuti. Ano na lamang ang
magagawa ng inyong tinig sa nakararami? Kung ayaw ituro sa inyo ang
wikang Kastila ay tiyak na mas mabuti sapagkat mas mapabubuti ninyo
ang inyong katutubong wika.”
13 Matapos magpaliwanag ni Simoun ay nakahinga na si Basilio. Siya ay
nagpaumanhin dahil anya ay hindi siya politiko. Lumagda lamang
siya sa panukalang iyon sapagkat inakala niyang ito ay magdadala ng
kabutihan. Panggagamot ang tangi niyang hangad upang mapagaling
ang mga kababayang maysakit.
14 Ngunit sa kasalukuyan daw ay hindi makapanggagamot nang mahusay
si Basilio sapagkat ang sakit ng bayan ang siyang mas nangangailangan
ng panggagamot. Mas magkakaroon ng saysay ang buhay kung ito ay
gagamitin sa isang layuning dakila.
15 Ayon kay Basilio, pinili niya ang medisina upang mapaglingkuran ang
bayan sapagkat ang karunungan ay hindi nauubos. Tanging karunungan
ang adhikain ng lalong maunlad na bayan. Kapag dumating ang hangarin
panahon na ang lahat ay malaya na, wala nang lahi-lahi, wala nang
magpapaapi at mang-aapi at karunungan lamang ang matitira.
16 Napailing si Simoun. Upang makarating daw sa kalagayang iyon ay
kailangan munang lumaya ang tao at ito ay kinakailangang gamitan
ng dahas. Hindi ito nakukuha sa pagpapauna ng panahon kundi sa
pagtugon ng mamamayan sa kanyang kailangan.
17 Napuna ni Simoun na hindi man lamang natinag ang loob ni Basilio
sa kanyang mga sinabi. Kaya naman nagtanong si Simoun kung ano
ang balak niya para maipaghiganti ang kanyang ina. Ngunit wala nang
balak pang maghiganti si Basilio dahil hindi na bubuhayin pa nito ang
kanyang ina at kapatid. Ano pa naman ang kanyang mapapala?
18 Ayon kay Simoun, matutulungan niya ang iba na hindi na maranasan pa
ang ganoong kasawian. Ang pagpapatawad ay hindi laging kabaitan;
minsan, ito ay nakasasama kung nag-uudyok ng paniniil. Ipinaalala ni pagmamalupit
Simoun ang ginawa ng mga prayle sa kanya noon.
19 Nagtaka si Basilio sapagkat siya na ang naapi ay siya pa ang kinamuhian.
20 “Likas sa isang tao ang mamuhi sa kanyang inapi,” ani Simoun.
21 Ang nais lamang ni Basilio ay isang simpleng buhay, tahanan, asawa, at
mga anak.

50

Calvary Christian School - SY 2013-2014


22 Ikinagalit naman ito ni Simoun sapagkat ang mga simpleng pangarap
daw na ito ang nagiging dahilan kung bakit sila ay alipin pa rin hanggang
ngayon.
23 Magbubukang-liwayway na. Matapos sabihin ni Simoun na hindi niya
pinagbabawalan si Basilio na isiwalat ang kanyang lihim ay nagbilin
siya na kung sakaling siya ay may kailangan
ay magtungo lamang sa kanyang tahanan sa
Escolta. Iyon lamang at naghiwalay na ang
dalawa. Naiwan si Simoun na nag-iisip pa rin
kung nakuha niyang himukin si Basilio na
maghiganti.

Hanapin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.

___________ 1. Laging sumasagi sa isipan ni Basilio ang mga pangyayaring naganap labintatlong
taon na ang nakaraan.
___________ 2. Nagtatago sa kakahuyan si Basilio upang iwasan ang mga tulisang naglipana sa
loob ng kagubatan.
___________ 3. Si Simoun ay nagbalik upang ituloy ang paghihiganti na magbubulid sa tiyak na
kamatayan ng mga taong nagpahamak sa kanya.
___________ 4. Lalong pagniningasin ni Simoun ang galit ng mga mamamayan sa pamamagitan
ng pag-uudyok niya na magsimula ang himagsikan.
___________ 5. Karunungan ang adhikain ng lalong pinakamaunlad na bayan ayon kay Basilio.
___________ 6. Ang pagpapaumanhin ay hindi laging kabaitan at nagiging masama ito kung
nag-uudyok ng paniniil.
___________ 7. Tinuruan ni Simoun ng pangangamkam ang mga nasa pamahalaan upang
maghirap ang bayan.
___________ 8. Tinuligsa ni Simoun ang kahilingan ng mga mag-aaral na magkaroon ng
pagtuturo ng wikang Kastila.
___________ 9. Napaunat si Simoun sa kanyang pagkakaupo at tila isang tigreng napakislot at
handang sakmalin ang panauhing dumating.
___________ 10. Hindi sang-ayon ang mga kaparian sa lihis na hangarin.

napagalaw bumabalik mali


panggigipit nagkalat magbibingit
pagsusulsol pag-aangkin pinuna
lupigin hangarin

51

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Mga Katanungan

1. Ano ang dahilan at nakaramdam ng takot at kaba si Basilio nang siya ay nasa loob ng kagubatan?
2. Bakit nakilala ni Basilio ang taong naghuhukay sa tabi ng puntod ng kanyang ina?
3. Ano ang ipinagtaka ni Basilio nang makilala niya si Simoun?
4. Ano ang lihim na natuklasan ni Basilio na maaaring ikasawi ni Simoun?
5. Ayon kay Simoun, bakit hindi siya mapagbibintangan kung sakaling mapatay niya si Basilio?
6. Ano ang sinabi niya ukol sa mga kabataan?
7. Bakit isang kamalian ang gamitin ang wikang Kastila para kay Simoun?
8. Ano-ano ang paraan upang maisakatuparan ni Simoun ang kanyang paghihiganti?
9. Paano maaaring alisin ang mga mapaniil sa bansa ayon kay Simoun?
10. Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipan:
a. Ang karunungan ay walang katapusan at siyang kagalingan ng sangkatauhan.
b. Ang pagpapaumanhin ay hindi laging kabaitan, ito’y isang kasamaan kung nag-uudyok ng
paniniil.

Gawain

Bawat mamamayan ay may hangaring mapabuti ang kanyang bayan sa iba’t ibang paraang
nalalaman niya. Dalawa ang uri ng tao sa mundo:
1. Mga taong walang hinahangad kundi ang sariling kagalingan – Ito ang mga taong walang
pakialam sa nangyayari sa kanyang kapaligiran. Basta ang nalalaman niya ay hindi siya naaabala
at huwag na masasaktan.
2. Mga taong inuuna ang bayan bago ang sarili – Ito ang mga taong may marubdob na pagnanasa
na mapabuti ang kalagayan ng bansa at ang mga mamamayang nasasakupan nito. Sila ang mga
taong walang interes na magnakaw, manggulo, o maghatid ng lagim sa bansa. Ang nalalaman
nila ay magmahal, magmalasakit, at nakahandang mamatay para sa bayan.
Ang isang taong nakaranas ng karahasan at pang-aapi ay hindi nakaiisip ng paraan, sa mapaya-
pang paraan tulad ng pakikibaka laban sa mga namumuno. Ngunit may tao namang pagod na sa
kaguluhan at pakikibaka. Pinipili na lamang ang mabuhay nang tahimik at paunlarin ang sarili. Katulad
ni Basilio; sa halip na maghiganti ay pinilit niyang kalimutan ang lahat dahil hindi na maibabalik ang
buhay ng kanyang ina at kapatid. Siya ay nabibilang sa unang uri ng tao.

Bagama’t tama si Simoun sa kanyang mga tinuran na hindi na dapat magpabaya kung ang bayan
ay nilulupig na, dapat ay kumilos. Ngunit paano?
1. Hatiin ang buong klase sa apat na pangkat.
2. Pumili ng isang pinuno upang magpadaloy ng usapan at isang kalihim upang maitala ang mga
pag-uusapan at mapagkakasunduan.
3. Pag-usapan kung saang uri ng tao sila nabibilang. Pangatwiranan ang dahilan.
4. Magbahaginan kung paano nila maaaring ipaglaban ang isang bayang pilit na sinisira ng mga
taong walang malasakit.

52

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Rubric sa Pangkatang Pagmamarka

Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________


Petsa _______________________________________________ Marka _________________________

Pamantayan 1 2 3
Hindi nakikiisa sa Hindi gaanong nakiisa Lubos na nakikiisa sa
Nakikiisa sa Gawain
gawain. sa gawain. gawain.
Ginagampanan ang Hindi ginagampanan Nagagampanan ang Lubos na ginagampanan
Gawaing Nakaatang ang gawaing nakaatang. gawaing nakaatang. ang gawaing nakaatang.

Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat bilang.


___________ 1. Bahagi ng gubat na tinigilan ng anino
___________ 2. Ang tinutukoy ni Basilio na dakila dahil sa pagtulong nito labintatlong taon na
ang nakararaan
___________ 3. Ang natuklasan ni Basilio kay Simoun na naging dahilan ng kanyang pagkatakot
___________ 4. Ang mapagbibintangan kung sakaling si Basilio ay mapatay
___________ 5. Isa sa mga hadlang sa balak ni Simoun na makapaghiganti
___________ 6. Ang tinutukoy ni Simoun na nagpamana ng kanyang pangalan
___________ 7. Ang inudyukan ni Simoun na lumahok sa kaguluhan na kanyang pinaplano
___________ 8. Ang hindi na maibabalik ng hukuman kung sakaling tanggapin ni Basilio ang
alok ni Simoun
___________ 9. Ang lugar na maaaring puntahan ni Basilio kung sakaling may kailangan siya kay
Simoun
___________ 10. Ang pinili ni Basilio sa halip na maghimagsik kay Simoun

Sumulat ng isang sanaysay ukol sa paksang “Ang Karunungan ay Walang Katapusan.” Isulat ito sa
isang puting papel.

Basahin: Kabanata 8 – Maligayang Pasko, mga pahina 54–56


Mga Katanungan

1. Anong himala ang inaasahan ni Huli sa kanyang paggising?


2. Isa-isahin ang kaugalian ng mga Pilipino kapag sumasapit ang Pasko noon. Ginagawa pa ba ito sa
kasalukuyan?
3. Bakit nagulat ang mga kaibigan at kaanak ni Tata Selo nang sila ay dumalaw sa kanya?
Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang 2D Flash Animated Digital Storybook ng “Si Simoun” na may gabay ng guro at sagutin ang
mga kaukulang katanungan.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com
upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.
53

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 8 Maligayang Pasko

Maipaunawa na ang anumang suliranin o pagsubok sa buhay ay magiging magaan kung


pagtutulong-tulungan at pagpaparamdam na may pag-asa pang nakalaan sa kanila

Mahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Ang suliranin ay bahagi ng buhay na Paano ko gagamitin ang mga
dapat na positibong tinatanggap para sa suliraning nararanasan para sa higit na
higit na pagkatuto. pagpapatatag ng aking pagkatao?

A. Natutukoy ang kasingkahulugan ng ilang piling salita sa teksto


B. Nakapagbabahaginan ng mga karanasan ukol sa mga pagsubok na dumating sa buhay ng mag-
aaral
C. Nakapagtatala ng mga paraan kung paano makatutulong ang kabataan sa mga nawawalan ng
pag-asa dulot ng mga pasanin sa buhay

Maligayang Pasko
(talata 1–9)
Halagahang Pangkatauhan: Tanggapin ang mga pagsubok sa buhay at maging matapang sa
pagharap sa mga ito.

1 Nang magising si Huli ay madilim pa


ang paligid ngunit tumilaok na ang mga
manok. Bigla niyang naisip na baka
gumawa ng himala ang Birhen kaya siya
ay bumangon at nagpunta sa batalan.
2 Walang pangkaraniwang naganap sa araw
na iyon. Sumikat ang araw, ramdam ang
dapyo ng hangin at maririnig ang tilaok dampi
ng manok. Nang tingnan niya ang pera
sa ilalim ng imahe ng Mahal na Birhen ay
ni hindi ito nadagdagan. Iniisip ni Huli na
hindi siya dapat malungkot dahil maaari

54

Calvary Christian School - SY 2013-2014


pa rin niyang madalaw ang kanyang ingkong. Wala naman siyang
magawa sa mga pangyayari. Ipinagtimpla ni Huli ng salabat ang
kanyang nuno sa pag-aakalang tulog pa ito. Sumagi rin sa kanyang isip
si Basilio at ang pangako nito sa kanya na kapag nakapagtapos ng pag-
aaral at naging ganap na doktor, sila ay magpapakasal.

makinang na ba-
3 Nang mahawakan ni Huli ang laket na may brilyante ay hinalikan niya tong hiyas
ito ngunit kaagad na inilayo sapagkat naalala niyang mula ito sa isang
ketongin. Baka kapag nahawa siya ay baka hindi pa siya makapag- isang uri ng
asawa. sakit sa balat
4 Nakita ni Huli ang nuno na nakatanaw sa kanya. Nagbilin naman ang
dalaga na sabihin sa kanyang ama na siya ay pumasok na sa kolehiyo. isang uri ng lalag-
Halos maiyak ang matanda sa sinambit ng apo. Agad na kinuha ni Huli yan ng damit tulad
ang kanyang tampipi at dali-daling umalis. Nang lingunin niya ang ng maleta
kanilang tahanan ay madilim ang loob nito na tila walang nakatira
at nang marinig ni Huli ang alatiit ng kanilang pintong kawayan ay
nakaramdam siya ng matinding lungkot at saka napaiyak. langitngit
5 Nang makaalis na si Huli ay nakaupo si Tandang Selo at nakatanaw sa
mga taong dumaraan na magagara ang suot.
6 Ayon sa mga matatanda ay para sa mga bata raw ang araw ng Pasko
sa Pilipinas. Ngunit ang hindi nila alam ay kinatatakutan nila ang araw
na iyon. Sapagkat tuwing Pasko ay kinakailangan nilang gumising nang
maaga, magsuot ng mga mamahaling damit, at makinig sa Misa Mayor. huling misa
Kinakailangan din na hindi sila maglikot upang hindi marumihan ang
kanilang mga magagarang damit dahil kung hindi, makatatanggap sila sigaw
ng kurot o bulyaw.
7 Dinadala sila ng kanilang mga magulang sa kanilang mga kamag-
anak upang magmano, dumalaw, at mamasko. Kailangan din nilang paghalik sa kamay
magpakita ng kanilang kakayahan sa pag-awit, pagsayaw, at iba pa
sapagkat kapag sila ay sumuway, kurot at galit ang magiging kapalit
tumutol
nito. Ang aginaldo na kanilang matatanggap ay agad ding kinukuha
kaya hindi napapakinabangan ng mga bata. Ito ang kinagisnang ugali
ng mga batang Pilipino tuwing Pasko. regalo

55

Calvary Christian School - SY 2013-2014


8 Malungkot si Tandang Selo sapagkat wala siyang maibigay ni isa mang
regalo sa kanyang mga kaibigan pati na rin sa kanyang apo na hindi man
lang siya nabati ng “Maligayang Pasko.” Nang dumalaw ang kanyang
mga kaibigan at kamag-anak ay walang tinig na nakalabas sa kanyang
bibig at walang narinig kundi impit na tunog.
9 Nasindak ang kanyang mga kamag-anak at nagkagulo. Napabulalas sila
na napipi na si Tandang Selo.

Hanapin sa loob ng larawan ng tampipi ang mga kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit sa loob ng pangungusap.

dampi sigaw maleta


tumututol agnos regalo
panghuling misa paghalik sa kamay
langitngit makinang na batong hiyas

___________ 1. Naririnig ni Huli ang alatiit ng kawayan na para bang nagpapaalam sa kanya.
___________ 2. Isang malamig na dapyo ng hangin ang nagpagising sa kanyang diwa.
___________ 3. Natakot si Huli na ilapat ang kanyang labi sa laket na galing sa taong ketongin.
___________ 4. Nagagalit ang kanyang mga magulang kapag sumusuway siya sa nais nilang
mangyari.
___________ 5. Kapag bisperas ng Pasko ay nagsisimba sila sa Misa Mayor.
___________ 6. Inayos ni Huli ang kanyang tampipi bilang paghahanda sa kanyang pag-alis.
___________ 7. Isang malakas na bulyaw ang narinig ng kutsera mula sa guwardiya sibil.
___________ 8. Hinahalik-halikan ni Maricar ang singsing na punong-puno ng brilyante na bigay
ni Rosauro.
___________ 9. Bago umalis si Huli ay nagmano muna siya kay Tata Selo.
___________ 10. Ang mga bata ay sabik sa mga aginaldong natatanggap mula sa kanilang mga
ninong at ninang.

Mga Katanungan

1. Bakit maagang nagising si Huli nang umagang iyon?


2. Ano ang inaasahan sana ni Huli na magaganap sa kanyang paggising?
3. Bakit nasabi ni Huli na wala naman siyang dapat ikalungkot?
4. Bakit biglang nag-alala si Huli nang ilapat sa kanyang bibig ang laket?
5. Ano ang kahulugan ng Pasko para sa matatanda?

56

Calvary Christian School - SY 2013-2014


6. Bakit ayaw ng Pasko ng mga bata? Ilahad isa-isa ang mga dahilan.
7. Sa kabanata ay inilarawan ang mga paraan ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas noong panahon
ng Kastila. Nagaganap pa ba ito sa kasalukuyan?
8. Anong sakit ng lipunan ang gustong bigyang-diin ni Rizal sa kabanatang ito?
9. Ano ba ang tunay na kahulugan ng Pasko para sa iyo?
10. May mga himala pa bang nangyayari sa kasalukuyan? Patunayan.

Gawain

Hindi nawawala sa buhay ng tao ang siya ay dumaan sa pagsubok sa buhay. Kakambal na
niya ang mga suliraning iyan sa kanyang pagsilang. Iba-iba ang uri ng tao sa pagharap sa mga
dumarating na pagsubok sa kanila.
1. May taong hinaharap ito at pinag-iisipan kung paano lulutasin.
2. Ang iba naman ay nauupo na lang sa isang sulok, binibilang itong pabigat at pagkatapos ay
gumagawa ng bagay na ikasisira ng kanilang katawan.
3. Mayroon din namang hinaharap nang buong tapang ang suliranin at ibinibilang itong isang
hamon na magdadala sa kanya sa matuwid na landas.
4. May iba rin naman na dahil hindi makaya ang sunod-sunod na pagsubok, nandadamay pa
ng ibang makasasama at nag-iisip ng bagay na hahantong sa kamatayan.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang napabalitang isang ina na nilason ang kanyang tatlong
anak dahil hindi nakayanan ang mga suliranin sa buhay. Ito ay naganap sa Magdalena, Laguna.
Ayon sa salaysay ng mga pulis, pilit na pinainom ng toilet bowl cleaner ang kanyang mga
anak at pagkatapos ay siya, si Janet Ponce, ang pinakahuling uminom ng toilet bowl cleaner. Ang
inang ito at ang kanyang tatlong anak ay kaagad na dinala sa ospital ngunit kaagad namang
binawian ng buhay. Sa pag-iimbestiga ng mga pulis, sila ay nakakita ng suicide note sa tahanan
ng mga biktima na nagsasaad na kaya niya nagawang patayin ang kanyang mga anak ay dahil na
rin sa paghihirap nila sa buhay. Ang mga pangyayari ay ipinagbigay-alam ng mga pulis sa asawa
ng biktima na isang construction worker sa Maynila.

Kung nawawalan ng pag-asa, mananatiling madilim ang hinaharap; samantala, kung


haharapin ang mga pagsubok sa buhay, ito ang magsisilbing lakas at pag-asa na magtataguyod
upang malampasan ang mga daluyong ng buhay. Pangkaraniwan na makadama ang tao ng
pagkatakot. Ang matinding kalungkutan ang malakas na kalaban ng taong may problema sa
buhay. Tingnan din natin ang bahaging positibo ng ating problema, maaaring ito ang magbibigay
ng magandang aral sa buhay natin upang tayo ay hindi mawalan ng pag-asa sa buhay. Ang
mahalaga ay mapaglabanan at sikaping maihanap ng lunas at maging matapang sa pagharap
nito.
Sa panahon ng kagipitan, totoong higit na kakailanganin ang mga taong makakapitan
tulad ng magulang, kapatid, at kaibigan na magpapalakas ng loob ng isang tao.
1. Pangkatin ang klase sa apat. Pumili ng lider na mamumuno sa talakayan at ng kalihim na
magtatala ng anumang pag-uusapan.
2. Magbahaginan ng mga karanasan ukol sa mga pagsubok na dumating sa buhay kung
mayroon man. Kung wala naman ay suliranin ng ibang tao at kung paano ito napaglabanan.
Kung hindi napaglabanan, ano ang nangyari?

57

Calvary Christian School - SY 2013-2014


3. Pagkatapos ng bahaginan at maitala ang mga ito, humanap ng mga kaparaanan kung
paano makatutulong ang mga kabataan sa mga nawawalan na ng pag-asa dulot ng mga
pasanin sa buhay.

Pangkat Pagsubok na Dumating Ginawa Kong Solusyon


1.
2.
3.
4.
5.

Paano ako makatutulong sa mga nawawalan na ng pag-asa dulot ng mga pasanin sa buhay?

1.

2.

3.

4.

5.

Rubric sa Kritikal na Pag-iisip


Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________
Petsa _______________________________________________ Marka _________________________

Pamantayan 1 2 3 4 5
Walang kaala- Limitado ang Bahagyang Mahusay na Napakahusay
man sa paksa kaalaman sa nakapagpapa- naipaliwanag at malinaw
Pagbibigay ng
kaya hindi pagpapaliwa- liwanag ng ang mga kasa- na naipaliwa-
Paliwanag
kayang mag- nag ng paksa. paksa. gutan. nag ang mga
paliwanag. kasagutan.
1 2 3 4
Pagkakaroon Walang nalalaman Hindi gaanong Kinakitaan ng Mulat na mulat ang
ng Kamalayan sa mga nangyayari kalawak ang kamalayan ukol sa kamalayan sa mga
sa mga Ka- sa kanyang kapali- kamalayan ukol mga kaganapan sa pangyayaring naga-
ganapan sa giran. sa kaganapan sa kapaligiran. nap sa kapaligiran.
Kapaligiran kapaligiran.
1 2 3
Pagiging Totoo Hindi kapani-paniwala May ilang pahayag na hindi Kinakitaan ng pagiging
sa mga Sina- ang mga ipinahayag. totoo. totoo sa mga ipinahayag.
sabi
Paggamit Hindi naging maingat sa Bahagyang naging maingat Naging maingat sa pagpili
ng mga Salita pagpili ng mga salita. sa mga salitang ginamit. ng mga salitang ginamit.

58

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Hanapin sa hanay B kung sino o ano ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa bawat patlang.
A B
_______ 1. tampipi a. ang inaasahan ni Huli pagkagising niya
_______ 2. napipi b. ang hinihingi ng mga tulisan
_______ 3. Misa Mayor c. ang tanging naihanda ni Huli kay Tata Selo
_______ 4. regalo d. takot na halikan ni Huli, baka mahawa sa
ketongin na nagbigay nito
_______ 5. laket e. ang matututuhan ni Huli sa kanyang pupuntahan
_______ 6. himala f. ang tawag sa pinaglagyan ni Huli ng kanyang
mga damit
_______ 7. salabat g. ang araw na kinatatakutan ng mga bata
_______ 8. Pasko h. uri ng misa na dadaluhan ng mga bata na
hindi nila gusto
_______ 9. mangastila i. ang hindi naibigay ni Tata Selo sa
mga dumadalaw sa kanya
_______ 10. pantubos j. ang nangyari kay Tata Selo
k. pinakuluang luya

Bumuo ng isang liham na magsisilbing inspirasyon sa taong alam mong may mabigat na
suliranin sa buhay. Isama sa liham kung may maitutulong sa kanya. Sikapin na ang liham na gagawin
ay magbibigay ng pag-asa sa kanya.

Basahin: Kabanata 9 – Mga Pilato, mga pahina 60–61

Mga Katanungan

1. Sino-sino ang tinutukoy na Pilato? Ipaliwanag kung bakit sila ay mga Pilato.
2. Paano sila naging Pilato sa buhay ni Tata Selo?
3. Paano mo iuugnay ang mga Pilato sa kabanata sa Pilato sa Bibliya?

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

59

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 9 Mga Pilato

Maipaunawa sa mga mag-aaral na dapat iiwas ang sarili na magkasala

Mahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Ang taong nagmamalinis at Bakit hindi madali sa tao ang
mapanghusga ay larawan ng kawalang tumanggap ng kasalanan o pagkakamali?
karangalan.

A. Natutukoy ang kasingkahulugan ng ilang piling salita sa teksto


B. Nakabubuo ng isang diyalogo na sasagot sa mahalagang katanungan
C. Nabibigkas ang diyalogo nang may buhay at damdamin

Mga Pilato
(talata 1–6)

Halagahang Pangkatauhan: Iiwas ang sarili na magkasala.

1 Naging balita sa buong bayan


ang nangyari kay Tata Selo.
Walang makita ang mga tao na
maaaring masisi kaya naman
ang iba ay nagkibit-balikat na nagwalang-bahala
lamang.

60

Calvary Christian School - SY 2013-2014


2 Maging ang tenyente ng guwardiya sibil ay nagsabing napag-utusan
lamang daw siya kaya niya ipinasamsam ang mga sandata. Hindi upang ipinakuha
madukot ng mga tulisan si Kabesang Tales.
3 Ang uldog na bagong nangangasiwa sa lupain ni Kabesang Tales ay tagapamahala
nagsabing wala ring kasalanan sa nangyari samantalang kung hindi siya ng pari
nagsuplong ay hindi ito madarakip. Nag-iingat din si Padre Clemente
dahil ayon sa kanya si Tales daw ay tila may tinging tila sumisipat sa aasintahin
parteng patatamaan sa kanyang katawan.
4 Si Hermana Penchang naman ay walang sinisisi kundi si Tandang Selo
na hindi tinuruan ang kanyang anak ng wastong pagdarasal gaya ng
kanyang ginagawa ngayon kay Huli. Pinababasa niya ito ng aklat na
ang pamagat ay “Tandang Basyong Makunat.” Nag-antanda si Hermana nagkrus
Penchang at nagpasalamat sa pagkakadukot ng mga tulisan kay
Kabesang Tales. Pinigilan din niya ang dalaga na dumalaw sa kanyang
ingkong dahil kinailangan niyang magtrabahaho upang makabayad sa
inutang na salapi.
5 Ayon kay Hermana Penchang, si Basilio ay masamang tao sapagkat nais
niyang tubusin si Huli sa pagiging alila nito sa kanya. bawiin

6 Nagdiwang naman ang mga pari sapagkat sila ay nanalo sa usapin


tungkol sa lupa. Dinukot ng mga tulisan si Kabesang Tales kaya ibinigay
ng mga pari ang kanyang lupain sa bagong namamahala. Nang bumalik
si Kabesang Tales ay iba na ang nangangasiwa ng kanyang lupain. At
nalaman niyang naging utusan si Huli kapalit ng salaping ipinantubos
sa kanya. Napipi ang kanyang ama at tuluyan na siyang pinaalis sa
kanyang tirahan ayon sa utos ng hukuman at katuwaan ng mga pari. kaunti
Napaupo na lamang si Kabesang Tales sa isang sulok at hindi nagsalita
gaputok man.

61

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Mula sa kalipunan ng mga salita, hanapin ang tamang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit sa pangungusap. Titik lamang ang isulat sa patlang.

_______ 1. Ayon sa guwardiya sibil siya ay napag-utusan lamang kaya ipinasamsam niya ang mga
sandata.
a. ipinakuha b. ipunin c. bilhin
_______ 2. Natatakot si Padre Clemente sa tingin ni Kabesang Tales dahil tila humahanap ito ng
dakong patatamaan sa kanyang katawan.
a. kukunin b. hahaplusin c. aasintahin
_______ 3. Biglang nag-antanda si Hermana Penchang dahil sa takot dahil nalaman niyang
dinukot si Kabesang Tales.
a. nagmano b. nagkrus c. nagmadali
_______ 4. Nagkibit-balikat ang ilan sa mga kababayan ni Kabesang Tales nang mapabalita ang
pagkakadukot sa matanda.
a. Nagkainteres b. Nag-alaala c. Nagwalang-bahala
_______ 5. Umuwi ng Maynila si Basilio upang kunin ang kanyang naipon para matubos si Huli.
a. mabawi b. mabayaran c. makuha

Mga Katanungan

1. Ilahad ang iba’t ibang reaksiyon ng mga tao sa nangyari kay Tata Selo.
2. Ayon sa tenyente ng guwardiya sibil, bakit hindi siya dapat sisihin sa nangyari kay Kabesang
Tales?
3. Paano nagmalinis o naghugas ng kamay si Padre Clemente sa nangyari kay Kabesang Tales?
4. Paano inilipat ni Hermana Penchang ang kasalanan kay Huli?
5. Bakit lumuwas ng Maynila si Basilio?
6. Bakit ipinalalagay ng matandang manang na tuluyan nang mahuhulog sa pagkakasala si Huli?
7. Paano ipinakita ng mga prayle ang kanilang galit kay Kabesang Tales?
8. Ilarawan ang anyo at ikinilos ni Kabesang Tales nang tanggapin ang utos ng hukuman at sapitin
ang mga hirap na dinanas niya.
9. Sa iyong palagay, sino ang maaaring may kagagawan ng lahat ng nangyari kay Kabesang Tales?
Bakit?

Gawain

Isang pangyayari ang gumimbal hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa labas ng ating bansa
noong Agosto 23, 2010.
62

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Ang sampung oras na hostage crisis noong Lunes ay nag-iwan ng siyam na patay kasama na si
Mendoza na siyang nang-hostage at 17 ang nakaligtas.
Ang katawan ni Senior Inspector Rolando Mendoza, na napatalsik sa kanyang tungkulin ay
natagpuang patay sa loob ng tourist bus na kanyang hinostage noong ikasiyam ng umaga ng Agosto
23. Siya ay dinala sa Ospital ng Maynila. Nadala rin sa ospital na iyon ang pito sa kanyang hinostage. Sa
pitong nadala sa ospital lima rito ay malubhang sugatan at dalawa ay patay na nang dalhin sa ospital.
Si Mendoza na naakusahan na may kinalaman sa kasong droga ay nang-hostage ng isang tourist
bus na may dalawampu’t dalawang Chinese nationals at tatlong Pilipino. Hiniling niya na pakakawalan
niya ang mga Tsino kung siya ay ibabalik sa kanyang tungkulin sa kagawaran ng pulisya.
Sa buong panahon ng hostage-taking, pinilit na pasukin ng mga pulis ang bus ngunit sila ay
napigilan ng mga putok ng baril na nanggaling sa loob ng bus.
Sa kalagitnaan ng negosasyon ay pinakawalan ni Mendoza ang siyam sa kanyang hinostage at
naiwan ang 17 katao sa loob ng bus. Dumating ang mga personalidad na ang layon ay tumulong sa
negosasyon tulad nina Tulfo, na isang brodkaster, at ang Bise Mayor ng Maynila na si Isko Moreno.
Dumating din ang kapatid ni Mendoza na si Senior Police Officer 2 (SPO2) Gregorio Mendoza.
Sa isang hiwalay na interbyu kay Superintendent Nelson Yabut, sinabi niya na hindi nila mapasok
ang bus dahil ginawa niyang panangga ang mga hostage. Sinamantala ng snipers ang pagkakatayo ni
Mendoza sa unahan ng bus at ito ay nabaril sa kanyang sintido.
Mula sa: http://www.time.com/time/world/article/0.8599.2013609.00.html
Naging mahaba ang negosasyon ng hostage-taker at ng mga opisyal ng ating pamahalaan na
sa bandang huli ay nabigo at umabot sa pagkamatay ng ilang dayuhan. Matagal nang naganap ang
mga pangyayari ngunit patuloy pa rin ang pagtuturuan kung sino ang may pagkukulang sa mga
pangyayari. Kung lahat sana ng mga may kinalaman ay naupo at pinag-usapan ang mga solusyon,
sana ito ay naayos at nalutas. Pero ang nangyari, sila ay nagtuturuan, nagmamalinis. Hindi matanggap
na sila ang pinag-ugatan ng isang pagkakamali at sa bandang huli ay ituturo sa iba.
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
2. Bawat kasapi ng pangkat ay lilikha ng isang diyalogo na sasagutin ang katanungang nakasulat
sa Mahalagang Katanungan. Ang wakas ng kanyang diyalogo ay dapat magpaalala sa mga
tagapakinig na ang tao ay dapat iligtas ang sarili na magkasala.
3. Bibigyan ang bawat isa ng 15 minuto upang isulat ang kanyang diyalogo at 10 minuto upang
magsanay sa papel na kanyang bibigkasin.

Rubric sa Role-playing
Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________
Petsa _______________________________________________ Marka __________________________

Pamantayan 1 2 3 4
Walang kaug- Kulang na kulang Halos nakukuha May kaugnayan
Nilalaman nayan ang nilala- ang kasagutan ang konsepto at wastong-
ng Diyalogo man ng diyalogo sa mahalagang ng nilalaman ng wasto ang nilala-
sa mahalagang katanungan. diyalogo. man ng diyalogo.
katanungan.

63

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Walang kabu- Kulang na kulang Katamtaman Napakagaling
hay-buhay o ang damdaming lamang ang ipi- at nakaantig ng
Damdamin hindi naipadama ipinakita. nakitang damda- damdamin ng
ang damdaming min. manonood.
dapat nanaig.
Hindi sumang- Kulang na kulang Mahusay na Napakahusay at
ayon ang kilos ang kilos. naibigay ang ta- angkop na ang-
Kilos o Galaw o galaw sa mga mang pagkilos. kop ang kilos sa
sinasabi. mga binitiwang
diyalogo.
1 2 3
Paghikayat Hindi nahikayat ang Nahikayat nang kaunti Napakahusay at nahika-
sa Madla madla. ang madla. yat ang madla.

Piliin sa loob ng kahon ang salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap sa bawat bilang. Isulat
ang sagot sa patlang.

nakapagsalita uldog Hermana Penchang


pinigilan nagdiwang kasawian
Tandang Basyong Macunat pagtutol kunin
pagkapipi lumalaban

1. Napabalita sa buong bayan ang ___________ ni Tata Selo.


2. Sinunod ng tenyente ng guwardiya sibil nang walang __________ ang utos na samsaming lahat
ang mga sandata.
3. Ang __________ na tagapangasiwa ng mga pari ay nagsabi ring wala siyang kasalanan sa mga
pangyayari.
4. Ayon kay Padre Clemente, isang parusa ng langit sa mga _____________ sa hinihinging pagtataas
ng buwis ng korporasyon ang nangyari kay Kabesang Tales.
5. Sinabi ni ______________ na isang makasalanan si Huli sapagkat dalaga na ay hindi pa marunong
magdasal.
6. ______________ ni Hermana Penchang si Huli sa pagdalaw kay Tata Selo dahil kailangan niyang
mag-aral at magdasal.
7. Sa pananalig ni Hermana Penchang na mailigtas si Huli, ipinabasa niya ang aklat na
_________________.
8. Si Basilio raw ay lumuwas ng Maynila upang _________ ang kuwaltang naipon at matubos si Huli.
9. ________________ ang mga pari dahil nanalo sila sa usapin kay Kabesang Tales.
10. Hindi na _____________ si Kabesang Tales ni gaputok man lalo na nang magbaba ng kautusan
ang hukom na kailangang lisanin niya ang kanyang bahay sa loob ng tatlong araw.

64

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Sa Bibliya, si Pilato ay nagbigay ng kaparusahan kay Hesukristo. Kaagad ay naghugas ito ng
kamay bilang simbolo ng pagtanggi na siya ay walang kasalanan. Isipin mo ngayon kung sino ang
iyong ipinahamak o nabigyan ng kaparusahan nang dahil sa iyo.
Ang tao kasi dahil sa pride ay ayaw umamin sa pagkukulang o pagkakasalang kanyang nilikha.
Magaling siyang magturo ng iba upang makawala sa sariling kasalanang siya ang may gawa. Paano
mo sasabihin sa kanya na ikaw mismo ang may kasalanan kaya siya napahamak?
Sumulat ng isang sanaysay ukol dito at ilagay sa puting papel.

Basahin: Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan, mga pahina 66–68

Mga Katanungan

1. Ano ang layunin ni Simoun at sa tahanan ni Kabesang Tales siya nagtuloy upang magbenta ng
mga alahas?
2. Bakit pinamagatang “Kayamanan at Karalitaan” ang kabanata?
3. Paano ipinakita ni Kabesang Tales ang kanyang pagkamaginoo matapos niyang kunin ang baril
ni Simoun?

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

65

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 10 Kayamanan at Karalitaan

Maipaunawa na ang bawat nilalang ay may karapatang ingatan ang sariling dangal at ipagtanggol
ang sarili sa anumang uri ng pang-aabuso

Mahahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Ang bawat tao ay may mga karapatan Bakit dapat ingatan ang ating mga
na di nakukuha o nananakaw. karangalan?
Ang karangalan ay angking yaman
ng tao.

A. Nabibigyan ng kahulugan ang ilang salita at parirala na ginamit sa kabanata


B. Nakapagsasaliksik ng mga pangyayaring yumuyurak sa karapatan at karangalan ng tao
C. Nakabubuo ng komik istrip na may paksang pag-iingat sa sariling karangalan

Kayamanan at Karalitaan
(talata 1–16)
Halagahang Pangkatauhan: Igalang mo ang karapatan ng iyong kapwa.

1 Marami ang nagtataka kung bakit sa bahay


ni Kabesang Tales nakituloy ang mag-
aalahas na si Simoun. Kahit naghihikahos, naghihirap
sinunod pa rin ni Kabesang Tales ang
magandang kaugalian ng mga Pilipino,
ang mainit na pagtanggap lalo na ng isang
dayuhan. Wala namang dapat alalahanin
si Kabesang Tales dahil may utusan at
mga pagkaing dala si Simoun. Makikituloy
lamang siya nang isang gabi at isang araw
sapagkat iyon ang pinakamalaking bahay
sa nayon sa pagitan ng San Diego at Tiani.
Ito kasi ang mga bayang inaasahan niyang
maraming mamimili.

66

Calvary Christian School - SY 2013-2014


2 Nagtanong si Simoun kay Kabesang Tales kung sapat na ang rebolber
na dala niya upang maipagtanggol niya ang sarili. Ayon naman kay
Kabesang Tales ay may mga baril na kayang pumutok sa malayo ang
mga tulisan.
3 “Ito man ay malakas din,” ayon kay Simoun saka pinatamaan ang isang
bungang kahoy na may dalawang daang hakbang mula sa kanilang
kinatatayuan. Nalaglag ang bunga nito. Hindi naman kumibo si
Kabesang Tales.
4 Unti-unting dumating ang mga mamimili. Sina Kapitan Basilio kasama
ang kanyang maybahay, si Sinang, at si Hermana Penchang. Iniwan kapatawaran sa
niya si Huli upang magsaulo ng maliit na aklat sapagkat nagbibigay ng parusang dapat
indulhensiya ang mga pari para sa mga makababasa nito. Nang buksan kamtan
ni Simoun ang kanyang lalagyan ng mga alahas makikita roon ang iba’t
sinauna
ibang uri ng mga hiyas tulad ng mga brilyante at mga antigong bato.
telang hinabi na
5 Nang alisin ni Simoun ang lona na nakatakip sa sisidlan ay naroon ang karaniwang ginagamit
mga alahas na iba-iba ang ayos at disenyo. Sa pag-aalok ng alahas na layag sa bangka o
sinasabi ni Simoun ang kasaysayan at pinagmulan ng mga ito. May mga tolda
singsing, relikaryo, palawit sa kuwintas, krus, at iba pa.
antigo

6 Paris ng hikaw ang napili ni Hermana Penchang upang mairegalo


niya sa Birhen ng Antipolo. Nang mabuksan ni Simoun ang sumunod
niyang sisidlan, puno pa rin ito ng mga hiyas at mga sari-saring bato na
noon lamang nila nakita. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas
ni Simoun. Ninais niyang lumapit upang makiusyoso ngunit lumayo na
lamang. Naisip niya na inaalipusta lamang ng kayamanang iyon ang hinahamak
mga pangyayaring nagdulot sa kanya ng kasawian.
7 Sa kabila ng ganitong karaming kayamanan ay palagay na palagay si
Simoun sa kanyang pagsasalita habang ang kanyang mga mamimili
naman ay tila nag-aalangan at parang natatakot. Sa di-kalayuan ay nag-atubili
nakatanaw si Kabesang Tales at naisip na kung mapapasakanya lamang
ang isa sa mga brilyanteng iyon ay magiging sapat na itong pantubos
kay Huli at isang maginhawang buhay kasama ang ama.
8 Ayon kay Simoun ay hindi lamang mga magagandang alahas ang
kanyang dala, kundi pati na rin mga gamot at lason na sa isang dakot
lamang ay kayang puminsala sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas. Agad
namang napawi ang takot ng mga mamimili nang ilabas ni Simoun ang
iba pa nitong alahas mula sa panibagong sisidlan. Ngunit tila walang
nais mamili ng luma at may kasaysayang mga alahas ni Simoun.
9 Ang bawat isa ay nagpasya nang mamili, ang iba ay kumuha ng singsing,
relos, at laket. Si Kapitan Tika ay bumili ng relikaryo, isang paris ng hikaw
ang kay Sinang, habang isang kairel at isang paris ng hikaw ang binili ni
Kapitan Basilio para sa alperes at sa arsobispo.
10 Ayon kay Simoun ay bumibili rin siya ng mga alahas. Kaya naman
tinanong niya si Kabesang Tales kung mayroon siyang maipagbibiling
hiyas. Iminungkahi ni Sinang ang laket ni Maria Clara. Kumislap ang nagkaroon
mga mata ni Simoun nang marinig ang sinabi ni Sinang. Hinanap ito ng pag-asa
ni Kabesang Tales at iniabot kay Simoun. Nang makilala ni Simoun na
67

Calvary Christian School - SY 2013-2014


iyon nga ang kuwintas ni Maria Clara agad nagtanong kung magkano
ibebenta.
11 Nag-isip si Kabesang Tales, ngunit agad na sumabat si Hermana
Penchang na hindi raw tamang ipagbili niya ang laket na iyon dahil
maging si Huli ay ninais pang magpaalipin kaysa mawala ang laket.
Marapat lamang daw na ipaalam muna kay Huli bago siya magdesisyon.
Napag-usapan si Maria Clara at ayon sa mga nakakita sa kanya sa kum-
bento ay sinabing may sakit daw ito, payat at malamang na mamatay
na isang santa. Tunay namang mataas ang pagtingin ni Padre Salvi kay may paggalang
Maria Clara dahil napakabuting bata raw nito.
12 Tumalab nga ang sinabi ni Hermana Penchang kay Kabesang Tales.
Nag-alala ito sa anak na babae kaya’t hihingi siya ng pahintulot upang
ipagpaalam muna kay Huli kung papayag na maipagbili ang laket.
13 Nagkasundo sila kaya’t si Kabesang Tales ay umalis. Ngunit nang
napadaan siya sa kanyang bukid, natanaw niya ang tagapangasiwa
ng lupa at ang bagong nagsasaka sa kanyang bukirin. Matindi pa sa
asawang nakahuli sa kanyang kabiyak na gumagawa ng kataksilan
ang nadama niyang sakit. Nakita niyang nagtatawanan ang uldog at
ang bagong tagapangasiwa ng kanyang lupain at inisip ni Kabesang
Tales na siya ang pinagtatawanan ng mga ito. Bumalik sa alaala niya
na sinabi niyang hindi niya ibibigay ang lupain maliban sa sinumang magbubuwis
makapagdidilig dito ng sarili niyang dugo. ng buhay
14 Buong gabing naghintay si Simoun kay Kabesang Tales ngunit hindi
ito dumating. Nakita na lamang niya kinabukasan na nawawala na ang
kanyang rebolber. Nag-iwan ang kabesa ng isang sulat kalakip ang
laket ni Maria Clara. Sinabi ni Kabesang Tales sa sulat na patawarin siya
at pinagnakawan siya sa sarili nilang bahay at ginawa niya iyon dahil
kailangang-kailangan lamang. Pinayuhan siyang umiba ng landas dahil
kapag nahuli siya ay hihingan ng malaking tubos.
15 Ayon kay Simoun ay natagpuan na niya ang kanyang magiging tauhan.
Ang pagdating ng mga sibil ay lalong nagpasaya kay Simoun dahil nang
hindi makita si Kabesang Tales ay dinakip si Tandang Selo. Tatlong tao
ang pinatay ni Kabesa noong gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking
bagong namamahala sa kanyang bukirin at maging ang asawa nito ay
natagpuang patay noong madaling araw basag ang bungo at tagpas putol
ang leeg. Sa tabi ng bangkay ay may kapirasong papel na may nakasulat
na Tales gamit ang daliring isinawsaw sa dugo.
16 “Mga mamamayan ng Calamba, kayo ay pumayapa. Hindi kayo si Tales
na nakapatay. Nagsipaglinis kayo ng inyong bukirin, nagtipid upang
makapagpatayo ng bahay, nag-ipon, pagkaraan nito ay pinaalis kayo
sa inyong ipinatayong tahanan at sinasakang lupa. Kayo ay inalisan ng
karapatan at nilapastangan ang mga tradisyon ng bayan gayong kayo
ay naglilingkod sa kaharian ng Espanya. Humingi kayo ng tulong ngunit
di kayo kinaawaan, sa halip ay inusig pa kayo ng hanggang sa inyong
kamatayan. Kayo ay pinagmamasdan ng Espanya habang naghihintay
na matugunan ang katarungan.”

68

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Piliin ang kahulugan ng ilang mga piling salita at parirala batay sa pagkakagamit nito sa binasang
kabanata. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Iniwan ni Hermana Penchang si Huli upang magsaulo ng maliit na aklat sapagkat nagbibigay ng
indulhensiya ang mga pari para sa mga makababasa nito.
a. kapatawaran sa parusang dapat kamtan
b. pabuyang salapi
c. asal sa mga kaluluwang nasa purgatoryo
d. payo sa mga mamamayan
2. Si Simoun ay palagay na palagay ang loob kung magsalita samantalang parang nag-aalangan
naman ang mga taong naroon na bumili ng kanyang mga alahas.
a. naguguluhan
b. nag-aatubili
c. nag-iisip
d. nalilito
3. Binuksan ni Simoun ang sisidlan ng alahas at inalis nito ang pantakip na lona upang makita ng
mga mamimili ang mga alahas.
a. balabal
b. pambalot
c. telang hinabi na karaniwang ginagamit na layag sa bangka o tolda
d. mga bulak na ginawang taguan ng mga alahas
4. Ang napakaraming kayamanan ni Simoun ay umaalipusta sa pagiging isang mahirap at pagkasawi
ni Kabesang Tales.
a. humahamak
b. pumupuri
c. umiinsulto
d. umiiwas
5. Nangislap ang mga mata ni Kabesang Tales nang may magmungkahi na maaaring ibenta ang
laket o agnos na ibinigay ni Basilio kay Huli.
a. namilog ang mga mata
b. nagkaroon ng pag-asa
c. natuwa
d. nakakita ng saglit na kaligayahan
6. May mga mamimili ng alahas na nagsabing si Padre Salvi ay may mataas na pagtingin kay Maria
Clara.
a. malaki ang paggalang o respeto
b. tinitingala sa lipunan
c. inaalagang mabuti
d. kinikilala
69

Calvary Christian School - SY 2013-2014


7. Nagunita ni Kabesang Tales ang kanyang isinumpa na hindi ibibigay ang lupain maliban sa
sinumang makapagdidilig dito ng sarili niyang dugo.
a. sumisimbolo ito sa paglinang ng sariling lupain
b. magsisikap sa pagpapaunlad ng bukirin
c. magbubuwis ng sariling buhay
d. magtitiyaga na tamnan ang bukirin

Mga Katanungan

1. Bakit maraming nagtataka na sa bahay ni Kabesang Tales nakituloy si Simoun?


2. Sino-sino ang taong nagsipunta sa bahay ni Kabesang Tales upang makita ang mga alahas na
dala ni Simoun?
3. Paano nahikayat ni Simoun ang mga tao na bumili ng kanyang mga alahas?
4. Bakit kaya gumagamit si Simoun ng mga kilalang tao sa mga batong kanyang ibinebenta?
5. Nagkaroon din ba ng interes si Kabesang Tales sa alahas ni Simoun? Patunayan.
6. Anong alahas ang sinabi ni Sinang na maaaring ipagpalit ni Kabesang Tales?
7. Pumayag ba si Kabesang Tales na ipagbili ang laket ni Huli? Patunayan.
8. Nagkaroon ba ng interes si Simoun nang makita ang laket na pag-aari ni Maria Clara? Patunayan.
9. Ano ang kapalit ng laket na iniwan ni Kabesang Tales kay Simoun?
10. Ano ang sinira ni Kabesang Tales pagkatapos niyang kunin ang rebolber ni Simoun?
11. Bakit nasabi ni Simoun na natagpuan na niya ang kanyang tauhan?
12. Isalaysay ang pangyayari pagkatapos makita ni Kabesang Tales ang tagapangasiwa ng lupa at
ang bagong magsasaka sa dati niyang sinasaka.

Gawain

May mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng kanilang kapwa. Kung minsan, ginagamit ng
mga taong ito ang kamangmangan at kahirapan ng kanilang kapwa upang makuha ang kanilang
minimithi. Nababasa natin sa mga pahayagan ang pangangamkam ng lupa ng ilang asendero sa
lupang sinasaka ng ilang magsasaka. May mga nagtatagumpay dahil hindi maipaglaban ng ilang
magsasaka ang kanilang karapatan sa lupang sinasaka nila. Ang iba naman ay ipinagwawalang-bahala
na ang sariling dangal upang maipaglaban ang karapatan kahit lihis na ito sa tamang pangangatwiran.
Ang mga Dumagat ay nagsimulang linangin ang
mga kagubatan ng Norzagaray ng Bulacan noong 1960.
Nauna pang nanirahan ang kanilang mga ninuno kaya
noong 1964 ang mga lupang kanilang tinitirhan ay
ipinagkaloob na sa kanila sa pamamagitan ng original
certificate of title o OCT. Inisyu sa kanila ito ng Register
of Deeds ng Bulacan noong Abril 27, 1964.
Nagkakaroon ng pagbabago ang mapayapang
pamumuhay ng mga Dumagat nang magtayo ng rancho
ang isang Vicente Puyat sa lugar ng lupaing ninuno ng
70

Calvary Christian School - SY 2013-2014


mga Dumagat. Binoldoser ang mga punong mangga na nasa tabi ng bawat kubo ng mga katutubo
upang gawing rancho. Dahil dito, napilitang umalis ang mga Dumagat sa kanilang lupa at dahil na rin
sa takot sa mga guwardiya na may hawak na armalites.
Ang natitira pang mga Dumagat ay nangupahan nang mahal sa sarili nilang lupa huwag lamang
silang paalisin.
Ang negosyong Manila Brickwork na itinayo rin sa lupain ng mga katutubo ay hindi umunlad kaya
ito ay nakipagkasundo sa isang kilalang politiko na ang negosyo ay real state upang makapagtayo ng
housing project sa lupain ng mga Dumagat sa Norzagaray, Bulacan. Ang mga katutubong Dumagat ay
tuluyang naitaboy sa paanan ng bundok ng Sierra Madre dahil sa land grabbing.
Mula sa: http://pnoypinay.org/updates-list/103-the-dumagats-and-the-...-land-grab
March 28, 2010
Hindi dapat nagpapadala sa simbuyo ng damdamin at panunulsol ng iba ang isang tao bagkus
gamitin ang tamang pag-iisip nang hindi makasira ng buhay. Mahalaga na ang bawat desisyon
sa buhay ay tinitimbang upang malaman kung paano malulutas sa tama at legal na paraan ang
anumang problema. Sa bagay na ito, hindi natutulog ang pamahalaan upang matulungan ang
isang pangkaraniwang mamamayan na maipagtanggol at mapangalagaan ang sariling karapatan.
Ang Public Attorney’s Office o PAO ay isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng libreng
abogado upang maipaglaban ang mga walang kakayahang maipagtanggol ang sarili. Hindi solusyon
sa problema ang pagpatay, pagyurak sa karangalan, at pagtapak sa karapatan ng kapwa. May mga
batas tayong dapat sundin. Kailangan ito upang maging maayos at mapayapa ang isang lipunan. Isa
rito ang kakayahang ipaglaban ang sariling karapatan na nakasaad sa probisyon ng 1987 Konstitusyon
ng Republika ng Pilipinas.
1. Magpangkat sa lima ang klase.
2. Magsasaliksik ang bawat pangkat ng isa o higit pang pangyayari na tinapakan ang karapatan
at niyurakan ang karangalan ng kanyang kapwa. Pag-uusapan din ng pangkat kung paano
ipaglalaban ang sariling karapatan at karangalan.
3. Iuulat ng bawat pangkat ang mga pangyayaring nasaliksik at ang mga paraan kung paano
maipagtatanggol ang sariling karapatan at karangalan.
4. Pagkatapos ng pag-uulat, ang bawat pangkat ay bubuo ng komik istrip na may paksang “Paano
Ko Iingatan ang Aking Karangalan?”
5. Ang komik istrip ay magtataglay ng anim na kuwadro o higit pa depende sa mabubuong istorya.
Bawat diyalogo ay isusulat sa speech balloon ayon sa sumusunod na paraan ng pagsasalita.
Narito ang ilan sa mga uri ng speech balloon na maaaring magamit:

karaniwang kapag nag-iisip


pagsasalita

pabulong na kapag nagagalit


pagsasalita o pasigaw

71

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Rubric sa Paggawa ng Komik Istrip
Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon ___________________
Petsa ________________________________________________ Marka __________________________

Pamantayan 1 2 3 4 5
Walang Kulang na Halos mabuti Mahusay at Napakahusay
Nilalaman koneksiyon kulang sa ang nilalaman malaman ng mga ipina-
o Diyalogong sa paksa ang konsepto ang ng komik istrip. ang gustong sok sa nilala-
Nabuo nilalaman. nilalaman ng iparating. man.
paksa.
1 2 3 4
Gumamit ng mga Gumamit ng mga Angkop ang mga Angkop na angkop
salitang pabalbal hiram na salita sa salitang ginamit ang mga salitang
Wikang Ginamit
sa diyalogong ginawang diya- sa diyalogo. ginamit sa diyalogo.
nilikha. logo.
1 2 3
Mahusay at kinakitaan ng Hindi gaanong kinaki- Napakahusay at kitang-kita
Pagkama-
pagiging malikhain. taan ng pagiging ang pagiging malikhain.
likhain
malikhain.
1 2 3
Marumi ang pagkakaga- Hindi gaanong malinis Malinis ang ginawa.
Kainisan
wa ng komik istrip. ang nilikha.

Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng katotohanan? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. a. Nakituloy si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales dahil ito ang pinakamalaking bahay sa
nayon.
b. Nagtungo si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales upang makita ang hitsura ng bahay nito.
c. Ibig makilala nang husto ni Simoun ang pagkatao ni Kabesang Tales kaya napili niyang
puntahan ang bahay nito.
d. Naawa si Simoun kay Kabesang Tales kaya nais niya itong bigyan ng salapi.
2. a. Ipinakita ni Simoun ang kahinaan niya sa pag-asinta ng mga bunga.
b. Ipinamalas ni Simoun kay Kabesang Tales ang kahusayan niya sa pagbaril.
c. Hinikayat ni Simoun si Kabesang Tales na mag-aral sa paggamit ng baril.
d. Tinuruan ni Simoun si Kabesang Tales na gumamit ng baril.
3. a. Ibig ni Hermana Penchang na bumili ng singsing para sa Birhen ng Antipolo.
b. Ibibili ni Hermana Penchang ng alahas si Huli.
c. Ayaw magpatalo ni Hermana Penchang kay Kapitan Basilio sa pagbili ng alahas.
d. Natuklasan ni Hermana Penchang na huwad ang mga alahas na ipinagbibili ni Simoun.
4. a. Hindi kaakit-akit ang mga alahas na ibinebenta ni Simoun.
b. Hangang-hangang ang mga mamimili ng alahas ni Simoun.

72

Calvary Christian School - SY 2013-2014


c. Masyadong mataas ang halaga ng mga alahas ni Simoun kaya ilan lamang ang bumili.
d. Marami ang nakabili ng alahas dahil sa mababang halaga ng mga ito.
5. a. Binili ni Simoun ang relikaryo ni Huli kaya nalutas ang problema ni Kabesang Tales .
b. Hinikayat ni Sinang si Kabesang Tales na ipagbili na kay Simoun ang relikaryo ni Huli.
c. Nasilaw si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun kaya ninakaw niya ito.
d. Hinadlangan ni Hermana Penchang ang pagbebenta ng relikaryo ni Huli upang matubos si
Huli.
6. a. Nanlumo si Kabesang Tales nang malamang may iba nang nagmamay-ari ng lupang dati
niyang sinasaka.
b. Nagtungo si Kabesang Tales sa kanyang bukirin upang paghigantihan ang mga taong
umangkin ng kanyang lupain.
c. Hindi makausap ni Kabesang Tales ang mga taong kumuha ng kanyang lupain.
d. Nakipagkasundo si Kabesang Tales sa prayle upang mabawi ang kanyang lupain.
7. a. Pumayag si Huli sa hiling ng ama na ibenta ang relikaryo upang matubos siya kay Hermana
Penchang.
b. Ipinagpalit ni Kabesang Tales ang relikaryo ni Huli sa baril ni Simoun.
c. Nagalit si Simoun kay Kabesang Tales dahil pinagnakawan siya nito.
d. Ipinahuli ni Simoun sa mga guwardiya sibil si Kabesang Tales.
8. a. Nasabi ni Simoun na duwag si Kabesang Tales.
b. Nabanggit ni Simoun na natagpuan na niya ang kanyang tauhan.
c. Nagkamali si Simoun nang tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales.
d. Iniwan ni Kabesang Tales si Simoun upang tingnan ang lupang sinasaka niya.
9. a. Limang katao ang napatay nang gabing iyon.
b. Nahuli si Kabesang Tales nang gabing iyon.
c. Tatlong katao ang pinatay nang gabing iyon na kasama ang prayle at mga taong nag-
asikaso sa lupain ni Kabesang Tales.
d. Marami ang hinuli nang gabing iyon kaya nagkagulo ang mga tao.
10. a. Pumayag si Huli na ibenta ang laket na ibinigay ni Basilio upang matubos ang kanyang ama.
b. Ipinagpalit ni Kabesang Tales kay Simoun ang laket ni Huli sa isang rebolber.
c. Ninakaw ni Kabesang Tales ang laket ni Huli kaya naibalik ito sa may-ari.
d. Natuwa si Simoun dahil nabili niya ang laket na nanggaling kay Maria Clara.

Ipinakita sa kabanata na nanaig ang poot at paghihiganti ni Kabesang Tales sa mga taong
kumuha ng kanyang lupain. Hindi na niya pinahalagahan ang dating iniingatang dangal sapagkat
inilagay niya sa kanyang kamay ang batas. Magsaliksik tungkol sa ilang mga tao na naging biktima
tulad ni Kabesang Tales. Isalaysay ang puno at dulo ng pangyayari at ang naging bunga ng paglalagay
ng batas sa kanilang mga kamay. Kunin ang website, aklat, o iba pang sangguniang pinaghanguan ng
mga impormasyon. Isulat ito sa isang puting papel.

73

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Basahin: Kabanata 11 – Sa Los Baños, mga pahina 76–78

Mga Katanungan

1. Bakit mahalaga sa Kapitan Heneral na makahuli ng usa?


2. Ano raw ang maaaring mangyari sa Gobernadorcillo at Cabeza de Barangay kapag hindi nakahuli
ng usa ang Kapitan Heneral? Ano ang nais ipakita ng may-akda sa pangyayaring ito?
3. Ilahad ang motibo sa pagpapatalo sa sugal nina Padre Sibyla at Padre Irene. Sa iyong palagay,
naging mabisa ba ang estratehiya nilang pagpapatalo upang makuha ang minimithi sa Kapitan
Heneral? Patunayan.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

74

Calvary Christian School - SY 2013-2014


IIKALAWANG
KALAWANG BAHAGI
HINDI KAILANMAN MANGINGIBABAW
ANG KASAMAAN SA KABUTIHAN

75

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 11 Sa Los Baños

Maipaunawa sa mga mag-aaral na ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan


sa pagpapaunlad ng isang bansa at matutugunan ito kung ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan ay naibibigay

Mahahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Ang pamahalaan ay sandigan ng Bakit kailangang tugunan o kalingain
mamamayang nangangailangan ng isang ng pamahalaan ang pangangailangan ng
makaamang pagkalinga. kanyang nasasakupan?
Ang kalagayang panlipunan, pang-
ekonomiya, at sosyo-kultural ng isang bansa
ay repleksiyon ng taong namumuno sa
bansa.

A. Nakabubuo ng iba pang salita mula sa ibinigay na salita sa talasalitaan


B. Natutukoy ang mga problema ng bayan na nangangailangan ng solusyon
C. Nakalilikha ng liham sa Pangulo upang matawag ang pansin nito sa mga problema ng bayan

Sa Los Baños
(talata 1–26)
Halagahang Pangkatauhan: Ang isang mabuting pinuno ay gumagawa ng paraan kung paano
maibibigay ang mga pangangailangan ng bayan.

1 Nangaso sa Busubuso ang Kapitan namaril ng usa


Heneral at ang Gobernadorcillo kasama
ang ilang kawal at kawani. Ngunit dahil
may kasamang musiko ay wala siyang
nahuli ni ibon o usa. Kamuntik nang
pagbihising usa ang mga kawani. Ayon
sa Kapitan Heneral ay mainam na raw na
wala siyang nabaril na usa sapagkat likas
itong maawain sa mga hayop. Ang totoo
ay lihim siyang natutuwa sapagkat walang

76

Calvary Christian School - SY 2013-2014


makakakita at makaaalam na tila siya isang baguhang mangangaso na
hindi makatama ni isang ibon o usa. Kung magkakaganoon ay malalagay
sa alanganin ang kanyang karangalan. Kaagad silang bumalik sa Los
Baños.

2 Noong araw ding iyon ay naglalaro ng tresilyo ang Kapitan Heneral, si


Padre Sibyla, at si Padre Irene sa may sala, habang galit na galit naman
si Padre Camorra na walang alam sa mga nangyayari. Ang totoo ay
nagpapatalo ang dalawang kura sapagkat sila ay manghihingi ng pabor
sa Kapitan Heneral. Ngayong araw kasi pag-uusapan ang tungkol sa
paaralang binabalak ng mga mag-aaral.
3 Habang nagsusugal ay sinimulang ihain ng kalihim ang mga gawain
sapagkat sadyang masipag ang kapitan at ayaw nitong may nasasayang
na panahon. Inisa-isa ng kalihim na banggitin ang mga nakahandang
usapin sa araw na iyon gaya ng pagpapalit ng tungkulin, suspensiyon, at isyu
pagpapatapon ng mga ito sa malalayong lugar. Ang lahat ay naghihintay
sa magiging desisyon ng kamahalan tungkol sa Akademya ng Wikang
Kastila. Naroroon din sa silid na iyon sina Don Custodio at ang isang
prayleng Dominiko, si Padre Fernandez.
4 Tuluyan nang nagalit si Padre Camorra nang muling sadyain ni Padre
Irene na magkamali sa pagsusugal upang manalo ang Kapitan Heneral.
Kaya naman umalis na lamang ang una at nagtungo sa kabilang silid.
5 Inanyayahan ni Padre Sibyla si Padre Fernandez na sumali upang
humalili kay Padre Camorra ngunit tumanggi ang prayle sapagkat hindi
raw siya marunong. Kaya naman si Simoun ang pumalit sa puwesto ni
Padre Camorra. Nagbiro si Padre Irene na maaaring itaya ni Simoun ang
kanyang mga brilyante. Sumang-ayon naman si Simoun sa hamon ng
kura at sinabing wala raw maitataya ang kura.

6 Kaya naman ayon kay Simoun ay masisiyahan na lamang na bayaran


siya ng mga pangako. Ang kay Padre Sibyla ay ang pagsasabi na siya
ay tumatanggi sa kahirapan, pagkamababang-loob at pagkamasunurin.
Sumunod naman ay ang kay Padre Irene. Ayon kay Simoun ay dapat
siyang mangako na si Padre Irene ay tatanggi sa pagtitimpi sa sarili at
pagiging mapagbigay sa kapwa. Ang mga maliliit na bagay daw na iyon
ay brilyante niya ang magiging kapalit.
77

Calvary Christian School - SY 2013-2014


7 Habang ang ibabayad naman ng Kapitan Heneral ay limang araw na
pagpapakulong; pagkakapiit sa isang lugar sa loob ng limang buwan;
pagpapatapon ng dalawandaang bilanggo na walang natalang
pangalan, sa malayong lugar; at pagpapabaril sa isang taong pipiliin
ni Simoun at limang pagpatay sa bawat lalawigan sa loob ng limang
buwan.
8 Kakaiba ang naging mga hamon ni Simoun kaya naman napalapit sina
Don Custodio, Padre Fernandez, at ang mataas na kawani. Ang isa ay
nagtanong kung ano ang maaaring mapala ni Simoun sa kanyang mga
hiniling.
9 Para daw malinis ang bayan at maalis ang mga masasamang loob na
naglipana sapagkat sawa na siya na pulos kabutihan ang naririnig.
Ipinalalagay ng lahat na kaya ganito ang naging hiling ng alahero ay
dahil sa pagkakaharang sa kanya ng mga tulisan. Ayon kay Simoun
ay bininbin siya ng mga tulisan, kinuha nito ang kanyang dalawang ikinulong
rebolber at matapos ang isang araw ay pinakawalan din siya.
10 Marami raw dalang mga armas ang mga tulisan. Dahil dito lalagda
na ng kautusan ang kapitan na magbabawal sa pagdadala ng armas
upang hindi na maragdagan pa ang armas ng mga tulisan. Isang baligtad sa
malaking kabalintunaan ito, ayon kay Simoun, dahil tanging ang mga katotohanan
tulisan lamang daw ang mga nagpapagod sa araw-araw nilang pagkain.
Dugtong ni Simoun na kung ang nakahuli sa kanya ay ang mga prayle,
tiyak ang kalahati ng kanyang kayamanan ay kukunin ng mga ito. May
tinutukoy si Simoun nang sabihin na ang mga tulisan sa lungsod ang
higit na dapat katakutan.
11 “Parang kayo,” sagot ni Padre Sibyla na tila natatawa.
12 “Tulad natin,” ganti naman ni Simoun. “Tayo ay di-lantarang mga tulisan.
Kaya naman kung tayo ay pupunta ng bundok ay mawawala ang
problema ng bayan at hindi na maaabala pa ng kalihim ang heneral.”
13 Ika 11:30 na nang umaga ng huminto ang lahat sa paglalaro at
pagbibiruan. Ayon sa heneral ay may kalahating oras pa bago
mananghalian at marami pa silang dapat pag-usapan.
14 Napagpasyahan ng heneral na ipagbawal ang mga armas de salon.
Agad namang tumutol dito ang mataas na kawani sapagkat kahit saang
bansa ay pinapayagan ang armas de salon. Mahina lamang ang mga
armas de salon at bukod dito ay manok lamang ang kayang patayin nito.
Palaging sinasalungat ng mataas na kawani ang mga pasya ng heneral. di-sinasang-
Ngunit kahit ganoon ay wala namang nangyayari sa mga pagtutol nito. ayunan
Nagbigay naman ng payo si Simoun na huwag ipagbawal ang armas de
salon at sa halip ay ipagbili ang mga ito na walang anim na milimitro. Ito
nga ang nasunod.
15 Sumunod namang pinag-usapan ang tungkol sa paaralan sa Tiani.
Humihingi raw ng maayos na paaralan ang guro sa Tiani dahil marami
nang sira ang kasalukuyang ginagamit na paaralan. Sinabi naman ni
Padre Sibyla na kung gustong magturo kahit saan ay maaari.
16 Sadyang maraming reklamo ang gurong iyon kaya siya ay itinuring na
pilibustero. Ipinasya ng heneral na mas mabuti pa raw na tanggalin na

78

Calvary Christian School - SY 2013-2014


ang guro sa kanyang tungkulin. Kaya naman ipinag-utos ng heneral na
ang lahat ng gurong dadaing sa kanilang tungkulin ay ipatatanggal.
Natigatig naman ang mataas na kawani sa naging pasya ng heneral na nag-alala
tanggalin ang guro sa kanyang katungkulan.
17 Ipinagtanggol ng mataas na kawani ang guro dahil sa halip na tulungan
ito ay napasama pa at natanggalan ng hanapbuhay. Malaking halaga na
raw ang nailalabas ng pamahalaan sa pagbili ng mga kagamitan para
sa paaralan, ngunit dahil sa walang maayos na paaralan ay madaling
nasisira ang mga kagamitan sa loob.
18 Ipinayo naman ni Don Custodio na sa halip na magpatayo pa ng
panibagong paaralan ay bakit hindi na lamang gamitin ang mga
sabungan. Kung tutuusin daw ay tuwing Linggo at kapistahan lamang
ito ginagamit at maliban doon ay nakatiwangwang lamang ito. Ayon sa
heneral ay pag-aaralan muna niya ang payo ni Don Custodio bago siya
magdesisyon.
19 Isinunod naman ang usapin tungkol sa panukala ng mga mag-aaral na
magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila. Hiningi ng heneral ang
opinyon ng mataas na kawani; sumang-ayon naman ito at pinuri pa ang
naging panukala ng mga mag-aaral. Hindi naman sumang-ayon dito si
Padre Sibyla dahil wala raw sa panahon ang ganitong kahilingan at isa
rin itong paraan na paghamak sa kanila na mga Dominiko. Ayon naman
kay Simoun ay kahina-hinala ang panukalang ito.
20 Isa-isang binanggit ang mga mag-aaral na may panukala sa naturang
paaralan. Si Isagani raw ay mahilig sa pagbabago at pagsulong kaya
naman ito ay mapanganib. Agad naman itong ipinagtanggol ni Padre baka makapinsala
Fernandez sapagkat siya ay nasisiyahan. Ayon kay Padre Camorra ay
walang galang daw ang mag-aaral na si Isagani sapagkat nang ito ay
kanyang itulak ay itinulak din siya nito. Samantala, ang mayamang si
Macaraig, ayon naman kay Padre Irene, ay kasiya-siya at magalang.
Inihabilin ito sa kanyang tagatangkilik na kondesa. Si Basilio naman,
ayon kay Padre Salvi, ay namatay ang kanyang ama sa isang kaguluhang
hindi na niya matandaan.
21 Ipinagtanggol ng mataas na kawani ang mga mag-aaral ngunit
sinalungat agad ito ni Padre Camorra sapagkat hindi raw dapat
matutong mangastila ang mga Indio. Tiyak daw na matututo rin silang
makipagtalo sa kanila.
22 Ayon naman kay Padre Sibyla ay may lihim na pakikipaglaban ang
panukalang ito. Kapag nasunod sila at natalo ang mga pari, yayabang
ang mag-aaral at sila ay matutuwa. Pagkatapos nito ang pamahalaan
ang isusunod pabagsakin.
23 Nagsalita naman si Padre Fernandez. “Bakit natin iisiping tayo ay natalo
nila? Pagbigyan natin ang kanilang kagustuhan upang sila ay matuwa
sa atin at matutong tumanaw ng utang na loob tulad ng ginagawa ng
mga Heswita.”
24 Lalo namang ikinagalit ni Padre Sibyla nang mabanggit ang mga
Heswita. Umigting ang pagtatalo ng lahat kaya naman hindi na sila
nagkaunawaan. Tumayo na ang kapitan sa kanyang upuan dahil

79

Calvary Christian School - SY 2013-2014


nakahanda na ang tanghalian. Ipagpapatuloy na lamang daw ang mga
maseselang usapin matapos kumain at baka hindi sila matunawan.
25 Pabulong namang isiningit ng mataas na kawani sa Kapitan Heneral ang
tungkol sa anak na dalaga ni Kabesang Tales na humihiling na palayain
na ang kanyang nuno na nasa kulungan bilang kapalit ng kanyang ama.
26 Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya at agad namang sumang-
ayon ang heneral.

Bumuo ng iba pang mga salita mula sa salitang may salungguhit sa pangungusap. Ilagay sa
tapat ng bawat linya ang sagot.
Halimbawa:
Ayon kay Simoun ang mga tulisan ang pinakamatapat na mamamayan sa buong bayan.

tulis

usa tulisan alis

lisan
1. Hinihintay ng lahat ang resulta ng usapin ukol sa Akademya ng Wikang Kastila.

usapin

2. Sinabi ni Simoun na siya ay bininbin ng mga tulisan at kinuha ang kanyang dalawang
rebolber.

bininbin

3. Nasabi ni Simoun na isang kabalintunaan ang pagkakilala ng mga prayle sa mga tulisan
dahil ang mga ito ang pinakamatapat na mamamayan sa buong bayan.

kabalintunaan

80

Calvary Christian School - SY 2013-2014


4. Palaging sinasalungat ng Kapitan Heneral ang mga opinyon ng mataas na kawani.

sinasalungat

5. Si Padre Irene ay natigatig sa naging pasya ng kanyang kamahalan na patalsikin ang guro sa
kanyang katungkulan.

natigatig

Mga Katanungan

1. Bakit hindi nakahuli ng usa ang Kapitan Heneral? Ano ang magiging epekto nito sa Kapitan
Heneral?
2. Ano ang maaaring mangyari sa Gobernadorcillo at Cabeza de Barangay kapag hindi nakahuli ng
usa ang Kapitan Heneral? Ano ang nais ipakita ng may-akda sa pangyayaring ito?
3. Ilahad ang motibo ng pagpapatalo sa sugal nina Padre Sibyla at Padre Irene. Sa iyong palagay,
naging mabisa ba ang estratehiyang ito upang makuha nila ang kanilang minimithi sa Kapitan
Heneral?
4. Isa-isahin ang mga suliranin na kailangang pagtuunan ng pansin at mabigyan ng kalutasan.
5. Naipakita ba sa kabanata na ginagampanan ng Kapitan Heneral ang kanyang tungkulin sa bayan?
Paano?
6. Ano ang kinahinatnan ng paghiling ng guro ng bagong paaralan?
7. Patunayan na kahit paano ay may pagmamalasakit ang Kapitan Heneral sa pagkakaroon ng
edukasyon ng mga bata.
8. Ilahad ang iba’t ibang reaksiyon ng mga prayle sa inihaing panukala ng mga kabataan tungkol sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
9. Bakit nabanggit ang pangalan nina Isagani, Basilio, at Macaraig sa pulong sa Los Baños?
10. Paano natulungan ni Padre Camorra si Huli nang magtungo ito sa Los Baños?

Gawain

Ang pamahalaan ay nagbibigay ng iba’t ibang uri ng paglilingkod o serbisyo sa mga nasasaku-
pan nito gaya ng pagtataguyod sa kagalingan ng kapakanang pambansa tulad ng katarungang panli-
punan, katahimikan, pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran, at pagbibigay ng proteksiyon sa mga
karapatang pantao na titiyak sa kasaganaan ng bansa at magpapalaya sa sambayanan sa kahirapan.

81

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Dahil sa tungkuling ito ng pamahalaan, tayo ay pumipili ng mga pinunong iniluluklok natin sa
puwesto na magbibigay ng katuparan sa pagpapaunlad ng ating bansa. Kung tayo ay magkakamali
sa pagpili ng isang mabuting pinuno, magdurusa ang bayan. Ang pagpapaunlad ng isang bayan ay
nakasalalay sa pagkakaroon ng isang magaling at mabuting pinuno.
Tingnan mo ang nagaganap sa ating bansa. Naririyan ang kawalan ng trabaho, dumaraming
informal settlers, pagtaas ng bilihin, paglaganap ng krimen, at iba pa. Malungkot isipin. Kung minsan,
hindi maiwasang matanong sa sarili kung ano ang nangyayari sa atin? Bakit nagkakaganito ang bayan
ni Juan? Sa palagay mo kaya, matutugunan ng pamahalaan ang mga suliranin ng bansa?
Sa kabilang dako, hindi maikakaila na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matugunan
ang problema ng bansa. Mayroon silang mga proyekto tulad ng pabahay sa mahihirap, pagsulong ng
turismo sa bansa, at pagbibigay ng pagsasanay sa kapulisan.
Ang kailangan ngayon ng bansa ay buong pusong pakikiisa ng bawat mamamayan upang
harapin ang mga pagsubok. Kailangan pang dagdagan ang pagkakaisa upang mabawasan o gumaan
ang mga problema. Ikaw ba, kabataan, ay nakahandang tumugon upang ang bansa ay tumungo
sa kaunlaran? Sa palagay mo ba ay kaya ng pamahalaan na matugunan ang pangangailangan ng
kanyang nasasakupan?
1. Magpangkat sa walo ang klase.
2. Pag-usapan ng bawat pangkat ang mga problema ng ating bayan. Pumili ng limang pangyayari
sa bansa na hindi nabibigyan ng kaukulang pansin o halaga o hindi gaanong natutugunan ng
pamahalaan.
3. Ilalahad ng bawat kasapi ng pangkat ang mga nakikitang ginagawa ng pamahalaan, upang
mabigyang-kalutasan ang mga problema. Suriin kung epektibo nga ba ang ginagawa ng
pamahalaan.
4. Pagkatapos bigyang-suri, magbigay ng mga suhestiyon kung paano pa matugunan ang
lumalalang krisis sa bansa.
5. Isulat ang kasagutan sa tsart.

Suhestiyon kung
Kaganapan sa bansa
Mga nakikitang paano pa matutugunan
na hindi gaanong
ginagawa ng Epektibo ba o hindi? ng pamahalaan ang
natutugunan ng
pamahalaan lumalalang krisis sa
pamahalaan
bansa
1.

2.

3.

4.

5.

82

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Rubric sa Pangkatang Pagmamarka

Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________


Petsa _______________________________________________ Marka __________________________

Pamantayan 1 2 3
Hindi nakikiisa sa Hindi gaanong nakiisa Lubos na nakikiisa sa
Nakikiisa sa Gawain gawain. sa gawain. gawain.
Hindi ginagampanan Nagagampanan ang Lubos na
Ginagampanan ang
ang gawaing gawaing nakaatang. ginagampanan ang
Gawaing Nakaatang
nakaatang. gawaing nakaatang.

Isulat sa patlang ang wastong parirala upang mabuo ang diwa ng pangungusap sa bawat
bilang.
1. Ang kasiglahan ng Kapitan Heneral ay naragdagan dahil natatalo niya sa sugal sina Padre Irene at
Padre Sibyla. Lihim silang nagpapatalo sapagkat ______________________________.
a. ayaw nilang uminit ang ulo ng Kapitan Heneral
b. pinagkakaisahan nila si Padre Camorra para matalo ito
c. nakasalalay sa sugal na iyon ang pagsang-ayon ng Kapitan Heneral sa Akademya ng Wikang
Kastila
d. gusto nilang malibang ang Kapitan Heneral sa araw na iyon
2. Sinabi ni Simoun na ang kasamaan ay wala sa pagkakaroon ng tulisan sa mga bundok kundi ang
kasamaan ay _______________________________________________________________.
a. nasa loob ng mga bilangguan na dapat maparusahan ng bitay
b. nasa mga tulisan sa loob ng bayan at sa mga lungsod
c. nasa mga pinuno na walang malasakit sa taong-bayan
d. nasa korporasyon ng mga prayle na naghahari sa Pilipinas
3. Iminungkahi ni Simoun na pahintulutan ang lahat ng armas de salon na walang anim na milimitro
kaya ________________________________________.
a. natuwa ang Kapitan Heneral dahil sa matalinong mungkahi
b. nainis si Padre Irene dahil naisahan sila ni Simoun
c. nalutas ang problema ng mataas na kawani
d. pinuri ng lahat si Simoun maliban sa mataas na kawani na hindi sang-ayon sa panukala nito
4. Sinabi ni Padre Sibyla na ang sinumang ibig magturo ay _____________________________.
a. maaaring magturo sa iba’t ibang bansa
b. maaaring magbigay ng panukala kung ano ang mabisang paraan ng pagtuturo
c. maaaring magturo saan man kahit walang bubong
d. maaaring pumili ng paaralang pagtuturuan

83

Calvary Christian School - SY 2013-2014


5. Sinabi ng Kapitan Heneral na marami siyang natatanggap na reklamo sa guro kaya
__________________________.
a. ang mabuti pa raw ay alisin ang guro sa tungkulin
b. pagbigyan na raw ang kahilingan ng guro
c. pagbawalan na ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan
d. taasan na lamang ang suweldo ng guro
6. Iminungkahi ni Don Custodio na gamiting paaralan ang mga _________________________.
a. simbahan upang walang gastos ang pamahalaan
b. sabungan kahit sa loob man lamang ng isang linggo
c. lansangan na malapit sa kumbento
d. munisipyo dahil sa hindi na gagastos ang pamahalaan
7. Sinabi ng Kapitan Heneral na siya ay ________________________.
a. matutuwa sa mungkahi ni Don Custodio kapag nangyari ang panukala niyang paaralan
b. magbibitiw sa tungkulin kapag ang sabungan ay ginawang paaralan
c. pupunta sa Espanya kapag nangyari ang sinabi ni Don Custodio
d. sang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio
8. Sumang-ayon ang mataas na kawani sa nilalakad ng mga mag-aaral na maaprobahan ang
Akademya ng Wikang Kastila subalit_______________________________.
a. hindi sumang-ayon si Padre Sibyla dahil kailangan pa ang masusing pag-aaral sa kahilingan
ng mga mag-aaral
b. nagalit ang Kapitan Heneral sa mga mag-aaral
c. sinalungat ito ni Don Custodio
d. nagalit si Padre Irene at humingi ng payo kay Simoun
9. Naniniwala si Padre Fernandez na walang panganib sa kanila ang _____________________.
a. pagkakaroon ng kalayaan ng mga mag-aaral
b. pagtuturo ng wikang Kastila sa mga mag-aaral
c. pagkakaroon ng malayang kaisipan ng mga mag-aaral
d. paghinto ng pag-aaral ng mga mag-aaral
10. Dumating sa Los Baños si Huli upang _____________________________.
a. dumalaw sa Kapitan Heneral at magbigay ng mga sariwang gulay
b. mamasyal at makibalita sa nangyari kay Tata Selo
c. pakiusapan ang Kapitan Heneral na palayain ang kanyang nuno na si Tandang Selo
d. hanapin ang nawawala niyang nuno na si Tandang Selo

Ang pamahalaan ay nararapat na makapaglingkod sa mamamayan sa anumang paraan. Bilang


isa sa kanilang nasasakupan, ikaw ay hihingi ng tulong sa ating pinuno. Gumawa ka ng isang liham sa
inyong mayor na humihingi ng tulong na maisakatuparan ang programang pangkalusugan sa inyong
barangay. Ang tulong na nais mong matugunan ay ang pagkakaroon ng isang Medical Mission sa
inyong barangay. Isulat ito sa isang puting papel.
84

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Basahin: Kabanata 12 – Placido Penitente, mga pahina 86–89

Mga Katanungan

1. Bakit masama ang loob ni Placido na binabaybay ang daang Escolta papunta ng Unibersidad ng
Sto. Tomas?
2. Paano makikilala kung ang mga mag-aaral ay taga-Ateneo, taga-San Juan de Letran, o taga-
Unibersidad ng Sto. Tomas?
3. Ano ang ibig ipahiwatig ni Pelaez sa kanyang mga sinabi tungkol kay Padre Camorra?

Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang 2D Flash Animated Digital Storybook ng “Sa Los Baños” na may gabay ng guro at sagutin
ang mga kaukulang katanungan.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

85

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 12 Placido Penitente

Maipaunawa na maaaring mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa


edukasyon at pagpapaunlad sa karunungang angkin

Mahahalagang Kaalaman Mahahalagang Katanungan


Ang tao ay maaaring umunlad kung Paano maaaring mapaunlad ang sarili?
siya ay magtitiyaga, magsisikap, at may
Paano mababago ng edukasyon ang
determinasyon na maabot ang pangarap.
kalagayan ng isang bayan?
Ang edukasyon ay sandigan ng pag-
unlad ng lipunan.

A. Natutukoy ang kahulugan ng ilang piling salita na ginamit sa teksto


B. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng edukasyon sa tao
C. Nakasusulat ng isang personal na sanaysay na inilalahad ang kahalagahan ng edukasyon at kung
paano maisasakatuparan ang pangarap sa buhay

Placido Penitente
(talata 1–13)
Halagahang Pangkatauhan: Mag-aral upang kinabukasan ay maging maganda.

1 Malungkot si Placido Penitente na nagtungo


sa Unibersidad ng Sto. Tomas dahil nais na
niyang tumigil sa pag-aaral tulad ng nasabi
niya sa kanyang huling dalawang sulat sa
kanyang ina. Ngunit nakiusap ang kanyang
ina na tapusin kahit Batsilyer de Artes man lang
dahil siya ay nasa ikaapat na taon na.
2 Isang palaisipan sa kanyang mga kababayan
ang pagnanais ni Placido na huminto sa
pag-aaral. Siya ang pinakamagaling sa lahat
ng mag-aaral ni Padre Valerio sa kanilang mapagrebelde
bayan. Hindi ito nagsusugal, wala namang

86

Calvary Christian School - SY 2013-2014


kasintahang nagyayayang magpakasal at laban sa babasahing
“Tandang Basyong Makunat.” Itinuring din siyang isang mapaghimagsik mapagrebelde
ng kanilang parokya.
3 Sa kanyang daan patungo sa eskuwela ay madalas niyang makasabay
ang ibang mag-aaral ng karatig ng paaralan. Madaling malalaman kung katabi
saan nag-aaral ang bawat mag-aaral na makakasabay o masasalubong.
Ang mga nakasuot-Europeo at mabilis maglakad ay mga taga-Ateneo.
Ang mga nakabihis-Pilipino, kakaunti ang aklat ngunit mas marami ang
bilang ay taga-San Juan de Letran. At ang mga mag-aaral naman ng Sto.
Tomas ay magara ang mga bihis at sa halip na aklat ang dala ay mga
baston. Habang ang mga mag-aaral naman sa Unibersidad ng Pilipinas
ay hindi madaling maloko at tila palaging nag-aalala. Sa kabilang dako
ay naroon ang kababaihan. Dala-dala ang kanilang mga aklat kasunod
ang kanilang mga utusan patungo sa Escuela Municipal.
4 Nagulat pa si Placido nang tapikin siya ni Juanito nang sila ay
magkasalubong sa may Magallanes. Si Juanito Pelaez ay mayabang at
mahilig magbiro ng hindi maganda sa kapwa at paborito ng kanilang
mga guro.
5 Kinumusta ng kaklase ang kanyang naging bakasyon at saka naman
ibinalita ni Juanito ang bakasyon nito sa Tiani kasama si Padre Camorra.
Wala raw silang ginawa roon kundi ang mangharana at lahat ng
tahanan doon ay napanhik nila. At may ibinulong naman si Juanito kay
Placido at pagkatapos ay tumawa nang malakas. May pag-aalinlangang
tumingin si Placido sa kanya. May nakilala rin sila na tila nobya ni Basilio.
Siya’y napakasungit ngunit maganda. Isang gabing may dalawang
nangharana sa nobyang ito ni Basilio, hinambalos sila ni Padre Camorra
at sa hindi malamang dahilan, nabuhay ang dalawang ito. Subalit ang
kasintahan ni Basilio ay masungit pa rin pero balang araw, ayon kay
Juanito, ay may mangyayari rin sa kanya.

6 Itinanong ni Juanito ang kanilang mga naging leksiyon at mabilis naman


siyang sinagot ni Placido. Puro kasi walang pasok nang mga nagdaang
araw—may kaarawan ng propesor, may pista ng santo, at may araw
naman na umambon.

87

Calvary Christian School - SY 2013-2014


pang-opisyal
7 Pagkatapos masabi ang nangyari sa bawat araw, niyaya ni Juanito si
na araw na
Placido na mag-dia pichido. Hindi naman sumang-ayon dito si Placido. ipinagdiriwang ng
Hindi niya maaaring makalimutan ang hirap na dinaranas ng kanyang bansa
ina para lamang matustusan ang kanyang pag-aaral. Mabilis na naglakad
palayo sa kamag-aral si Placido. gastusan
8 Ngunit may naalala si Juanito kaya hinabol niya ang kamag-aral. Nanghingi
siya ng abuloy kay Placido para sa pagpapatayo ng monumento ng
isang prayleng Dominiko. Upang matigil na ang pangungulit ni Juanito
siya ay nagbigay na at alam din niyang nakatutulong ang gayong mga
abuloy sa pagpasa ng mag-aaral. Tiyak na ang salaping naiabuloy ni
maipagyayabang
Placido ay maipapangalandakan na ni Pelaez sa iba pang mag-aaral.
9 Patuloy silang naglakad palapit sa unibersidad. Sa di kalayuan ay
natanaw nila si Isagani na nagpapaliwanag sa kapwa mag-aaral tungkol
sa kanilang aralin. Ang iba naman ay nagmamasid sa magagandang
dalagang pumapasok sa simbahan. Natahimik naman si Isagani at
namula nang magtinginan ang iba pang mag-aaral sa bagong dating
na karwahe. Nakita niya si Paulita Gomez na bumaba kasama si Doña pangmaharlikang
Victorina. Ngumiti ang donya kay Juanito Pelaez. sasakyang hila ng
kabayo
10 Si Tadeo naman ay ang kanilang kamag-aral na ang hilig ay ang
magliwaliw. Naroon lamang siya para magtanong kung may pasok at
kapag nalamang mayroon ay aalis na at magdadahilang siya ay may mamasyal
sakit ngunit nakapagtataka at siya ay nakapapasa. Nakapagtatakang
sumunod ito kay Paulita na papasok sa simbahan.
11 Nagsimula nang magsipasukan ang mga mag-aaral nang may muling
humabol kay Placido. Siya ay pinalalagda tungkol sa paaralang balak
ni Macaraig na wala naman daw kabuluhan. Hindi siya lumagda dahil
hindi pa niya nababasa ang isinasaad nito. Naalala rin niya ang laging halaga
paalala ng kanyang amain tungkol sa isang lalaking nakulong dahil sa
paglagda na hindi muna binasa ang isang kasulatan.
12 Ngunit dahil sa matagal na pakikipagkulitan sa kamag-aral na
nagpapalagda sa kanya, siya ay nahuli sa klase. Nag-aalangan na sanang
pumasok si Placido sa klase dahil siya ay huli na. Ang mga mag-aaral ay
hindi pumapasok upang may matutuhan kundi para hindi malagyan ng
liban ang kanilang rekord ng mga propesor. Aalis na sana nang sumagi
sa isip niya na malapit na ang pagsusulit at maaari niyang gamitin ang
pagkakataong ito upang mapansin siya ng kanyang propesor.
13 Nagdesisyon na rin si Placido na pumasok at sa hindi maintindihang
dahilan, pinaingay niya ang kanyang mga sapatos. Siya nga ay napuna
ng kanyang propesor at tiningnan nang may galit.

88

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat sa patlang ang wastong
sagot.

sasakyang pangmaharlika o pangmayaman masustentuhan


mapagrebelde hinihila ng kabayo
maipagyabang halaga

1. Hinusgahang mapaghimagsik si Placido Penitente ng prayle batay sa kanyang ikinikilos.


_________________________
2. Pinipilit ng kanyang ina na matustusan ang pag-aaral ng kanyang anak makapagtapos lamang
ito. _________________________
3. Ibig ni Juanito Pelaez na maipangalandakan sa iba ang ibinigay na abuloy ni Placido Penitente.
_________________________
4. Nakasakay sa isang magarang karwahe si Paulita Gomez. _________________________
5. Wala raw kabuluhan kung maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila sapagkat ang mga prayle
pa rin ang masusunod. _________________________

Mga Katanungan

1. Bakit masama ang loob ni Placido habang binabaybay ang daang Escolta papunta ng Unibersidad
ng Sto. Tomas?
2. Paano nakikilala ang mga mag-aaral kung taga-Ateneo, taga-San Juan de Letran, o taga-
Unibersidad ng Sto. Tomas ang mga ito?
3. Ano ang ibig ipahiwatig ni Pelaez sa kanyang mga sinabi tungkol kay Padre Camorra?
4. Bakit hindi raw marunong pumili ng nobya si Basilio?
5. Ano ang tinatawag na dia-pichido?
6. Anong sakit ng lipunan ang tinutukoy sa kabanata ukol sa mga mag-aaral na nakapapasa dahil sa
pagreregalo? Nangyayari pa ba ito sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang sagot.
7. Anong magandang aral ang itinuro ni Placido ukol sa hindi niya pagpirma sa isang dokumento
na hindi pa niya nababasa?
8. Paano natawag ni Placido ang pansin ng kanyang propesor?

Gawain

Napakahalaga ng edukasyon sa buhay ng tao kaya ang mga magulang ay nagsisikap na


mapag-aral ang mga anak upang mabigyan ng magandang kinabukasan. Subalit may mga anak na
89

Calvary Christian School - SY 2013-2014


hindi marunong magpahalaga sa pagpapakasakit ng kanilang mga magulang. Nariyan ang sila ay
naglalakwatsa o kung saan-saan pumupunta, nakikipagbarkada sa hindi mabubuting tao o kaibigan,
at gumagastos sa mga bagay na walang kabuluhan. Hindi nila iniisip ang kanilang kinabukasan.
Mahirap man ang isang tao kung talagang nasa puso niya ang makatapos ng pag-aaral ay
magagawa niya. Dito makikita ang determinasyon niyang umasenso sa buhay. Ibig sabihin, nasa anak
pa rin kung anong uri ng buhay ang nais niya o ang magiging kapalaran niya dahil siya ang piloto ng
kanyang buhay.

Kilala ba ninyo si Efren Peñaflorida? Siya ang


tinaguriang CNN Hero of the Year (2010) sapagkat
nagawa niyang magbigay ng libreng tutorial classes sa
mahigit na limampung mag-aaral sa elementarya at
hayskul sa tulong ng kanyang push-cart classroom. Ang
pagtuturo ng pagbasa, pagsulat, at iba pang kaalaman ay
isinasagawa niya sa loob ng sementeryo at sa malawak
na tambakan ng basura tuwing araw ng Sabado. Ang
push-cart classroom ay nagtataglay ng mga gamit tulad
ng aklat, lapis, at papel.
Ang lahat ng ito ay kanyang nagawa sa tulong ng
dalawampung kamag-aral na tinawag niyang Dynamic
Teen Company.
Pinatunayan ni Efren Peñaflorida sa buong mundo na ang edukasyon ay mahalaga at dapat
matamo ng bawat tao.

Sumulat ng isang personal na sanaysay na naglalahad ng iyong pangarap sa buhay at kung paano
mo maaaring mapaunlad ito. Talakayin sa sanaysay ang kahalagahan ng edukasyon sa tao. Huwag
kalimutan ang tatlong bahagi ng sanaysay:
a. Panimula
b. Katawan o Nilalaman
c. Wakas

Rubric sa Pagsulat ng Sanaysay


Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________
Petsa _______________________________________________ Marka __________________________

Pamanta-
1 2 3 4 5
yan
Napakahina. Masyadong May alam sa Mabuti at Napakagaling.
Hindi nagpakita limitado ang paksa. Halos magaling Malaman at
ng kaalaman sa kaalaman sa nakaugnay kaya lang ay mahusay na
Nilalaman
paksa. paksa. sa paksa kaya limitado ang nalinang ang
lang kulang paglinang sa paksang-diwa.
sa detalye. paksang-diwa.

90

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Napakahina. Kulang na ku- Hindi Magaling. Hin- Napakagaling ng
Hindi kayang lang sa lohikal gaanong di gaanong pagkakaorganisa.
makapagpa- na pagkakasu- kinakitaan organisado May lohikal na
Organi-
hayag. nod-sunod ng ng mabuti o pero ang pagkakasunod-
sasyon
mga ideya. magaling na pinakapu- sunod ang mga
pagbabahagi nong ideya ay pangungusap.
ng ideya. kitang-kita.
1 2 3 4
Napakahina. Hindi tiyak sa mga Magaling. Napakagaling.
Walang masteri salitang ginamit Epektibo pero Walang mali.
Gamit
sa pagbubuo ng at nakalilito. payak ang Epektibo ang
ng Wika
pangungusap. pagkakagamit. ayos ng mga
pangungusap.
1 2 3
Napakahina. Kakaunti Mainam ang Walang mali. Ang mga
Bokabularyo ang kaalaman sa mga pagkakagamit ng mga salitang ginamit ay
salitang Filipino. salita. epektibo.
Napakahina. Bihirang kamalian Napakagaling. Kinakitaan
Nangingibabaw sa pagbabaybay, ng masteri o kaalaman
ang mga kamalian pagbabantas, sa pagsasama-sama
sa pagbabaybay, paggamit ng malaking ng kaisipan. Kaunting
Mekaniks
pagbabantas, titik, at wastong mali sa pagbabaybay,
paggamit ng malaking talataan. pagbabantas, paggamit
titik, at wastong ng malaking titik, at
talataan. wastong talataan.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Bakit nais ni Placido na umuwi na sa kanilang lalawigan?
a. Naiinip na siya sa Maynila dahil walang nangyayari sa kanyang buhay.
b. Wala siyang kaibigan sa Maynila.
c. Ibig na niyang magtrabaho sa halip na mag-aral.
d. Hindi kasya ang ibinibigay na sustento sa kanya buwan-buwan.
2. Alin sa sumusunod na dahilan ang hindi matanggap ni Placido Penitente na ibinintang ng
kanyang propesor?
a. Tamad gumawa ng takdang-aralin si Placido.
b. Matigas ang ulo ni Placido at hindi nakikinig sa kanyang propesor.
c. Bastos at wala siyang galang sa propesor.
d. Hindi matanggap ni Placido ang maraming bilang ng kanyang liban sapagkat makaapekto
ito sa kanyang pag-aaral.
3. Alin sa mga pahayag ang nagpapakilala na ang mag-aaral ay taga-Ateneo?
a. Magara ang mga damit at sa halip na aklat ay baston ang dala.
b. Ang mga mag-aaral dito ay hindi mayayabang.

91

Calvary Christian School - SY 2013-2014


c. Sila ay nakadamit-Europeo, matuling maglakad, maraming aklat at kuwaderno.
d. Nakasuot-Pilipino at kaunting aklat lamang ang dala ng mga mag-aaral dito.
4. Sinong mag-aaral ang nanghingi ng ambag para sa bantayog ni Padre Baltazar na isang Dominiko?
a. Isagani
b. Tadeo
c. Placido Penitente
d. Juanito Pelaez
5. Sinong mag-aaral ang natutuwa kapag walang pasok?
a. Macaraig
b. Tadeo
c. Placido Penitente
d. Juanito Pelaez
6. Sinong mag-aaral ang ayaw pumirma nang hindi muna nababasa ang dokumento?
a. Isagani
b. Tadeo
c. Placido Penitente
d. Juanito Pelaez
7. Alin sa mga pahayag ang dahilan kung bakit pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan?
a. Magsaulo ng leksiyon at makasagot sa propesor
b. Magpakasaya dahil walang ginagawa sa paaralan
c. Magkaroon lang ng baon
d. Matuto ng leksiyon
8. Ano ang ginawa ng propesor kay Placido nang siya ay magpasyang pumasok sa klase?
a. Pinagtawanan ng propesor ang pangalang Placido.
b. Kinagalitan siya ng propesor.
c. Namarkahan na siya ng liban.
d. Ipinahiya siya sa buong klase.
9. Ano ang paraang naisip na gawin ni Placido para matawag ang pansin ng propesor?
a. Tumawa siya nang tumawa nang pumasok sa klase.
b. Kinaladkad ang takong ng sapatos upang lumikha ng ingay.
c. Dahan-dahan siyang pumasok sa klase.
d. Nag-ingay siya sa loob ng klase.
10. Ano ang ikinagulat ng lahat ng mga mag-aaral na hindi sukat akalain na magagawa ni Placido?
a. Nasagot ni Placido ang lahat ng tanong ng propesor.
b. Sinuntok ni Placido si Pelaez dahil siya ang ang napag-initan ng propesor.
c. Natutong sumagot at mangatwiran si Placido sa kanyang propesor.
d. Nahuli ng propesor si Placido na naglalakwatsa.

92

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Pinagsisikapan ng mga magulang na mabigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak dahil
ito lamang ang tangi nilang maipamamana. Kung makatapos ng pag-aaral ang anak, maaari nilang
mapaunlad ang sarili. Subalit sa kabanatang binasa, hindi napahahalagahan ng tauhang si Placido ang
pagsisikap ng kanyang ina na mapagtapos siya ng pag-aaral.
Isulat sa journal ang araw-araw na ginagawa mo sa paaralan na inilalahad kung paano mo
pinahahalagahan ang iyong pag-aaral.

Basahin: Kabanata 13 – Ang Klase sa Pisika, mga pahina 94–97

Mga Katanungan

1. Bakit hindi nagagamit at tinititigan lamang ng mga mag-aaral ang kanilang mga kagamitang
pang-agham sa Unibersidad ng Sto. Tomas?
2. Ano ang kaibahan ng pagtuturo noon sa Ateneo at sa Unibersidad ng Sto. Tomas?
3. Paano napahamak sa klase si Placido Penitente?

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

93

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 13 Ang Klase sa Pisika

Maipaunawa sa mga mag-aaral na ang guro ang ikalawang magulang

Mahahalagang Kaalaman Mahahalagang Katanungan


Ang guro ay isang ehemplong tumu- Paano dapat kumilos ang mga guro sa
tulong sa paghubog ng isang tao dahil sa kanilang mga mag-aaral?
nababagong pagbabagong panahon, ang
mga asignaturang agham at teknolohiya ay Paano maaaring isulong upang
maaaring tumugon sa tawag ng panahon. mapaunlad ang Agham at Teknolohiya?

Isinusulong ng pamahalaan ang


agham at teknolohiya sa pamamagitan
ng mga paaralan at laboratoryong pang-
agham at pagbibigay ng mga scholarship
sa mga mag-aaral na matalino at may hilig/
interes sa agham.

A. Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap


B. Nakapagsasaliksik ukol sa ginagawa ng pamahalaan kung paano isinusulong ang Artikulo XIV –
Agham at Teknolohiya
C. Naisisiwalat ang saloobin ukol sa mga isyung may kinalaman sa guro
D. Nakapagtatala ng mga katangian ng guro na hinahanap ng mga mag-aaral

Ang Klase sa Pisika


(talata 1–14)

Halagahang Pagkatauhan: Ang anumang talino ng tao kung walang kagandahang-asal ay alabok
na madaling mawala.

94

Calvary Christian School - SY 2013-2014


1 Isang hugis pahabang silid ang nagsisilbing klase ng mga mag-aaral ng
pisika. Ang plataporma ng propesor ay nasa harapan at sa kabila nito entablado
ay may tigdalawang baitang ng hagdanan. Ang mga kagamitang pang-
aham ay nakatago lamang at nakakandado sa isang kuwadrong gawa sa
salamin. Paminsan-minsan ay ipinakikita ang mga ito sa mga mag-aaral
mula sa malayo na tila isang santo. Iyon ay ipinakikita lamang kapag
may mga dayuhang bumibisita sa Sto. Tomas upang masabi na hindi
sila nahuhuli sa mga makabagong paraan ng pagtuturo. Kaya naman
idinadahilan nila na kaya hindi natututo ang kanilang mga mag-aaral ay
dahil mga katutubo sila, sadyang tamad at may kahinaan.
2 Ang propesor ni Placido ay si Padre Millon; kilala siya sa pagtuturo ng
maraming asignatura at iginagalang sa kanyang kahigpitan. Iyon ang
unang beses niyang pagtuturo ng Pisika.
3 Ngumiti nang may halong pang-uuyam si Padre Millon sa ilang mga panunuya
teorya sa Pisika. Hindi rin niya naramdaman ang kahalagahan ng
siyensiya dahil wala pang Dominikano ang sumisikat dito. Mayroon
pa rin siyang pag-aalinlangan na bilog nga talaga ang mundo kaya
naman parisukat pa rin ang pagbiyak niya sa ostiya. Marami rin ang
nagagalit
nakapapansin na siya ay namumuhi sa kanyang itinuturo.
4 Noong umagang iyon ay nagsimulang magtawag si Padre Millon ng
mga mag-aaral ng mga isinaulong aralin tungkol sa salamin tulad aparatong
sa isang ponograpo. Tinawag ng propesor ang isang mag-aaral na ginagamit sa
napansin niyang naghihikab. Nagsimula itong bumigkas ng aralin pagpapatugtog
na plaka
ngunit agad ding pinahinto ng propesor. Nagtanong ang propesor
kung saan mabibilang ang isang kahoy na pinakintab at binarnisan at
upang masinagan ang mga bagay na ilalagay sa harapan nito, saan daw
pangkat ito makakasama—kung sa metal o bubog. Hindi sinagot ng
mag-aaral ang tanong at nagpatuloy sa pagbigkas ng isinaulong aralin.
Muling pinatigil ang mag-aaral at sinabihang malayo ang kanyang sagot
sa tanong ng propesor.
5 Nagtangkang turuan ni Pelaez ang kamag-aral ngunit mali naman ang
kanyang idinikta. Sinunod naman ng kamag-aral ang sagot kaya naman
natawa ang propesor at ininsulto ang mag-aaral. Dahil dito ay labis na
napahiya ang mag-aaral. Nagtanong pang muli ang propesor tungkol
sa salamin. Subalit nalito lamang ito at sinabing wala na siyang sasabi-
hin.

95

Calvary Christian School - SY 2013-2014


6 Nagtanong ang pari kung sumasang-ayon ang mag-aaral sa kanyang
mga pahayag na tila nanunudyo.. Nalito ang mag-aaral kung siya ay nang-iinis o
sasang-ayon o hindi. Lahat ay sumesenyas na siya ay sumang-ayon, nanunukso
maging si Pelaez. Bago pa siya makasagot ay muli na namang nagtanong
ang propesor. “Itinanong niya kung kakayurin niya ang tinggang puto
ng isang salaming bubog at papalitan ng bibingka, salamin pa rin daw
ang resulta nito.” Bumulong si Pelaez at sinabing bibingka nga raw.
7 Narinig ng propesor ang bulong ni Pelaez kaya naman pinaupo ang mag-
aaral at siya naman ang pinatayo at tinawag na nagmamarunong. Wala
ring maisagot si Pelaez kaya naman panay ang bulong niya kay Placido
na siya ay turuan. Sa katatapak ni Pelaez sa paa nito ay napasigaw nang
malakas si Placido sa klase. Tinawag ngayon ng propesor ang tagadikta
at naupo na si Pelaez.
8 Si Placido naman ang pinatayo ng propesor matapos siyang
pinangalanan
mabansagang tagabulong. Namula siya sa kahihiyan at tumayo nang
hindi malaman kung ano ang isasagot. Nagtanong ang propesor kung
siya ay sumasang-ayon sa aklat na ang salamin ay maaaring metal na
yari sa tanso o ng iba pang metal. Umayon si Placido sa kung anuman
ang nakasulat sa aklat. Dagdag pa ng propesor sa kanyang tanong kung
sang-ayon siya na ang salaming bubog ay patag at pinakinis nang husto
sa ibabaw na bahagi nito at ang isang panig ay pinahiran ng estanyo.
Muling umayon si Placido dahil nakasulat ito sa aklat.
9 Muling nagtanong ang propesor kung ang tingga ay gawa rin sa metal.
Nalito si Placido ngunit sumang-ayon na rin dahil mula ito sa aklat. Ang
propesor ay nagtanong ulit kung ang merkuryo ay isang metal din.
Sumang-ayon muli si Placido. Sinundan muli ni Padre Millon ng isang
tanong si Placido, na kung ang merkuryo ay isang salaming metal at
ang salaming bubog ay isa ring salaming metal, at kung paano ito
maipaliliwanag.
10 Lalong nalito si Placido sa sumunod na mga tanong ng propesor. Ngunit
sinubukan niyang magpaliwanag, nagkandautal-utal siya sa pagbigkas
ng mga salita kaya nalaman ng propesor na siya ay hindi handa sa araw
na iyon. Kaya bilang parusa, siya ay mag-uulat ng kanilang leksiyon. Sa
sobrang nerbiyos ay tatlong beses na nagkamali si Placido. Hinanap ng
propesor ang kanyang pangalan sa talaan at sinabing mayroon na siyang
labinlimang liban. Isa pang pagliban ay hindi na siya makapapasok pa sa
kanyang klase.
11 Inulit ni Placido ang sinabi ng propesor at dito na siya napatindig.
Ayon sa propesor ay apat na ang kanyang naging liban at panlima
ang kanyang pagdating nang huli ngayon. Sa kadahilanang bihirang
magbuklat ng talaan ang propesor, lima kaagad ang inilalagay niyang
liban sa tuwing siya ay darating nang huli. Pasalamat pa raw si Placido
dahil tatlong beses pa lang siyang nahuli samantalang dapat daw ay
dalawampu’t limang araw. Sa araw na iyon ay babawasan ang kanyang
marka dahil sa hindi niya pagsagot sa tanong.
12 Pinigilan ni Placido ang sarili at nagsabing kung siya ay mababawasan
ngayon ng marka ay dapat na mabawasan din ang kanyang liban dahil
hindi maaaring makasagot ang isang mag-aaral na wala naman sa
klase. Sinabihan siya ng kanyang propesor na isang pangahas dahil sa mapanghimasok
kanyang pangangatwiran.
96

Calvary Christian School - SY 2013-2014


13 Ngunit hindi na nakapagpigil pa si Placido sa mga sinabi ng kanyang
propesor kaya naman sinabi niyang maaari siyang bigyan ng anumang
marka ngunit walang karapatan ang propesor na alipustain ang kanyang hamakin
pagkatao. At sabay umalis sa klase nang hindi nagpapaalam.
14 Nabigla ang lahat sa ginawang pagsagot ni Placido sa propesor.
Hindi nila akalain na magagawa iyon ni Placido. Pagkatapos noon ay
nagsermon nang nagsermon ang propesor tungkol sa kawalang-galang
na pagsagot-sagot ng mag-aaral. Hanggang matapos ang klase ay hindi
tumigil ang propesor. Lumabas ang dalawandaan at tatlumpung mag-
aaral sa klase nang walang nalalaman gaya nang sila ay pumasok. Ang
bawat mag-aaral na lumabas sa klase ni Padre Millon ay nawalan na
naman ng isang oras sa kanilang buhay, kasama ng kanilang dignidad dangal
at tiwala sa sarili.

Punan ng nawawalang titik ang kahon upang mabuo ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit sa pangungusap.
1. Marami ang nakapansin na si Padre Millon ay namumuhi sa kanyang itinuturo.

n s

2. Dahil sa ginawang pagkaladkad ni Placido sa kanyang sapatos habang papasok sa loob ng klase,
tiningnan siya nang may pangungutya ni Padre Millon.

p g

3. Lubos na nasiyahan si Padre Millon sa ginawa niyang pagbabansag kay Placido na tagabulong.

p l

97

Calvary Christian School - SY 2013-2014


4. Sinabi ni Padre Millon na isang pilosopong pangahas si Placido dahil sa pangangatwirang ginawa
sa kanya.

m p h k

5. Sinabi ni Placido sa kanyang propesor na walang sinuman ang may karapatan na alipustain siya.

h k

6. Ang bawat mag-aaral na lumabas sa klase ni Padre Millon ay nawalan na naman ng isang oras sa
kanilang buhay, kasama ang bahagi ng kanilang dignidad at tiwala sa sarili.

g l

Mga Katanungan

1. Ilarawan ang silid kung saan idinaraos ang klase sa Pisika.


2. Ilarawan ang propesor na si Padre Millon.
3. Paano niya minamarkahan ang mga mag-aaral na hindi nakasasagot?
4. Bakit sinabi ng propesor kay Placido na siya ay isang pangahas?
5. Naging makatarungan ba ang mga guro sa paglalagay ng marka sa hindi pagpasok o pagdating
nang huli sa klase ni Placido? Pangatwiranan ang sagot.
6. Saan humantong ang pagtatalo nina Placido at ng guro?
7. Makatarungan ba ang ginawa ni Placido na pag-alis sa klase? Patunayan.

Gawain

Ang agham at teknolohiya ay bahagi ng kurikulum sa mga paaralang pang-elementarya at


pansekundarya kaya binibigyan ng priyoridad ng ating pamahalaan ang pagbibigay ng suporta sa
mga guro, mga mananaliksik, at mga mag-aaral na nagpakita ng angking talino at interes sa larangan
ng agham. Ang bawat paaralan ay may mga kagamitang pang-agham gaya ng Science Laboratory na
magagamit ng mga guro at mag-aaral sa pagsasagawa ng mga eksperimento ng mga bagay-bagay na
maaaring pakinabangan ng mga tao.
Nakapaloob sa Artikulo XIV–Agham at Teknolohiya ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng
Pilipinas ang mga probisyon kung bakit mahalaga ang agham at anong tulong ang maaaring magawa
ng Kongreso upang mapaunlad ang larangan ng agham at teknolohiya.

98

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Pangkalahatang Gawain

1. Magpangkat sa tatlo ang klase at pag-usapan ang seksiyon 10, 11, at 12 ng Artikulo XIV – Agham at
Teknolohiya na ibinigay sa bahaging ito. Sundin ng bawat pangkat ang ibinigay na mungkahing
gawain.
Pangkat 1
Seksiyon 10
Napakahalaga ng siyensiya at teknolohiya sa pambansang pag-unlad at pagsulong.
Dapat mag-ukol ng priyoridad ang estado sa pananaliksik at pagbubuo, imbensiyon,
inobasyon, at sa paggamit ng mga ito; at sa edukasyon, pagsasanay at mga lingkurang
pang-agham at panteknolohiya. Dapat suportahan nito ang mga kakayahang siyentipiko at
teknolohikal na katutubo, at ang kanilang kabagayan sa mga sistemang pamproduksiyon at
kapamuhayang pambansa.
Suriin ng pangkat kung ano ang ginagawa ng pamahalaan upang maisulong ang nasabing
seksiyon. Magsaliksik sa silid-aklatan at kumalap ng mga impormasyon ukol dito. Maaaring
makipanayam sa mga taong may kinalaman sa pagsasakatuparan ng batas na nabanggit.

Pangkat 2
Seksiyon 11
Maaaring magtadhana ang kongreso para sa mga insentibo, kasama ang mga
kabawasan sa buwis upang maganyak ang paglahok ng pribadong sektor sa mga programa ng
batayan at gamiting pananaliksik siyentipiko. Dapat magkaloob ng mga iskolarship, kaloob na
tulong o iba pang mga anyo ng mga insentibo sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa siyensiya,
mga mananaliksik, mga sayantist, mga imbentor, mga teknolodyist, at mga mamamayang
may natatanging likas na talino.
Magsaliksik sa silid-aklatan kung mayroon nang scholarship program o insentibo ang
naipagkaloob sa mga karapat-dapat na mag-aaral at kung ang mga ito ay naipatupad na ng
pamahalaan.

Pangkat 3
Seksiyon 12
Dapat pangalagaan at siguruhin ng estado ang mga eksklusibong karapatan ng mga
sayantist, mga imbentor, mga artist, at iba pang mga mamamayang may likas na talino at
mga likhang intelektuwal, lalo na kung kapaki-pakinabang sa sambayanan para sa panahong
maaaring itakda ng batas.
Magsaliksik tungkol sa ilang sayantist, imbentor, artist, at ibang mga mamamayan kung ano
ang mga eksklusibong karapatan na tinatanggap nila sa pamahalaan.
Sanggunian: 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas

2. Malaking papel ang ginagampanan ng mga guro sa buhay ng mga mag-aaral. Bukod sa siya
ang nagdaragdag ng kaalaman, siya rin ang humuhubog sa pagkatao upang maging mabuting
anak ng kanilang mga magulang, ng pamayanang kanyang kinabibilangan, ng bayang kanyang
sinilangan at higit sa lahat ay anak ng Diyos. Sabi nga ng marami, kung ano ang kinahinatnan ng
mga batang ito, malaking bahagdan ay nanggaling sa guro. Madalas ang mga guro ay iniidolo ng
kanilang mga mag-aaral kaya kung ano ang nakikita sa kanila ay ginagaya. Kaya, ang mga guro

99

Calvary Christian School - SY 2013-2014


ay dapat kumilos nang naaayon sa kagandahang-asal. Pero, paano kung iba o kabaligtaran ang
nakikita sa guro? Sagutin mo ang mga tanong:
a. Paano kung ang guro ay nanghihiya upang ipakita lamang na siya ang nakatataas?
Pababayaan mo na lamang ba? Palawakin ang sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
b. Paano sasabihin sa kanya na ikaw ay taong dapat ding igalang?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
c. Magtala ng mga katangiang hinahanap mo sa isang guro. Isulat ito sa tsart.

Mga Katangiang Hinahanap Ko sa Isang Guro


1.

2.

3.

4.

5.

Rubric sa Pangkatang Pagmamarka

Pangalan ____________________________________________ Taon/Seksiyon __________________


Petsa _______________________________________________ Marka __________________________

Pamantayan 1 2 3
Hindi nakikiisa sa Hindi gaanong nakiisa Lubos na pakikiisa sa
Nakikiisa sa Gawain gawain. sa gawain. gawain.

Hindi ginagampanan Nagagampanan ang Lubos na


Ginagampanan ang
ang gawaing gawaing nakaatang. ginagampanan ang
Gawaing Nakaatang
nakaatang. gawaing nakaatang.

100

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Isulat ang salitang Tama kung wasto ang diwa ng pangungusap at ang salitang Mali kung hindi
ito wasto.
___________ 1. May nakikitang larawan ni Sto. Tomas de Aquinas sa silid-aralan ng Pisika.
___________ 2. Nagagamit ng mga mag-aaral ang mga kagamitang panlaboratoryo kaya
natututo sila sa paaralan.
___________ 3. Kinikilala at iginagalang ng bawat prayle ang kakayahan sa pagtuturo ni Padre
Millon.
___________ 4. Ang laboratoryo ay ginawa upang makaakit ng maraming mag-aaral at maipakita
na may kalidad ang edukasyon sa unibersidad.
___________ 5. Si Padre Millon ay may pag-aalinlangan na ang mundo ay bilog kaya pati pagbiyak
ng ostiya ay parisukat.
___________ 6. Nahalata ng propesor si Juanito Pelaez na nagdidikta ng sagot sa mag-aaral na
nahuling inaantok kaya siya tuloy ang tinawag.
___________ 7. Nasagot ni Placido ang mga tanong ng propesor tungkol sa salamin kaya tuwang-
tuwa siya.
___________ 8. Ayon kay Padre Millon, ang isang liban ay katumbas ng pitong araw kaya nanlumo
si Placido dahil may tatlo na siyang liban sa klase.
___________ 9. Humanga ang klase kay Placido dahil tanging siya lamang ang nakagawang
lumaban sa kanilang propesor.
___________ 10. Natapos ang klase sa Pisika nang may natutuhan ang mga mag-aaral.

May mga guro na nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga mag-aaral kaya lalong nagsusumigasig
na matuto at makakuha ng mataas na marka. Magdikit ng larawan ng iyong paboritong guro sa isang
stationery. Gumawa ng isang tula na may apat na taludtod na nasusulat sa malayang taludturan na
isinasaad mo kung bakit siya ang iyong inspirasyon sa pag-aaral.

Basahin: Kabanata 14 – Sa Bahay ng mga Mag-aaral, mga pahina 102–104

Mga Katanungan

1. Ilarawan ang bahay na tinitirhan ni Macaraig.


2. Ano ang ipinahihiwatig ni Rizal sa pagkakalarawan niya ng malinis sa pisara at nakakandadong
kagamitan sa agham?
3. Anong damdamin ang namayani kay Placido at bigla siyang lumabas ng silid-aralan pagkatapos
niyang sagutin ang kanyang guro?

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, mag-log in sa www.rexinteractive.com


upang ma-access ang Useful Links para sa mga kaugnay na website.

101

Calvary Christian School - SY 2013-2014


Kabanata 14 Sa Bahay ng mga Mag-aaral

Maipaunawa sa mga mag-aaral na wala nang hihigit pa sa sariling wika

Mahalagang Kaalaman Mahalagang Katanungan


Ang wika ay buhay, nagbabago Bakit mahalagang palaganapin ang
at umaayon sa gumagamit nito para sa wikang Filipino sa bawat Pilipino?
pagsulong at pagbabago.

A. Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga ilang mga salitang may salungguhit sa pangungusap
B. Nakapagpapalitan ng mga opinyon kung paano maaaring palaganapin ang wikang Filipino
C. Napagtatalunan ang paksang “Wikang Filipino ang dapat gamitin at palaganapin upang umunlad
ang Pilipinas.”

Sa Bahay ng mga Mag-aaral


(talata 1–10)

Halagahang Pagkatauhan: Mahalin at palaganapin ang sariling wika.

1 Malaki ang bahay ni Macaraig at may


kaluwagan na binubuo ng dalawang
palapag. Puro mga binatang mag-
aaral ang nakatira dito. Ang bawat
pangkat ng mga mag-aaral ay may iba’t
ibang gawain at maging sa kanilang
pag-uugali, sila ay magkakaiba. May
isang grupo na naglalaban gamit
ang baston at minsan ay natatamaan
ang isang Intsik. Titigil lamang sila sa
pambubuska kapag nakitang galit na
galit na ang Intsik.

102

Calvary Christian School - SY 2013-2014


2 Agad namang sinamantala ni Sandoval ang pagpupulong upang
maipamalas ang kanyang galing sa pagtatalumpati. Tinalakay niya ang maipakita
tungkol sa pinag-uusapang akademya.
3 Hindi pa dumarating si Macaraig nang mga oras na iyon kaya naman
nagbigay ng kani-kanyang opinyon ang bawat isa sa maaaring maging mangibabaw
resulta ng kanilang panukala. Ang bawat isa ay nag-iisip na baka manaig
sa usapan sina Padre Irene at Padre Sibyla. Palagay ang loob nina Isagani
at Sandoval na matutupad ang kanilang hangarin. Ngayon pa lang ay
iniisip na nila ang mga papuring kanilang matatanggap, habang si layon
Pecson naman ay laging nag-iisip ng negatibo at baka sa halip na sila ay
pa