Está en la página 1de 9

10 Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LIGAO CITY
Binatagan, Ligao City
 

Gawaing Pagkatuto
 
ARALING PANLIPUNAN 10
Kwarter 4 - Linggo 4

SDO LIGAO CITY LAS_2021

 
LAS DEVELOPMENT TEAM
Schools Division Superintendent: Nelson S. Morales, Jr.
Assistant Schools Division Superintendent: Maylani L. Galicia
Chief Education Supervisor, CID: Tita V. Agir
EPS, LRMDS: Nestor B. Bobier
EPS, AP Jose R. Nobela
 
Writers: Rusty Otilla Ligao NHS
Maricris S. Gonzales Ligao NHS
Tolentino S. Payacag Ligao NHS
 
Editor: Fermin Curaming Ligao NHS
 
Illustrator/Lay-out Artist: Daryl S. Prepotente DPPMHS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


 
Schools Division Office of Ligao City—CID, Learning Resources
Management Section
Binatagan, Ligao City
 
Telefax: (052) 485-24-96
 
Email Address: ligao.city@deped.gov.ph
 
 

PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 10


KWARTER 4, LINGGO 4
Pangalan: ___________________________Antas/Seksyon: _______________

PAGLAHOK SA CIVIL SOCIETY

I. MGA KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO

Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga


gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan.
.

II. PANIMULANG KONSEPTO

Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos


protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations/People’s
Organizations. Hindi naman bahagi nito ang tahanan, mga negosyo, mga partido
politikal, at mga armadong grupo na nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.
Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa pagpapabago ng mga polisiya at
maggiit ng accountability (kapanagutan) at transparency(katapatan) mula sa estado
(Silliman, 1998).
Katulad ng nabanggit, ang mga samahan na tinatawag na Non -
Governmental Organizations (NGOs) at People’s Organizations (POs) ay
mahalagang bahagi ng civil society. Ang paglahok sa mga samahang ito ay isa sa
maraming paraan ng paglahok sa civil society. Ayon kay Horacio Morales (1990),
“people empowerment entails the creation of a parallel system of people’s
organizations as government partner in decision making…”Ibig sabihin, mahalaga
ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang
ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan. Ayon
naman kay Randy David (2008), sa pamamagitan ng civil society ang mga
mamamayan ang pinanggagalingan ng soberenya ng isang estado. Sa
pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin ng mga mamamayan
ang magiging batayan ng buong estado sa pamamahala ng isang bansa.Sa
katunayan, kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga
samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran: “the state encourage non-
governmental, community based, or sectoral organizations to effective and
reasonable participation at all levels of social, politikal, and economic decision
making.”

Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo sa civil society.


Ito ay binubuo ng mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga voluntary
LAS Q4 W4 I Pahina 1 ng 7
organization.Ang huli ay nahahati sa dalawang kategorya: ang mga grassroots
organizations o people’s organizations (POs); at ang mga grassroot support
organizations o non-governmental organizations (NGOs). Ang mga POs ay
naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.Dito nahahanay ang
mga sectoral group ng kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga
cause-oriented group. Sa kabilang banda, ang mga NGOs ay naglalayong
suportahan ang mga programa ng mga people’s organization. Magkaiba man ang
layunin ng dalawang uri ng samahan, nagkakapareho naman ang mga ito sa mga
gawain tulad ng pagsusulong ng mga adbokasiya, pagsasagawa ng mga kampaniya
at lobbying, at pakikilahok sa mga gawain sa lipunan.
Sa Pilipinas, tinatayang noong dekada 1960 nagsimulang mabuo ang mga
NGO sa kasalukuyan nitong anyo (Constantino-David, 1998). Ang mga NGO na
nabuo sa panahong ito at sa sumunod na dekada ay naglalayong tuligsain ang mga
hindi makataong patakaran ng pamahalaan at tulungan ang mamamayan na
makaahon sa kahirapan.Ibig sabihin, ang mga NGO ay nabuo bilang tugon ng
mamamayan sa kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang mga suliranin ng
mamamayan at sa pananaw na ang pamahalaan ay isa sa mga dahilan ng
paghihirap nila.
Nang paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong ika-21 ng Agosto 1983,
umusbong ang mga samahang direktang tumutuligsa sa pamahalaan. Ang ilan sa
mga ito ay ang Justice for Aquino, Justice for All (JAJA), Kongreso ng Mamamayang
Pilipino (KOMPIL), at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN). Nang mapatalsik sa
kapangyarihan si Ferdinand Marcos at maluklok sa kapangyarihan si Cory Aquino
noong 1986, ay lumago ang bilang ng mga NGO. Sa panahong ito, ang atensiyon ng
mga NGO ay natuon na sa paglulunsad ng mga programang magpapaunlad ng
kabuhayan ng mamamayan.
Kasabay ng pag-usbong ng maraming mga NGO ay ang paglawak ng
kanilang kahalagahan sa lipunang Pilipino. Ang Local Government Code of 1991 ay
isang mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga NGO. Ayon dito,
kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga ahensya ng
pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito. Nakasaad din sa batas na ito
ang pagbuo ng mga local development council sa bawat lokal na pamahalaan. Ang
layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang
kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o lalawigan. Hindi dapat bumaba sa 25% ng mga
miyembro ng local development council ang manggagaling sa mga NGO at PO.
Dahil sa mga probisyong ito, binigyan ng pagkakataon ang mamamayan na
makibahagi sa mga pagbuo at pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa
pamamagitan ng mga NGO at PO. Isa itong patunay na hindi lamang nalilimitahan
sa pagboto ang maaaring gawin ng mamamayan para pagbutihin ang kalagayan ng
bansa.
Tungkulin ng NGO at PO

LAS Q4 W4 I Pahina 2 ng 7
Maraming iba’t ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at bawat isa ay
may kani-kaniyang tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998)
 TANGOs (Traditional NGOs) – nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap
 FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs) – nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga
people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan
 DJANGOs (Development, justice, and advocacy NGOs) – Nagbibigay suporta sa
mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal na mga serbisyo
 PACO (Professional, academic, and civic organizations) – binubuo ng mga
propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya
 GRIPO (Government-run and inititated POs) – mga POs na binuo ng pamahalaan
 GUAPO (Genuine, autonomous POs) – ito ay mga POs na itinayo mula sa
inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan
Bakit mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga ganitong uri ng samahan?
Ayon kay Larry Diamond (1994), ang paglahok sa mga ganitong samahan ay isang
mahusay na pagsasanay para sa demokrasiya. Sa pamamagitan ng paglahok sa
mga NGO at PO ay mas napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan
para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Pinagyayaman din
ng mga samahang ito ang pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba at
pagkilala at pagrespeto sa karapatang pantao.Ito ay mahalagang katangian ng isang
mabuti at aktibong mamamayan na lubhang napakahalaga sa isang demokrasya.
May tatlong mahahalagang tungkulin ang mga NGO at PO sa Pilipinas sa
kasalukuyan.
 Una, ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan
ng mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng pamahalaan.
 Pangalawa, nagsasagawa ang mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik
tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng
mamamayan.
 Panghuli, malaki ang papel ng mga samahang ito sa direktang pakikipag-ugnayan
sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hinaing ng kanilang sektor at mga
naiisip na programa at batas na naglalayong mapagbuti ang kalagayan ng
mamamayan. Dito pumapasok ang mga ginagawang pagpoprotesta,
pakikipagnegosasyon at lobbying o ang pag-impluwensiya sa mga desisyon ng
opisyal ng pamahalaan para makamit ang isang mithiin. Ang ilan sa mga halimbawa
nito ay ang ginawa ng CPAR o Congress for a People’s Agrarian Reform, isang
koalisyon ng 70 NGO at PO, kung saan hinikayat ang Kongreso na bumuo ng isang
tunay na repormang pang-agraryo. Ang NAC-FAR naman o Nationwide Coalition of
Fisherfolk for Aquatic Reform, isang alyansa ng walong samahang
pangmangingisda, ay nakipaglaban para sa pagkakaroon ng Comprehensive
Fisheries Reform Code.

LAS Q4 W4 I Pahina 3 ng 7
Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasiya. Binibigyan ng
civil society ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala
ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pag-enganyo sa mga mamamayan sa mga
gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat
opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin (Bello, 2000).

III. MGA GAWAIN

A. MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1: KKK BOARD. Alamin ang konsepto na nasa loob ng kahon, at
pagkatapos isulat ang kahulugan at kahalagahan nito.

Konsepto: Civil Society

Kahulugan:

Kahalagahan:

Konsepto: Non-Governmental Organizations/Peoples Organization

Kahulugan:

Kahalagahan:

PAGSASANAY 2: Web Organizer: Isulat sa loob ng bilog ang mga halimbawa ng


LAS Q4
mga NGO at PO na makikita sa Pilipinas na may ibat –ibang W4 I Pahina
tungkulin 4 ng 7
sa bayan.
NGO at PO

PAGSASANAY 3: Data Retrieval Chart: Isulat ang mga mahalagang datos na


hinihingi sa tsart.

Kahalagahan ng Pakikilahok sa Civil Tungkulin ng mga NGO at PO


Society
1. 1.

2. 2.

3. 3.

B. Pagtataya: Tukuyin ang konsepto na inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat


ang sagot sa patlang.

LAS Q4 W4 I Pahina 5 ng 7
____1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos
protesta, mga lipunang pagkilos, at mga boluntaryong organisasyon.
____2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang mga interes ng mga
miyembro nito.
____3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa ng mga
grassroots organization.
____4. Ipinapakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng
mga NGO at PO.
____5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinasyal sa mga POs para
tumulong sa mga nangangailangan.

IV. RUBRIC SA PAGMAMARKA

Rubrik sa Pagmamarka ng Civic Society Proposal Plan:

Pamantayan sa Pagmamarka Iskor


Orihinalidad 10 Puntos
Kaugnayan sa Paksa 10 Puntos
Kaayusan 5 Puntos
Kakumpletuhan ng sagot 5 Puntos
Kabuuan 30 Puntos

V. MGA SANGGUNIAN

o LM. AP 10: Mga Hamon sa Kontemporaryong Isyu; pahina 396-408.


o www.galangphilippines.org/faqs

LAS Q4 W4 I Pahina 6 ng 7
VI. REPLEKSIYON/SUHESTIYON/KOMENTO

Gumawa ng isang civic society proposal plan na naglalahad ng iyong


inistiyatibo upang aktibong makilahok sa inyong barangay.

Pangalan ng Civic Society :___________________________________________________


Pangalan ng Barangay:______________________________________________________.
Layunin ng Civic Society:____________________________________________________.
Mga Inaasahang Miyembro/Kalahok:__________________________________________.
Mga Inaasahang Resulta ng Programa:_________________________________________.
Mga hakbang upang maisakatuparan ang mga layunin:
1.________________________________________________________________________.
2.________________________________________________________________________.
3.________________________________________________________________________.
4.________________________________________________________________________.
5.________________________________________________________________________.

LAS Q4 W4 I Pahina 7 ng 7

También podría gustarte