at pag-usapan o magkaroon ng pagbabahaginan tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan at pakikipagkapwa sa paglutas ng mga problema sa komunidad. Paano ninyo ito nalulutas?
PAGTATALAKAY
Anu-ano ang problemang
dumating o karaniwang problema sa inyong komunidad?
Paano ninyo ito nalulutas?
PAGSASANAY Panuto: Sabihin ang solusyon na dapat gawin sa mga sumusunod na problema sa isang komunidad.
1.Nasunog ang tatlong magkadikit na bahay sa inyong
komunidad. Resulta nito tatlong pamilya ang nawalan ng tirahan, damit, pagkain, mga kagamitan. Ano ang dapat gawin? 2.Marami sa mga bahay sa inyong komunidad ang pinasok ng baha dahil sa walang tigil ng pagbuhos ng ulan. Isa kayo sa masuwerteng hindi pinasok ng baha dahil nasa mataas na lugar ang inyong tahanan. Marami ang walang makain at maisuot na damit. Ano ang dapat gawin? 3. Dumarami o tumataas ang bilang ng mga naninirahan sa inyong lugar na dinadapuan ng sakit na dengue. Karamihan sa mga ito ay mga bata. Ano ang dapat gawin? 4.Marami ang nananakawan ng iba’t ibang gadgets sa mga bahay- bahay sa inyong komunidad. Ano ang dapat gawin? PAGLALAHAT
Anu-ano ang mga paraan
upang malutas ang mga problema sa komunidad? PAGLALAPAT
Ano ang matinding
problema na dumating sa inyong komunidad? Iguhit ang solusyong ginawa sa problemang dumating sa komunidad? Kulayan ito. PAGTATAYA
Magkaroon ng tatlong pangkat
at bumuo ng isang maikling dula-dulaan na nagpapakita ng pamamaraan ng paglutas ng problema sa sariling komunidad.