Está en la página 1de 18

PAGLAWAK NG

KAPANGYARIHAN NG
EUROPE
Ang Rebolusyong Siyentipiko
Panahon ng Enlightenment
Rebolusyong Industriyal
Rebolusyong Siyentipiko
• Ang Rebolusyong Siyentipiko ay tumutukoy sa panahon
ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala na
nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 na siglo hanggang sa
ika-17 na siglo.
• Ang Rebolusyong Siyentipiko ang nagwakas sa mga
paniniwalang namayani sa Gitnang Panahon.
• Nagbigay-daan ang Rebolusyong Siyentipiko upang
magkaroon ng mga bagong tuklas, pananaw, at pag-aaral.
• Sinasabing nakabuo ang ilang mga iskolar ng mga teorya
sa pilosopiya na naging batayan ng konsepto ng
pamahalaan, demokrasya, at edukasyon sa modernong
panahon.
Nicolaus Copernicus
 Polish na astronomiko

 Ipinaliwanag niya na ang araw


ang sentro ng sansinukob.
Teoryang Heliosentriko ang
tawag dito.

 Binasag niya ang paniniwala


nina Aristotle at Ptolemy, pati
na rin ng simbahan, na ang
mundo ang sentro ng
sansinukob. Teoryang
Heosentriko ang tawag sa
paniniwalang iyon
Johannes Kepler
• Aleman na matematiko at
astronomiko
• Bumuo siya ng pormula sa
matematika upang patunayan
ang pag-ikot ng mga planeta
sa araw sa pamamagitan ng
mga Batas sa Paggalaw ng
mga Planeta.
• Ayon sa kaniya, umiikot ang
mga planeta sa araw sa
pamamagitan ng isang
paribilog o ellipse. Dinagdag
pa niya na magkakaiba ang
bilis ng paggalaw ng mga
planeta batay sa layo ng mga
ito sa araw.
Galileo Galilei
Italyanong siyentipiko at
matematiko

Sinuportahan niya ang


Teoryang Heliosentriko.
Dahil dito, ipinasailalim siya
sa Inquisition ng simbahan.

Kilala rin siya dahil sa


kaniyang mga imbensiyon,
tulad ng teleskopyo at
pendulum.
Panahon ng Enlightenment
• Ito ang panahon ng kaliwanangan sa Europa.
• Ito ang panahon na isinulong ng mga iskolar ang katuwiran
bilang batayan sa katotohanan ng lahat ng bagay.
• Sa panahong ito ginamit ng mga siyentipiko ang basehan at
katibayan sa pagpapaliwanang ng mga pangyayari sa
mundo.
• Umunlad sa larangan ng agham at teknolohiya ang mga
bansa sa Europa
• Sinuportahan ng mga enlightened despot na sina Frederick II
the Great ng Prussia, Empress Catherine ng Russia, at
Empress Maria Theresa ng Austria upang mapaunlad ang
kani-kanilang kaharian.
Thomas Hobbes
• Ipinaliwanag niya na ang absolute
monarchy ay ang pinakamabisang
uri ng pamahalaan dahil likas sa
tao ang kaguluhan at tungkulin ng
pamahalaan na kontrolin ito .

• Binigyang-diin niya ang halaga ng


Social Contract Theory kung saan
nakasaad na ang tao ay kailangang
pumasok sa isang kasunduan na
sundin ang kaniyang pamahalaan.

• Siya ang nagsulat sa aklat na


Leviathan kung saan niya
inilarawan ang buhay ng isang
lipunan na walang pinuno at
pamahalaan.
John Locke
 Binigyang-diin niya ang
kasunduan sa pagitan ng mga
tao at ng kanilang pamahalaan.

 Naniniwala siya na ang


pamahalaan ay nilikha ng tao
upang protektahan ang mga
karapatang ito.

 Siya ang sumulat ng Two


Treatises of Government na
inilimbag noong 1690.
Baron de Montesquieu
• Siya ang sumulat ng The
Spirit of Laws, kung saan
niya ipinaliwanag ang
paghahati ng
kapangyarihan ng
pamahalaan sa tatlong
sangay (ehekutibo,
lehislatibo, at
hudikatura).
Francois Marie Arouet o Voltaire
• Sinulat niya ang mga
lathalain laban sa
simbahan at royal
court ng Pransya.

• Nagsulat siya ng mga


tula, dula, at aklat na
may estilong satire,
tulad ng Candide.
Jean-Jacques Rosseau
• Siya ang sumulat ng
nobelang Emile na
tungkol sa isang tao na
may likas na kabutihan,
ngunit napaliligiran ng
kasamaan.
• Binigyang-diin niya ang
kahalagahan ng
edukasyon para
mapanatili ang
kabutihang taglay ng
tao
Denis Diderot
• Isinulat niya ang
Encyclopedie
noong ika-18
siglo.

• Ang akdang ito ay


tungkol sa mga
kaalaman ng tao.
Mary Wollstoneraft
• Isinulat niya ang A
Valedication of the Rights
of Women na tumalakay
sa mga karapatan ng
kababaihan.
• Itinuturing siya na unang
peminista na nagtaguyod
ng pantay na karapatan
ng kalalakihan at
kababaihan.
Rebolusyong Industriyal
• Ang Rebolusyong Industriyal ay panahon ng
pagbabago at pag-unlad sa sektor ng agrikultura,
paggawa, minahan, transportasyon, at teknolohiya sa
Europa.
• Ito ang panahon kung saan nagkaroon ng maraming
imbensiyon at makabagong kagamitan upang
magamit sa mga sakahan at pabrika.
• Naging madali at mabilis ang produksyon sa mga
sakahan at pabrika, kaya sumigla ang produksyon at
ekonomiya.
• Umiral ito sa Britanya mula 1750 hanggang 1850, at
lumaganap ito sa Europa patungong Amerika noong
ika-19 na siglo.
Mga Naimbento noong Rebolusyong
Industriyal
• Agrikultura
• crop rotation ni Charles Townshend
• send drill ni Jethro Tull
• Industriya ng Tela
• flying shuttles ni John Kay
• spinning jenny ni James Hargreaves
• water frame ni Richard Arkwright
• spinning mule ni Samuel Crompton
• cotton gin ni Eli Whitney
• Transportasyon
• steam engines
• paggawa ng mga riles ng tren
• paggawa ng mga sasakyang pandagat
• Komunikasyon
• telegrapo ni Samuel F.B. Morse
• telepono ni Alexander Graham Bell
• elektrisidad o kuryente ni Thomas Alva
Edison

También podría gustarte