Está en la página 1de 3

“Ang Alamat ng

Computer
Keyboard”
Noong unang panahon sa mga mundo ng letra at numero,

naghahari ang grupo ng mga numero. Sila ang nagpapatupad ng mga

batas, namumuno upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Sabi ng

grupo ng mga letra, “dapat tayo naman ang mamuno sa ating bayan!,

upang magkaroon ng pagbabago at mas mapa-unlad natin ang ating

bayan! Lagi na lang tayong alipin dito!” Dahil dito, naglunsad ng pag-

aaklas ang mga grupo ng mga Letra laban sa pamumuno ng mga

numero,” Nagkaroon ng digmaan at nagkasira-sira ang pamumuhay nila.


Dahil sa ginawang ito ng mga grupo ng Letra nagalit ang

Inang Diwata, maayos naman daw ang pamumuhay nila noon

hanggang sa magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pilit na pinag-

aayos ng Inang Diwata ang dalawang grupo, ngunit ayaw pa rin

nilang mag-ayos. Sa galit ng mga Inang Diwata, sinumpa niya

ang mga numero at letra na maging keyboard sa ibang

dimension. Sa makabagong panahon at henerasyon ngayon ang

keyboard ay ginagamit sa paaralan, establisyemento at marami

pang iba.

También podría gustarte