komunikasyon sa aking mga kamag- aral , at maipakita kung paano gamitin at anu ang gamit ng nito sa araw-araw nating pakikipagkomunikasyon.. KOMUNIKASYON Isang proseso ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng isang proseso ng simbolo. Ang aralin pangkomunikasyon, ang disiplinang pang akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ang interaksyon ng mga tao sa isat-isa. MGA LAYUNIN NG KOMUNUNIKASYON 1. Ang pagpapatibay ng mga umiiral na saloobin at gawi. 2. Ang pagbabawas ng alinlangan. 3. Ang pagbibigay ng kaalaman. 4. Ang pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa-tao. 5. Ang pagbibigay-halaga sa mga isyung nararapat talakayin at siyasatin ng mga tao. 6. Ang pag-aanngkop kung kinakailangan, ng sariling kausipan, damdamim at saloobin sa pamamagitan ng paghahambing ng mga ito sa kaisipan, damdamin at saloobin ng ibang tao. MGA ANTAS NG KOMUNIKASYON 1. KOMUNIKASYONG INTARAPERSONAL Ito ang komunikasyong nagaganap sa isang indibidwal lamang. 2. KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL Ang antas na ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa dalawa o higit pang tao. 3. KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO Antas ng komunikasyon na nagaganap kapag may isang tao na nagsasalita sa harap ng maraming tao. 4. KOMUNIKASYON PANGMASA O PANG- MIDYA Tawag ito sa antas ng komunikasyon na kung saan ang tagahatid ng mensahe ay gumagamit ng mga kagamitang pang-midya gaya ng television, radio at pahayagan upang maihatid ang kanyang mensahe. 5. KOMUNIKASYONG PANG-ORGANISASYON Komunikasyon na naglalayong higit na mapagbuti ang pagpapatakbo ng isang samahan o organisayon. 6. KOMUNIKASYONG PANGKULTURA Antas ng komunikasyong nagaganap kung ang mga mensahe ay ukol sa mga usapin at paksang cultural ng mga kalahok. 7. KOMUNIKASYONG PANGKAUNLARAN Ito ang komunikasyong naglalayong maging mabisa a mabilis ang pag-unlad ng bansa.
DALAWANG URI NG KOMNIKASYON 1. KOMUNIKASYONG VERBAL Komunikasyong verbal o ginagamitan ng wika. Maaari itong pasulat o pasalita. Halimbawa ng komunikasyong pasalita: Ang pang araw-araw na pakikipag-usap natin sa ating mga kasambahay, magulang, kapatid at mgakaibigan. Pasulat naman ang komunikasyon kung gumagamit tayo ng mga instrument gaya ng bolpen at papel, ng komputer o kaya naman ng celfone para sa text message upang makapaghatid at makakuha tayo ng mensahe.
2. KOMUNIKASYONG NON-VERBAL Hindi wika kundi ibat ibang simbolo an gating ginagamit upang makapaghatid ng mensahe. Tinatangap natin ang mensaheng ito sa pamamagitan ng ng ating pandama. Kabilang ditto ang kumpas ng kamay, expresyon ng mukha, lakas o hina ng tinig,kulay, simbolo, anyo, paggamit ng oras maging ang disansya sa pagitan ng mga nag-uusap ay may mga kahulugan
MGA URI NG KOMUNIKASYONG NON- VERBAL
1. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG PAGHIPO O PANDAMA Ito ang kauna unahang komunikasyong non verbal na nararanasan natin bilang sanggol. Pagyapos, pagkalong, pagtapik at paghalik sa atin, ito ay unti- unti rin nating natututunan at nagagamit sating paglaki upang ipahayag ang damdamin.
2. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG KATAHIMIKAN O PAGTAHIMIK Ang hindi pagkibo o pagtahimik ay may tiyak na kahulugan din upang maituring na kominikasyong non-verbal. Maari itong magpahiwatig ng pagkagalit, pagdaramdam o kawalan ng interes na makipag-usap. 3. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG MENSAHE May apat na uri ng distansya o espasyo Distansyang personal na ang mga kalahok ay may layong isat kalahati hanggang apat na talampakan para sa magkaibigan o sa mga taong ay higit na ugnayan
Distansyang pantapatang loob na kung ang mga kalahok ay higit na mas malapit kaysa sa distansyang personal, ang paksa ng pinaguusapan ay madalas na lihim at mahinang boses lamang kung nag uusap. Distansyang sosyal. Angkop na uri bg espasyong ito sa mga talakayan sa pagtitipon at ang huli; Distansyang pampubliko.na kung saan ang mmga kalahok ay magkakalayo ng hanggang sa labindalawang talampakan o higat pa.
4. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG ORAS Ang pagdating ng maaga sa oras kung ikaw ay may kausap na tao ay nagpapakita ng interes samantalang ang pagdating naman na huli ay ang kabaliktaran nito. Ang mga Pilipino ay may lebel sa paggamit ng oras, kilala tayo sa tinatawag na Filipino time.
5. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG SENYAS Ibat ibang senyas na nagpapahayag ng mga kahulugan . nakakatulong ang mga ito upang higit na maunawaan ang mga kahulugan ng salitang binibigkas, 6. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG PAGGALAW O AKSYON Kabilang ditto ang paggalaw ng alinmang bahagi ng katawan maliban sa kamay. Ang mga nakakakita sa galaw na ating nalilikha ang nagbibigay ng kahuluagan sa mga ito.
6.KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG EXPRESYON NG MUKHA Sinasabi na mababasa sa mukha ang iniisip at nadarama ng isang tao. Ang mukha ay maaring makalikha ng napakaraming expresyon tulad ng tuwa, galit, lungkot, gulat at iba pa.
Ayon kay Dell Hymes , may mga dapat tayong bigyang konsiderasyon sa tuwing makikisangkot tayo sa pakikipagkomunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. sa kanyang pagpapaliwanag.
1. SETTING (LUGAR NG PAG-UUSAPAN) 2. PARTISIPANTS (SINO ANG MGA KASANGKOT SA PAKIKIPAG-USAP) 3. ENDS ( BAKIT NAKIKIPAG-USAP) 4. ACT SEQUENCE (PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI SA PAKIKIPAG-USAP) 5. KEYS ( FORMAL BA O DI FORMAL ANG USAPAN ) 6. INSTRUMENTALITIES (ANO ANG MIDYUM NG USAPAN ) 7. NORMS (ANO ANG PAKSA NG USAPAN ) 8. GENRE (ANONG PARAAN NG PAGPAPHAYAG ANG IYONG GAGAMITIN )
SETTING (LUGAR NG PAG-UUSAPAN) Saang lugar nagaganap ang paguusap? Ibang iba ang katangian ng paguusap sa loob ng palengke. Subukan mong sumigaw sa loob ng simbahan habang nagmimisa ang pari at pagtitingainan at babawalin ka ng mga taong naroon.
PARTISIPANTS (SINO ANG MGA KASANGKOT SA PAKIKIPAG-USAP Dapat din nating bigyn ng konsiderasyon kung sino ang ating kausap. Hindi mo maaaring gamitin ang estilo ng pakikipag usap mo sa iyong kabarkada kung ang kausap mo ay ang iyong mga magulang.
ENDS ( BAKIT NAKIKIPAG-USAP) Anu ang iyong layunin sa pakikipas-usap? Kung nais mong humingi ng baon sa iyong magulang ay hindi kailangan sumigaw at magsalita ng pabalang. Dapat ay humingi ka sa paraang maayos upang ikaw ay bigyan nila.
ACT SEQUENCE (PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI SA PAKIKIPAG-USAP) Sinasabing ang komunikasyon ay dinamiko, sa makatuwid wala itong tiyak na simula at katapusan. Hindi natin maaaring idikta ang takbo ng usapan. May mga usapang nagsisimula sa tawanan na sa huliy nauuwi sa iyakan o vise versa.
KEYS ( FORMAL BA O DI FORMAL ANG USAPAN ) Kung ang titser na pumasok sa inyong klasrum ay hindi angkop ang pananamit, hindi nakaayos ang buhok at nang magsalita ay daig pa ang baklang manggugupi sa iyong buhok, ano ang magiging impresyon mo sa titser na ito? Igagalang mo ba siya?
INSTRUMENTALITIES (ANO ANG MIDYUM NG USAPAN ) Dapat din nating isalang alang ang wikang ating gagamitin sa pakikipag-usap. Ag wika bang ito ay maiintindihan n gating kausap o hindi? Ano ang mararamdaman mo kung ang iyong mga kabarkada ay nagsasalita sa wikang hindi mo alam gayong kaharap ka nila.
NORMS (ANO ANG PAKSA NG USAPAN ) Kung limitado o hindi sapat ang kaalaman natin sa isang tiyak na paksa ay siguradong wala tayong masasabi tungkol dito a malamang na ikaw ay magsilbing agapakinig lamang.
GENRE (ANONG PARAAN NG PAGPAPHAYAG ANG IYONG GAGAMITIN ) Dapat na alam kumilala ng paraan ng pagpapahayag ang isang indibidwal upang maiangkop nya ito sa paraang kanyang gagamitin. Siya ba ay maglalarawan, magpapaliwanag , mangangatwiran o magsasalaysay?
MODELO NG KOMUNIKASYON NI BERLO Sa modelong ito ni Berlo ay ipinapakita ang mahahalagang element ng komunikasyon. Ang mga element ay ang tagahatid ng mensahe, tagatanggap ng mensahe, ang mensahe mismo at tsanel. Tagahatid ng mensahe o source ang tawag sa pinagmumulan ng mensahe. Maaring ito ay isang tao o pangkat ng tao at ang mensaheng ito ay kanyang ipararating sa tagatanggap ng mensahe o receiver. Samantala mensahe o message naman ang tawag sa anumang ideya o opinion o konsepto na nais ipahayag. Sa pamamagitan ng mga salita,tunog, expresyon ng mukha, kumpas ng kamay, kulay at anyo ay makakapagpadala tayo ng mensahe. Ang mga mensaheng ito ay maaring iparating sa pamamagitan ng ibat ibang tsanel o channel katulad ng celfone, fax machine, radyo , television pahayagan at iba pa.
Tagahatid ng mensahe o source Tagatanggap ng mensahe o receiver mensahe o message tsanel o channel MODELO NG KOMUNIKASYON NI SHANNON AT WEAVER Mayroong isang mahalagang elemento na dapat nating bigyan ng pansin sa proseso ng komunikasyon ayon kina Shannon at Weaver. Ito ay ang ingay. Ayon sa kanila ito ay ang anumang nakakagambala sa mabisang daloy ng kominikasyon. Sa modelong ito ay ating mapapansin na ang ingay ay inuugnay sa pinagdaraanan ng senyas o mensahe. Mabuting halimbawa nito ay ang ingay sa linya kung tayo ay may kausap sa telepono o celfone.
Pinagmulan ng mensahe Ang tumatanggap ng mensahe Naghahatid ng mensahe Ang pinagdaraana n ng mensahe Ang umuunawa sa mensahe ingay MODELO NG KOMUNIKASYON NI ARISTOTLE Tatlo lamang ang elemento ng komunikasyon ayon kay Aristotle. Ang TAGAPAGSALITA, ang MENSAHE MISMO at ang TAGAPAKINIG.
MENSAHE TAGAPAKINIG TAGAPAGSALITA MODELO NG KOMUNIKASYON NI DANCE Binibigyan diin ni Dance sa kanyang proseso na ang komunikasyon ay may kalikasang dinamiko. Ang prosesong ito ay patuloy na nagbabago at nagbabago habang lumalakad ang panahon. Sinasabing dinamiko ang kumunikasyon, tuloy-tuloy at nagbabago sapagkat walang tiyak na simula at wala rin tiyak na katapusan.
APPLIKASYON Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral at ang bawat pangkat ay gagawa ng dula-dulaan na ang paksa ay ang pakikipagkomunikasyon.
EVAWASYON TANONG SAGOT 1. Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng isang proseso ng simbolo komunikasyon
2. Hindi wika kundi ibat ibang simbolo an gating ginagamit upang makapaghatid ng mensahe. Komunikasyong non- verbal
3. Uri ng komunikasyon na ginagamitan ng wika, maaring pasulat o pasalita Komunikasyong verval
4. Ang antas ng komunikasyon na nagaganap sa dalawa o higit pang tao at ito at mauuri sa dalawa. interpersonal
5. Ito ay antas ng komunikasyon na nagaganap sa isang indibidwal lamang intrapersonal EVAWASYON TANONG SAGOT 6. Modelo ng komunikasyon na may tatlong element lamang. Modelo ng komunikasyon ni aristotle
7. Ito ang midyum ng usapan instrumentalies 8. Uri ng komunikasyong non-verbal na kabilang ditto ang paggalaw ng alinmang bahagi ng katawan pero hindi kabilang ang kamay Komunikasyon sa pamamagitan ng paggalaw o aksyon
9. Antas ng komunikasyon na nagaganap kung ang mensahe ay ukol sa mga usapin at paksang kulural ng mga kalahok. Komunikasyong pangkultura
10. Ito ang komunikasyon naglalayong maging mabisa ang pag-unlad ng bansa.