Está en la página 1de 118

Mga Akdang Nakaimpluwensya sa

Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig


Banal na Kasulatan/Bibliya
(Aramaic, Latin, Griyego, Hebreo)
Koran mula Arabia
(Arabic)
Iliad at Odyssey ni Homer (Griyego)
Mahabharata ng India (Sanskrit)
Canterbury Tales ni Chaucer (Old English)
Uncle Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe
(Modern English)
Divina Comedia ni Dante Alighieri (vulgar Italian)
El Cid Compeador (Espanyol)
Isanlibo at Isang Gabi (Arabic at
Persyano)
Aklat ng mga Araw ni Confucius (Intsik)
Aklat ng mga Patay ng Ehipto
Awit ni Rolando (Pranses)
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa
Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig
{Pinakamahabang epiko}
Mahabharata
{Pag-uyam sa pag-uugali ng mga Ingles}
Canterbury Tales
{Pananaw sa impyerno, langit at
purgatoryo}
Divina Comedia
{Pananampalatayang Kristyano}
Banal na Kasulatan/Bibliya
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa
Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig
{Pang-aalipin sa mga Itim}
Uncle Toms Cabin
{Islam}
Koran
{Mitolohiya ng Gresya}
Iliad at Odyssey

{Espanya}
El Cid Compeador
{Arabo at Persyano}
Isanlibo at Isang Gabi
{Intsik}
Aklat ng mga Araw
{Ehipto}
Aklat ng mga Patay
{Pranses}
Awit ni Rolando
Ilang Kuru-kuro ukol sa mga akdang
nakaimpluwensya sa panitikan ng Pilipinas
Karamihan ay nakasulat sa wikang HINDI
INGLES
Karamihan ay mga akdang Europeo
Salamin ng kolonyal/kolonisadong pag-
iisip ng mga Pilipino (utak-Kanluranin)
Ang Mga Panahon ng Panitikan
sa Pilipinas
(Historikal na Dulog/Approach)
Panahong Katutubo/Pre-Kolonyal/
Bago Dumating ang mga Kastila
(BAGO mag-1521)
Panahong Katutubo/Pre-Kolonyal/
Bago Dumating ang mga Kastila
Ang panitikan sa panahong ito ay
Karaniwang pasalindila (oral)
Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay (way of
life) ng ating mga ninuno
Nagpapatunay na MAY
SIBILISASYON/KABIHASNAN na ang mga
katutubo sa Pilipinas bago pa dumating ang
mga Kastila
Matatagpuan din sa mga palayok, banga,
kawayang bumbong (isang species ng bamboo)
atbp. kung nakasulat


Anyo ng Panitikan sa
Panahong Katutubo
Alamat
Kwentong Bayan
Epiko
Awiting Bayan
Bugtong
Salawikain at Kasabihan

Ibat Ibang Epiko
Bidasari (Moro)
Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo)
Parang Sabir (Moro/Tausug)
Haraya (Bisaya)
Maragtas (Bisaya)
Kumintang (Tagalog)
Biag (Buhay) ni Lam-Ang (Ilokano)
Ibalon (Bicolano)
Bantugan (Muslim/Maranao)
Ibat Ibang Epiko
Labaw Donggon (Ilongo)
Handiong (Bikol)
Hudhud (Ifugao)
Alim (Ifugao)
Hinilawod (Bisaya)
Indarapatra at Sulayman (Magindanaw)



Awiting Bayan
Oyayi/hele (pagpapatulog ng bata)
Kalusan (paggawa)
Kundiman (pag-ibig)
Diona (kasal)
Kumintang/tagumpay (pandigma)
Dalit/himno (pagsamba sa anito/panrelihiyon)
Dung-aw (pagdadalamhati/pagluluksa sa patay)
Soliranin (pagsasagwan)
Talindaw (pamamangka)


Mga Bugtong
Gintong binalot ng pilak/pilak na binalot ng balat.
(itlog)
Hindi hayop, hindi tao/walang gulong tumatakbo.
(agos ng tubig)
Dahong pinagbungahan/bungang
pinagdahunan.
(pinya)
Bumili ako ng alipin/mataas pa sa akin.
(sombrero)
Pinihit ko si kaibigan, bumukas ang daanan.
(susi)

Mga Bugtong
Nang batay submarino, nang tumanday eroplano.
(lamok)
Natuwa ang nawalan, nagalit ang nakakuha.
(utot)
Prutas na kaysarap kainin, may itim na perlas kung
hatiin.
(papaya)
Isang pindot ng daliri, impormasyoy sari-sari.
(internet)
Tubig sa kaitaasan, ang uloy bilugan.
(niyog/buko)

Salawikain at Kasabihan
Ang hipong palatulog, inaanod ng agos.
Kung may isinuksok, may madudukot.
Ang magtanim ng hangin, bagyo ang
aanihin.
Kung may tiyaga, may nilaga.
Umiwas sa baga, sa apoy nasugba.
Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa
sarili.
Panahon ng
Kolonyalismong Espanyol
(1521?-1860s)
Panahon ng
Kolonyalismong Espanyol
Ang panitikan sa panahong ito ay
Karaniwang pasulat
Tumatalakay sa paksang panrelihiyon
Salamin ng kulturang Kanluranin (western)
Karaniwang nakasulat sa wikang Espanyol


Mga Unang Aklat na Nilimbag
Doctrina Cristiana (bilinggwal na
katesismo; aklat ng mga panalangin atbp.)
Hal. Ylan po ang Dios? Isa po laman,
datapuat may tatlon persona.
Nuestra Seora del Rosario (novenario;
aklat ng nobena/debosyon sa Mahal na
Birhen)


Bersyon ng Pasyon
Padre Gaspar Aquino de Belen
Luis Guian
Padre Mariano Pilapil (pinakagamitin ang
kanya)
Padre Aniceto dela Merced
Halimbawa ng
mga saknong sa pasyon

Panitikang Didaktiko
Nangangaral
Nagbibigay ng mga tuntuning dapat
sundin sa maayos na pamumuhay
Dalawang pangunahing halimbawa:
Pagsusulatan ng dalawang binibinbi na
sina Urbana at Feliza (Padre Modesto de
Castro)
Tandang Basio Macunat
Ang Awit at Korido
Hango sa mga akdang Europeo
Romantisista
Eskapista
Kasangkapan upang maipalaganap ang
kolonyal na pag-iisip
Ginamit din ng mga Pilipino upang ilantad
at tuligsain ang pagmamalabis ng
gobyernong kolonyal
Duplo at Karagatan
Patulang pagtatalo na may halong malalim
na pagpapatawa/humor/wit
Isinasagawa sa burol/lamay/wake at sa
pasiyam, anibersaryo ng pagkamatay
atbp.
Pang-aliw sa kamag-anak ng yumao
Pampalipas-oras sa mga gabi ng lamay
Karilyo
Puppet show (anino ng mga tau-tauhang
gawa sa karton na nasa likod ng puting
tabing na iniilawan ng gasera/lamp sa
likuran nito)
Moro-moro/Komedya
Magarbong presentasyon
Isinasagawa sa tanghalan na itinayo sa
lansangan
Ginamit na kasangkapan upang
ipalaganap ang Kristyanismo
Romantisista
Kanluraning tagpuan/setting
Mga Dulang Panrelihiyon
Tibag (ukol sa paghahanap ni Emperatris
Santa Elena sa krus ni Kristo)
Senakulo (ukol sa pagpapakasakit,
pagkamatay at muling pagkabuhay ng
Panginoong Hesukristo)
Panunuluyan (ukol sa paghahanap ng
matutuluyan ng Banal na Mag-anak sa
panahong kagampan/manganganak na
ang Birheng Maria)
Ang unang tula
May bagyo mat may rilim
ang olay titigisin,
acoy magpipilit din:
aking paglalakbayin
tuluyin kong hanapin
Diyos na ama namin.
Tulang bilinggwal
Nililikha ng mga LADINO (makatang
bihasa sa Tagalog at Espanyol)
Karaniwang nakasingit lamang sa mga
aklat sa gramatika o kayay katesismo
Mga LADINO: Fernando Bagongbant at
Pedro Suarez Osorio
Tunay na Tula
Phelipe de Jesus ng San Miguel, Bulacan ang unang
tunay na makata sa Tagalog
Ybong camunti sa pugad A small bird in the nest
sa inang inaalagad Nurtured by its mother
ay dili macalipad is unable to fly
hangan sa di magcapacpac until its wings develop.

Loob ninyong masilacbo Your angry feelings
parang ningas na alipato are like flying embers
sa alapaap ang tongo that will go to the sky
ay bago hamac na abo. and become lowly ash.
Panahon ng Kilusang Propaganda/
Pagbabagong-Diwa/Pagbabagong-Isip
(1860s-1892)
Panahon ng Kilusang Propaganda/
Pagbabagong-Diwa/Pagbabagong-Isip
Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang
Tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong
kolonyal
Nagkikintal ng pagkamakabayan
Humihingi ng reporma
Humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga
Pilipino (pinauso ang pagtukoy sa mamamayan
ng Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging
indio)
Nakasulat sa Espanyol (sapagkat nais nilang
magbago ang mga Kastila; hindi PA nila nais na
maging malaya ang Pilipinas)
Mga Repormang Hinihingi ng Kilusang
Propaganda
Asimilasyon ng Pilipinas bilang
lalawigan/probinsya ng Espanya
Ibat ibang karapatan para sa mga Pilipino
na tinatamasa ng mga Espanyol sa
Espanya (malayang pamamahayag,
pagpoprotesta, pagpupulong atbp.)
Pilipinisasyon ng mga parokya
Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa
Cortes (ang tawag sa
parlamento/parliament ng Espanya)
Mga Nobela
La Loba Negra (Ang Babaeng Lobong Itim) ni
Padre Jose Burgos pinaniniwalaang
nakaimpluwensya rin sa mga 2 obra maestra ni
Rizal
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose
Rizal
Fray Botod (ayon sa ibang aklat ay maikling
nobela ngunit sa aktwal ay maikling kwento) ni
Graciano Lopez-Jaena ukol sa masasamang
katangian ng mga prayle sa Pilipinas noon
Ninay ni Pedro Paterno diumanoy kauna-
unahang nobelang panlipunan

Mga Sanaysay
Filipinas Dentro de Cien Aos (Ang Pilipinas
Pagkalipas ng 100 Taon) ni Jose Rizal mga
hula ni Rizal ukol sa kahihinatnan ng Pilipinas:
binanggit niya na posibleng sakupin tayo ng
Estados Unidos sa ating paglaya at totoo nga
Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa
Katamaran ng mga Pilipino) sinagot
(sinupalpal) ni Rizal ang mga buladas ng mga
Kastila na diumanoy tamad ang mga Pilipino
Mga Sanaysay
Sa Mga Kababayang Dalaga sa Malolos
(liham) ni Jose Rizal isa sa mga akdang
Tagalog ni Rizal na naging popular;
nagbibigay-inspirasyon at -papuri sa mga
kababaihan ng Malolos, Bulacan na nais
magtayo ng paaralang pambabae sa
kanilang bayan
Mga Sanaysay
La Frailocracia en Filipinas
(Pangingibabaw ng mga Prayle sa
Pilipinas) tumutuligsa sa katiwalian at
kawalang-katarungan at pangingibabaw
sa Pilipinas ng mga prayle noon
Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del
Pilar koleksyon ng Katesismo at mga
dasal na pinarodiya upang tuligsain ang
mga prayle
Ilang bahagi ng
Dasalan at Tocsohan
Aba ginoong barya, nakapupuno ka ng
alkansya. Ang prayle ay sumasaiyo.
Bukod ka niyang pinagpalat pinahigit sa
lahat. Pinagpala rin naman ang kaban
mong mapasok. Santa barya, ina ng
deretso, ipanalangin mo kaming huwag
anitan at kamiy ipapatay. Siya nawa.
salin ng Aba Ginoong Barya
Hail oh coin, you fill up the piggy bank.
The friars are with you. Blessed are you
among all and further multiplied by the
friars. And blessed also is the chest that
you enter. Holy coin, mother of rights, pray
for us so that we will not be scalped and
be assassinated. Amen.
Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni
Hermenigildo Flores
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
ni Marcelo H. del Pilar
Mga Pahayagan
Diariong Tagalog (unang pahayagang
Tagalog) pinamatnugutan ni Marcelo H.
Del Pilar
La Solidaridad (Espanyol ang wika)
opisyal na pahayagan ng Kilusang
Propaganda; pinamatnugutan nina
Graciano Lopez-Jaena at Del Pilar.
Tatlong Haligi ng Kilusang Propaganda
Jose Rizal (Laong-laan/Dimasalang)
Marcelo H. del Pilar (Dolores Manapat;
Pupdoh; Piping Dilat; Plaridel)
Graciano Lopez-Jaena
Iba Pang Propagandista
Jose Maria Panganiban (Jomapa)
Mariano Ponce (Naning; Tikbalang;
Kalipulako)
Isabelo de los Reyes
Antonio Luna
Pedro Paterno (bagamat malaoy 2 beses
magtataksil sa Pilipinas)
Pascual Poblete
Panahon ng Himagsikan/
Rebolusyon ng 1896 at
ng Unang Republika
(1892-1899)
Panahon ng Himagsikan/
Rebolusyon ng 1896
Ang panitikan sa panahong ito ay
karaniwang
Nananawagan ng himagsikan
Nakasulat sa bernakular (wikang katutubo)
Nagpapahayag ng marubdob na
pagkamakabayan
Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres
Bonifacio tahasang nananawagan ng
pagbaklas/paghiwalay ng Pilipinas sa
Inang Espanya
Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres
Bonifacio
Filipinas ni Jose Palma pinagbatayan
ng liriko/titik ng Pambansang awit
Bahagi ng
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Kung ang bayang itoy mapapasa-panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik,
ang anak, asawa, magulang, kapatid,
isang tawag niyay tatalikdang pilit.

If this country will be endangered
and if she needs protection,
children, wife, parent and brethren
shall be left to heed her call.
Bahagi ng Katapusang Hibik
Ang lupa at bahay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan
at gayon din pati ng mga halaman
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Paalam na, Ina, itong Pilipinas
Paalam na, Ina, itong nasa hirap,
Paalam, paalam, Inang walang habag.
Paalam na ngayon, katapusang tawag.
Mga Sanaysay
Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio
Jacinto ukol sa masasamang dulot ng
pag-ibig sa ningning ng kayamanan
Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog ni
Andres Bonifacio panawagan sa mga
Pilipino na tuklasin kung saan nagmula
ang mga paghihirap na kanilang dinaranas
(sa KOLONYALISMO/Pananakop at
pangingibabaw ng mga dayuhan)
Mga Sanaysay
El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na
Sampung Utos) ni Apolinario Mabini
sampung utos na kahawig ng 10 Utos sa
Bibliya; nagbibigay-diin sa pag-ibig sa
bayan at kapwa
Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto
naglalaman ng mga tuntuning dapat
sundin ng mga Katipunero
Mga Sanaysay
Ordenanzas dela Revolucion at
Programa Constitucional dela
Republica Filipina ni Apolinario Mabini
dokumentong nagpapahayag ng mga
patakaran ng gobyernong rebolusyunaryo
ng mga Pilipino (na malaoy magiging
republikano); binanggit sa Ordenanzas
ang reporma sa lupa
Ilang bahagi ng Ang Dapat Mabatid
ng Mga Tagalog
Itong Katagalugan (Pilipinas) na
pinamahalaan ng unang panahon ng ating
tunay na mga kababayan niyaong hindi pa
tumutungtong sa mga lupaing ito ang mga
Kastila ay nabubuhay sa lubos na
kasaganaan at kaginhawahan.batat
matanda at sampung (pati) mga babae ay
marunong bumasa at sumulat ng talagang
pagsulat nating mga Tagalog (ang
alibata)
Ilang bahagi ng Ang Dapat Mabatid
ng Mga Tagalog
Itinuturo ng katwiran na huwag sayangin
ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong
kaginhawahan na hindi darating at
mangyayari. Itinuturo ng katwiran ang
tayoy umasa sa ating sarili at huwag
antayin sa iba ang ating kabuhayan
Kalayaan opisyal na pahayagan ng
Katipunan
Heraldo dela Revolucion [Tagapagbalita
ng Himagsikan] opisyal na pahayagan
ng Republikang Pilipino
La Independencia [Ang Kalayaan]
pahayagang pinamatnugutan ni Heneral
Antonio Luna

Panahon ng Kolonyalismong
Amerikano
(1900s-1942)
Panahon ng Kolonyalismong
Amerikano
Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang
Nagpapakita ng dalawang pwersang
nagtutunggalian
Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles
Tumatalakay sa pagkamakabayan o kayay mga
paksang romantisista
Nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o
pagpapailalim sa mga Amerikano
Nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad
o nangongopya ng mga estilong Kanluranin

Bakit sa Espanyol pa rin
nagsulat ang iba?
Protesta sa pananakop ng mga Amerikano
na nagsasalita ng Ingles
Mas matulain at mas akma sa panitikan
ang Kastila kaysa Ingles, ayon sa kanila
Bibihira pa ang sanay mag-Ingles sa mga
unang taon ng pananakop ng Amerikano
Espanyol pa rin ang wika ng mga
intelektwal noon
Mga Manunulat sa Kastila
Cecilio Apostol sumulat ng mga tulang handog sa mga
bayani at tumutuligsa sa mga Amerikano
Fernando Ma. Guerrero naglabas ng
antolohiya/koleksyon ng mga tula na pinamagatang
Crisalidas (Mga Higad)
Jesus Balmori may sagisag na Batikuling (isang uri ng
puno); poeta laureado (poet laureate)
Manuel Bernabe makatang liriko
Claro M. Recto naglabas ng antolohiyang Bajo Los
Cocoteros (Sa Lilim/Shade ng Niyugan)
Apolinario Mabini utak ng Himagsikan; ipinatapon ng
mga Amerikano sa Guam dahil popular sa taumbayan
ang kanyang mga sinusulat
Mga Nagsulat sa Tagalog
Julian Cruz Balmaceda sumulat ng
Bunganga ng Pating
Lope K. Santos nobelista at
mambabalarila (grammarian); Ama ng
Balarilang Tagalog
Jose Corazon de Jesus Huseng
Batute; Makata ng Puso/Pag-ibig
Pascual Poblete sumulat ng pasyon na
anti-prayle

Mga Nagsulat sa Tagalog
Florentino Collantes batikang duplero;
Kuntil-Butil
Amado V. Hernandez Makata ng mga
Manggagawa
Valeriano Hernandez-Pea Tandang
Anong; nobelista
Iigo Ed Regalado Odalager;
kwentista, nobelista at peryodista
Mga Nagsulat sa Tagalog at Iba Pang
Wikang Katutubo
Severino Reyes Ama ng Dulang
Tagalog
Aurelio Tolentino Ama ng Dulang
Kapampangan
Juan Crisostomo Sotto Ama ng
Panitikang Kapampangan
Hermogenes Ilagan mandudula
(playwright)
Patricio Mariano kwentista

Mga Nagsulat sa Ingles
Jose Garcia Villa makatang Pormalista
(art for arts sake); Doveglion
Zoilo Galang nagsulat ng unang nobela
sa Ingles
Zulueta de Costa makata
N.V.M. (Nestor Vicente Madali) Gonzales
kwentista
Paz Marquez Benitez kwentista
Maximo Kalaw nobelista
Juan Laya nobelista
Leon Arguilla kwentista
Nick Joaquin kwentista

El Desarrollo Caida Dela Republica Filipina
(Ang Pagbagsak ng Republikang Pilipino) ni
Apolinario Mabini tumatalakay sa pagtataksil
ng mga Pilipinong ilustrado sa Unang Republika
ng Pilipinas
Aves de Rapia (Mga Ibong Mandaragit-
EDITORYAL; iba pa sa nobela ni AVH)
tumutuligsa sa Amerikanong ganid at tiwali;
nilathala sa pahayagang El Renacimiento;
ipinasara ang pahayagan at ipinakulong ang
mga editor at ibinenta/isinubasta ang lahat ng
ari-arian ng dyaryo
Isinaling sipi ng Aves

Sa daigdig, ang ilang tao ay ipinanganak
upang kumain o manila (to prey upon), at
ang iba namay para kainin o silain (to
become prey).
Inuutos niya sa pamamagitan ng mga
lihim na ahente at m


Mga Tula
Al Yanqui ni Apostol tumutuligsa sa
pananakop ng mga Amerikano
Maria Clara ni Guerrero nagpapahayag
ng pagluluksa dahil sa inagaw na
kalayaan
Pasyong Poblete tumuligsa sa mga
prayle sa pamamagitan ng tulang estilong
pasyon

Mga Tula
Kahapon, Ngayon at Bukas (IBA PA SA
DULA) ni Aurelio Tolentino alegorikal at
sarkastikong batikos sa huwad na kabaitan ng
Estados Unidos
Sa Dakong Silangan (modernong awit) ni
Jose Corazon de Jesus alegorikal na
pagtalakay sa kasaysayan ng Pilipinas mula
pagdating ng mga Kastila hanggang sa
pagdating ng mga bagong mananakop
(Amerikano)
Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus
tumutuligsa sa pananakop ng dayuhan at
nagbibigay-pag-asa na balang araw,
lalaya rin ang bayan (nilapatan ng musika
ni Prop. Constancio de Guzman kaya
naging awit)
Mahalin Ang Sariling Wika ni Joaquin
Maibo
Mga Tula
Mga Tula
Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking
Bayan ni Amado V. Hernandez
Ang Lumang Simbahan ni Florentino
Collantes


Sipi mula sa Kung Tuyo na ang Luha
Mo, Aking Bayan
Lumuha ka, aking bayan, buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
ang bandilang sagisag moy lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana moy busabos ng ibang wika

(Weep, my country, with all sadness weep for
the miserable plight of your poor land:
the flag that symbolizes you is eclipsed by a foreign banner,
even your language of heritage is enslaved by another.)
Sipi mula sa Kung Tuyo na ang Luha
Mo, Aking Bayan
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyoy pampahirap, sa banyagay pampalusog:
ang lahat mong kayamanay kamal-kamal na naubos,
ang lahat mong kalayaay sabay-sabay na natapos

[Weep over a thousand and one tragedies that conspired
to heap burdens upon you, tonic for the foreigners:
all of your treasure chests have been totally emptied,
all of your liberties were simultaneously murdered.
Sipi sa tulang
Al yanqui(Sa mga Yankee)
ni Apostol
Yankee!
Si mis estrofas logra sobrevivirme,
sus palabras vibraran
en los siglos venideros el odio eterno
del eterno paria.
(Yankee!
Should my lines outlive me,
their words will make known
to future ages the eternal outcasts
eternal hatred.)

Sipi sa tulang
Maria Clara ni Guerrero
ni Apostol
Lore sobre nosotros,
alma hermana,
Sobre esta tierra que te
quiere y te nombra
Todavia no surge la maana!
Todavia lloramos en la sombra!

{Weep over us, sister spirit
Weep for this land which
loves you and calls on you
Morning still has not come!
We are still weeping in the shadows!}
Sipi sa tulang Kahapon, Ngayon at
Bukas (iba pa sa dula)
(Nagsasalita ang Estados Unidos
At sasagot ang Pilipinas:)
Ang tunay kong nais kayo ay turuan
ng pamamahala nitong inyong bayan
saka pagkatapos sa inyoy ibigay
ang pagsasarili ng malayang buhay.

Ani Kalayaan: Aking hinihiling
Itong aking bayay iyong palayain
Pabayaan akong gumawa ng aming
Mga kautusang sukat kailanganin.
Sipi sa tulang Kahapon, Ngayon at
Bukas (iba pa sa dula)
(patama sa Estados Unidos:)
Siya palibhasa ay MALAKING hari
Sa ibayong dagat MALAKI ang lahi
kaya MALALAKI lahat niyang gawi
at lalong MALAKI gugol na salapi.

Pawang MALALAKI ang ginawang bahay
at MALALAKI rin ang tulay at lansangan
at lalo pang MALALAKI naman
ang lahat ng buwis na pataw sa bayan
Sipi mula Sa Dakong Silangan
(Patama sa katangahan ng ilang Pilipinong maka-
Amerikano)
Sa gayoy pamuling lumamlam ang araw
nitong sawing lahi sa dakong silangan;
Mayroon bayan palang kahit sinasakal,
ay di mo makita ang bakas ng kamay.

(Patama sa edukasyong Kanluranin/Kano:)
At ang kabataang tila nabubulag
kay dami ng aklat ngunit walang aklat
libo-libong aral, laksa-laksang pilak
paglabas sa temploy dayuhan ang utak.
(Tagubilin sa kabataan:)
Kayong kabataang pag-asa ng bukas
huwag mangawili sa masayang palad
habang ang bayan moy may kadenat hirap
paglayay hanapin sa aklat o tabak.

{Oh young men and women, tomorrows hope,
do not be intoxicated with the good life
while your countrys enslaved and oppressed
seek out liberty in books or through force.}
Sipi mula Sa Dakong Silangan
Sipi mula Mahalin
Ang Sariling Wika
Ang wikang sariliy arteng mahiwaga
landasin ng bayan sa pagkatimawa
ngunit kapag itoy hindi nakalaya
malulugami na sa pagdaralita

{A nations language is a mysterious art
the path of a country towards freedom
but if it fails to be liberated
the nation will miserably stay in poverty.}
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng gintot bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng gandat dilag

At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Bayan Ko
Ibong mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
ang di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha kot dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal-laya.
Mga Dula
Walang Sugat (sarswela) ni Severino Reyes
ukol sa pag-iibigan ng isang babae at ng
Katipunero
Napun, Ngeni at Bukas [Kahapon, Ngayon at
Bukas] sarswela ni Aurelio Tolentino tuligsa sa
pananakop ng mga Amerikano; ipinaaresto si
Tolentino at ang mga artistang gumanap; ni-raid
ang mga pagpapalabas
Anac Ning Katipunan [Anak ng Katipunan]
sarswela ni Juan Crisostomo Sotto
Tanikalang Ginto ni Juan Abad dulang pag-ibig
ang paimbabaw (superficial) na tema ngunit
pagtuligsa sa imperyalismong Amerikano ang
tunay na mensahe

Pobres y Ricos [Mga Mahirap at Mga
Mayaman] sarswela ni Isabelo delos
Reyes tumatalakay sa kaawa-awang
kalagayan ng mga manggagawa sa
Pilipinas
Bagong Cristo ni Aurelio Tolentino
tumatalakay sa minimithing pagkakaisa ng
mga manggagawa upang makamit nila
ang kanilang hinahangad na uri ng lipunan
Mga Dula
Mga Nobela
Banaag at Sikat [Glimmer and Sunshine] ni
Lope K. Santos kauna-unahang nobelang
tumalakay sa sosyalismo
Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Pea
Madaling Araw [Dawn] ni Iigo Ed Regalado
Pinaglahuan ni Faustino Aguilar nobelang
nananawagan ng rebolusyon ng mga
manggagawa
Mga Anak-Dalita ni Patricio Mariano
Mga Anak-Bukid ni Rosauro Almario
Mga Nobela
Bulalakaw ng Pag-asa ni Ismael A.
Amado tampok ang karakter na mala-
Simoun
Pusong Walang Pag-ibig ni Roman
Reyes
Sipi sa Banaag at Sikat
Sa Estado Sosyalista, ang lahat ay mag-aaral,
gagawa ng bagay-bagay ayon sa kanyang hilig
at sa pangangailangan ng sambayanan. Wala
nang matututong magnakaw, sapagkat wala
namang pag-aari ng ibang nanakawin: ang lahat
ay sa lahat na.
{In the socialist state, everyone will study, will
do things in accordance to what he wants and
what the people needs. There would no longer
be thieves, because private property that can be
stolen no longer exists: everything belongs to
everyone.}
Sipi sa Pinaglahuan
Sa ikapagtatagumpay ng alinmang layon, sa
ikabibihis ng katauhang dinudusta, at sa
ipagwawagi ng Katwiran laban sa Lakas ay
kailangan ang luhat ang apoy na panunog.
Maggiba muna saka magbuo pagkatapos.
{To successfully attain any objective, to redeem
the oppressed people, and for Right to
overcome Might, tears and fire that burns are
needed. Destroy first so as to create afterwards.}
Sipi mula sa
Bulalakaw ng Pag-asa
(Pag-aalay ng may-akda sa Bayan Ko)
Upang matubos nang ganap sa kuko ng mga kaaway
mong lihim ay kinakailangang matanim sa puso at
mabatid ng bawat Pilipino, na ang una at huling
tungkulin niya sa iyo ay ang matutong gumiba, gumutay,
tumupok, nang walang kapangi-pangimi, sa dapat igiba,
gutayin at tupukin.
{So as to totally redeem you from your disguised
enemies, it should be inculcated in the hearts of and be
known to every Filipino, that his first and last duty is to
learn how to demolish, destroy and burn, without any
restraint, things that should be demolished, destroyed
and burned.}
Ang Balagtasan
Nagsimula noong unang bahagi ng 1900s
Pagtatangka ng mga makabayang makata na ikiling (to
tilt) ang paksa ng mga patulang pagtatalo gaya ng sa
duplo sa mga paksang pampulitika at panlipunan
Ang mga unang balagtasan ay tumalakay sa mga
paksang gaya ng: wikang sarili, wikang Ingles o Kastila?;
obrero o eskirol; kagyat (immediate) na kalayaan o
awtonomiya?
Ipinangalan kay Francisco Balagtas; nagkaroon ng
bersyon sa ibang wika gaya ng sa Kapampangan
(Crisottan: parangal kay Juan Crisostomo Sotto) at sa
Ilokano (Bukanegan: parangal kay Pedro Bukaneg)
Mga Pahayagan
El Nuevo Dia [Ang Bagong Araw]
El Grito del Pueblo [Ang Sigaw ng
Bayan]
El Renacimiento [Ang Muling Pagsilang]
Mga Nobelang Ingles
A Child of Sorrow ni Zoilo Galang
The Filipino Rebel ni Maximo Kalaw
His Native Soil ni Juan Laya
His Dishonor the Mayor ni Leon Ma.
Guerrero
Panahon ng Pananakop ng
Hapon/Gintong Panahon ng Panitikang
Tagalog
(1942-1944)
Panahon ng Pananakop ng Hapon
Ang panitikan sa panahong ito ay
karaniwang
Nakasulat sa wikang katutubo gaya ng
Tagalog
May katutubong kulay
Tumatalakay sa buhay sa
lalawigan/kanayunan (countryside),
paghahangad ng kalayaan at
pagkamakabayan
Mga Tula
Haiku (5-7-5)
Hila moy tabak
Ang bulaklak: nanginig!
Sa paglapit mo.
Tanaga (7-7-7-7)
Palay siyang matino
Nang humangiy yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
Maikling Kwento
Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway
Arceo
Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan ni
NVM Gonzales
Dula
Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc
Rodrigo
Natatanging Kontribusyon ng mga
Hapon sa Panitikan ng Pilipinas
Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles (taktika
upang maakit ang mga Pilipino sa republikang
papet ng mga Hapon)
Hinikayat ang mga manunulat na magsulat sa
Tagalog at iba pang wikang katutubo
Pinayagan ang pag-iral (existence/operation) ng
mga magasin na gaya ng Liwayway na
nagpalaganap sa sariling panitikan ng Pilipinas
(bagamat nakapailalim ito sa sensura o
censorship)
Panahon ng Isinauling Kalayaan/
Malayang Republika
(1946-1960)
Panahon ng Isinauling Kalayaan/
Malayang Republika
Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang
Tumatalakay sa masasamang karanasan ng
mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapon
Isinasali/inilalahok sa mga patimpalak gaya ng
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
(ang pinakapopular na timpalak sa pagsulat sa
Pilipinas)
Sosyal-realista (social realist: sumasalamin sa
lipunan)
Mga Antolohiya/Koleksyon
Akoy Isang Tinig mga tula at sanaysay
ni Genoveva Edroza-Matute
Parnasong Tagalog mga piling tulang
Tagalog
Mga Unang Nagwagi sa
Timpalak Palanca
Maikling Kuwento
Unang Gantimpala Kuwento ni Mabuti
ni Genoveva Edroza-Matute
Ikalawang Gantimpala Mabangis na
KamayMaamong Kamay ni Pedro S.
Dandan
Ikatlong Gantimpala Planeta, Buwan at
Mga Bituin
Mga Unang Nagwagi sa
Timpalak Palanca
Dula
Hulyo 4, 1954 A.D. ni Dionisio Salazar
Mga Nobela
Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro
Francisco
Pagkamulat ni Magdalena nina Elpidio
Kapulong at Alejandro G. Abadilla
Mga Ibong Mandaragit ni Amado V.
Hernandez
Tundo Man Ay May Langit Din ni Andres
Cristobal-Cruz
Mga Tula
Ako Ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla
(AGA)
Panahon ng Aktibismo
(1960s-1970s)
Panahon ng Aktibismo
Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang
Aktibista
Sosyal-realista (social realist: sumasalamin sa
lipunan)
Tumatalakay sa mga suliraning panlipunan
(kawalan ng lupa ng mga magsasaka,
mababang sahod ng mga manggagawa,
rebelyon sa kanayunan, katiwalian sa
pamahalaan atbp.)
Mapanghimagsik
Mga Tula
Mga Duguang Plakard [mahabang tulang
alay sa mga demonstrador na pinatay sa
Mendiola] ni Rogelio Mangahas
Ang Burgis sa Kanyang Almusal
[pagtuligsa sa kawalang-
pakialam/insensitivity ng mga middle class
sa karukhaan ng taumbayan] ni Rolando
S. Tinio
Mga Tula
Tata Selo [iba pa sa maikling kwento] ni
Romulo Sandoval
Ang Mga Kagila-gilalas na
Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz
ni Jose Pete Lacaba
May Bango Ang Awit ng Rebolusyon ni
P.T. Martin
Elehiya sa Isang Rebelde ni Virgilio
Almario
Sipi sa Kagila-gilalas
Nang wala nang malunok
si Juan de la Cruz
dala-dalay gulok
gula-gulanit na ang damit
wala pa ring laman ang bulsa
umakyat
sa Arayat
ang namayat
na si Juan de la Cruz
Sipi mula sa May Bango
Ang awit ng rebolusyon The song of revolution
ay awit ng isang baliw is the song of a lunatic
sa lipunang in a society where
kabaliway kalayaan lunacy is freedom
para lumaya to be free
sa kabaliwan from the lunacy
ng pagiging alipin. of slavery.
Sipi mula sa May Bango
Aling awit pa kaya What other song
ang magpapaligaya can give happiness
sa pusong inulila to a heart forsaken
ng pag-ibig at hustisya by love and justice
kundi awit ng rebolusyon. except the song of the revolution.
O kaysarap How sweet it is
masamyo,madama to savor, to feel
ang lagitik, ang sonata the creak, the sonata
ng balat pulbura of bullet and gunpowder
sa bayang pinuputa. in a prostituted country.
Sipi mula sa Elehiya
Ngayon lalong luksa ang kalang malamig
Maging ang ulilang araro sa linang
Dagay magpiging man sa bangat kamalig
Wala nang sisinop sa ipang iiwan.

(Now the cold stove is more mournful
so is the plow forsaken in the field
Though the rats feast on pots and in the barn
no one will throw the hulls that are left.)
Sipi mula sa Elehiya
Sapagkat nang ikawy bistayin ng punglo
Habang nagpupunla ng bagong pag-asa
Sa nayot bukirin, ang tumapong dugoy
may katas at samyong sa lupay pamana.

(Because when you were smothered by bullets)
while you were sowing renewed hope
in the fields and the countryside, the blood spilled
had flavor and fragrance that is your legacy to the land
Mga Nobela
Daluyong ni Lazaro Francisco
Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio
Sicat
Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo
Reyes

Mga Maikling Kuwento
Banyaga ni Liwayway Arceo
Impeng Negro ni Rogelio Sicat
Tata Selo ni Rogelio Sicat
Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel ni Efren
Abueg
Servando Magdamag ni Ricky Lee
Isang Araw sa Buhay ni Lazaro ni Jose
Rey Munsayac
Panahon ng Batas Militar/
Bagong Lipunan/
Diktadurang Marcos
Ang panitikan sa panahong ito ay
karaniwang
Tumatalakay pa rin sa mga suliraning
panlipunan
Matimpi (subdued) at pailalim/indirekta
(subtle) ang pagbatikos sa kawalan ng
kalayaan
Mga Tula
Kung Ang Tula Ay Isa Lamang ni Jesus
Manuel Santiago

También podría gustarte