Está en la página 1de 43

Aralin 1: Ang katuturan ng Ekonomiks

Aralin 2: Ang Agham ng Ekonomiks at Ibang Agham ng Pag-aaral

Aralin 3: Mga Yamang Lupa at Gubat

Aralin 4: Ang Kahalagahan ng Yamang Mineral, Enerhiya, At Tubig

Aralin 5: Ang Yamang Tao

Aralin 6: Kalagayan ng Lakas Paggawa

Aralin 7: Ang Yamang Pisikal/Kapital ng Bansa

Aralin 8: Mga Pangunahing Suliraning Pang-ekonomiya

Aralin 9: Mga Pangangailangan ng Tao

Aralin 10: Konsepto ng Pagkonsumo

Aralin 11: Ang Larawan ng Isang Konsyumer

Aralin 12: Mga salik ng Produksiyon at Pagnenegosyo

Aralin 1: Ang katuturan ng Ekonomiks

Ayon kay Paul Wonnacott Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap-buhay, naghahanap ng pagkain at iba pa ng pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga ito. Ayon kay Roger Le Roy Miller Ang mga kalagayan na nangangailangan ng kapasayahan kung paano, kailan, at saan gagamit ang sapat na pinagkukunang yaman. Ayon kay Lloyd Reynolds Ito ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon, pamamahagi at paggamit ng pinagkukunang yaman. Ayon kay Gerardo Sicat Ayon sa kanya ang ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Maraming pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas. Kaya naman ang tamang pagpapasya o pagpili ay isinasaalang- alang ang ngayon at bukas. Bukod dito ang paggamit ng likas na yaman ay may kakulangan ngunit may kaukulan na halaga at pakinabang na nangangailangan ng wastong kapasyahan. Ayon kay Clifford James Kabuuan ng nalalaman, bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pagnanais na magkakita sa kabuhayan.

Ang sumusunod ay ilan sa mga kahulugang ibinagay ng ilang mga libro para sa asignaturang ekonomiks. Bagamat tama ang lahat, iba-iba ang pananaw ng bawat isa ukol sa asignatura. Maari nating kunin ang mahahalagang puntos ng bawat isa sa pagbuo ng sarili nating kahuluguhan. Heto ang ilan sa mga kahulugan ng ekonomiks: Ang ekonomiks ay isang agham-panlipunan na tumatalakay sa limitadong yaman, mga pangangailangan at walang katapusang luho ng tao, at sa lubusang paggamit ng mga yaman ng mundo. Ang ekonomiks ay agham na tumatalakay sa produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa. Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa kung paano maaaring maimpluwensyiyahan ang isang tao dahil sa sistema ng ekonomiya. Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa pagpili ng likas na yaman kung saaan sagana ang isang pamahalaan. Ang ekonomiks ay isang agham na nag-aaral sa gawi ng taong may kinalaman sa ugnayan ng pangangailangan at kakapusang may alternatibong gamit. Ang ekonomiks ay pag-aaral ng sangkatauhan sa pangkakaraniwang pang-arawaraw na buhay. Sinusuri nito ang bahagi ng kilos ng tao at pangkahalatang iniuugnay sa pagkakamit at paggamit ng pangunahing pangangailangang materyal ng tao. Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano tinustustusan ng tao o lipunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na alokasyon o pagbabaha-bahagi ng pinagkukunang-yaman.

Aralin 2: Ang Agham ng Ekonomiks at Ibang Agham ng Pag-aaral

A. Agham Panlipunan: Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan dahil masusing sinusuri nito ang kalagayan ng lipunan. Dahil tao at lipunan ang sentro ng pag- aaral sa ekonomiks, may kaugnayan to sa ibang larangan ng pagaaral sa agham panlipunan. Sosyolohiya- pag- aaral ng pinagmulan at estruktura ng ating lipunan. Ang mga kilos ng tao bunga ng mga batas, gawi, paniniwala, at kultura na umiiral sa lipunan ay nakakaapekto sa uri ng hanapbuhay at gawain ng tao. Kasaysayan- mga nagawang pagpupunyagiupang labanan ang kasalukuyang sitwasyon na ginawa ng tao sa ibat ibang panahon. Ang ekonomiks at kasaysayan ay magkaugnay dahil ang gagawing desisiyon ngayon sa pamumuhay ay ibabatay sa mga nangyari sa nakaraan. Etika- may kinalaman sa moralidad at paggawa ng tama o mali sa buhay. Ang kaalaman sa mga tama at maling

ginawa ng tao, disiplina at wastong moralidad ng tao ay mahalagang elemento na kailangang taglayin ng mamamayan upang maging kabalikat ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga wastong hakbang upang mapaunlad ang ekonomiya. Agham Pampulitika- pag- aaral ng mga balangkas ng pamahalaan, tungkulin, responsibilidad at mga batas na itinakda ng pamahalaan. Ang gagawing batas at desisyon ng tao sa pamahalaan, tulad ng pangulo, ay makaaapekto sa pamumuhay ng tao at ekonomiya.

B. Natural Sciences: Ang mga kaganapan sa ating kapaligiran ay matututuhan sa sa ibat ibang sangay ng pag- aaral ng natural science. Ang mga nagaganap na pagbabago sa ating kapaligiran at maging sa kalikasan ay nakakaapekto sa kabuhayan ng mamamayan at bansa na pinagtutuunan ng ekonomiks. Pisika- pag- aaral ng mga bagay at enerhiya. Ang ekonomiks ay may kaugnayan sa pisika dahil lahat ng pagbabago at pagpapaunlad sa mga bagay at enerhiya ay nakaaapekto sa paggawa at supply ng mga produkto na kailangan ng mga tao. Kemistri- pag- aaral ng ibat ibang kemikal na kailangan sa paglikha ng isang bagay. Sa pagtatakda ng presyo, isinasaalang alang ang mga gastusin kaya dito makikita ang ugnayan ng kemistri at ekonomiks. Biyolohiya- pag- aaral sa mga bagay na may buhay. Ito ay may kaugnayan sa ekonomiks dahil ang tao, hayop at halaman ay kailangan sa ekonomiya. Matematika- pag- aaral ng teorya ng numero, tsart, graph, tsart, pagbuo ng mathematical formula. Sa tulong ng mga ito madaling mauunawaan ang mga ekonomikong kaganapan.

Aralin 3: Mga Yamang Lupa at Gubat

Yamang Lupa
Ang yamang lupa ay NATURAL RESOURCES from LAND. Kabilang dito ang mga halaman (plants), puno (trees), limestones (used for making cement), minerals (coal), ginto (gold) at mahahalagang bato (precious stones) na nakukuha natin sa ating mga yungib (caves). Ang mga nakukuha natin sa halaman ay mga pagkain (food). Maari rin tayong makakuha ng fiber na siya nating ginagawang tela, o sinulid. Isang halimbawa nito ay ang pineapple fiber (one expensive fiber) na ginagamit natin sa mga barong tagalog. Ang mga puno ay pinagkukunan natin ng kahoy (wood) upang gawing bahay o kasangkapan sa bahay. Ginagamit din natin ang uling (charcoal) upang makapagluto. Ang mga limestones ay lupa na kahalo sa pagtayo ng isang bundok. Sinasabing ito ay isang mahalagang sangkap sa paggawa ng semento. Ang pagmimina (mining) ay isang paraan ng mga tao upang makakuha ng yamang lupa. Ang mga minero ay kumukuha ng mga ginto (gold), pilak (silver) , mga mahahalagang bato tulad ng diamante (diamonds), at iba pa. Ang mga minerals ay dito rin matatagpuan (sangkap na ginagamit sa paggawa ng bakal).

Halimbawa:
- kapatagan - kabundukan - talampas - burol

Yamang Gubat
Isang mahalagang yaman ng bansa ang kagubatan. Dito makikita ang iba't ibang uri ng matitibay na punongkahoy. Sa pagitan ng mga punongkahoy ay tumutubo ang iba't ibang uri ng halaman gaya ng pako, orkidyas at iba pa. Sa kagubatan din naninirahan ang ,mga ligaw na hayop tulad ng tamaraw, baboy damo, usa at mga ibon. Ang ating kagubatan ay mayaman din sa kawayan, pawid, ratan at yantok. Ito ay mga katutubong kagamitan sa pagtayo ng bahay kubo. Sa ngayon ginagamit ang rattan at yantok sa paggawa ng muwebles at palamuti. Ang mga kasangkapang mula sa hilaw na sangkap ay tinatangkilik ng marami nating kababayan at ganoon din sa ating bansa. Ang mga gubat sa Pilipinas ay may 3,800 iba't ibang uri ng punong kahoy kung saan kinukuha ang timber o kahoy para sa konstraksyon. Maliban dito, may mga halaman sa gubat na ginagawang gamot (medicinal plants). Mayaman din ang kagubatan ng Pilipinas sa dyewoods, guttapercha, resins, nipa, cutch, kawayan at rattan. Subalit dahil sa patuloy na pagputol ng kahoy, malapit nang maubos ang ating mga yamang gubat.

Aralin 4: Ang Kahalagahan ng Yamang Mineral, Enerhiya, At Tubig

Ang yamang mineral ay higit na mas importante kasi dito tayo nakakakuha ng mga pangunahing pang-ekonomiyang gastasusin kasi ang makukuha natin sa yamang mineral ay mga ginto, pilak, tanso, mercury, lead at Etc. Malaki ang naitutulong nito sa atin, higit na sa mga minero't nagtitinda ng mga alahas dahil ang mineral is composed of diamonds, golds, silvers etc. Malaking tulong ang yamang enerhiya sa mga tao para sa ikagagaan at ikauunlad ng pamumuhay nito. Halimbawa ng yamang enerhiya ay ang kuryente o elektrisidad. Ito ay ginagamit natin sa pang-araw. Sa pagluluto, nandyan ang rice cooker, sa paglalaba, ang gamit natin ay washing machine para hindi tayo mapagod masyado sa paglalaba, ang gamit nating ilaw sa gabi para maliwanag ang ating bahay at kapaligiran. Halos lahat ng gamit natin ngayon ay nangangailangan ng kuryente. Sa mga negosyo, kasama sa pag-unlad nito ay ang paggamit ng yamang enerhiya Ang Yamang Tubig ay bahagi ng likas na yaman na Nauubos pero napapalitan. Halimbawa ng mga yamang tubig ang isda, coral reefs, perlas, hipon, talangka, tahong, at iba pa. Ito ay matatagpuan sa mga anyong-tubig tulad ng ilog, sapa, dagat, talon, lawa, look at iba pa. mahalaga ito dalih dito natin kinukuha ang mga isda, koral, at marami pang iba ginagamit din natin ang yamang tubig bilang daanan ng mga barko o banka at ginagamit din sa HYDRO ELECTRIC POWER PLANTS

Aralin 5: Ang Yamang Tao

Yamang tao ito yung manggagawa, tulad ng magsasaka, mangingisda, manggagamot, trabahador sa pabrika, construction workers at lahat ng mga Professionals at mga skilled workers. Ang tao ay may lakas, talino at kakayahan. Kaya ito itinuring na pinakamahalagang yaman ng bansa. Ang ating bansa ay malaking populasyon. Maihahanay sa mga yamang tao ang manggagawa, mamumuhunan, mga kawani kababaihan at kabataan. May 3 uri ng manggagawa Manggagawang may kasanayan(skilled worker) Manggagawang may kaunting kasanayan(less skilled worker) Manggagawang walang kasanayan(non-skilled worker)

Aralin 6: Kalagayan ng Lakas Paggawa

Lakas-Paggawa (Labor Force)

Tumutukoy sa kabuuang bilang ng mga taong nag-uukol ng lakas na pisikal at mental sa pagproprodyus ng mga kalakal o paglilingkod Sila ang gumagamit at nagpapaunlad ng pinagkukunang yaman upang magkaroon ng kapakinabangan Lahat ng taong 15 taong gulangpataas, may trabaho at mga walang trabaho ngunit naghahanap ng trabaho

Mga Hindi Kabilang sa Lakas-Paggawa


Mga hindi naghahanap ng trabaho

Retiradong mamamayan
Maybahay at estudyante Mga may kapansanan at hindi makapagtrabaho

Mga Sukatan ng Kalidad ng Lakas- Paggawa

Edukasyong Pormal Karanasan at Kasanayan Pagsasanay

Kalusugan

Bahagdan ng Populasyon
Mga Pormula:
Lakas Paggawa = May Trabaho + Walang Trabaho

Populasyon = Lakas Paggawa + Wala sa Lakas Paggawa

Mga Pormula:
Antas ng Walang Trabaho (wt%) =
Walang Trabaho x 100 Lakas-Paggawa Antas ng May Trabaho (mt%) = May Trabaho x 100 Lakas-Paggawa

Mga Pormula:

Antas ng Kabilang sa Lakas Paggawa (lp%) =


Lakas-Paggawa Populasyon x 100

Antas ng Hindi Kabilang sa Lakas Paggawa (hlp%) =


Hindi Kabilang sa Lakas-Paggawa x 100 Populasyon

Aralin 7: Ang Yamang Pisikal/Kapital ng Bansa

Ang yamang pisikal ng isang bansa ang mga bagay na nilikha o ginawa ng tao. Binubuo ito ng mga istractura, kagamitan at ka sangkapan na gawang tao na ginagamit bilang sangkap sa proseso ng produksyon. Dahil sa talino, galing at kakayahan ng tao, nakalikha siya ng mga bagay maaaring gamitin upang matugunan ang pangangailangan. Ang mga gawa ng tao ay ang pagtatayo ng mga buliding, bahay, barko, mga pang-araw-araw na kagamitan, computers at marami pang iba. Ito ay mga bagay na ginawa ng tao. Di-tulad ng mga halaman, isda, bundok, ginto, ilog o mga bagay na sa simula pa lang ay naririto na sa mundo, ito ay tinatawag na mga likas na yaman.

Aralin 8: Mga Pangunahing Suliraning Pang-ekonomiya

BATAYANG SULIRANING PANG EKONOMIYA


Ang kakapusan ay tumutukoy sapagkakaroon ng limitasyon sa mgapinagkukunang-yaman na ginagamit sapaglikha ng mga produkto. Ito ay isangkalagayan na kaakibat ng buhay ng taona naglalarawan ng pagtutunggalian sapaggamit ng yaman ng bansa upangmatugunan ang mga pangangailangan.Dahilan ito ng paghahanap ng ibat ibangparaan upang matamo ang lubos nakapakinabangan sa paggamit ng mgayaman ng bansa Ang kakulangan ay isang kalagayanna panandalian lamang. Sinasabina ang kalagayang ito ay maaaringgawa o likha ng tao. Ito ang nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang ng supply ng isang produkto. Ang pagkakaroon ng artipisyal nakakulangan ay madalas nanangyayari sa isang ekonomiya Halimbawa Ang artipisyal na kakulangan ng bigas sapamilihan na nagaganap kapag itinatago ng mga negosyante ang produkto upang hintayin ang pagtaas ng presyo, o tinatawag na hoarding. Ang hoarding ay pagtatago ng mga supply na ginagawa ng mga kasapi ng rice cartel na nagiging dahilan ng pag kukulang ng bigas sa pamilihan. Angkartel ay pangkat ng mga malalaking negosyanteng tao na kumokontrol at nag mamanipula ng distribusyon, pagbili, at pagpepresyo ng mga produkto.

Mga Suliranin Pang-ekonomiya


Ano ang Gagawin? Sa isang ekonomiya,mahalagang mabatid ang mgaprodukto at serbisyo nakinokonsumong mga tao.Importanteng malaman angmga pangangailangan ng tao nabinibigyan ng higit napagpapahalaga. Paano Ito Gagawin? Sa paglikha ng mga produkto ay may prosesona sinusunod. Isinasaalang-alang ang mgabagay na gagamitinsa pagbuo ng mgaprodukto Gaano Karami ang Gagawin? Ang dami ng produkto na gagawin aypagsasaalang-alang ng yaman ng bansaat bilang ng mga mamamayan namakikinabang sa produktong Para Kanino Gagawin?Isinasaalang-alang ang mgamamamayan na gagamit atmakikinabang sa mga lilikhaingprodukto upang magingepektibo ang mga pamamahaging mga nasabing produkto Paano Ipamamahagi ang Produkto? Ang maging epektibo sa pamamahagi ngmga nagawang produkto ay isanglayunin ng pamahalaan, kayaisinasagawa nito ang ibat ibangpamamaraan upang makarating sakinauukulan ang mga nalikhangprodukto.

Aralin 9: Mga Pangangailangan ng Tao

Pangangailangan at kagustuhan A. Pangangailangan - Pangunahing Pangangailangan/Basic/Primary Needs - Mga bagay na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao - Pagkain, Damit, Bahay - Pangunahing Bagay (Necessities) B. Kagustuhan - Wants/Secondary Needs - Maaaring tugunan o hindi tugunan sapagkat hindi nakasalalay ang buhay ng tao dito. - Panluhong Bagay (Luxuries) **Ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao ay maaaring tugunan sa pamamagitan ng paglinang ng pinagkukunang yaman na pangangailangan ng mga materyal na bagay o produkto at serbisyo o paglilingkod **Utility: Kapakinabangan **Value: Kahalagahan

TEORYA NI MASLOW baiting na pangangailangan ng tao or hearkiya. 5 baitang Abraham Maslow Tinutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan ayon sa kung ano ang mas mahalaga. Antas ng pangangailangan ng tao Pisyolohikal na pangangailangan (FIRST) basic binubuo ng mga gamut, hangin, tubig, pagkain, sex pag hindi ito natugunan, magkakasakit ang tao. Pag natugunan na ito, may lilitaw na bagong pangangailangan pangkaligtasan.

pangangailngang pangkaligtasan o seguridad diyos pag hindi ito matugunan, hindi matutugunan ng tao ang susunod na antas ng kanyang pangangailangan --- pagmamahal pulis o bumbero .

Pangangailangan sa pagmamahal kakampi, no man is an island :) kaya may nag-aasawa at may umiibig kung hindi ito matutugunan, siya ay makakaramdam ng kalungkutan at pagkabagabag at muli, hindi niya matutugunan ang susunod na antas ang kanyang pangangailangan. paggalang sa sarili at ng ibang tao Pangangailangan ng paggalang(esteem) Hinati ni Maslow ang pangangailangang ito sa dalawang uri : paggalang sa sarili at paggalang ng ibang tao. Mas mababang uri daw ang paggalang sa ibang tao Mas mataas naman ang isa kasi ditto bibigyan ng tao ng respeto ang kanyang sarili. Kapag natutugunan ito, nagkakaroon ang tao ng kalayaan at tiwala sa sarili. Pag hindi natugunan, magkakaroon ng paggalang sa sarili at maaaring mawala ang tiwala sa sarili.

Pangangailangan sa Self actualization may pagnanais ang tao na lubos na makilala ang sarili at maging higit pa sa kung ano siya

Aralin 10: Konsepto ng Pagkonsumo

Konsepto ng pag-konsumo
Binibigyang-katutran ang pagkonsumo bilang pagbili o paggamit ng isang bagay o paglilingkod na makapagbibigay ng kasiyahan sa mamimili o tagagamit. Sa malawak na kaalaman, tutmutukoy ito sa paggamit ng produktong pang-ekonomiya at personal na serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao. May produksyon sapagkat may pagkonsumo. Sa isang subsistence economy kung saan nakasasapat lamang ang produkto sa kagyat na pangangailangan ng mga mamamayan, umiikot ang proseso sa pagkonsumo ng mga bagay na sila lang ang gumawa. Karaniwan ding pamilya ang mga tuwirang tagagawa at tagakonsumo ng mga produkto at serbisyo.

TUWIRANG PAGKONSUMO
Tuwirang pagtugon sa pangangailangan ang tuwirang pag konsumo HALIMBAWA:Tumutugon sa kanyang tuwirang pangangailangan ang isang taong uhaw sa umiinom kaagad ng isang basang tubig.
PRODUKTIBONG PAGKONSUMO Tinatawag na produktibong pagkonsumo ang paggamit ng mga paraan upang magamit ang mga bagay-bagay sa ibang kapakipakinabang na bagay HALIMBAWA:Nagpapakita ng produktibong pagkonsumo ang mga modista na gumagamit ng sinulid at tela sa paggawa ng damit. MAAKSAYANG PAGKONSUMO Ito ang paggamit na tumutugon sa pangangailangan at sa halip tumutugon lamang sa hilig o kagustuhan ng tao. HALIMBAWA:Ang paggamit ng ilaw na hindi naman kinakailangan, ang pabayang pag gamit ng tubig na hinahayaang tumutulo mula sa gripo ang paggamit ng radyo at telebisyon nang sabay sabay MAPANGANIB NA PAGKONSUMO Ito ang paggamit ng produktong may masamang epekto sa kalusugan o sa kapakanan ng tao. HALIMBAWA:Ang paggamit ng pinagbabawal na gamot na magiging dahilan upang masira ang kanyang kaisipan at pagkatao.Ang drug addict ay salot sa lipunan.

Aralin 11: Ang Larawan ng Isang Konsyumer

Kahalagan ng Konsyumer
Sa ating ekonomiyaay may malaking bahaging ginagampana nang mga konsyumero mamimilisapag-unladngproduksiyon.

Ang puwer sang mga mamimili o konsyumer ang dahilan ng pag papabuti ng uri at kalidad ng mga produktong nililikha.
1.Mapanuri matiyagang sinusuri anglahat ng bahagi ng isang produkto. 2.Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo kapakinabangan na matatamo sa pagbiling produkto ang isinasaalang-alang at hindi ang pag-aanunsiyo bngprodukto,kung saan kilalang tao angginagamit sa pag-eendorso. 3.Hindi nagpapadaya sa panahon ngkahirapan at kagipitan.

4.Makatwiran masusing tinitingnan angkalidad at presyo ng bawat produktodahil sa limitado ang badyet sa pamimili 5. May Alternatibo ang dating binibilingprodukto ay hindi mabili. 6. Sumusunod sa Budget midnight sale, buy one take one promo , at mga giveaway na produkto ay makatutulong sakonsyumer. 7. Hindi Nagpa-panic Buying ang matalinong konsyumer ay hindinababagabag sa artipisyal nakakulangan ng mga produkto sapamilihan

Mga karapatan ng Mamimili


1.Karapatan sa Maayos at Malinis na Kapaligiran 2.Karapatan na matamo ng Kaligtasan 3.Karapatan sa Pagpili

4.Karapatang Magkaroon ng Edukasyon


5.Karapatang Magtatag ng Organisasyon

6.Karapatan sa tamang Impormasyon


7.Karapatan na Magkaroon ngPangunahing Pangangailangan

Mga Tungkulin Ng Konsyumer



1.Pagkakaisa 2.Pagkilos at Pagbabantay 3.Pangangalaga sa Kapaligiran 4.Paging Mulat, Mapagmasid, at Alerto 5.Pagtangkilik sa Sariling Produkto
Ilang Batas na Magpoprotekta sa mgaKonsyumer 1.Batas Republika Blg. 3542 2.Batas Republika Blg. 71 3.Batas Republika Blg. 3740 4.Artikulo 1546 5.Artikulo 188

Mga Ahensiya na Makatutulong samga Konsyumer 1.Dept. of Trade and Industry 2.Dept. of Agriculture 3.Bureau of Food and Drugs

4.Local Government
5.Dept. of Energy6.Broadcasting Companies

Aralin 12: Mga salik ng Produksiyon at Pagnenegosyo

Mga Salik ng Produksiyon 1.Paggawa -Ang paggawa ay paggamit ng lakasng tao upang linangin ang mga likas nayaman sa paglikha ng mga produkto.

2.Kapitalo Puhunan -ay meteryal na ginawang tao upang magamit sa produksiyon, tuladng makinarya at ibang yaring produkto 3.Lupa-Bahagi itong likas na yaman ng bansa .Sa paggamitng lupa, ang mga planta at pabrika
4.Entreprenyur-ay mahalagang salik ng produksiyon. Itinuturing siya ng Kapitan ng Industriya, sapagkat siya ang pinakaulong negosyo

Klasipikasyon ng SamahangPangnegosyo Sosyohan-Ito ang samahan ng dalawa o higit pang tao na nagka sundo na mag bibigay ng salapi at ari-arian para sa pag tatayo ng isang negosyo at industriya. Korporasyon- Ang samahan na binubuo ng maraming tao na nag kasundo na magbigay ng kapital para sa negosyo Kooperatiba-Ito ang samahang pang negosyo na nais palawakin ng pamahalaan. Ito ay isang samahan na ang mga kasapi ay nag mamay-ari ng mga stocks .

Salamat sa inyong pakikinood ng aming maikling proyekto para sa araling panlipunan


Salamat : MURPHIE V. ROLE Kaw lng gumawa dude >:(

También podría gustarte