Está en la página 1de 2

Division of Laguna

District of Santa Cruz


PALASAN ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 6 SUMATIBONG PAGSUSULIT Blg. 1 QTR 4

I. Piliin at isulat sa sagutang papel and titik ng pinakawastong sagot na bubuo sa kaisipang ipinahahayag ng
bawat pangungusap.

1. Ipinroklama ang Batas-Militar sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos upang diumano’y
_________________________.
a. umunlad ang ekonomiya ng bansa c. matakot ang mga Pilipino sa mga pinuno
b. gumanda ang imahe ng bansa d. supilin ang krimen at kaguluhan sa bansa
2. Batay sa probisyon ng ___________________ ay may kapangyarihan ang Pangulo ng bansa na magdeklara ng
Batas-Militar.
a. Saligang-Batas b. Kautusan c. Proklamasyon d. Kongreso
3. Ayon sa mga historyador, ang ______________________ ang tunay na dahilan ni Marcos sa pagdedeklara ng
Batas-Militar.
a. pagtulong sa mga mahihirap c. pagpapahaba ng termino sa pamahalaan
b. pag-utang sa World Bank d. pagpapaunlad ng bansa
4. Ang mga taong bumatikos sa pamamalakad ng pamahalaan ay dinakip at ikinulong bunga ng ____________.
a. walang pakialam sa mga Pilipino c. kanilang panggugulo sa pamahalaan
b. pagkakait ng karapatan sa pagpapahayag d. walang basehang mga pahayag
5. Inihayag ng mga aktibistang mamayan at estudyante ang kanilang karaingan sa pamamagitan ng __________.
a. pakikiisa sa pamahalaan c. pagsasawalang kibo
b. pagsasagawa ng rali at welga d. paggawa ng krimen at iba pang karahasan
6. Isang malubhang kaso ng pambobomba ang naganap sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila habang
_________________.
a. nagdaraos ng banal na misa c. nagtatalumpati si Pangulong Marcos
b. idinaraos ang meeting de avance ng oposisyon d. nagkakasiyahan ang mga tao
7. Ang pangungutang ng pamahalaan sa mga pandaigdigang samahan ay upang ____________________.
a. ipantustos sa mga programa ng pamahalaan c. ipamahagi sa mga mahihirap
b. ibili ng mga karagdagang armas ng militar d. maging ipon ng pamahalaan
8. Upang makamit ang mga pagbabago sa lipunan at kaunlaran ng ekonomiya, inilunsad ang programang
_________________.
a. Bagong Lipunan b. Bagong Partido c. Bagong Pilipinas d. Bagong Pamayanan
9. Sa ilalim ng Saligang-Batas. 1973, ipinairal ang pamahalaang ____________________.
a. Pederal b. Komonista c. Parlyamentaryo d. Republika
10. Pormal na __________________________ ang Batas-Militar noong Enero 17, 1981.
a. ipinagpatuloy b. nagwakas c. binatikos d. tinanggap

II. Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at MALI kung di-wasto.

11. Nagawang paunlarin ni Pangulong Marcos ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang unang termino.
12. Ang pagpapatayo ng iba’t ibang imprastratura at paghikayat sa mga banyagang mamumuhunan ay ilan sa
mga naging pokus ng administrayon ni Pangulong Marcos.
13. Ang maraming bilang ng pambobomba sa mga lugar sa kalakhang Maynila at mga karatig probinsya ay
nagbunsod sa pagdedeklara ng Batas-Militar.
14. Naging positibo ang pananaw ng mga Pilipino sa pag-iral ng Batas-Militar.
15. Ang pagbatikos sa pamahalaan ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino ay dahilan ng kanyang pagkakapiit sa
Camp Crame.
16. Ang pagsuspinde sa Writ of Habeas Corpus ay naging katanggap-tanggap sa mga Pilipino;
17. Ang pagbilis ng antas ng paglaki ng populasyon ay pinangasiwaaan ng Green Revolution.
18. Ang asasinasyon kay Senador Ninoy Aquino at ang resulta ng snap election ay nag-udyok sa mga Pilipino
tungo sa People’s Power Revolution.
19. Ang EDSA Revolution ay kinikilala sa buong mundo bilang pinakamapayapang uri ng rebolusyon sa
kasaysayan.
20. Si Pangulong Corazon C. Aquino ay iniluklok sa pamahalaan ng EDSA Revolution.

III. Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa ilalim ng Batas-Militar. Gumamit ng mga bilang 1, 2 3 4 at 5.
Isulat ito sa patlang.

______ Pagsiklab ng EDSA Revolution

______ Asasinasyon kay Senador Benigno Aquino

______ Pagsusupinde sa Writ of Habeas Corpus

______ Panunumbap ni Cory Aquino bilang Pangulo

______ Pagdaraos ng Snap Election

También podría gustarte