Está en la página 1de 3

K-12 Training of Trainers for the K-12 Curriculum Session Guide : Filipino sa Baitang 7 Bago ang sesyon, pag-aralan

mabuti ang mga sumusunod: session guide, mga powerpoint presentations, gabay sa guro at learning package.

Oras

Paksa

Layunin

Pagbibigyang-diin sa Talakayan

40 minuto

Ang Katangian ng Mapaintindi sa mga Slide 1: Pamagat ng Presentasyon Wika at Panitikan sa guro ang mga tunBagong Kurikulum guhin at bagong katangian ng bagong kurikulum sa Filipino baitang 7.
Slide 2-4: Hindi bago ang lahat sa K-12 Filipino.Balikan ang mga tunguhin at estratehiya sa Filipino sa dating kurikulum: ang tinutungo ng dating kurikulum ay kakayahang komunikatibo, pagunawa sa binasa at pagpapahalaga sa wika at panitikan. Gumagamit rin ang dating kurikulum ng mga lapit tulad ng Komunikatibong Pagdulog sa Wika at Pagtuturo Batay sa Nilalaman. Kung tutuusin, buhay ang mga tunguhin at mga estratehiya na ito sa bagong kurikulum.

Oras

Paksa

Layunin

Pagbibigyang-diin sa Talakayan

Slide 5: Ang litaw na litaw na katangian ng bagong kurikulum ay ang tuon sa panitikan. At hindi bastat panitikan kundi panitikang kontemporaryo. Kakawala rin sa dating genre-based approach. Para sa pagtaya, mayroong mga mungkahi sa Gabay sa Guro para sa panimula, patuloy at pangwakas na pagtataya. Inilalaan rin ang ikaapat at huling sesyon ng Filipino para sa pangunang lunas (first aid) para sa mga problema sa gramatika, pagbasa at pagsulat. Slide 6: Mahalagang makita ang kurikulum ng baitang 7 sa konteksto ng buong k-12. Narito ang mga pangkalahatang pamantayan sa bawat yugto ng kurikulum sa Filipino. Slide 7:Sa talahanayang ito ay makikita ang mga batayan ng Integrated Language Arts Curriculum pati na rin ang mga makro kasanayang nakapaloob sa bawat batayan. Ang mga batayang isinulat sa pulang font ay ang mga batayang gagamitin sa baitang 7 hanggang 10. Slide 8: May pitong batayang pangnilalaman na susundan sa baitang 7.

Slide 9: Sa imahen na ito ay makikita ang diwa ng kurikulum na ito. Ipinagdiriwang ng kurikulum na ito ang mga koneksiyon, mga kaugnayan ng wika, panitikan at buhay. Ang mga koneksiyon na ito ang naging basehan ng pagpili ng mga tema, teksto at gawain.

Oras

Paksa

Layunin

Pagbibigyang-diin sa Talakayan

Slide 10: Narito ang mga tema para sa bawat markahan ng taon.

Slide 11: Bukod sa pagpili ng kontemporaryong mga akda, layon din naming magpabasa ng ibat ibang uri ng panitikan na ayon sa kakayahan ng mga mag-aaaral. Narito ang ibat ibang uri ng panitikan na kanilang mababasa at susuriin. Slide 12: May dalawang proyektong pangklase ang baitang 7. Slide 13; Hindi lang lunsaran ng leksiyon ang panitikan, dapat rin itong ma-enjoy ng kabataan :)

También podría gustarte