Está en la página 1de 2

Liham Pangkaibigan 54 Matatag St.

Purok 6 Malolos, Bulacan Ika-20 ng Hunyo, 2008 Mahal kong Narishka, Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkitamula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay para makibalita sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat athindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan. Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na pasukan.Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan parasa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilangisang kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano atnakakatulong din sa aming pamilya. Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako pagnakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.

Nagmamahal na kaibigan, Airine Liham Paanyaya 54 Mabait St. Brgy. San Antonio Malolos, Bulacan Ika-20 ng Hunyo 2008 Mahal kong Nicol John, Sumulat ako sa iyo upang ipabatid na magkakaroon ako ng isang pagsasalongayong ika-9 ng Agosto sa bahay namin. At isang karangalan ang ikaw ay anyayahin saaming inihandang pagsasalo. Bilang matalik kong pinsan marapat lang na imbitahin kita.Sana ay makakarating ka at ang iyong mga magulang at kapatid. Magagalak sila inay atitay kung kayo ay makakarating

Nagmamahal na pinsan,Airine

También podría gustarte