Está en la página 1de 14

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Ligal na Konsepto at Katuturan ng


Pagkamamamayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Alson C. Fernandez
Editor: Nora H. Talag
Tagasuri:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
10
Panlipunan
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto1

Ligal na Konsepto at Katuturan ng


Pagkamamamayan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Modyul para
sa araling Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 Modyul ukol sa Ligal na


Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

MELC 1/Week 1 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong


mamamayan.

Matapos mapag-aralan ang aralin ito, inaasahang matamo mo ang mga


sumusunod na kasanayan

LO.1.Natutukoy ang mga katangian ng ligal na pananaw ng pagkamamamayan.

PAUNANG PAGSUBOK

ANU-ANO NA BA ANG ALAM MO?

Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layunin lamang nito na mataya ang
dati mong kaalaman tungkol sa paksa.Handa ka na ba? Magsimula ka na!

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Saan nagsimula ang konsepto ng citizenship?


A. Kabihasnang Romano C. Kabihasnang Griyego
B. Kabihasnang Ehipsyo D. Kabihasnang Mohenjo Daro
2. Ang mga dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng
prosesong ______.
A. Naturalisasyon C. Citizenship
B. Ligal D. Lumawak
3. Ano ang tawag sa katayuan o ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado?
A. Naturalisasyon C. Dual Citizenship
B. Citizenship D. Batas Republika
4. Ano ang tinutukoy na pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito
ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan?
A. Referendum C. Konstitusyon
B. Ordinance D. Memorandum
5. Ganap na mamayan ka ng Pilipinas kung ipinanganak ka bago sumapit ang
__________ na ang iyong ina ay Pilipino at iyong pinili ang pagkamamamayang
Pilipino pagsapit ng karampatang gulang.
A. Enero 17, 1971 C. Enero 17, 1972
B. Enero 17, 1973 D. Enero 17, 1970
BALIK-ARAL

Bago ka tumungo sa bagong paksa, halika’t balikan mo ang nakaraan aralin.


Sagutan ito sa iyong Kuwaderno o anumang malinis na papel. Maaari mo ng simulan!
Panuto: Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa isyung at hamong
pangkasarian.

Pahalang

1. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga


sinaunang priestess at shaman
4. Taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit
nakararamdam din ng kaparehong atraksiyon sa katulad niya ng kasarian
7. Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae at lalaki.
9. Tinatawag ding tomboy, mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki;
babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.

Pababa

2. Pagsasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu sa India ng pagtatabing ng tela sa


kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging ang hubog ng kanilang
katawan
3. kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan,
ang kanyang pag-iisip ang pangangatawan ay hindi magkatugma , siya ay maaring
may transgender na katauhan
5. Lalaking nakaramdam ng atraksiyon sa kapwa lalaki
6. mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na
pagkakakilanlan
8. Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang
nararanasan ng kababaihan
10. Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki
ARALIN Konsepto at Katuturan ng
Pagkamamamayan

LIGAL NA PANANAW NG PAGKAMAMAMAYAN


Ang pagkamamamayan o citizenship ay isa sa pinakadakilang katangian ng tao
sa isang estado. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang
konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na
tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado
lamang sa kalalakihan. Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan
may kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles,
hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok
sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko,
administrador, husgado, at sundalo.
Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na
kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark
Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay
tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan
bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas,
inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan
nito.

Sa araling ito ay matatalakay natin kung sino ang maituturing na ligal na


mamamayang Pilipino. Mahalagang malaman mo ito upang magkaroon ka ng lakas ng
loob na ipaglaban ang iyong karapatan bilang Pilipino.

Ang pagkamamamayan ay may mga basehan o batayan at ito ay nakapaloob sa


Saligang Batas ng Pilipinas. Ang Saligang Batas o Konstitusyon ay ang pinakamataas
na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin
ng bawat mamamayan. Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987,
maituturing na mamamayang Pilipino ang sumusunod:

1. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang-


Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987
2. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino
3. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero
17,1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang
Pilipino pagsapit ng karampatang gulang
4. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino
ayon sa batas ng naturalisasyon

Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng


Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban
na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang
napangasawa.
Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo noong Setyembre 17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino
na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang
pagkamamamayan (dual citizenship).

MGA PAGSASANAY

Gawain #1: FILIPINO CITIZENSHIP COGNITIVE ORGANIZER

Panuto: Isulat ang hinihinging impormasyon sa kasunod na concept map batay


sa iyong binasang teksto.

Gawain #2: MAG-REACT KA!

Panuto: Bilugan ang kung ang pahayag ay tumutugon sa pagkamamamayang


Pilipino ayon sa batas at kung hindi.

1. Isa man sa iyong mga magulang ay Pilipino, ikaw ay


mamamayang Pilipino.

2. Ang mga dating dayuhan na dumaan sa proseso ng


naturalisayon sa Pilipinas ay mamamayang Pilipino.

3. Maituturing kang mamamayang Pilipino kung mamamayan ka


ng Pilipinas bago Pebrero 2, 1987.
4. Ang isang Pilipinong nakapag-asawa ng isang dayuhan ay
hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino.

5. Hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino ang isang


dating Pilipino na piniling maging naturalisadong mamamayan
ng ibang bansa.

Gawain #3: Case Cloze!

Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang.

Ang pagkamamamayan ay ang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon


sa nakatakdang batas. Sa Ingles ito ay tinatawag na (1) ______________. Sa Pilipinas,
ang pangunahing batayan ng pagkamamamayan ay ang (2) _______________. Ang isang
dayuhan ay maaaring maging isang mamamayang Pilipino ayon sa batas ng (3)
_____________. Ayon sa (4) _______________ ng Saligang Batas ng 1987, ang isang
mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang
Pilipino maliban na lamang kung pinili nyang sundin ang pagkamamamayan ng
kanyang napangasawa. Alinsunod naman sa
(5) ____________ na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Styembre
17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang
bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaari muling maging mamamayang
Pilipino.

PAGLALAHAT
Panuto: Kumpletuhin ang mga kasunod na pahayag o pangungusap upang mas
maunawaan mo ang aralin.

Ang aralin ay tungkol sa ___________________________.

Natutunan ko na _________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat _________


_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
PAGPAPAHALAGA
Naniniwala ka ba na ikaw ay isang Pilipino? May katibayan ka ba na ikaw ay
Pilipino? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng
akrostik mula sa salitang Pilipino.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
GAANO KA NA KAHUSAY?

Ngayong natapos mo na ang buong aralin, alamin natin kung


nadagdagan ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsusulit na
ito. Magsimula ka na!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 nailahad kung sino-sino ang mga
mamamayang Pilipino?
A. Artikulo II, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1987
B. Artikulo III, Seksyon 2 ng Saligang Batas ng 1987
C. Artikulo IV, Seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987
D. Artikulo V, Seskyon 4 ng Saligang Batas ng 1987
2. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa konsepto
ng pagkamamamayan batay sa araling binasa?
H. Ang dayuhang naninirahan, nakapag-asawa at nagtatag ng malaking
negosyo sa bansa ay isa ng ganap na mamamayang Pilipino.
I. Ang konsepto ng pagkamamamayan ay umusbong noong panahon ng
Kabihasnang Griyego.
J. Nagiging ganap na mamamayan ang isang tao kung siya ay nabigyan ng
karapatan ng Saligang Batas na maging mamamayan ng bansa.
K. Maituturing kang ligal na mamamayang Pilipino kung taglay mo ang
kwalipikasyong nakapaloob sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng
1987.

A. H at I lamang C. H, I at J lamang
B. J at K lamang D. I, J at K lamang
3. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing na isang mamamayang Pilipino
ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang
Saligang Batas na ito
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina
ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang
gulang
4. Sino sa sumusunod ang mamamayang Pilipino?
V. Si Nakamura na ang ina ay Pilipino at ang ama ay isang Hapones
X. Si Johnson, isang Canadian na naging Naturalisadong Pilipino
Y. Si Luningning na nakapag-asawa ng isang Amerikano
Z. Si Princess na anak ng Intsik at Amerikano

A. V at X B. X at Y C. V, X, at Y D. V, X, Y at Z
5. Ano ang tawag sa isang taong may bansa na kinabibilangan at
pagkakakilanlan?
A. Mamamayan C. Pasaporte
B. Visa D. Naturalisasyon
PAUNANG PAGSUBOK Gawain #3
1. C 1. Citizenship
2. A 2. Saligang Batas ng 1987
3. B 3. Naturalisasyon
4. C 4. Artikulo IV
5. B 5. Republic Act 9225
BALIK-ARAL PAGLALAHAT
Across (Answer may vary)
1. BABAYLAN
4. BISEXUAL PAGPAPAHALAGA
7. SEX (Answer may vary)
9. LESBIAN
Down PANAPOS NA PAGSUSULIT
2. PURDAH 1. C
3. TRANSGENDER 2. D
5. BAKLA 3. C
6. QUEER 4. C
8. GABRIELA 5. A
10. GENDER
MGA PAGSASANAY
Gawain#1
1. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang-Batas ng
1987 noong Pebrero 2, 1987
2. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino
3. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17,1973 sa mga inang
Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang
gulang
4. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas
ng naturalisasyon
Gawain#2
1. 2. 3. 4. 5.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan, Learner’s Module. Department


of Education

Ang Pagkamamamayang Pilipino. January 23, 2017


https://www.slideshare.net/EDITHAHONRADEZ1/aralin-1-yunit-4-ang-
pagkamamamayang-pilipino

Ang Pagkamamamayang Pilipino, Karapatan at Tungkulin. Project EASE in


Araling Panlipunan. Department of Education
The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines. Article IV Citizenship
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-
republic-of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-
article-iv/

An Act Making the Citizenship of Philippine Citizens Who Acquire Foreign


Citizenship Permanent, Amending for the Purpose Commonwealth Act No. 63, As
Amended. August 9, 2003. https://www.officialgazette.gov.ph/2003/08/29/republic-
act-no-9225/

Para sa larawan

Cartoon Clip Art. https://www.kissclipart.com/filipino-cartoon-png-clipart-


philippines-pinoy-tag-aw3cvh/

También podría gustarte