Está en la página 1de 37

COPYRIGHT 2018

Section 9 of the Presidential Decree No. 49 provides:


“No copy shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency or office wherein the work
is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

The original version of this material has been developed in the Division
of Negros Occidental through the Learning Resource Management and Development
Section of the Curriculum Implementation Division. This material can be reproduced for
educational purposes; modified for the purpose of translation into another language; and
creating of an edited version and enhancement of work are permitted provided all original
work of the author and illustrator must be acknowledged and the copyright must be
attributed. No work may be derived from any part of this material for commercial purposes
and profit.

This material has been approved and published for online distribution through
the Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph).
SI CHUCHAY ANG BATANG MAPAGBIGAY
Writer: LEVI JUN S. ESTELLANA

Illustrator: RENELLE JOHN P. MICABEL

Language / Content / Illustration Editors:

MARJONH D. TAMONAN
District LRMDS Coordinator

EVELYN D. CATIPAY LUDWIGHT S. EMBANG


Principal Principal

GIDEON G. PANGANIBAN
Public Schools District Supervisor

Division LRMDS Quality Assurance Team:

OTHELO BEATING
Project Development Officer II, LRM

RAULITO D. DINAGA
Education Program Supervisor, LRM

Approved for the use of the Schools Division:

LEAH P. ROSAL, Ph. D.


Chief – Curriculum Implementation Division

MA. TERESA P. GEROSO, CESE DENNIS G. DEVELOS, Ph. D., CESE


OIC - Assistant Schools Division Superintendent OIC - Assistant Schools Division Superintendent

PORTIA M. MALLORCA, Ph.D., CESO V


Schools Division Superintendent
Malapit na ang Pasko. Bawat tahanan ay
punong-puno ng palamuti gayundin sa
lansangang nalilibutan ng mga parol na
makukulay at mga ilaw na kumikislap-kislap.
1
Ito ang araw na hinihintay ng bawat
bata para makatanggap ng mga regalo
mula sa kanilang mga ninong at ninang.

2
Maagang gumising si Chuchay na may
ngiti at galak sa kaniyang mga mata dahil
iyon ang araw na pinakahihintay niya
pagsapit ng buwan ng Disyembre.

3
Sabik na sabik si Chuchay na puSXnta sa
kaniyang mga ninong at ninang. Nagsimula
na siyang maghanda ng kaniyang sarili.

4
Dali-dali siyang naligo sa kanilang
malinis na banyo bilang paghahanda
sa araw na iyon.

5
Nagbihis siya at pinili niya ang kaniyang
magarang damit at paboritong sapatos.
Sinigurado ni Chuchay na maayos ang
lahat.

6
Pumunta siya sa hapag-kainan at sabay
silang kumain ng almusal na inihanda ng
kaniyang nanay.

7
“Inay, handa na po ako!” tuwang-tuwa
na sabi ni Chuchay.
“Ang ganda mo anak!” tugon ni Nanay
Flora.

8
“Naku, anak, tiyak na matutuwa sila sa
iyo dahil maganda ang ayos mo,” wika ni
Nanay Flora.

9
Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at
agad na sumakay ng dyip patungo sa
kanilang pupuntahan.

10
Habang tumatakbo ang dyip, nakakita si
Chuchay ng mga batang palaboy sa
kalsada. Nalungkot siya sa kaniyang nakita.

11
“Nay, nakakaawa naman sila at sana po
may tumulong sa kanila,” malungkot na sabi
ni Chuchay.
“Oo nga, anak,” tugon ni Nanay Flora.

12
Sa bawat bahay na pinuSXntahan ni
Chuchay ay may natatanggap siyang mga
regalo tulad ng mga laruan, damit, sapatos, at
marami pang iba.

13
Hindi naman nakalimutan ni Chuchay ang
magpasalamat sa kaniyang mga ninong at
ninang sa mga natanggap niyang regalo.

14
“Maraming salamat po Ninang Rose sa regalo!” wika
ni Chuchay.
“Walang anuman, basta ipagpatuloy mo lang ang
pagiging mabuting bata,” sabi ni Ninang Rose.
“Siyempre naman po,” sagot naman agad ni
Chuchay.
15
Bawat taon punong-puno ng regalo
ang bag ni Chuchay sa tuwing umuuwi
siya sa kanilang bahay.

16
Sa muling pagsakay nila sa dyip,
nakita niya muli ang mga batang
palaboy sa kalsada na kumakakain ng
tinapay.

17
“Nay, marami naman po akong regalo sa
bag ko, puwede po bang ibigay ko ang iba
sa kanila?” sabi ni Chuchay.

18
“Sige, anak bibigyan natin sila at
bababa na tayo sa dyip,” nagagalak na
wika ni Nanay Flora.

19
Bumaba ng dyip sina Chuchay at
Nanay Flora para puntahan ang mga
batang palaboy.

20
Bitbit ni Chuchay ang mga regalong
kaniyang natanggap mula sa kaniyang mga
ninong at ninang.

21
Lumapit si Chuchay sa isang batang babae na
punit-punit ang damit.
“Magandang araw! Ako si Chuchay, sana
magustuhan mo ang mga iyan,” sabi ni Chuchay.

22
“Maraming salamat! Tiyak na matutuwa ang
mga kapatid ko sa Lbinigay mo,” sabi ng bata.
“Walang anuman,” sabi ni Chuchay.

23
Aalis na sana si Chuchay pabalik sa
kaniyang ina nang mapansin niya ang
batang lalaki sa tabi ng basurahan.

24
Naawa si Chuchay sa batang lalaki at binigyan
niya ito ng laruan. Tuwang-tuwa ang bata nang
Patanggap niya ito.
“Maraming salamat!” sabi ng batang lalaki.

25
Muling lumapit ang batang babae kay
Chuchay.
“Sana marami pang mapagbigay na bata na
katulad mo, Chuchay,” sabi ng batang palaboy
na may ngiti sa mga labi.

26
“Nay, ang sarap pala sa pakiramdam
kapag may napasaya kaQJ ibang tao,”
wika ni Chuchay.
“Oo nga anak,” sabi ni Nanay Flora.

27
“Sana lahat ng bata ay makatanggap
ng regalo para maging masaya sila
ngayong Pasko,” sabi ni Chuchay.

28
“Hindi lang tuwing Pasko dapat
magbigayan at magmahalan kundi
araw-araw,” sabi ni Nanay Flora.

29
Tuwang-tuwa ang nanay ni Chuchay sa
magandang-asal na mayroon ang
kaniyang anak dahil sa Lpinakitang
kabaitan sa kapwa.

30
Niyakap niya ang kaniyang anak na
may tuwa sa kaniyang puso dahil alam
niya na may natulungan siyang mga
bata.

31
“Lagi mong tandaan na higit pa sa
regalo na ating Patatanggap ang saya sa
ating puso, kung tayo ay magbigay sa
mga taong nangagailangan,” paalala ni
nanay Flora.

32
Subject:

FILIPINO

Intended for:

GRADE 2

Learning Competency:

CODE LAYUNIN
Nagagamit ang naunang kaalaman o
F2LC-Ia-2 karanasann sa pag-unawa ng napakinggang
teksto.
Nasasagot ang mga tanong sa napakinggang
F2LC-Ib-3.1.1
kwento batay sa tunay na pangyayari/pabula.
F2A-OO-6 Naipapakita ang hilig sa pagbabasa
Nailalarawan ang mga tauhan sa
F2LC-Iij-12.1
napakinggang teksto batay sa damdamin
Nailalarawan ang mga literal na bahagi ng
F2RC-IId-4
kwento: tauhan, tagpuan at banghay
Nagagamit ang mga salitang kilos sa
F2G-IIgh-5 pangungusap tungkol sa iba’t-ibang gawain sa
tahanan, paaralan at pamayanan

Values Integrated:

MAPAGBIGAY, MAAWAIN, MATULUNGIN, MAGALANG, MABAIT


Si Levi Jun Sarmiento Estellena, Teacher
I, ay nagtuturo sa Binalbagan
Elementary School, District of
Binalbagan 1, Division of Negros
Occidental.
Siya ay nagtapos ng Bachelor in
Elementary Education major in General
Education sa West Visayas State University – Himamaylan
Campus, Himamaylan City, Negros Occidental.
Kasalukuyang tinatapos niya ang kaniyang thesis para
Master of Arts in Education major in Educational
Management sa Central Philippines State University,
Kabankalan City, Negros Occidental.

Si Renelle John P. Micabel, Teacher I, ay


nagtuturo bilang Relief Teacher sa
Santol Elementary School, District of
Binalbagan 1, Division of Negros
Occidental.
Siya ay nagtapos ng Bachelor in
Elementary Education major in General
Education mula sa Binalbagan Catholic College,
Binalbagan, Negros Occidental.

También podría gustarte