Está en la página 1de 3

ANDBOOK UKOL SA BENEPISYO NG MGA MANGGAGAWA

PRINT
Category: Embassy News
Published: 27 February 2014
Hits: 2477
Published on 27 February, 2014 - 09:48
Masayang ibinalita kahapon ni Kalihim Rosalinda Dimapilis-Baldoz ang pagkakalathala ngisang ahensya
ng DOLE, Bureau of Working Conditions, (BWC), ng pinakabago nitong handbook ukol sa mga benepisyo
ng mga manggagawa ayon sa batas. “Ang handbook ay nasa wikang Ingles at Tagalog. Layunin nito na
gabayan ang mga may-ari ng mga negosyo at mga manggagawa sa pag-unawa at boluntaryong pagtupad
sa mga benepisyong itinatadhana ng batas,” ang sabi ng Kalihim.
Inilathala at ipinalabas ng BWC ang 2014 edisyon ng “Handbook sa Mga Benepisyo ng mga Manggagawa
ayon sa Batas” bilang prayoridad noong Enero. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may Tagalog
version ang nasabing handbook upang magamit ng mga manggagawang hindi gumagamit ng wikang
Ingles.
Ang handbook na ito ay isang mahalagang ambag ng DOLE sa pagpapakalat at pagbabahagi ng sapat na
impormasyon sa publiko ukol sa mga batas at alituntuning naipasa para sa kabutihan ng mga
manggagawang Pilipino. Kabilang sa layuning ito ay ang pagtataguyod ng DOLE sa pagsunod sa mga
nasabing alituntunin para sa mas pinabuting kondisyon sa trabaho, at paglikha ng kulturta ng
boluntaryong pagtupad sa batas ng mga may-ari at mga manggagawa.
Ang handbook ay unang inilathala dalawang dekada na ang nakakaraan, sa wikang Ingles. Mula noon,
ang handbook ay nanatili at nagsilbing epektibo at batayang saligan sa patuloy na pagsulong ng Pilipinas
sa pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa paghahanapbuhay.
Ang pinakabagong handbook ay naglalaman ng 63 pahina at tumutukoy sa 19 na benepisyo para sa
manggagawa—minimum wage, holiday pay, premium pay, overtime pay, night shift differential, service
charges, service incentive leave, maternity leave, paternity leave, parental leave for solo parents, leave
for victims of violence against women and their children, special leave for women, 13th month pay,
separation pay, retirement pay, ECC benefits, PhilHealth benefits, social security benefits, at PagIBIG
benefits.
Ang handbook ay nailathala upang magsilbing gabay at makapagbigay ng dagdag-kaalaman tungkol sa
mga umiiral na batas at regulasyon sa larangan ng paggawa.
Maaaring i-download ang Handbook mula sa BWC website na www.bwc.dole.gov.ph.

“Naglalaman din ito ng updated na directory ng mga DOLE regional offices, ng DOLE-NCR field offices, at
ng BWC upang mas lalong makatulong para sa mga manggagawa at may-ari,” dagdag pa ni Baldoz.
Napapaloob na rin sa handbook ang naaangkop na minimum wage rates at mga benepisyo para sa mga
kasambahay, alinsunod sa Republic Act No. 10361 o Batas Kasambahay.
Hinikayat ni Baldoz ang mga manggagawa at may-ari na gamitin ang nasabing handbook, dahil aniya, ang
wastong pagsunod sa mga benepisyo na itinakda ng batas ay nanghihikayat sa mas produktibo at
maabilidad na mga manggagawa.
Inatasan din ni Baldoz ang BWC upang makipag-tulungan sa Labor Communications Office sa
pamamahagi ng handbook sa publiko.
Pambungad
Makalipas ang dalawang dekada ngpagkakalathala, ang
Handbook
ng Benepisyo ngmga Manggagawa ayon sa Batas ay nananatili atnagsisilbing makapangyarihang
batayanpatungkol sa patuloy na pagsulong ng Pilipinas sapagpapatupad ng mga batas at regulasyon
sapaghahanapbuhay.Patuloy na pinagyayaman ng
Bureau of Working Conditions
ang
Handbook
na ito upang maiayon sa mga pinakahuling pamantayan sapasahod at kapakanang panlipunan o
social welfare.
Ang edisyong ito ay naglalaman ng mga halimbawa at gabay sapagkukuwenta ng sahod batay sa umiiral
na
regional minimum wage rates
.Mas nilinaw rin ang mga
factors/divisors
na ginagamit sa pagtatakda ngestimated
equivalent monthly rates
ng mga manggagawang arawan atbuwanan ang sahod (
daily and monthly-paid employees
). Napapaloob na rinsa
Handbook
na ito ang naangkop na
minimum wage rates
at mga benepisyopara sa mga kasambahay alinsunod sa Republic Act No. 10361 o BatasKasambahay.Sa
kabila ng mga pagbabago, pinanatiling simple at malinaw angpagkakalahad upang mas madali itong
basahin at unawain. Ito rin aymababasa na ngayon sa saling Ingles at Filipino sang-ayon na rin sa
aminglayunin na maipaabot ang aming serbisyo sa bawat mamamayan. Maaari paring magpabatid ang
publiko ng mga katanungan at komento sapamamagitan ng mga
address
at
contact details
ng mga opisina ng DOLE namakikita sa huling pahina nito.

72
Inihahandog namin sa inyo ang
Handbook
na ito upang magsilbinggabay at makapagbigay ng dagdag-kaalaman tungkol sa mga umiiral nabatas sa
larangan ng paggawa.Taos-puso po akong umaasang ito ay magiging kaagapay sapagpapalaganap ng
mga wastong impormasyon sa mga kaugnay na batas atalituntunin, sa pagpapaunlad ng kalagayan ng
mga manggagawa, at sapagtataguyod ng kultura ng kusang pagtupad sa mga batas hinggil sa
laborstandards.
ROSALINDA DIMAPILIS

BALDOZSecretary

73
Mga Nilalaman
Pagsunod sa mga Gabay
1. PINAKAMABABANG PASAHOD (
Minimum Wage Rates
)A. SaklawB. Pinakamababang Pasahod (
Minimum Wage Rates
)C. BatayanD. Mga Manggagawang Buwanan ang Sahod (
Monthly-PaidEmployees
) at Mga Manggagawang Arawan ang Sahod(
Daily-Paid Employees
)E. Pagtutuos ng
Estimated Equivalent Monthly Rate
(EEMR)ng mga Manggagawang Buwanan at Arawan
ang SahodF. Pinakamababang Pasahod at mga Karapatan ng mgaKasambahay (
Minimum Wage under RA
10361)G. Epekto ng Pagbabawas ng mga Araw ng Paggawa saSahod (
Effect of Reduction of Workdays on Wages
)H. Parusa at Doble Bayad-pinsala para sa Paglabag ng mgaItinakdang Pagtaas o
Pagsasaayos ng Sahod (
Penalty andDouble Indemnity for Violation of the Prescribed Increasesor Adjustments in the
Wage Rates

RA 8188)I.
Barangay Micro Business Enterprises
(BMBEs)J. Pinakamababang Pasahod sa mga ManggagawangBinabayaran Ayon sa Natapos
na Trabaho (
Workers Paidby Results
)K. Pinakamababang Pasahod ng
Apprentices, Learners
, atMga Manggagawang may Kapansanan

También podría gustarte