Está en la página 1de 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

_________________________ )

KONTRA-SALYSAY NI GINANG MERALYN GRANTON

AKO, si MERALYN GRANTON, nasa hustong gulang, may asawa,


Pilipino, at naninirahan sa Lower Quarry, Minuyan Proper, CSJDM,
Bulacan, pagkatapos makanumpa nang sang-ayon sa pinag-uutos ng batas,
ay Malaya at kusang-loob na ditto ay nagsasalaysay na:

1. Ako ay kinasuhan sa Municipal Trial Court in Cities ng bayan ng San


Jose Del Monte City, sa lalawigan ng Bulacan ng Unjust Vexation
(Criminal Case No. 2019-SJ-0090) at nais ko pong ipabatid sa
Kagalanggalang na Hukumang ito na ako ay inosente sa krimen na
ibinibintang sa akin;

2. Ako ay isang Katulong na nagtratrabaho sa Tagytay City. Bihibihira


laman akong umuwi sa aking pamilya dahil kailangan kong kumayod
para sa kanila;

3. Ang aking asawa na si Terso Ligutom ang siyang nag-aalaga sa aming


anak pag ako ay nasa trabaho. Kami ay nakatira sa Lower Quarry,
Minuyan Proper, CSJDM, Bulacan;

4. Pag ako ay umuuwi sa aming bahay tuwing pinapayagan akong mag


day-off, lagi kong nakikitang nag-iinuman ang aking asawa kasama
sina Divine Labasug (Divine) at ang kanyang asawa na si Ricky
Labasug (Ricky). Kadalasan ang kanilang inuman ay malapit sa aming
bahay;

5. Subalit, bandang alas-siyete ng gabi ng Oktubre 27, 2018, ako ay


umuwi sa amin bahay galing trabaho, at pag pasok ko sa aming bahay,
nakita ko na muling nag-iinuman ang aking asawa at ang mag-
asawang Labasug;

6. Nang makita ko na alak nanaman ang hawak ng aking asawa, sinita


ko siya at pinag sabihan na itigil na ang kanyang pag-inom. Nasabi ko
sa kanya na “bakit puro inom na lang ang gingawa mo, wala ka na ngang
suporta sa ating anak”;

7. Nang di makasagot ang aking asawa, biglang sumingit sa usapang


mag-asawa si Divine. At ang kanyang sinabi ay “bakit umuwi pa ako, di
ba hiwalay na kayo? Kapal naman ng mukha mong umuwi pa dito”;
8. Nagulat ako sa sinabi ni Divine sa akin sa harapan ng aking asawa at
sa loob ng aking pamamahay;

9. Nagalit ako sa kanyang sinabi sa akin, nagpalitan kami ng mga ma-


aanghang na salita ng biglang nag-eskandalo si Divine sa loob ng
aming bahay. Dinuro-duro niya ako at hinagisan ng takip ng kaldero
na tumama sa aking mukha, kaya naman ako ay gumatin na rin
hanggang sumali ang asawa ni Divine na si Ricky sa aming away;

10.Sinakal ako ni Ricky at hinawakan ang aking mga kamay, nang hindi
na ako makagalaw, tuloy tuloy ang pagsipa at pagtadyak ni Divine sa
aking mga paa at sikmura. Kinalmot at napunit ang aking damit sa
panhaong iyon;

11.Nang makaalis ako sa pagkakasakal ng kanyang asawa, gumanti ako


sa kanila hanggang kami ay naawat na;

12.Hindi ako pinagtanggol ng aking asawa sa mga oras na yon. Dun ako
nasaktan at naisipan kong ipabarangay ang mag-asawang Labasug
ngunit, hindi ko ito tinuloy kasi ang sabi ni Divine sa akin na mag-ayos
na lang kami;

13.Pumayag ako na wag ng ipabarangay, at makalipas ang ilang araw, ay


bumalik na uli ako sa aking trabaho sa Tagaytay;

14.Makalipas ang ilang buwan, nagulat na lang ako na may naisampang


kaso laban sa akin na pinag-ugatan noon Oktubre 27, 2018;

15.Na si Divine ang nagsumbong sa barangay at iniba niya ang tunay na


nangyari sa gabing iyon. Lumabas tuloy na ako ang may sala laban sa
kanila;

16.Wala akong natanggap na pag-tawag mula sa barangay kahit na


umuuwi ako doon sa amin. Wala din sinasabi ang aking asawa o mga
kapit bahay ukol dito;

17.Kaya noon bandang Abril 2019, nang may natanggap ako patawag ng
kagalang galang na Hukumang ito, laking gulat at takot ko, kaya ako
ay humingi ng assistance mula sa Integrated Bar of The Philippines
dahil ako ay namamasukan laman at hindi ako na-accommodate ng
Public Attorney’s Office dahil sila ang linapitan ni Divine Labasug;

18.Nakikiusap ako sa Kagalng-galang na Hukuman na tanggapin ang


aking Kotra-Salysay dahil ako ay pawing biktima sa kasong ito.
SA KATUNAY NG LAHAT, aking iniligda ang aking pangalan sa
ibaba nito ngayong ______ sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Lalawigan
ng Bulacan.

_____________________
MERALYN GRANTON

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAP KO, ngayong


____________, sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Lalawigan ng
Bulacan.

También podría gustarte