Está en la página 1de 15

EMILIO JACINTO

Emilio Jacinto (December 15,1875 – April 16,1899)

December 15, 1875, Emilio Jacinto was born in Trozo, Manila. Even as children, Emilio Jacinto and
Andres Bonifacio were close as he was nursed by Andres Bonifacio’s mother. At a young age Emilio Jacinto learned to speak
Spanish but this did not hinder his fluency in the Filipino Language. Due to poverty, he was often dressed in used clothing which
were not taken out of hock, making him the subject of many jokes. Despite his poverty, he was well educated. Jacinto finished
primary education in a private school and obtained a bachelor of arts in Colegio de San Juan de Letran.

The Mind that Guided the Revolution


He was studying law in the University of Santo Tomas in 1894 when he joined the Katipunan at the age of 19. He took the alias
of ‘Pingkian’, which means ‘to strike’ (like you do with a bolo). He became Bonifacio’s closest advisor, and oversaw the
financial affairs of the Katipunan. When Bonifacio and him drafted separate moral codes which would guide the actions of the
revolutionaries, Bonifacio acknowledged Jacinto’s intellect and chose the younger jacinto’s draft for publication in the Kartilya.
The code of conduct showed that a good heart, and love are needed in order to relieve the suffering of the Filipino people; the
true meaning of freedom.

Bolo Sword

Kartilya ng Katipunan (Katipunan Code of Ethics) – by Emilio Jacinto

1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man
damong makamandag.
(Life which is not consecrated to a lofty and sacred cause is like a tree without a shadow, if not a poisonous weed.)
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan,
ay di kabaitan.
(A good deed that springs from a desire for personal profit and not a desire to do good is not kindness.)
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos,
gawa’t pangungusap sa talagang Katuwiran.
(True greatness consists in being charitable, in loving one’s fellow men and in adjusting every movement, deed and
word to true Reason.)
4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa
dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
(All men are equal, be the color of their skin black or white. One may be superior to another in knowledge, wealth, and
beauty but cannot be superior in being.)
5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna
ang pagpipita sa sarili kaysa puri.
(He who is noble prefers honor to personal gains; he who is mean prefers personal profit to honor.)
6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
(To a man with a sense of shame, his word is inviolate.)
7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan
na’y di na muli pang magdadaan.
(Don’t waste away time; lost riches may be recovered, but time lost will never come again.)
8. Ipagtanggol mo ang inaapi at kabakahin ang umaapi.
(Defend the oppressed and fight the oppressor.)
9. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
(An intelligent man is he who is cautious in speech and knows how to keep the secrets that must be guarded.)
10. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t at mga anak; kung ang umaakay ay
tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
(In a challenging path of life, the man leads the way and his wife and children follow. If the leader goes the way of evil,
so do the followers.)
11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga
kahirapan nitong kabuhayan; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan at alalahanin ang
inang pinagbuhata’t nag-iwi sa iyong kasanggulan.
(Think not of woman as a object merely to while away time but as a helper and partner in the hardships of life. Respect
her in her weakness, and remember the mother who brought you into this world and who cared for you in your
childhood.)
12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.
(What you do not want done to your wife, daughter and sister, do not do to the wife, daughter and sister of another.)
13. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring
kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking-
gubat at walang nababatid kundi sariling wika; yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may
dangal at puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa
bayang tinubuan.
(The nobility of a man does not consist in being a king, nor in the highness of nose and the whiteness of the skin, nor in
being the priest representing God, nor in the exalted position on this earth, but pure and truly noble is he who, through
born in the woods, is possessed of an upright character; who is true to his word; who had dignity and honor; who does
not oppress and does not help those who oppress; who knows how to look after and love the land of his birth.)
14. Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaaba-abang
Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng
ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang
natumbasan.
(When these doctrines spread and the Sun of beloved liberty shines with brilliant effulgence in these unhappy isles and
sheds its soft rays upon the united people and brothers in everlasting happiness, the lives, labors, and suffering of those
who are gone shall be more than recompensed.)

1896 Katipunan seal_of (Punong Hukbo) Commander Emilio Jacinto


Kalayaan
Jacinto became the editor of Kalayaan, the Katipunan’s newspaper. After the first publication, the membership of the Katipunan
rose from 300 to 3,000 members! The effectiveness of the Kalayaan is attributable to its use of concepts and colloquialisms
familiar to the people. In one article, Jacinto wrote the parable of a beautiful woman appearing before a child in tears. The child
asked the woman who she was, and she replied “Because of my desire, the people have united and have foregone their self-
interest only to set their sights on the good of all. My name is FREEDOM”. Under the nom de guerre Dimas-Ilaw, Jacinto wrote
the narrative “Liwanag at Dilim” (Light and Dark) and the poem “a la Patria”.
Bonifacio’s letter to Emilio Jacinto

The Rise of the Katipunan

When the revolution broke in 1896, Bonifacio and Jacinto led the siege of
Polvorin, San Juan Del Monte. He also disguised himself as a Chinese person in order to help Jose Rizal escape, which the latter
declined. Bonifacio, at that time the president of the “Haring Bayan” (Great nation), named Jacinto the commander of the
Revolution’s Northern Forces. Despite Bonifacio’s death, in Feb. 1898, Jacinto continued to wage battle in Maimpis, Magdalena,
Laguna. He was wounded and caught. In the convent in Magdalena, he was repeatedly thrown of a staircase, and it is believed
that his blood stains the wooden staircase to this day. He tricked his captors and was able to escape. Following these events, the
historian Augusto de Viana wrote that Jacinto became a beef vendor, and the Bantanguenyo general, Migule Malvar was one of
his beef suppliers. He died of malaria at age 23 on April 16, 1899 in Santa Cruz, laguna. He may have also left a pregnant lover,
Catalina De Jesus. Though he was young, Pingkian played a gigantic role guiding the revolution and founding the Filipino
Nation.
Sa Abril 16, gugunitain ang ika-119 taong kamatayan ni Emilio Jacinto, ang tinaguriang
“Utak ng Katipunan.” Alamin ang mga bagong impormasyon na natuklasan tungkol sa
kaniyang katauhan.

Utak ng Himagsikan: Mabini o Jacinto?

Nakalilito minsan ang mga bansag sa ating mga bayani. Si Emilio Jacinto ang “Utak ng
Katipunan” at si Apolinario Mabini ang “Utak ng Himagsikan.” Ngunit ang nagsimula ng
himagsikan ay ang Katipunan, at hindi naman naging bahagi nito si Mabini. Kaya bakit
hindi si Jacinto ang naging “Utak ng Himagsikan.”
Sa mga dekada matapos ang himagsikan, hinangaan maging ng mga Amerikano si
Mabini. Naikabit sa kaniya ang bansag na “Brains of the Revolution.”

Ngunit mismong si Gregoria de Jesus, ang Lakambini ng Katipunan ang nagsabi na, “Si
Mabini ay hindi dapat tawaging utak ng himagsikan sapagkat wala naman siyang nagawa
at naipaglingkod sa himagsikan. At siya'y nasali noong kung baga sa isang handaan ay
dumating siyang luto na ang ulam, nakahanda ang dulang at siya'y kasama ng mga huling
nagsidulog upang tumikim at makisalo sa masasarap na luto.”

Maiintindihan ang sentimiyento ng lola. Tunay ngang hiningan ng payo ng Katipunan si


Mabini, kasapi ng La Liga Filipina at bahagi ng Cuerpo de Compromisarios na
nangolekta ng pera para sa La Solidaridad. Ngunit noong nakalalakad pa siya ay nauna na
siyang tumutol sa nais ng Katipunan na madugong himagsikan. Ang bigat ng kaniyang
papel sa ating kasaysayan bilang bayani ay sa ikalawang bahagi na ng himagsikan, ang
“himagsikan” o rebolusyon na nina Emilio
Aguinaldo.

Ngunit nariyan na ‘yan. Si Mabini ang “Brains of Revolution,” si Jacinto ang “Brains of
the Katipunan.” Ngunit mahirap ipako na lamang ang dalawang bayani sa mga
simplistikong mga pamagat na ito. Hindi ibig sabihin na Brains of the Katipunan lamang
si Jacinto, ang Katipunan na isang samahan lamang ng mga naghimasik, ay maliit lamang
ang kaniyang papel sa kasaysayan.

Bosom friend ni Andres Bonifacio

Isinilang si Emilio Jacinto noong 15 December 1875 sa Trozo, Maynila. Ayon kay E.
Arsenio Manuel, sa kaniyang papel na, “New Data on Andres Bonifacio: Manila’s
Foremost Hero,” na isinulat niyo noong 1989, magkasama sa cigarrera ang ina ni
Bonifacio na si Catalina de Castro at ang ina ni Jacinto na si Marina Dizon. Si Marina ay
isa ring kumadrona na siya mismong tumulong sa pagsilang ng nakababatang kapatid ni
Bonifacio na si Espiridiona o “Nonay.”
Ayon kay Manuel, maaaring sobrang magtrabaho si Catalina kaya hindi makapaglabas ng
gatas para sa anak. Si Marina ang siyang nagpasuso kay Nonay hanggang sa hustong
edad na makakain na ito ng lugaw. Ganito kalapit ang mga Bonifacio at Jacinto, at ito
marahil ang dahilan ng malapit din na pagsasamahan at pagtutulungan ni Andres at ni
Emilio.

Utak na gumabay sa Himagsikan

Natutunan ni Jacinto sa murang edad ang mangastila, ngunit hindi naging hadlang ito
upang hasain ang kaniyang husay sa wikang Tagalog. Sa hirap ng buhay, ibinibili lamang
siya ng mga segunda manong damit na hindi natubos sa prendahan, kaya naging
tampulan ng tukso si Jacinto. Sa kabila nito, nakakuha siya ng magandang edukasyon, sa
pribadong paaralan siya nagtapos ng elementarya at nagtapos ng Batsiller en Artes sa
Colegio de San Juan de Letran.

Nag-aabogasya siya sa Unibersidad ng Santo Toman noong 1894, na 19-anyos pa


lamang siya, at sumapi sa Katipunan gamit ang alyas na “Pingkian,” na ang kahulugan ay
“talaban” o halimbawa sa mga bolo o espadahan.

Dahil sa kaniyang relasyon kay Bonifacio, naging pinakamalapit na tagapayo si Jacinto


ng Pangulo ng Katipunan at naupo sa mga posisyong kalihim at piskal.

Minsan, gumawa silang dalawa ni Bonifacio ng magiging moral code ng Katipunan.


Ngunit nakita ni Bonifacio na mas maganda ang kay Jacinto kaya nagparaya siya. Ang sa
nakababatang Jacinto ang ipinalaganap sa mga bagong kasapi at nakilala ang
dokumentong ito bilang Kartilya ng Katipunan.

Ngunit dahil sa pagiging konsistent ng mga ideya ng mga sulating tinawag ni Virgilio S.
Almario na mga “Akdang Katipunan”— lalo ang mga sulatin nina Andres Bonifacio at
Emilio Jacinto, makikita sa Kartilya mismo ni Jacinto ang pinag-isang diwa ng dalawa.
Gayundin, naging epektibo sila sa paghikayat ng mga bagong kasapi sapagkat ginamit
nila ang mga konsepto at wikang ginagamit ng madla. Kaiba ito sa matagal nang
ipinakakalat na ginaya lamang nina Bonifacio ang kanilang ideya ng pagkabansa sa mga
Kanluraning ilustrado.

Ayon sa historyador na si Zeus A. Salazar, ibang-iba ang konseptong natutunan ng mga


ilustrado sa Kanluran sa ideya nina Jacinto na nagmula sa bayan. Sa Kanluraning
konsepto ng pagkabansa na tinatawag na “Nación,” ang pagkabansa ay batay sa mga
pulitikal na mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayan.

Ngunit sa mga Akdang Katipunan, ang kanilang konsepto ng pagkabansa ay ang


pagkakaroon ng “Inang Bayan,” samakatuwid, ang bansa ay binuo ng mga anak ng
Bayan na may iisang ina, at ginawa tayong magkakapatid sa pagsasandugo.

Hindi lamang pulitikal ang kalayaan para sa Katipunan. Walang tunay na kalayaan kung
walang kaginhawaan, at sa sikolohiyang Pilipino, walang kaginhawaan kung walang
mabuting kalooban. Kung pagnanakaw at panggugulang sa kapwa ang iiral, walang
saysay ang kalayaan. Ang mabuting kalooban ng magkakapatid ay naipapakita sa isa sa
pinakaunang utos sa Katipunan ayon sa Kartilya, “ang tunay na pag-ibig sa bayang
tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa.”

Patnugot ng Kalayaan

Dalawampung-taong-gulang lamang si Emilio Jacinto nang patnugutan ang tanging labas


ng pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan. Isa sa tatlong pangunahing pinuno ng
Katipunan, at ang bumuo ng pahayagan, si Pio Valenzuela, ang nagmungkahi na upang
linlangin ang mga Espanyol, ilagay na si Marcelo H. del Pilar ang editor at kunwari sa
Yokohama, Japan ito inimprenta.

Ngunit sa katunayan, sa Maynila ito inimprenta nina Candido Iban at Francisco del
Castillo. Nabili nila ang imprenta sa panalo nila sa loterya bilang migranteng
manggagawa sa Australia.
Sa pahayagang ito, nagsulat ng kuwento si Jacinto kung saan nagpakita ang isang
mahiwagang babae sa isang batang lalaki at nagpakilala, “Ako ay ang Simula ng mga
bagay na higit na dakila, higit na maganda at higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan,
na maaaring matamo ng sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong
may korona; nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang
mga koronang ginto; …Nang dahil sa adhikain ko’y napagkakaisa ang mga tao at
kinalilimutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit
na kabutihan ng lahat. Ang pangalan ko ay KALAYAAN.”

Sa isang edisyon lamang ng pahayagang ito, sinasabing dumami ang miyembro ng


Katipunan mula 300 hanggang 3,000 na kasapi! Sa alyas na Dimas-Ilaw, sumulat pa sila
ng iba pang mga sanaysay tulad ng “Liwanag at Dilim” at ang tulang “A La Patria.”

Batang Heneral, Kataas-taasang Pinunong Hukbo

Sa pagsiklab ng himagsikan noong August 1896, si Bonifacio at Jacinto ang namuno sa


mga unang pakikipaglaban ng Katipunan sa mga Espanyol, kabilang na ang mga
tagumpay sa Pasong Tamo at munisipyo ng Mandaluyong at ang Labanan sa
Pinaglabanan sa umaga ng 30 August 1896 na ikinasawi ng maraming Katipon.

Ayon kay E. Arsenio Manuel, ang unang tinatanong ni Bonifacio kapag bumaba na ang
usok ng labanan ay kung nasaan na si Jacinto. Si Jacinto rin daw ang pinaghahawak ng
botikin o medicine box ng Katipunan. Matapos nito, nagpanggap na Tsino si Jacinto at sa
Look Ng Maynila inakyat ang barko na lulan si Rizal, ang Castilla, upang siya ay itakas.
Tumanggi ang national hero.

Sa pagtungo ni Bonifacio sa Cavite upang ayusin ang gulo sa pagitan ng Magdiwang at


Magdalo, mga sangguniang bayan ng Katipunan sa Cavite noong November 1896,
inaakala ng marami na nag-alsa balutan lamang si Bonifacio at tumungo doon dahil wala
na siyang puwersa sa Maynila.
Kaiba ito sa sinasabi ng mga bagong tuklas na mga dokumento mula sa Archivo General
Militar de Madrid kung saan iniwan ni Bonifacio ang isang Mataas na Sanggunian ng
Hilagaan na nakabase sa Pantayanin, sa mga paanan ng Sierra Madre sa Antipolo,
malapit sa Pasig.

Ayon sa mga kinumpiskang dokumentong ito, ang Mataas na Sanggunian ay tumakbo


bilang isang pamahalaan na nagbibigay ng mga kautusan, nagpaplano ng mga labanan,
humihingi ng buwis at butaw, at naglalabas ng mga katibayan sa pagbibinyag at
pagkakasal. Tinawag nila ang sarili na Haring Bayang Katagalugan, ang pamahalaan na
pinamamahalaan bilang Pangulo ni Andres Bonifacio!

At sa Mataas na Sangguniang ito, kung saan namuno bilang Mataas na Pangulo sina
Isidoro Francisco at Julio Nakpil, si Heneral Emilio Jacinto ang tumayong Kataas-taasang
Pinunong Hukbo sa edad lamang na 21 taong gulang.

Kamakailan, ang dokumento ng pagtatalaga ni Bonifacio kay Jacinto at ang tatlo sa mga
huling sulat ni Bonifacio sa kaniya bilang kaibigan sa mga huling araw ng kaniyang
buhay ay naibenta sa isang subasta sa halagang P16 milyon. Nagpapakita ito nang
patuloy na ugnayan ng Mataas na Sanggunian sa kanilang pangulo.

Sa pagkamatay ni Bonifacio, nagpatuloy ang Mataas na Sanggunian ng Hilagaan at


patuloy din na lumaban si Jacinto. At sa isang labanan noong Pebrero 1898 sa mga
Espanyol sa Maimpis, Magdalena, Laguna, naging sugatan sa hita si Jacinto at nahuli.
Dinala siya sa kumbento ng Magdalena at walang awang ibinagsak malapit sa hagdanan.
Pinaniniwalaang ang mga bakas ng kaniyang dugo ay naroon pa
rin sa mga sahig nito.

Dinala siya sa karsel sa Sta. Cruz ngunit sa kaniyang interogasyon, naglabas siya ng
papel na nakuha niya sa isang labanan at nagpakilalang siya talaga si Florentino Reyes,
isang espiya para sa mga Espanyol. Imbes na bitayin, pinaniwalaan nila ang panlilinlang
na ito at pinalaya si Jacinto mula sa pagkakapiit.
Tindero ng baka

Sa isang aklat na pinamagatang Stories Rarely Told, binanggit ng historyador na si


Augusto de Viana ang testimonya ng isang pinsan ni Jacinto na si Exequiel Dizon.
Nailathala ang testimonya na ito sa isang artikulo ni Arturo Ma. Misa sa Sunday Times
noong 4 June 1972.

Ayon kay Dizon, matapos na makatakas ni Jacinto, na tinatawag niyang Miling, sa mga
Espanyol, pinili nitong magkaroon ng mapayapang buhay. Bagama’t ilang beses ding
pinag-isipan kung babalikan ang pag-aaral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas o
tatanggapin ang alok ni Mabini na sumama sa pamahalaan ni Emilio Aguinaldo, na
nagpapatay sa kaniyang pangulong si Andres Bonifacio, upang maging estudyante sa
unibersidad sa Malolos, pinili ni Jacinto na manatili sa Laguna at naging tindero ng karne
ng baka na mula sa Batangas.

Ayon pa kay Dizon, naging maganda ang takbo ng negosyo ni Jacinto at nakabili pa ito
ng magandang bahay. Hindi naglaon, nagkaanak din daw ng lalaki si Jacinto sa kaniyang
asawang nagngangalang Catalina (Iba-iba ang apelyido niya sa iba’t ibang tala—sa iba’y
de Jesus at sa iba naman ay de la Cruz.
Misteryosong Kamatayan

Sa kasamaang palad, namatay si Jacinto sa sakit na malaria sa edad na 23 noong 16 April


1899. Ang kaniyang bangkay ay natagpuan na nakalibing sa bayan ng Sta. Cruz. Matapos
nito, inilipat ang kaniyang bangkay sa North Cemetery.

Noong 1975, sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto, muling nailipat ang kaniyang mga
labi sa Himlayang Pilipino sa Lungsod Quezon. Sa kaniyang libingan ay makikita ang
isang monumento niya bilang isang heneral na nakasakay sa kabayo ay namumuno sa
labanan na nililok ni Florante ‘Boy’ Beltran Caedo.
Noong nakaraang taon, April 2017, pinasinayaan ang isang monumento para kay Jacinto
sa bayan ng Magdalena sa tulong ng Komisyon sa Wikang Filipino. Nililok ito ni Jun
Rodrigo Vicaldo. Sa pagpapasinayang ito, binabanggit na sa Magdalena namatay si
Jacinto, subalit bakit siya nakalibing sa Sta. Cruz? Nakahihilo at nakalilito.

Inimbestigahan ng dating National Historical Institute ang kaso. Ang kanilang ulat ay
nasa 1999 Annual Report ng ahensya. Ayon sa mga datos at oral accounts na tinipon ng
Research and Publications Division sa pangunguna ni Augusto de Viana: Matapos
masugatan sa labanan sa Magdalena at nakatakas mula sa mga Espanyol, nagsimulang
manghina siya at matapos ang ilang buwan habang nasa Sta. Cruz, siya ay ginupo ng
sakit.

Nang dumating ang mga Amerikano sa bayan na iyon, kinailangang ilikas si Jacinto sa
kabilang ilog upang hindi maaresto tungo sa barrio ng Alipit. Ngunit namatay na agad
siya habang ibinibiyahe kaya ibinalik siya sa San Juan, Sta. Cruz at inilibing.

Maiintindihan ang kalituhan. Kung patungo sila sa Barrio ng Alipit, kapwa may Barrio
Alipit sa bayan ng Magdalena at Sta. Cruz. Samakatuwid, ang barrio sana na pupuntahan
ay nasa pagitan ng dalawang bayan na ito. Ngunit hindi rin nga sila umabot ng barrio
Alipit, kaya nasa bayan pa rin siya ng Sta. Cruz nang malagutan ng hininga.

RELATED STORIES

Ano nga ba dahilan ng pagkalumpo ni Apolinario Mabini?

Sereno sa pasya niyang hindi magbibitiw: ‘Nakakahiya po kay Andres Bonifacio o


Emilio Jacinto’

Sereno maintains she’s not resigning: ‘Nakakahiya po kay Andres Bonifacio o


Emilio Jacinto’
Sa kakulangan ng dokumentasyon sa pagkamatay ni Jacinto, maaaring hindi na natin
malaman ang mga tiyak na detalye. Wala ngang naiwan na aktuwal na larawan si Jacinto
noong siya ay nabubuhay at ang nakikita natin na sikat niyang imahe ay iginuhit ni
Guillermo Tolentino mula sa kathang-isip ng isang dibuhista at iskultor mula sa kaniyang
pananaliksik at mga panayam.

Ang tanging aktuwal na larawan ni Jacinto ay ang kaniyang “recuerdo de patay” o


“memento mori”: Nakahiga si Jacinto sa paligid ng mga nagmamahal at nagmamasid
niyang mga kababayan, nakasuot ng uniporme ng himagsikan, pinaghawak ng baril. Kaya
dahil nakasuot ng rayadillo, inakala noong una na siya ay namatay sa pakikipaglaban.

Ito ang tanging larawan ng isang kabataang lalaki, bata mang turingan, ngunit isa sa
nagtatag ng bansang ito sa kapangyarihan ng kaniyang mga ideya. Siya ang isa sa nagbuo
sa sambayanang Pilipino. -- FRJ, GMA News

Si Prop. Michael Charleston “Xiao” Briones Chua ay kasalukuyang assistant


professorial lecturer ng Pamantasang De La Salle Maynila. Isa siyang historyador at
naging consultant ng GMA News TV series na Katipunan at Ilustrado. Ang sanaysay na
ito ay batay sa kaniyang dating news segment na “Xiao Time: Ako ay Pilipino” sa
istasyong pantelebisyon ng pamahalaan.

También podría gustarte