Está en la página 1de 2

GRADE 7 – ARALING ASYANO | IKATLONG MARKAHAN

PANGALAN: __________________________________BAITANG AT SEKSYON: ______________________________

I. Piliin mula sa kahon ang tinutukoy ng bawat pangungusap at isulat ang kasagutan sa patlang.
Suttee Krusada Portugal
Ibn Saud Sosyalismo Afghanistan
Demokrasya Nasyonalismo Merkantilismo
Constantinople Rebelyong Sepoy Demarcation Line
Jawaharlal Nehru White Man’s Burden The Travels of Marco Polo

_______________________ 1. Pagsibol ng damdaming makabayan at pagmamahal sa sariling bansa.


_______________________ 2. Ang unang pinuno ng India matapos nitong lumaya mula sa mga Ingles.
_______________________ 3. Nanguna sa pagkilos sa Saudi Arabia dahil sa pagbatikos na ginawa sa kanilang Shah.
_______________________ 4. Pag-aalsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi.
_______________________ 5. Sentro ng kalakalan sa pagitan ng Asya at Europa na siyang sinakop ng mga Turkong
Muslim.
_______________________ 6. Tradisyon sa India na pagpapatiwakal ng biyudang babae at pagsama sa libing ng
namatay na asawa.
_______________________ 7. Lahing Kanluranin o bansa na nagpasimula ng paghahanap ng bagong ruta ng
pangkalakalan patungong Asya.
_______________________ 8. Bansang nangibabaw ang mga Taliban, isang grupo na nagpatupad ng kautusan sa
pagsusuot ng Burkah ng mga babae.
_______________________ 9. Ang itinakdang hangganan ni Pope Alexander VI upang maiwasan ang mainit na
tunggalian sa paggalugad ng mga bansa.
_______________________10. Ideyolohiyang nakatuon sa patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati
ng kayamanan nito sa mamamayan.
_______________________11. Prinsipyong pang-ekonomiya na naglalayong paramihin ang ginto at pilak ng isang bansa
upang maging mas mayaman at makapangyarihan.
_______________________12. Ang aklat na isinulat ng isang manlalakbay na Venetian tungkol sa kanyang paglalakbay
sa Tsina na naging malaki ang impluwensya sa mga Kanluranin.
_______________________13. Ideyolohiyang nagkaroon ng malaking impluwensya sa mga Nasyonalista ng India at
Pakistan kung saan ang mga mamamayan ang higit na nasusunod sa pamahalaan.
_______________________14. Ekspedisyong militar na inilunsad ng simbahan at mga Kristiyano upang mabawi ang banal
na lupain na kung tawagin ay Jerusalem sa Israel mula sa mga sumakop rito.
_______________________15. Paniniwala ng mga Kanluranin na ang mga sinakop na bansa ay pahirap o pabigat sa mga
mananakop na bansa, at tungkulin nilang tulungan ang mga mahihirap na bansang ito para
yumaman.

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a. Pagkamulat ng Kanluranin
b. Paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas

2. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang
pagtutol sa mga Ingles?
a. Passive resistance b. Armadong pakikipaglaban

3. Ano ang pagkakaiba ng ideolohiyong pang-ekonomiya sa ideolohiyang pampolitika?


a. Ang ideolohiyang pangekonomiya ay nakatuon sa kayamanan ng mamamayan samantalang ang
ideolohiyang pampolitika ay nakatuon sa gobyerno
b. Ang ideolohiyang pangekonomiya ay nakatuon sa patakarang pangkabuhayan ng bansa samantalang ang
ideolohiyang pampolitika ay nakatuon sa paraan ng pamumuno at panlipunang pagbabago

4. Kinikilalang maimpluwensyang tao sa Saudi Arabia si Ibn Saud sapagkat siya ang nagbigay ng pangalan sa
bansa at ang kauna-unahang hari nito. Ang mga sumusunod ay mga nagawa niya MALIBAN sa:
a. Sa nagbigay na pahintulot sa Estados Unidos na magkaroon ng oil concession sa pamumuno
b. Nagkaroon ng pagbabagong pulitikal sa Saudi Arabia
GRADE 7 – ARALING ASYANO | IKATLONG MARKAHAN
5. Bakit nangangahulugang “Muling Pagsilang”ang kilusang pilosopikal na Renaissance?
a. Dahil sa pagbabago ng makarelihiyong kaisipan tungo sa makasining at makaagham na pananaw
b. Dahil sa paniniwalang ang isang taong namatay na ay mabubuhay muli ngunit sa ibang pagkatao at
kaanyuan

6. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi agad naipakita di gaya ng sa Timog Asya, alin sa mga sumusunod
ang dahilan kung bakit hindi agad nila naipakita ang nasyonalismo?
a. Walang diwa ng pagkakaisa sa mga bansa sa Kanlurang Asya sa simula pa lamang ng pananakop ng
dayuhan
b. Malakas at matatag ang imperyong Ottoman na siyang may hawak sa kanila

7. Sa paanong paraan umusbong ang damdaming makabayan sa India?


a. Lumakas ito dahil sa harapang paglapastangan ng mga dayuhan sa kanilang kultura at paniniwala
b. Ang kanilang kultura at paniniwala ay nagpalakas sa damdaming makabayan

8. Sa ilalim ng bansang Inglatera, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap sa mga
Indian. Alin ang isang pagbabagong HINDI matanggap ng mga Hindu?
a. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles
b. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan

9. Naging mahalaga baa ng paglalakbay ni Vasco da Gama sa kasaysayan ng mga Kanluranin?


a. Opo, dahil sa kanyang paglalakbay ay natagpuan ang bagong rutang pangkalakalan patungong Asya
b. Hindi, dahil naging daan siya sa pananakop sa Asya

10. Paano nagkakaiba sa pamamaraang ginamit sa pananakop ang una at ikalawang yugto ng imperyalismo?
a. Gumamit sila ng magkaibang pamamaraan sa pagpapatupad ng batas
b. Naiba ang pamamaraan nila sa pag-impluwensya sa mga kolonyang kanilang nasakop

11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa aspetong pang-
ekonomiya?
a. Isinilang ang mga Asyanong mangangalakal o middle men
b. Nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa

12. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947, nahati ito sa dalawang estado, ang
kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu
b. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno

13. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging epekto ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga Asyano?
a. Paglaban para sa minimithing kalayaan
b. Pagkakahati ng Hindu at Muslim sa dalawang pangkat

14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng ideolohiya ng pananakop sa unang yugto at
ikalawang yugto ng imperyalismo sa Asya?
a. Merkantilismo ang umiral sa unang yugto habang sosyalismo, komunismo at demokratiko naman sa
ikalawang yugto
b. Mas pinakalat ang kultura sa unang yugto habang teknolohiya naman at ekonomiya ang pinag-ukulan ng
ikalawang yugto

15. Napanatili ng ilang bansa sa Asya ang kanilang kalagayang pulitikal laban sa Kanluranin at kapwa Asyano sa
paanong paraan nila naprotektahan ito?
a. Pinaunlad nila ang kanilang edukasyon, kultura, relihiyon at iba’t ibang paniniwala
b. Naimpluwensyahan sila ng mga ideolohiyang naglabasan at nalinang ang nasyonalismo

También podría gustarte