Está en la página 1de 7

Araling Panlipunan

Grade 8

REMEMBERING

1. Ano ang tawag sa panggitnang pangkat ng tao sa lipunan ng Gitnang Panahon sa Europe?

a. Bourgeoisie* c. Politiko

b. Hari d. Pari

2. Sa sistemang pang ekonomiyang ito, ang batayan ng kayaman ng isang bansa ay nasa dami
ng gitno at pilak.

a. Bullionism c.Kolonyalismo

b. Imperyalismo d. Merkantilismo*

3. Anong uri ng pamahalaan ang pinamumunuan ng hari at reyna?

a. Komunismo c. Federalismo

b. Demokrasya d. Monarkiya*

4. Sino ang manlalayag na nagpatunay na ang mundo ay hugis bilog?

a. Amerigo Vespucci c. Christopher Columbus

b. Bartholomeu Diaz d. Fedinand Magellan*

5. Saan nagsimula ang industriyalismo?

a. England c. Great Britain*

b. Italy d. Spain

6. Ito ay kagamitang nagbibigay ng tamang direksyon.

a. araw c. compass*

b. buwan d. relo

7. Ginagamit ito bilang pampalasa sa pagkain.

a. asin c. paminta

b. betsin d. spices*

8. Makinang nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya.

a. cotton gin c. spinning jenny*

b. steam engine d. power loom

9. Pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika noong Rebolusyong


Industriyalismo.

a. uling at iron * c. uling at tubig

b. uling at langis d. uling at kuryente

10. Tinawag itong “pinakamaningning na hiyas” noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo.

a. Amerika c. Great Britain

b. India* d. France

11. Isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at politika
ng makapangyarihang bansa.
a. concession c. protectorate

b. kolonya d. sphere of influence*

12. Siya ang Pope na naghati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain.

a. Pope Alexander VI * c. Pope Francis

b. Pope Benedict I d. Pope James VI

13. Karagatang natuklasan ni Ferdinand Magellan.

a. Atlantic c. Indian

b. Arctic d. Pacific*

14. Natuklasan ni Bartholomeu Dias sa timog bahagi ng Africa.

a. Cape of Africa c. Cape of South

b. Cape of Good Hope* d. Cape Verde

15. Paniniwalang ang araw ang sentro ng Solar System.

a. Astrolope c. Geocentrism

b. Copernican d. Heliocentrism*

UNDERSTANDING

16. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang bourgeoisie?

a. Sila ay mga mangangalakal *

b. Sila ay mga alipin

c.Sila ay may malalawak na lupain

d.Sila ay may karapatang mamahala

17. Paano nanumbalik ang kapangyarihan ng hari ng Europe?

a. Sa pamamagitan ng pagsakop ng mga lupain

b. Sa pamamagitan ng tulong ng Bourgeoisie*

c. Sa pamamagitan ng pagpatay sa mga landlord

d. Sa pamamagitan ng pagbenta ng mga ari-arian

18. Sa paanong paraan ginusto ng mga Europeo ang spices o rekado?

a. Gamit bilang palamuti

b. pantaboy ng masasamang espirito

c. pampalasa sa kanilang pagkain*

d. bilang isang pampasuwerte

19. Ang nag-udyok sa mga Kanluranin upang maglayag patungong Silangan ay ang_________.

a. paghahanap ng mga spices o pampalasa at mga kayamanan

b. pakikipagkilala sa iba’t ibang tao sa mundo.

c. pakikipagsanib-puwersa sa mga mahihinang bansa

d. paglalakbay upang makita ang mga magagandang tanawin


20. Hinati ni Pope Alexander VI ang mundo para sa Portugal at spain upang_________.

a. maipakita sa mga tao na pwedeng hatiin ang mundo

b. malaman ng Spain at Portugal ang kanilang hangganan sa paggagalugad*

c. magkaron ng disenyo ang mundo

d. masobrahan ng Portugal ang kanyang tutuklasing lupain

21. Ano ang suliraning naidulot ng Unang Yugto ng Kolonisasyon sa mga bansang nasakop ng
Espanya?

a. pagkawala ng kalayaan*

b. pagiging sikat sa mundo

c. pagkakaroon ng madaming kakampi

d. pagkamit ng kapayapaan

22. Ano ang naging epekto ng Enlightenment o Kaliwanagan sa pamahalaan?

a. nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno

b. nagkawatak-watak ang mga magkakakampi sa pamahalaan

c. nagkaroon ng makabagong ideya na maaaring gamitin sa ikabubuti ng pamamahala*

d. walang pagbabagong naganap at wala itong naging epekto

23. Ginawang protectorate ng mga mananakop ang mga bansang nasakop dahil______.

a. iyon ay utos ng hari nila kaya dapat nila itong sundin

b. gusto nilang protektahan ito mula sa paglusob ng ibang mananakop*

c. inakala nilang inutil ang mga bansang ito

d. naghahanap pa sila ng ibang bansang sasakupin

24. Ano ang paniniwala ng mga Europeo tungkol sa white man’s burden?

a. Ang mga mapuputi ay dapat maghari sa mundo

b. Tungkulin ng mga mapuputi na layuan ang mga bansang maiitim ang lahi

c. Obligasyon nilang panaigin ang kanilang kabihasnan sa mga bansang sinakop*

d. Ang itim ay walang karapatang mamuno sa anumang bansa

25. Ano ang kinahinatnan ng pananakop ng mga Europeo?

a. dumami ang kanilang kaibigan

b.naubusan sila ng mga tauhan sa paglalayag

c. naging mabuti ang kanilang samahan sa ibang bansa

d. lumawak ang kanilang mga teritoryo o lupain*

Applying

26. Ang compass ay ginagamit ng mga manlalayag. Paano mo ito gagamitin?

a. hahayaan na lamang

b. itatapat sa lokasyon na tatahakin*

c. itatapat sa araw

d. ibibigay sa kapwa manlalayag


27. Sa pag-aaral mo,naunawaan at nalaman mo mula sa mga binasa mong aklat ng Araling
Panilpunan ang tunay na pakay ng mga dayuhan kung bakit isinakatuparan ang
kolonyalismo.Alin sa mga sumusuod na pahayag ang maaring gawin.Piliin ang sagot sa
ibaba ng mga pahyag.
1. Magsasagawa sa klase ng dula-dulaang nagpapakita ng pang-aabuso at
pagsasamantala ng mga dayuhan
2. Ipapanood sa klase ang mga videos/ pelikula na nagpapakita ng pananakop at
pagsasamantala
3. Pagbibigay g pamphlet na may larawan ng pang aabuso at pagsasamantala
ng mga dayuhan
4. Gagawa ng isang tula o kanta na may damdaming nasyonalismo

a. 1234 *
b. 2341
c. 1234
d. 3421
28. Ang mga bansa sa Asya at maging sa Amerika ay biktima ng panghihimasok at
pagsasamantala ng mga Kanluranin kaya naman nagdulot ito ng damdaming nasyonalismo
at nagnais ang mga kolonyang bansa ng kalayaan. Sa paanong paraan mo maipapakita ang
iyong pagiging makabayan laban sa mga dayuhang mananakop.
a. Pagbili ng produktong imported
b. Makipagkaibigan sa mga dayuhan para magkaroon ng mas malalim na samahan
c. Paggamit ng dahas upang patalsikin ang mananakop
d. Pagpapahalaga sa mga kultura, tradisyon, paniniwala at pagtangkilik a sariling
produkto *
29. Ang repormasyon ay ang pagbabago sa pamamalakad ng simbahang katoliko noong
Gitnang panahon. Paano ito nakatutulong sa kasalukuyan?

a. nalalaman ng mga tao ang tamang katuruan sa bibliya

b. nagiging bukas ang simbahan para sa lahat

c. mas lumalalim ang pananampalataya ng mga tao

d. a at c*

30. May sapat na suplay ng uling at iron sa panahong Industriyalismo, gagamitin ito bilang?

a. pangluto

b. pansulat

c. pampatakbo ng mga makinarya*

d. hindi ko papansinin

31. Paano naipapakita ang iyong pagkamakabayan?

a. tatangkilikin ang produkto ng ibang bansa

b. susunod sa mga kaugaliang maka-Pilipino*

c. gagayahin ang mga KPOP

d. hindi susunod sa mga batas

32. Ang teleskopyo ay naimbento noong Rebolusyong Industriyalismo. Paano ito ginagamit sa
kasalukuyan?
a. ginagamit upang makita ang malalayong bagay o lugar
b. pinangsusukat sa lawak ng lupain
c. pinangtitimbang sa mabibigat na bagay
d. pinangpoprotekta ng mata mula sa sinag ng araw
33. Ang enlightenment ay nakatulong sa mga kababaihan noon at ngayon sa pamamagitan ng?

a. pagbibigay ng karapatan sa kababaihan ng pantay na karapatan sa mga kalalakihan*

b. pagkakaroon ng asawa kung sila ay handa na

c. pakikisalamuha sa ibang mga kalalakihan

d. pananatili sa tahanan at paggawa ng mga gawaing-bahay

34. Paano mapakikinabangan ang Rebolusyong Industriyal sa kasalukuyan?

a. napadadali ang mga gawain natin sa araw-araw*

b. nakadepende na lamang ang mga tao sa bagong kagamitan at nagiging tamad na

c. nawawalan ng gana ang mga taong maghanap ng trabaho

d. marami ang nawawalan ng hanapbuhay

35. Ikaw ay pumuntang America para magtrabaho. Nagulat ka dahil sa malaking pagkakaiba ng
kultura at kaugalian ng mga Amerikano, ngunit pagkalipas ng sampung taon ay nasanay ka
na sa kanilang kultura. Bilang isang Pilipino, ano ang iyong gagawin upang mapanatili ang
sarili mong kultura at pagkakakilanlan?

a. nakikisabay sa uso sa Amerika

b. kalimutan na lamang ang kultura ng Pilipinas

c. panatilihin ang kultura at kaugaliang Pilipino kahit nasa Amerika ka

d. nag-asawa ng Amerikano at huwag nang umuwi sa Pilipinas.

Analyzing

36. Alin ang naglalarawan ng Rebolusyong Industriyal?


a. Paggamit ng makinarya upang maibsan ang gawaing manwal *
b. Pagdami ng mga mamamayang lumipat mula sa siyudad papuntang probinsiya.
c. Pagsikat ni Galileo Galeli at Thomas Hobbes
d. Pagsikat ni Graham Bell dahil sa kaniyang naimbentong telepono
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa epekto ng Rebolusyong Industriyal o
Industriyalisasyon?
a. Dumami at bumilis ang produksiyon
b. Dumagsa sa lungsod ang mga taga-probinsiya
c. Dumami ang trabaho para sa mga tao
d. Nagpatayo ng maraming paaralan at mall *
38. Anu-ano ang maaaring tuwirang epekto ng pagkakaroon ng kaisipang kolonyalismo sa isang
bansa. Piliin ang sagot sa ibaba ng mga pahayag.
1.nasanay ang mga tao sa paggamit ng produktong dayuhan
2.nagtatag ang mga mananakop ng sentralisadong pamahalaan
3.pinakinabangan ng husto bunga ng Rebolusyong Industriyal
4.pagpapalaganap ng Kristiyanismo

a. 1234 *
b.2341
c.3 at 4
d.1 at 2
39. May matagal nang may alitang political ang mga bansang France at England. Nang
magsimula ang Reboulusyong Amerikano, nagpadala ng naitulong military ang France sa
United States na malaki ang tulong sa pananagumpay ng huli. Batay dito, ano ang mas
angkop na pangyayari ang maaring mabuo?
a. magkakampi ang France at United States
b. magkasabay na nilabanan ng England ang United States at France
c. galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States
d. ginamit na pagkakataon ng France ang rebousyong Amerikano upang mapabagsk
ang England *
40. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa hindi dahilan ng Ikalawang Yugto ng
Imperyalismmo
a. paggamit ng manifest destiny
b. paglaganap ng terorismo sa bansa
c. bunsod ito ng pangangailanagn ng hilaw na materyales
d. pagsunod sa sitemang kapitalismo at paniniwalang karapatan

Evaluating

41. Ang bullionism ay sentral sa teorya ng mga merkantilismo kung saan ang tagumpay ng
isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalgang metal. Ano ang ipinapahiwatig ng
konseptong ito?
a. Ginto at pilak; kapalit ang mga sandatang pandigma laban sa mananakop
b. Mas maraming ginto at pilak; maraming pera ang malilikom mula sa buwis *
c. Pagkakaisa sa pamamagitan ng mga ginto at pilak para sa kalayaan.
d. B at C
42. Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Espanyol, sa panahon ngayon alin sa mga sumusunod ang
nagpapatunay sa impluwensya nila?
1. Inagaw ng mga Dutch ang Moluccas mula sa Portugal
2. Natagpuan ni Rui de Magalhaes ang Karagatang Pasipiko
3. Paglaganap ng katolisismo sa iba’t ibang panig ng bansa
4. Tsinelas at karwahe ilan sa mga salitang espanyol na ginagamit ng mga Pilipino.
a. 1 at 4 b. 1 at 2 c. 2 at 3 d. 3 at 4 *
43. Sa epekto ng imperyalismo sa Africa, pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang
Likas na Yaman. Ang ipinapakahulugan nito ay ____________?
a. Nasira ang katotobong kulturang katotobo ng mga taga Africa*
b. Pag-unlad ng bansang Africa dahil sa pananakop ng Kanluranin.
c. Sinira ng mga taga Africa ang Likas na Yaman ng Kanluranin.
d. Umangat ang pamumuhay ng mga taga Africa.
44. Nang mapagbagsak ng mga rebolusyonaryo ang hari ng France at maitatag ang republika,
ito ay nagbigay takot sa _________________?
a. Great Britain at Spain na hindi mapipigil ang kapangyarihan ng Pranses.
b. Pranses na hindi maipag patuloy ang pagpapalaganap ng rebolusyon.
c. Monarko, dahil sa posibleng pagbagsak ng kanilang pamumuno.*
d. Pranses dahil sa pagpapadala ng mga hukbong sandataan.
45. Kailangang madama at paghirapan ang pagkamit ng nasyonalismo; ano ang ibig sabihin
nito?
a. Ang proseso sa pagkamit at pag-unlad ng nasyonalismo ay hindi biglaan.
b. Ang damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa*
c. Pagpapahirap sa mga taong naghahangad ng kalayaan.
d. Pagiging misarble ng mga buhay ng taong naghahangad ng nasyonalismo.

Creating

46. Ikaw ay kabilang sa merkalismong doktrina. Alin sa mga sumusunod ay iyong gagawin
upang mapaunlad ang iyong bansa?
a. Daragdagan ang pagbabayad ng buwis ng binabayaran ng mga mamamayan
at mga dayuhan na nag-aangkat ng mga produkto.
b. Magpapagawa ng pandigmang bagko kapalit ang pilak at ginto.
c. Pagpapataas ng dami ng sarling produkto, upang hindi na umasa sa
produktong dayuhan.*
d. Pagtatangkilik sa dayuhang produkto, upang hindi tangkilikin din nila ang
rodukto ng iyong bansa.
47. Kung ang iyong bansa ay kabilang sa mga bansang hindi umuunlad o natutulog ng
mahabang panahon, ano ang iyong gagawin kaugnay sa impluwensya ng Enlightenment?
a. Hihikayatin mo ang iyong kapwa na mag-aral at gumamit ng katuwiran para
iwanan ang tradisyonal na kaugalian.*
b. Ibebenta ang ari-arian ng iyong pamilya upang matustusan ang inyong
pangangailangan.
c. Ipagpapatuloy ang mga paniniwala sa pamihiin dahil ito ay kaugnay sa
pamumuhay ng isang tao.
d. Mag-aaral at gagamitin at katuwiraan upang mapaunlad ang mga kaugalian at
pamihiin pinamana ng mga ninuno.
48. Sa epekto ng kolonisasyon sa mga bansang nanakop ginamit nila ang “pampolitika, pang-
ekonomiya, panlipunan, espiritwal at pangkultura”. Ano nagpapatunay dito?
A. Pakikipagpalitan ng produkto sa ibang bansa.
B. Paglago ng iba’t ibang relihiyon sa ibang panig ng bansa.
C. Pagtatrabaho ng sapilitan sa ibayong bansa.
D. Pagbebenta ng teritoryo ng Pilipinas.

a. A B C* b. A B D c. A C D d. A B C D

49. Kung ikaw ay kabilang sa panahong nangyari ang reboluyson laban sa Great Britain, ang
larawan sa ibaba ay kumakatawan sa Estado ng Amerika, ito nagbibigay mensahe na
_______________?

a. Kailangang maging matalinosa paglaban katulad ng ahas.

b. Pagkakaisa susi sa pagtatagumpay.*


c. Mag-ingat sa British na kawangis ng Ahas
d. Walang maapi kung walang papaapi.

50. Ikaw ay kabilang sa millennials kung tawagin, alin sa pahayag ang nagpapakita na may
nasyonalismo pa rin sa panahon ngayon?
A. Mamumuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita.
B. Susumunod sa batas na ipinapatupad ng sarling barangay.
C. Magtatapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa
sariling bansa.
D. Gumagamit ng wikang Ingles sa pagpapakilala ng kulturang Pilipino.

a. A B C D b. A B C c. B C D d. C D

También podría gustarte