Está en la página 1de 5

AP Reviewer 3rd M.T.

1. Likas-Kayang Pag-Unlad (Sustainable Development)


- Pagtugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang lipunan nang hindi isinasakripisyo ang
kakayahang matugununan ang parehong pangangailangan sa hinaharap.
- Tatlong Salik:
 Pang-ekonomiya
o Dapat matustusan ang malaking pangangailangan (demand) ng lipunan sa
mga produkto at serbisyo nang hindi isinakripisyo ang pagkakapantay-
pantay ng lahat ng tao sa sektor ng lipunan.
 Panlipunan
o Dapat matugunan ang mga pangangailangan sa serbisyong panlipunan,
pangkalusugan, edukasyon, at pakikilahok.
 Pangkalikasan
o Mapanatili ang mayaman at matatag na pinagkukunan ng mga likas-yaman
nang hindi isinasakripisyo ang karapatan ng mga taong galugarin at gamitin
ang mga ito.
- Kasaysayan ng Pagkabuo ng Konsepto ng Likas-Kayang Pag-Unlad
 Rebolusyong Industriyal
o 17th – 18th siglo; Umusbong din ang konsepto ng pagpapanatili
(sustainability).
o Troso: Isa sa pinakamahalagang likas-yaman na ginamit noong Rebolusyong
Industriyal sa Europa. Ginamit ito sa pagpapatayo ng mga gusali, mga
lagusan sa minahan, panggatong, at paggawa ng mga barko. Nagkaroon ng
kakulangan sa suplay.
 Sustainability: Unang ginamit ng mga Aleman na nagbabantay at nagsusuri sa mga
kakahuyan sa Alemanya noong 1713.
 Sylvicultura Oeconomica: Hans Carl von Carlowitz; Ang kahalagahan ng wastong
pagtotroso at pagpapanatili sa mga kagubatan at kakahuyan; Unang aklat na
nailathala na may konsepto ng likas-kayang pag-unlad.
o Hans Carl von Carlowitz: Father of Sustainable Yield Forestry. Itinuro niya
ang pagkakaroon ng balanse sa pamumutol ng mga puno at muling
pagtatanim ng mga ito.
 Paglago ng Populasyon: 18th siglo; Nakaaapekto sa kalikasan.
o Principle of Population as it Affects the Future Improvement of Society:
1798; Thomas Robert Malthus; Nanganganib na hindi matustusan ang
pangangailangan sa pagkain kung darami ang mga taong nangangailangan
nito; Isa sa mga naunang bumalangkas ng pangangailangan sa
pagpapanatili.
 The Coal Question; An Inquiry Concerning the Progress of the Nation, and the
Probable Exhaustion of our Coal-mines: William Stanley Jevons; Maaaring
maapektuhan ang pag-unlad ng bansang Britanya kung mauubos ang suplay ng
karbon (coal) dahil higit na nakadepende ang maraming industriya ng Britanya sa
panggatong na iyon.
 20th Siglo
o Road to Survival (1948): William Vogt
o The Limits of the Earth (1953): Fairfield Osborn
o Mga kahahantungan kung labis ang pagkuha ng mga likas na yaman sa
daigdig; Paggamit at pagkuha ng mga likas na yaman sa responsableng
paraan.
- Kaugnayan ng mga Gawain at Desisyon ng Tao sa Pagbabagong Pangkapaligiran
 Agrikultura
o ‘Di wastong pagsasaka: Ayon sa World Wildlife Fund, ito ay may negatibong
epekto.
 Pagkawala ng likas na paninirahan ng mga hayop.
 Erosyon (Soil Erosion)
 Pagkaubos ng suplay ng tubig.
o Land Use Conversion: Pagbabago ng tao sa gamit ng lupain mula sa pagiging
lupaing agrikultural patungo sa pagiging lupaing ‘di-agrikultural.
 Batas Republika Blg. 6657 o Batas sa Komprehensibong Repormang
Pang-agraryo (Comprehensive Agrarian Reform Law o CARL):
Ipinagkaloob ng pamahalaan ang malalawak na sakahan sa mga
magsasaka; 4.7 milyong hektarya ng sakahan; mula 1988-2014; Ang
ilang mga magsasaka ay ipinagbibili sng kanilang lupain upang
kumite nang malaki at mabilisan; Nagiging pook residensiyal, pook
industriyal, at pook komersiyal; Ipinagbabawal ang land conversion
nang walang pahintulot sa pamahalaan upang mapanatili ang mga
sakahan ng Pilipinas at upang masiguro ang suplay ng pagkain sa
bansa.
 Boracay: Pinasara dahil sa polusyon sa tubig at sa lupain na dulot ng
libo-libong turistang bumibisita roon taon-taon; 628.96 na hektarya
ng lupaing agricultural at 281.81 na hektarya ng lupaing kagubatan,
ayon sa Proklamasyon Blg. 1064 noong 2006.
 Atas ng Pangulo Blg. 705: Ipinagbabawal ang paggamit sa mga
lupaing kagubatan nang walang pahintulot mula sa DENR.
 Pangingisda
o Ayon sa World Wildlife Fund, inaasahang aabot sa 50-M tonelada ang
pangangailangan ng daigdig sa pagkaing-dagat sa pagsapit ng taong 2025.
o Labis na Pangingisda (Overfishing): Nagdudulot ng pagbagsak ng dami ng
mga isda sa karagatan, na maaaring humantong sa kanilang pagkaubos.
o Pagkasira ng ekolohiya sa mga baybayin dulot ng polusyon, pamumutol ng
mga bakawan, at paggamit ng mga nakapipinsalang paraan ng pangingisda.
o Nagtatakda ang pamahalaan ng panahon kung kailan lamang maaaring
manghuli sa dagat ng ilang uri ng isda.
o Aquaculture: Artipisyal nap ag-aalaga, pagpapalaki, at pagpaparami ng mga
isda sa loob ng mga artipisyal na tubigan.
 Pagkonsumo ng Fossil Fuels
o Fossil Fuels: Nagpapatakbo ng industriya; Pangunahing nagpapagana sa
mga kotse, barko, at eroplano; paggamit ng karbon bilang panggatong sa
mga planta para sa elektripikasyon; Paggamit ng langis upang patakbuhin
ang mga sasakyan.
o Pagbubuga sa atmospera ng carbon dioxide (𝐶𝑂2): Pangunahing dulot ng
pagkonsumo ng fossil fuels.
o Napapalitang Enerhiya (Renewable Energy): Mga pinagkukunan ng
enerhiyang muling napapalitan tulad ng solar power, geothermal power,
hydroelectric power, at wind power.
 41%: Inaambag ng elektrisidad sa kabuuang ibinubugang carbon
dioxide sa atmospera mula sa fossil fuels noong 2010 ayon sa
International Energy Agency.
- Mga Hamon sa Likas-Kayang Pag-unlad
 Konsumerismo (Consumerism): Labis na pagkonsumo ng mga material na bagay at
serbisyo na hindi naman tunay na kailangan ng tao.
o Gross Domestic Product (GDP): Nakasalalay ng mga bansa sa dami ng
binibiling produkto at serbisyo ng mga tao; Ginagamit na panukat ng
kaunlaran ng isang bansa.
o Ayon sa pagsusuri ng Food and Agriculture Organization ng UN na
pinamagatang “Food Wastage Footprint: Impacts on Natural Resources,”
ang pag-aaksaya ng pagkain ay nagdudulot ng kaakibat na pangangailangan
upang mapalawak ang mga lupaing agrikultural na nagbubunga ng
masamang epekto sa kalikasan dahil sa mga nasasayang na likas yaman.
o Agrikultura: Kumokonsumo ng 70% ng tubig-tabang sa daigdig.
o Pagsasayang ng Pagkain: Katumbas din ng pagtatapon ng tubig.
o 25,000 litro ng tubig-tabang: Inaaksaya natin kungmagtatapon ng
kalahating kilo ng karne ng baka.
o Pagdami ng Basura: Epekto ng konsumerismo.
 Kahirapan: Pangunahing hamon na kinakaharap ng mundo ngayon.
o Philippine Development Plan 2017-2022: Binabalangkas ang mg layuning
sisikaping makamit ng pamahalaan upang mabawasan ang kahirapan sa
Pilipinas; Pagsuporta sa mga negosyong maliliit at may katamtamang laki,
pagsuporta sa lalong mataas na edukasyon na agham at teknolohiya,
pamumuhunan sa agrikultura, pamumuhunan sa impraestruktura, at
pagtutuon sa likas-kayang pag-unlad.
 Di-likas-kayang Pinagkukunan ng Enerhiya (Non-sustainable Energy Sources)
o Likas-kayang Enerhiya (Sustainable Energy)
 Napapalitang Enerhiya: Enerhiyang muling napapalitan tulad ng
biofuels, solar power, wind power, at iba pa.
 Energy Efficiency: Pagbabawas sa konsumo ng enerhiya nang hindi
isinasakripisyo ang bias o benepisyo ng kagamitang kumokonsumo
nito.
o Elektripikasyon ng mga lungsod at lalawigan: Pangunahing gamit ng
enerhiya.
o Karbon: Karamihan na ginagamit sa mga planta na nagsusuplay ng
elektrisidad sa mga lungsod at lalawigan.
o Solar, Wind, at Geothermal Energy: Mas mababa ang nabibigay nitong
enerhiya kumpara sa karbon.
o Paraan upang maisakatuparan ang energy efficiency: Paggamit ng mga
kagamitang pambahay at pang-industriya na kumokonsumo ng mas
kaunting enerhiya ngunit hindi isinasakripisyo ang bias at benepisyo nito.
 Paglaganap ng Light Emitting Diodes (LED) bilang alternatibo sa
fluorescent light at incandescent light bulb.
 Paggamit ng inverter technology sa mga refrigerator at air-
conditioning system.
- Mga Hangarin tungo sa Likas-kayang Pag-unlad (Sustainable Development Goals o SDGs)
 Ilalim ng United Nations Development Programme (UNDP); Hangaring
pangkaunlaran; Inilunsad noong 2016 na pumalit at naglalayong palawigin ang mga
napagtagumpayan ng Millenium Development Goals (MDGs) na nagtapos noong
2015; Maisulong ng lahat ng bansa ang likas-kayang pag-unlad sa iba-ibang aspekto
ng kapaligiran at lipunan; Hinahangad na makamit sa 2030.
o No poverty: Kahirapan; 836M = extreme poverty
o Zero hunger: Gutom; Seguridad sa pagkain; Nutrisyon; Agrikultura; 1/3 of
the world’s food is wasted.
o Good health and well-being: Malusog na buhay
o Quality education: Kalidad ng edukasyon
o Gender Equality: Pagkakapantay-pantay ng kasarian
o Clean water and sanitation: Pamamahala sa tubig at sanidad.
o Affordable and clean energy: Paggamit ng abot-kaya, maaasahan, likas-
kaya, at makabagong enerhiya
o Decent work and economic growth: Pag-unlad sa ekonomiya, ganap at
produktibong empleo; Disenteng trabaho.
o Indutry, innovation, and infrastructure: Impraestruktura;
Industriyalisasyon; Paunlarin ang inobasyon.
o Reduced inequalities: Paliiting ang lawak ng hindi pagkakapantay-pantay
o Sustainable cities and communities: Ligtas, matatag, at tumatagal ang mga
lungsod at panirahan.
o Responsible production and consumption: Pagkonsumo at produksiyon
o Life below water: Pangmatagalan ang mga karagatan, dagat, at likas-
yamang pandagat.
o Life on land: Mga kalupaang ekosistema; Kagubatan; Desertipikasyon,
pigilan ang pagkasira ng kalupaan, at pigilan ang pagkasira ng pagkakasari-
sari sa mga organism.
o Peace, justice, and strong institution: Mapayapa at ingklusibong lipunan;
Bigyan ng karapatan sa katarungan ang lahat; Mabtayo ng mga institusyon
sa lahat ng antas.
o Partnership for the goals: Pandaigdigang pakikisosyo.