Está en la página 1de 5

Territorial at Border Conflicts

Territorial Dispute - Hindi pagkakasundo sa pagmamay-ari o pagkontrol sa isang lupain o anyong tubig
ng 2 o higit pang malayang bansa.

-Nagaganap kung may 2 o higit pang mga bansa ang umaangkin ng isang lupain o katawang tubig.

Nag-uugat sa pagmamay-ari ng likas na yaman (anyong tubig, lupain, mineral (langis))

Hal: Agawan sa Spratlys Is (kilala sa Pilipinas bilang Kalayaan Group of Islands)

Dulot ng kultura, relihiyon, ethnic nationalism

Hal: Palestine at Israel, Sabah, Kasmir

Dahilan ng pag-aagawan:

Materyal- likas na yaman at strategic value ng teritoryo

Simboliko- may kaugnayan sa kultura, kasaysayan ng estado

Buffer State Isang maliit na bansa sa pagitan ng 2 magkalabang makapangyarihang bansa. Hal: Siam

Sphere of influence

Bansa o rehiyong nasa ilalim ng kapangyarihan ng isang estado na may ekslusibong karapatan na
sakupin at linangin ang mga yamang likas

Hal: Tsina (Panahon ng Imperyalismo)

Kahalagahan ng usapin ng teritoryo

• May kaugnayan sa karapatan ng bawat estado

• Mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan

Bakit nagaganap ang territorial at border conflicts?

• Pampulitikang interes

• Pang-ekonomiyang interes

Kategorya ng salungatan o di-pagkakasundo:

1. Boundary at territorial conflicts

2. Civil war

3. Sunud-sunod na pagsasalungatan ng mga lumayang kolonya

4. Pagkakaiba ng ideolohiyang pulitikal


Dahilan ng mga salungatan o hidwaan ng mga bansa:

• Hangganang hindi tiyak

Halimbawa: Kashmir sa pagitan ng India at Pakistan

• Hangganang napaliligiran ng malaking pangkat etniko at estratehiko ang lokasyon

• Hangganang bumabagtas sa mga estratehikong bahagi ng bansa

• Hangganang may mayamamang deposito ng mineral na nasa teritoryo ng isa lamang bansa at
hindi napakikinabangan ng karatig- bansa.

Mga naganap na pagkakamali sa pagtatakda ng hangganang pulitikal ng bansa

1. Hindi angkop na paggamit sa terminolohiyang topograpikal

2. Paggamit ng malabong kaanyuang heograpikal

3. Masalimuot na kaanyuan ng kultura at mga pangkat ng tao

4. Pabago-bago at magkakasalungat na pahayag

UNCLOS at EEZUnited Nations Convention on the Law of the Sea

Mga salik sa pagkakaroon ng territorial at border conflicts

1. Materyal at kultural na kadahilanan

2. Tunggalian sa kapangyarihan

3. Pagmamahal sa sariling bansa at kultura

4. Kakulangan o pangangailangan ng likas na yaman dala ng umuunlad na ekonomiya at paglaki


ng populasyon

5. Pagkawasak ng kapaligiran bunga ng pagbabago ng klima at polusyin sa hangin, tubig, at lupa

Epekto ng territorial at border conflicts

• Sa lipunan: pagkawala ng buhay; maraming pamilya ang napipilitang iwanan ang kanilang
tahanan.

• Sa ekonomiya: pagkasira ng mga ari-arian

• Sa pamahalaan: pagkabawas ng pera ng pamahalaan; pagkawala ng tiwala ng mga


mamamayan sa pamahalaan.

Paano mapipigil ng bansa ang territorial at border conflicts?

1. Pagdaan sa diplomatikong pamamaraan o sa korte

2. Pagwawasto ng interpretasyon sa mga umiiral na hangganan

3. Tiyak na pagtatakda batay sa UNCLOS (para sa usapin sa anyong tubig)


4. Paglalatag ng mga polisiya

5. Pagkakaroon ng malayang arbitration council o outside mediator

Arbitration Council- konseho na binubuo ng hanggang 10 tao mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan na
nag-aaral at nagbibigay-desisyon/ solusyon sa mga hidwaan/ karahasan.

Outside Mediator- babae/ lalake na taga-ibang bansa at tinatanggap ng magkabilang panig upang
maging tagapamagitan sa paglutas ng hidwaan o karahasan.

6. Pagpapatatag ng bansa- paglinang sa kamayalan (consciousness) ng mga mamamayan

7. Sistemang pulitikal

8. Paglinang sa ekonomiya (economic development) upang maiwasan ang kahirapan

Ang mga suliranin sa teritoryo at hangganan sa iba’t- ibang bahagi ng mundo

1. Crimea- (Russia at Ukraine)

2. Kashmir (Pakistan at India)

3. Senkaku Island (China at Japan)

4. Thailand at Cambodia – Phrea Vihear Temple

5. Falkland Island (Argentina at Great Britain)

6. Iraq at Kuwait (Gulf War)

7. Sudan at South Sudan

South China Sea Territorial Disputes

• Spratlys

Matatagpuan sa West Philippine Sea

Binubuo ng 750 maliliit at malalaking pulo

Mayaman na pangisdaan at deposito ng gaas at langis

Ipinangalan kay Richard Spratly (1843)

Spratlys

• Commercial fishing

• Mayaman sa hydrocarbon (deposito ng langi at natural gas)

• Commercial shipping

• Trading route
1. China- batayan: kasaysayan- Han Dynasty

(9 dash line)

2. Taiwan- batayan: lokasyon

3. Brunei- prinsipyo ng UNCLOS at EEZ

4. Malaysia- prinsipyo ng continental shelf

5. Vietnam- batay sa International law

6. Pilipinas

Mga Batayan

a) Pagkaka-diskubre ni Adm. Tomas Cloma (1950)

b) Legal Basis: 200 nautical mile EEZ batay sa UNCLOS

Epekto ng territorial at border conflicts

- Tensyon sa rehiyon

- Paghina ng kalakalan at industriya

- Pagbaba ng turismo

- “hostility” sa mga kasangkot na bansa.

Ang Isyu sa West Philippine Sea

• Pagiging malakas ng Tsina (puwersang militar at ekonomiya)

• Pagtanggi ng Tsina ng polisiya para sa CoC (Code of Conduct)

• Paghain ng Pilipinas ng kaso sa International Tribunal for the Law of the Sea

• Pagpanig ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands (July 12, 2016)

Usapin Tungkol sa Sabah

• Nagsimula ang usapin sa panahon ni dating Pang. Diosdado Macapagal

• Sultan ng Sulu- may-ari ng Sabah

• Pinaupahan sa British North Borneo Co. (1878)

Iba pang suliraning teritoryal ng Pilipinas

Epekto ng heograpiya:

a) Mahirap na depensa

b) Pagpasok ng illegal smuggling at piracy

c) Terorismo

También podría gustarte