Está en la página 1de 4

I.

Layunin
Pagkatapos ng 45 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasasabi o natutukoy ang pagkatao ng pangunahing tauhan sa nabasang/napakinggang
kwento.
b. Napahahalagahan ang kwentong makatauhan sa pamamagitan ng pagkilala sa pagkatao
o katangian ng pangunahing tauhan sa nabasang/napakinggang kwento.
c. Nakabubuo o nakagagawa ng maikling katha na naglalaman ng pagkatao at katangian ng
pangunahing tauhan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Kwentong Makatauhan
B. Sanggunian:
C. Kagamitang Panturo:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Mga mag-aaral, tumayo muna tayong lahat at tayo’s
manalangin. Tinatawagan ko si Bnb. Albarillo upang
pangunahan an gating panalangin.

Dakilang Diyos na makapangyarihan sa lahat.


Lord, maraming salamat po sa hapong ito na
kami ay nagsamasamang muli upang matuto. Sa
oras na ito kami po ay inyong tulungan sa aming
mga gagawin, nawa’y bigyan niyo po kami ng
katalinuhan, kalakasan at pang-unawa sa aming
mga haharapin.
Tulungan niyo po kami na maging mahusay
na estudyante sa klaseng ito. Maraming salamat
po,ito po ang aming panalangin sa panganlan ni
 Pagbati Jesus amin.
Estratehiya: Magandang Araw na pagbati!

Magandang Araw sa inyong lahat, klase!


Magandang Araw rin po, Guro!
Teknik: Tingin sa katabi. Gusto kong sabihin niyo sa
inyong katabing babae na ang ganda mo kasing ganda
mo ang umaga at sa lalaki naman “ang gwapo mo!
kasing gwapo ng umaga!.

 Pagtala ng Liban:
Estratehiya: Tala-Liban
Teknik: Mayroong dalawang hanay dito sa loob ng
ating silid-aralan. Sa bawat hanay ay mayroon akong
inatasang pangulo upang ilahad ang mga lumiban sa
kanilang grupo.

Sa unang grupo, May lumiban ba sa inyong grupo?


Unang Grupo- Wala pong lumiban sa aming
grupo, Guro!
Sa pangalawang grupo?
Pangalawang grupo- Wala rin pong lumiban sa
aming grupo, Guro!
Ayan, Tunay ngang nais niyong matuto ngayong araw.
 Pagtala ng Alituntunin
Estratehiya: Larawan
Teknik: Mayroon tayong mga larawan na nakikita
kahit saan tayo magpunta. Kaya bilang kaayusan ng
ating talakayan, nais kong alalahanin niyo ang ilan sa
aking mga alituntunin sa klase gamit ang mga larawan.

Maliwag ba klaswe?
Opo Guro!
Klase, kapag itinaas ko ang larawan ng mata, Ibig
sabihin ay… (basahin sa pisara)
1. Itago ang lahat ng anumang bagay na
makikita sa inyong mesa upang huwag
makasagabal.
Kapag itinaas ko naman ang larawan ng bibig dapat
ay… 2. Huwag maingay at huwag makikiapag-usap sa
katabi.
Kapag itinaas ko naman ang larawan ng tainga, ibig
sabihin… 3. Makinig ng mabuti sa talakayan.

Tama! Makinig kayo ng mabuti sa talakayan, at kung


nais magtanong at sumagot itaas niyo lamang ang
inyong kamay.

B. Balik-Aral
Estratehiya: Question and Answer Portion
Halos lahat naman sa inyo ay nanonood ng Beauty
Pageant.
Teknik: Sa Beauty Pageant may tinatawag na question
ang answer portion. Parang sa ating gagawin ngayon,
Tayo muna ay magbabalik-tanaw sa mga pinag-aralan
natin sa nakaraang aralin.

Oky! Bb. Casanova! Kung talagang nakinig ka sa ating


nakaraang talakayan.
Ano na muli ang ating tinalakay?
Guro, ang ating nakaraang talakayan ay
patungkol po sa kwentong makakapaligiran.
Napakahusay!
Bb. Estrella, ano naman ang ibig sabihin ng kwentong
makakapaligiran?
Guro, ang kwentong makakapaliran po ay mga
kathang namumuhunan sa masusing
paglalarawan sa lunan ng panahon, gamit ang
lahat ng salik ng pandama bilang integral sa
pagpipinta ng mga emosyon sa katha.
Magaling! Kayo nga talaga ay natuto sa ating
nakaraang talakayan.

C. Pagganyak
Estratehiya: Buo-tukoy
Teknik:
1. Bago natin simulan ang ating aralin sa araw na
ito tayo muna ay maglalaro, ngunit bago ko
simulan ang ating laro, kayo muna ay
papangkatin ko sa tatlong grupo. Ang bawat
grupo ay pipili ng anim na miyembro na siyang
marerepresenta sa kanila.
2. Sa unang istasyon, kailangang maubos ng
dalawang miyembro ang nakahandang
pagkain sa kanilang harapan bago hanapin ang
isang sobre na kanilang ibibigay sa mga
miyembro na nasa ikalawang istasyon.
3. Sa ikalawang istasyon, sa sobre na ibinigay ng
inyong kagrupo, kailangan niyong buoin ang
larawan sa loob at pagkatapos ibigay niyo ito
sa inyong dalawang miyembro na siyang
sasagot ng pinal na tanong at ihahanay sa
pisara.
4. Mayroon lamang kayong limang minute. Ang
unang matatapos ang siyang panalo!

Naunawaan ba, klase?


Opo guro!
Sa pagbilang ko ng tatlo! Maari na ninyong simulan!

D. Paglalahad ng Aralin
Estratehiya: Pansinin mo!
Teknik: Mula sa inyong ginawang aktibidad, ano ang
inyong napuno o napansin sa mga larawan at salita?
Guro, ang aming mga nabuong larawan ay mga
larawan ng tao o tauhan sa isang kwento.
Tama! Kunga gayon, ano sa palagay mo ang ating
tatalakayin ngayon?
Guro, sa palagay ko po ang ating tatalakayin sa
araw na ito ay tungkol sa kwento ng tauhan o
kwentong makatauhan.
Napakahusay! Natumbok mo ang ating magiging aralin
sa araw na ito.
Ang ating pag-aaralan ngayon ay ang Kwentong
Makatauhan!

E. Pagtalakay sa Aralin
Estratehiya: Bigyan ng kahulugan
Teknik: Para sa inyo, ano ang kahulugan ng
makatauhan o kwento makatauhan.
Guro, para po sa akin ito po siguro ay pagkatao,
katangian o ugali ng tauhan sa kwento.
Mahusay! Tama ang iyong sinabi Ang kwento
makatauhan ito ay ang pagkatao, katangian o ugali ng
tauhan sa kwento.

Oky! Sabay-sabay niyo ngang basahin ito…


(Babasahin mula sa presentasyon) Kwentong
Makatauhan – ito ay ang pagkatao, hangarin at
kalagayan ng pangunahing tauhan ang siyang
pilulutang sa kwento.
Oky! Sabi diyan pagkatao, hangarin at kalagayan ng
pangunahaing tauhan ang pinalulutang . Ibig sabihin
kung anong klaseng tao ang pangunahing tauhan.
Kung ano nga ba ang kanyan katangian, ano ang
kanyang ugali, nay pinapangrap ba siya sa buhay.

Naunawaan ba klase?
Opo guro.
Ating balikan ang mga larawang nabuo niyo kanina. Ito
ay mga halimbawa ng Kwento makatauhan.

También podría gustarte