Está en la página 1de 8

Ang Alamat ng mga Unang Alitaptap

Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayop daw ay hindi. Ito ay
hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng apoy. Alam mo ba kung bakit
gumagamit ng apoy ang mga alitaptap?
Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga
kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag
natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?
Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi
lamang kung lumipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga
gabing maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo.
Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?
Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita
sila ng isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito.
Mayroon namang nagkubli sa mga talulot.
"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot
na takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?"
"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.
"At saan?" ang tanong ng sampaguita.
"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.
"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita. "Inaano b
akayo ng mga kabag-kabag?"
"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli
kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay."
"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.
"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay
pakaunti nang pakaunti."
"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."
"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.
"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang
tanong ng sampaguita.
"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang
sagot ng isang kulisap.
"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.
"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.
"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko
kayo kung ano and dapat ninyong gawin."
"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.
"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay
magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."
"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.
"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.
Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa
kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang
alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.
Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.
"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."
Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng
apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong "ALITAPTAP."

Halimbawa ng Parabula

Ang Parabula ng Ama, Anak at Kalabaw


Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang ama’y magsasaka
samantalang mabuting may-bahay ang ina. Isang lalake ang anak ng mag-irog na naninirahan
sa bundok. Pitong na taon na ngayon ang kanilang anak.

Nang minsang bumaba sa bukid ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang makatulong
kahit papaano at nang malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang mag-aararo sa
lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang bukid ng ama. Kinakailangang dumaan ng
apat na baryo bago marating ang bukid.

Masayang-masaya ang batang lalake habang tinutulungan ang kanyang ama sa pagtatrabaho
sa bukid. Nanghuhuli rin siya ng maliliit na langgam at ng luntiang tipaklong sa pagkakataong
nag-aararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang pinagmamasdan ang kanyang anak.

Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa dahil sampung
kwadro na ang binungkal nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at niyaya na nga ang anak.

Habang sila’y naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan sila sa isang
baryo. Hapung-hapo ang ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang ipasakay sa kalabaw
sa halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na nakatali sa kalabaw na kinasasakyan ng ama.
Napansin nilang nag-uusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo. Narinig na lamang nila: “Hay
naku, anong klase ama ‘yan? Kabata-bata ng anak inaalila nang ganyan. At siya,
komportableng nakasakay sa kalabaw.”

Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay bumaba na
ito at ibinuhat ang anak pasakay sa kalabaw. Hapung-hapo sa paglalakad ang ama habang
hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na naman sila ng mga komento mula sa mga
tagabaryo. “Ano ba naman iyang batang ‘yan? Nakita na ngang pagud na pagod ang ama sa
pag-aaro nang buong araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. Napakawalang utang
na loob sa amang kumakayod para sa pamilya.” Kaya bago tumungo sa ikatlong baryo ay
ibinaba ng ama ang anak.
Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. Nang maabot ang
ikatlong baryo, nanghina ang mag-ama sa narinig mula sa isang tagaroon: “Katangahan naman
ang ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid na pinanggalin. Pagod pa sa paggawa roon.
Naglakad. Hindi man lamang naisip sakyan ang kalabaw. Ano pa ang silbi nito? Tsik...tsik...”
Sumakay sa kalabaw ang dalawa. Sakay sila ng kalabaw hanggang maabot ang ikaapat at
panghuling baryo.

“Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din ‘yan. Siguro kung
nakapagsasalita lamang ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na ‘yan. Itong mag-
ama, napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa kalagayan ng hayop. Kahit hayop,
napapagod at may pakiramdam din.” Narinig na lamang nilang sabi ng isang lalake habang
lumalagok ng tuba sa tindahang nadaanan.

Nang makarating ng bahay, hindi maintidihan ng babae sa itsura ng kanyang mag-ama.

Pabula

Ang Pagong at ang Kuneho

Isang hapon, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si Pagong sa


kanyang maliliit na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad.
Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho. Sa kagustuhan ni Pagong na patunayang
mali si Kuneho sa kanyang mga paratang, hinamon niya si Kuneho at nagsabing, "Kung gusto
mong subukin ang aking kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan. Maaaring
mabilis ka subalit malakas naman ang aking resistensya," ang hamon ni Pagong.
"Anong paligsahan ang nais mo?" tanong ni Kuneho.
"Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok,"
sagot ni Pagong.
Nagalak si Kuneho sa hamon ni Pagong. Tiwala sa sariling magagapi niya si Pagong sa
paligsahan. Bawat isa sa kanila ay nangumbida ng kanilang mga kaibigan upang saksihan ang
kagila-gilalas na paligsahan.
Kinabukasan, umagang-umaga, marami ang nagsidalo. Dumating ang kalabaw na minsan
na ring nakalaban ni Pagong, ang kabayo, baboy, palaka, bibe, manok, aso, pusa, kambing,
baka, pato, lawin, usa, baboy ramo at marami pang iba. Hindi, magkamayaw ang mga hayop sa
kasiyahan. Noon lang sila makakapanood ng ganoong klaseng labanan.
Ang unggoy ang nagbigay-hudyat ng pasimula ng paligsahan.
Sa pasimula pa lang ay naiwan na nang malayo si Pagong. Halos hindi na makita ni
Kuneho si Pagong dahil sa kalayuan ng kanilang pagitan.
Narating ni Kuneho ang tuktok ng ikalawang bundok. Hindi na niya matanaw si Pagong.
"Ah, mabuti pa ay mamahinga muna ako. Malayo pa naman si pagong. Napakalayo ng
agwat naming dalawa." ang sabi ni Kuneho sa kanyang sarili.
Naupo si Kuneho sa ilalim ng isang puno. Nang dahil sa kapaguran, hindi niya
namalayang siya ay naidlip.
Samantala, si Pagong ay nakarating sa tuktok ng ikalawang bundok nang
magtatanghali. Inabutan pa niya si Kunehong naghihilik. Himbing na himbing si Kuneho. Dala
marahil ng kanyang kapaguran.
Magdadapit-hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok ng ikatlong bundok. Malapit
na siya.
Noon palang nagising si Kuneho. Tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pag-aakalang
nandoon pa rin si Pagong subalit wala pa rin. Sinimulan na niya muling tumakbo. Takbong
walang pahinga. Laking gulat niya ng abutan niya si Pagong sa ituktok ng ikatlong bundok na
namamahinga na. Hiyawan ang lahat ng hayop. Lahat sila ay bumati kay Pagong.
Si Kuneho naman ay hiyang-hiya sa pangyayari. Humingi siya ng paumanhin kay Pagong sa
ginawa niyang pang-iinsulto. Simula noon ay nagging halimbawa na ng mga hayop na hindi
dapat maliitin ang kanilang kapwa.

ARAL:

Mas mainam pa ang lumalakad nang mabagal na sigurado kaysa matulin na kung matinik ay
malalim.

Halimbawa ng Kwentong Bayan

Ang Diwata ng Karagatan

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan
sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda
ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman
ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming
isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala
ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na
isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na
dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng
tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda
ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang
makasisira sa kalikasan.
Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling
dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

Agyu (Epikong Manobo)


Ang pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga Ilianon ay pangongolekta ng sera. Ipinapalit nila
ang sera sa mga Moro, sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng palay, asin at
asukal. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan si Agyu at ang datu ng mga Moro dahil sa
pagkakautang nila ng isang daang tambak ng sera. Upang maiwasan ang madugong labanan, si
Agyu at ang kaniyang pamilya ay umalis sa Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit hindi
hahayaan ng mga Moro na mamuhay sila ng payapa. Sinundan nila ang mga ito upang patayin
siya at ang kanyang pamilya. Lumaban si Agyu at ang kanyang pamilya ng buong tapang at
lumabas na panalo sa laban sa mga Moro. Pagkatapos ng tagumpay ay naisip ni Agyu na lisanin
ang Ilian at pumunta ng Bundok ng Pinamatun. Doon ay nagtayo sila ng mga bahay sa paanan
ng bundok.

Isang araw ay pumunta si Agyu sa bundok ng Sandawa upang manghuli ng baboy ramo.
Umuwi siya na dala ang kanyang huli habang ang kanyang kapatid na lalaki na si Lono at mga
kapatid na babaing sina Yambungan at Ikwagan ay nakahanap ng pulot pukyutan. Hinati nila
ang baboy ramo at pulot pukyutan sa kanila at sa kanilang mga alipin.
Bakit ayaw mong kumuha ng karne at pulot para sa iyo, at sa iyong asawa sa Ayuman,
Banlak? tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki. Ang asawa ni Banlak na si Mungan ay
naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong.

Hindi pumayag si Banlak sa ideya. Nagboluntaryo na lamang si Lona na pumunta sa Ayuman


dala ang karne at pulot para kay Mungan. Nang makarinig siya ng malakas na boses na
nagsasabl kay Mungan na tanggapin na ang imortalidad sa pamamagitan ng pagkain ng mga
diyos.

Nang bumalik si Lono sa Panamutan, sinabi niya kay Agyu at Banlak kung ano ang narinig.
Nais ni Banlak na makita si Mungan ngunit pinigilan sila ni Agyu. Bagkus ay binagtas ni Agyu
ang daan pababa ng Ayuman upang makita si Mungan ngunit huli na ang lahat. Pumunta na si
Mungan sa langit. Ang natira lamang ay isang gintong bahay. At nang bumalik siya sa
Pinamutan, iniwan nilang muli ang lugar at nagpunta sa Tigyangdang. Ngunit hindi nila nakita
ang kapayapaan sa Tigyangdang. Napakaraming kaaway ang nagpapaalis sa kanila sa
Tigyangdang. At kahit anong gawin nila ay hindi nila matalo ang kalaban.

Nang' dumating ang pang-apat na araw ng pakikipaglaban ay lumapit ang kanyang batang
anak na si Tanagyaw.

Payagan mo akong 1umaban, ama, sabi niya.

Ngunit napakabata mo pa, anak, sinabi niya rito.


Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay matalino, ama, pilit ni Tanagyaw.

Humayo ka at nawa ay tulungan. ka ng mga diyos. Ingatan mo ang sarili mo!

At umalis na si Tanagyaw upang pumunta sa labanan. At natalo niya ang mga kalaban.

Nais ng pinuno ng mga kalaban na makasal si Tanagyaw sa anak nitong babae na si Buy-anon
ngunit tumanggi ito dahil napakabata pa nila. Umabot si Tanagyaw sa bayan ng Baklayon at
iniligtas ang bayan laban sa mga kaaway. Pinatay niya si Bagili, ang anak ng pinuno ng mga
kaaway ng Baklayon. Nais ng datu ng Baklayon na ipakasal ang kanyang anak na si Paniguan
kay Tanagyaw ngunit hindi pa ito handa na mag-asawa. At nang bumalik si Tanagyaw sa
Tigyangdang ay nagpunta si Paniguan sa Tigyangdang, nagtungo si Paniguan sa kanya. Sinabi
nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw. Sumang-ayon-si Agyu at ikinasal sina
Tanagyaw at Paniguan.

Sa kabilang dako, hindi tumigil ang pag-atake sa sambahayan ni Agyu. Paminsan-minsan ay


mayroong mga kaaway na umaatake sa mga pamayanan at pinapatay ang mga tao at mga
hayop ni Agyu. Ngunit matanda na upang lumaban si Agyu. Upang kalabanin ang mga kaaway,
nagsuot si Tanagyaw ng baluti na kasing tigas ng metal na sa lakas ay hindi maigalaw ng
hangin. Pagkatapos ay kinalaban niya ang mga kaaway at lumabas na panalo. Ngunit hindi pa
handang sumuko ang mga kalaban. Sinugod ng anak ng datu si Tanagyaw gamit ang ginintuang
espada. Ginamit ni Tanagyaw ang gintong tungkod at nagawang patayin ang anak ng datu at
ang kanyang mga kasama at tumakas sa bundok dahil sa takot.

Napanuto na si Agyu. Nalalaman niya na maghahari na ang kapayapaan sa kanilang kaharian.


Ngayon ay tatamasain na nila ang magandang buhay na mailap sa kanila noong una. Ang ani ay
masagana at ang mga hayop ay dumarami na sa bilang. Isang araw tinawag niya ang anak na
si Tanagyaw.

Ibinibigay ko na sa iyo ang Sunglawon. Ipagtatanggol mo ito at pamahalaan ito ng may


hustisya at pagpapahalaga sa mga tao.

Tutuparin ko po ito sa tulong ng mga diyos, ama sagot ni Tanagyaw.

Sa sumunod na umaga, sina Tanagyaw at Paniguan kasama ang kanilang mga alipin ay
nagsimulang maglakbay patungo sa Sunglawon. Handa na sila upang magsimula ng isang
pamilya.
MAIKLING KWENTO

1. Ang Kuwento ni Mabuti


Nagsimula ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa pananaw
ng isa sa kanyang mga estudyante.

Tinatawag siyang ‘Mabuti’ ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng
kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo’y binudburan rin ng salitang
‘mabuti’ ang mga sinasabi niya.

Isang hapo’y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni
Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo’t ang pagpunta niya
roo’y hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng silid aklatan na iyon
upang umiyak rin.

Kung anong kadahilan ay hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante
kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.

Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si Mabuti sa pagkukuwento ng kaniyang


buhay, maliban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng
kabutihan ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang
ito ang kaniyang buhay.

Wala pang isang taon mula ng siya’y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay
patuloy pa rin ang kaniyang optimismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ng pagniningas
kahit nilulunod na siya ng kalungkutan.
MITOLOHIYA

Ra

Si Ra ang diyos ng araw, na kadalasang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng


diyos ng Ehipto. Lumabas si Ra mula sa kaguluhan sa pasimula ng panahon at
nilikha ang mundo. Bilang isang diyos, si Ra ay namuno rin bilang Pharoah.
Maraming pinuno ng Ehipto ang nag-aangking nagmula sila sa Ra, upang magbigay
ng tiwala sa kanilang upuan sa trono.

Ayon sa gawa-gawa, si Ra ay nagsimulang lumakas sa kanyang mga tungkulin. Ito


ang nagtanong sa kanyang mga tao kung dapat ba siyang maging tagapamahala.
Nang malaman ito ni Ra, ipinadala niya ang kanyang anak na babae, ang 'Eye of
Ra,' upang patayin ang mga nag-aalinlangan sa kanya. Nagpatuloy siya sa pag -
aalsa at ninais si Ra sa mga tao. Siya tricked sa kanya sa pagkuha ng kaya lasing
hindi siya maaaring magpatuloy sa pagpa tay. Pagkatapos nito, umalis si Ra sa
lupa para sa kalangitan.

Ang kathang-isip na ito ay maaaring mabigyang -kahulugan bilang isang pagmuni-


muni sa mga kamalian ng sangkatauhan.

También podría gustarte