Está en la página 1de 2

REPLEKSIBONG SANAYSAY

Ano ang Repleksibong Sanaysay?

 Ito ay Isang pagsasanay sa Pagbubulay-bulay


 Ito ay isang gawaing humamon sa mapanuring Pag-iisip.
 Isang Personal na Sanaysay
 Natutuklasan din dito ang Sariling Pag-iisip,damdamin,o opinyon tunkol sa isang
paksa,pangyayari,o tao at kung paano naapektuhan ng mga ito.
 Hindi katulad ng ibang uri ng sanaysay,hindi limitado ng kumbensiyon ang Repleksibong
Sanaysay kaya naman maraming nasisiyahan sa pagsulat nito.
 Kaiba ito sa iba pang Akademikong Sulatin dahil karaniwan ay hindi na kailangan
sumangguni sa ibang Akda at manghiram ng kaisipan.sa halip,nakabatay ito sa
pagpapahayag ng manunulat ng sarili niyang pananaw batay sa kaniyang karanasan.
 Personal at Subhetibo,kailangang panatilihin ng manunulat ang Akademikong tuno ng
Sanaysay.Mahalaga ding maayos ang organisasyon nito.

Halimbawa ng Repleksibong Sanaysay:


 Journal
 Diary o talaarawan
 Reaksiyong Papel o learning log

Mahalagang Ideya

Ang Repleksibong Sanaysay ay hindi lamang pagsasanay sa pagdidili-dili,kundi sa pagsusuri at


pag-uunawa sa sariling pag-iisip,damdamin o kilos.

Kahalagahan ng Repleksibong Sanaysay

 Lahat ng pagsulat ay proseso ng pagkatoto.


 Nagpapahayag ng damdamin at dito ay may natuktuklasang bago tungkol sa sarili,sa
kapwa at sa kapaligiran
 Proseso ng pagtuklas
 Sapapamagitan din nito,natutukoy natin ang ating mga kalakasan at kahinaan at
nakakaisip tayo ng mga sulosyon sa mga problemang kinahaharap natin.
 Hinahasa rin nito ang kasanayan sa metacognition o ang kakayahang suriin at unawain
ang sariling pag-iisip.sa ibang salita ito ang pag-iisip sa kung ano ang iniisip natin.
 Sa pamamagitan ng metacognition,nalilinang ang mga estratehiyang gagamitin upang
matamo ang mga inilatag na layunin.
 Hindi katulad ng trial- and-error na estratehiya na nagdudulot ng paulit-ulit na
pagkakamali na humahadlang sa pagkamit ng mga layunin.

 Sa Pag-aaral nina Di Stefano,Gino,Pisano,at Staats(2014),magiging mas mabisa ang


pagkatuto mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng Repleksiyon.Pinakita nila
na ang Repleksibong Gawain ay makapangyarihang mekanismo sa pagkatuto.sinang-
ayunan nila ang mga pahayag ng Amerikanong Pilosopo,sikologo,at edukador na si
REPLEKSIBONG SANAYSAY

Jhon Dewey:”hindi tayo natuto sa karanasan…natuto tayo sa pagbubulay sa ating


karanasan.

Pagpapaliwanag

Panuto:Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong.Ibigay ang mga hinihinging sagot
sa mga katanungan.

1. Sa iyong pagkakaintindi ano ang Repleksibong Sanaysay?

2. Ano ang metacognition?ano ang nagagawa nito sa pagsulat ng isang repleksibong


sanaysay?

3. Pumili ng isang halimbawa ng Repleksibong Sanaysay at ipaliwanag kung bakit mo ito


pinili.

Sanggunian:

Aklat

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan:Akademik

Website

https://quizlet.com/218386196/modyul-6-repleksibong-sanaysay-flash-cards/

También podría gustarte