Está en la página 1de 35

Araling Panlipunan 6

Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Aralin 25

I. LAYUNIN:
10.1.1. Natutukoy ang pangyayaring nagbigay daan sa digmaan ng
mga Pilipino laban sa Estados Unidos
10.1.2. Naitatala ang mahahalagang pangyayari sa pakikibaka sa
panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano
10.1.3. Naibibigay ang damdaming Pilipino sa mahahalagang
pangyayari sa pakikibaka sa panahon ng Digmaang Pilipino-
Amerikano

II. NILALAMAN:
Digmaang Pilipino Amerikano
 Balangiga Masaker

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian : AP6PNK-IG-10 Kayamanan I, pahina 192
Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap,
Pahina 184
B. Iba pang kagamitan : activity sheet, laptop, projector,
Powerpoint presentation, mapa

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral
2.1. Ano ang kahalagahan ng pagkatatag ng Kongreso ng
Malolos?
3. Panimulang Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang mahalagang pangyayaring naganap sa
Balangiga Eastern Samar noong Setyembre 28, 1901?
A. ginapi ng mga Amerikano ang tropa ni Heneral
Gregorio Del Pilar
B. nilusob ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang garison
ng Amerikano
C. binomba ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa San
Juan Del Monte
D. inaresto ng mga kawal na Pilipino ang isang pangkat
ng mga inhinyerong Amerikano
2. Sino ang namuno sa paglusob ng mga rebolusyonaryong
Pilipino sa garison ng mga Amerikano sa Balangiga Eastern
Samar?
A. Heneral Antonio Luna
B. Heneral Vicente Lucban
C. Heneral Arthur Mac Arthur
D. Koronel Luciano San Miguel
3. Ano ang ipinakita sa tagumpay ng mga Pilipino sa
pakikipaglaban sa mga Amerikano sa Balangiga Eastern
Samar?
A. pagiging dalubhasa sa pakikipaglaban
B. kagitingan at kahusayan sa pakikipaglaban
C. kagitingan at lubos na pagmamahal sa ating
kalayaan at bayan
D. pagiging mahusay sa pakikipaglaban at
pagmamahal sa bayan
4. Ang labanang Amerikano-Pilipino ay kumalat sa iba’t ibang
pook ng Pilipinas. Naging matindi ang pakakaisa ng mga
Pilipino sa harap ng malakas na kalaban. Nagtagumpay
sila sa paglusob sa garison ng mga Amerikano sa
Balangiga, Eastern Samar kung saan napatay nila ang 48
sundalong Amerikano. Ang pangyayaring ito ay tinawag na
Balangiga Massacre. Anong paglalahat ang isinasaad sa
talata?
A. Matatapang ang mga Pilipino
B. Mahuhusay ang mga Pilipino sa pakikidigma
C. Mahilig ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga
dayuhan
D. Magigiting ang mga Pilipino at lubos ang
pagmamahal sa kalayaan at bayan
5. Bakit sa paningin ng mga Amerikano ang paglusob ng mga
Pilipino sa kanilang garison sa Balangiga, Eastern Samar ay
isang masaker?
A. Dahil nagapi ng mga Pilipino ang mga Amerikano
B. Dahil napatay ng mga Pilipino ang 48 sundalong
Amerikano
C. Dahil nagtagumpay ang mga Pilipino laban sa mga
Amerikano
D. Dahil walang takot na nakipaglaban ang mga Pilipino
sa mga Amerikano

Sagot: 1. B 2. B 3. C 4. D 5. B

B. Pagganyak
Ipakita ang mapa ng Pilipinas.
Ipahanap sa mga bata ang Balangiga, Eastern Samar.
Ano kayang pangyayari ang naganap dito noong panahon ng
Amerikano?
(Itala sa pisara ang sagot ng mga bata)

C. Paglalahad ng Aralin
Sa pamamagitan ng slides ilahad ito sa mga bata.
Ipabasa at ipaunawa ang isinasaad nito.
Ang labanang Amerikano-Pilipino ay kumalat sa iba’t ibang
pook ng Pilipinas. Naging matindi ang pakakaisa ng mga Pilipino sa
harap ng malakas na kalaban. Sa Balangiga Eastern Samar noong
Setyembre 28, 1901 ang mga rebolusyonaryong Pilipino ay
nagtagumpay laban sa Amerikanong mananakop sa pangunguna
ni Heneral Vicente Lucban. Sinuportahan ng taong-bayan ng
Balangiga ang paglusob ng mga rebolusyonaryo sa garison ng
mga Amerikano. Ang tagumpay nila laban sa mga mananakop ay
nagpakita ng kagitingan at lubos nilang pagmamahal sa ating
kalayaan at bayan. Sa paningin na Amerikano ang naganap ay
isang masaker dahil namatay ang 48 sundalong Amerikano. Nang
gumanti ang mga Amerikano, minasaker nila ang mga taga Samar.
Pati batang lalaking may gulang 11 pataas ay kanilang pinatay.
Ito’y lumikha ng malaking eskandalo sa Estados Unidos. Bumagsak
din sa kamay ng mga Amerikano ang Leyte, Samar at Negros.

Kayamanan I, pahina 192


Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap, pahina 184

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan
1. Gawain 1 – Pagtatalakay
 Batay sa binasa ninyong talata, anong pangyayari ang
naganap sa Balangiga Eastern Samar noong panahon ng
mga Amerikano?
 Kalian nilusob ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang garison
ng mga Amerikano sa Balangiga, Eastern Samar?
 Paano ninyo ilalarawan ang labanan ng Amerikano-Pilipino sa
Balangiga, Eastern Samar?
2. Gawain 2 – Pangkatang Gawain

2.1. Pangkat 1 Itala ang mahalagang pangyayari sa Balangiga


Masaker

2.2. Pangkat 2 Panuto: Itala ang mahahalagang pangyayari sa


Balangiga Masaker

BALANGIGA MASAKER
Saan
Kailan
Mga naganap
na pangyayari

2.3. Pangkat 3 Isadula ang mga pangyayari sa Balangiga


Masaker

E. Paglinang sa Kabihasaan
Pag-uulat ng bawat pangkat ng kanilang awput
 Ano ang isa sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa digmaan
ng mga Pilipino at Amerikano?
 Kailan naganap ang Balangiga Masaker?
 Paano ninyo ilalarawan ang pangyayari sa Balangiga Masaker?
 Tama ba ang ginawang pakikipaglaban ng mga Pilipno sa mga
Amerikano? Bakit? Bakit hindi?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.


Kung ikaw ay nabubuhay na noong panahon ng
Digmaang Pilipino-Amerikano at isa ka sa mamamayan ng
Balangiga, Eastern Samar, makikilahok ka ba sa pagkilos ng
taong bayan? Bakit? Ipaliwanag.

G. Paglalahat ng Aralin
 Anong pangyayaring sa Balangiga Earstern samara ng
nagbigay daan sa digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados
Unidos?
 Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa Balangiga
Masaker?

H. Pagtataya ng Aralin
Basahin at unawaing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Kailan nilusob ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang garison ng
mga Amerikano sa Balangiga, Eastern Samar?
A. Setyembre 8, 1901 C. Setyembre 28, 1901
B. Setyembre 18, 1901 D. Disyembre 28, 1901

2. Mahalaga ang ginampanan niya sa Balangiga Maskaer. Siya ang


namuno sa paglusob ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa garison
ng mga Amerikano sa Balangiga Eastern Samar. Sino ang
tinutukoy dito?
A. Heneral Antonio Luna
B. Heneral Vicente Lucban
C. Heneral Arthur Mac Arthur
D. Heneral Gregorio Del Pilar

3. Bakit itinuring na Balangiga Masaker ang labanang Pilipino-


Amerikano sa Eastern Samar?
A. Dahil natalo ng mga Pilipino ang mga Amerikano
B. Dahil napatay ng mga Pilipino ang 48 sundalong
Amerikano
C. Dahil nagtagumpay ang mga Pilipino laban sa mga
Amerikano
D. Dahil buong tapang na nakipaglaban ang mga Pilipino sa
mga Amerikano
4. Paano gumanti ang mga Amerikano sa mga rebolusyunaryong
Pilipino?
A. Binomba nila buong Samar
B. Lumaban sila gamit ang mahuhusay na armas
C. Pinatay ang mga batang babae na may gulang 11
pataas
D. Minasaker nila ang Samar at pinatay ang mga batang
lalaking may gulang 11 pataas
5. Ang labanang Pilipno-Amerikano sa Balangiga Masaker sa Eastern
Samar ay isa sa magigiting na pagkapanalo ng mga Pilipino. Sa
labanang ito, napatay nila ang 48 sundalong Amerikano. Sa
palagay mo, bakit patuloy sa pakikipaglaban ang mga Pilipino
noong panahong iyon?
A. Upang maging bayani
B. Upang ipagtanggol ang kalayaan at bayan
C. Upang maipamalas ang kanilang kagitingan
D. Upang maipakita ang husay sa pakikipaglaban

Sagot: 1. C 2. B 3. B 4. D 5. B
I. Karagdagan Gawain para takdang aralin at remedyasyon
 Ano ang isa pang pangyayari sa Sta Mesa ang nagbigay
daan sa digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados Unidos.

Sanggunian: Pilipinas Bansang Malaya 5, pahina 118-119


Araling Panlipunan 6
Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Aralin 26

I. LAYUNIN:
10.2.1.1. Natatalakay ang mga pangyayari naganap sa Panulukan ng
Silencio at Sociego, Sta. Mesa
10.2.1.2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang kaganapan sa Panulukan
ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa
10.2.1.3. Napahahalagahan ang ginawang pagtatanggol sa bayan ni
Heneral Gregorio Del Pilar.

II. NILALAMAN:
Digmaang Pilipino-Amerikano
 Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa,
Balangiga Massacre

III. KAGAMITAN PANTURO:


A. Sanggunian : AP6PMK-Ig-10, Pilipinas: Bansang Malaya
5, ph. 118-119
B. Iba pang kagamitan : tsart, larawan, laptop

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral
 Paano naiiba ang kilusang Propaganda sa La Liga Filipina?
 Ano ang kahalagahang pangkasaysayan ng mga
pangyayari sa Biak-na-Bato?
3. Panimulang Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot.
1. Ano ang nangyari sa San Juan del Monte noong Pebrero 4,
1899?
A. Pagbaril sa isang sundalong Pilipino habang
tumatawid sa tulay ng San Juan Del Monte.
B. Pakikipagkasundo ng isang sundalong Pilipino habang
tumatawid sa tulay ng San Juan Del Monte.
C. Pakikipagdigma ng mga sundalong Pilipino habang
tumatawid sa tulay ng San Juan Del Monte.
D. Pakikipagkita ng isang sundalong Pilipino sa Amerikano
habang tumatawid sa tulay ng San Juan Del Monte.
2. Sino sa mga sumusunod ang nagpahayag ng simula ng
digmaang Pilipino-Amerikano?
A. Heneral Mac Arthur
B. Heneral Gregorio Del Pilar
C. Heneral Henry Lawton
D. Heneral Vicente Lukban
3. Paano pinamunuan ni Heneral Antonio Luna ang pangkat ng
mga sundalong Pilipino sa pakikipaglaban?
A. May pagsisisi sa pagkatalo sa labanan.
B. Buong tapang na pinamunuan ang sundalong Pilipino.
C. Naduwag dahil mas marami ang sundalong
Amerikano.
D. Natuwa dahil dumating ang mga sundalong
Amerikano.
4. Sino sa mga sumusunod ang nagtanggol sa Pasong Tirad?
A. Heneral Mac Arthur
B. Heneral Gregorio Del Pilar
C. Heneral Henry Lawton
E. Heneral Vicente Lukban
5. Kailan nagwakas ang Unang Republika ng Pilipinas?
A. Abril 16, 1902 C. Abril 26, 1904
B. Abril 16, 1903 D. Abril 26, 1905
Sagot: 1. A 2. A 3. B 4. B 5. A

B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak

https://www.google.com.ph/search?q=gregorio+del+pilar&site
1. Kilala niyo ba siya?
2. Sino-sino pa ang mga kilala ninyong bayani?
3. Paano sila naging bayani?
4. Ano-ano ang nagwa nila sa ating bayan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Digmaang Pilipino-Amerikano

Humantong sa isang digmaan ang hindi pagkakaunawaan


ng mga Pilipino at Amerikano. Nagsimula ito ng barilin ng isang
tanod na Amerikano sa tulay ng San Juan del Monte ang apat na
Pilipinong nagtatangkang tumawid doon noong ika-4 ng Pebrero,
1899. Kinabukasan, ipinahayag ni Heneral Mac Arthur ang simula
ng digmaan nang hindi nasiyasat man lamang ang pangyayari.
Binomba ng mga Amerikano ang mga Pilipinong nakatalaga sa
Hilaga ng San Juan del Monte. Nang umurong ang mga Pilipino sa
Maynila, nilusob naman ng mga Amerikano ang mga lalawigan.
Bagaman kapos sa mga sandata, may mga Pilipinong nagwagi rin
sa pagtatanggol nila sa Luzon. Mga halimbawa nito ang
pagwawagi ng pangkat ni Heneral Gregorio del Pilar sa Franklin
Bell at ang labanan sa San Mateo noong ika-19 ng Setyembre 1899
sa pamumuno ni Heneral Licerio Geronimo na ikinasawi ni Heneral
Henry Lawton. Nagwagi rin ang mga Pilipino sa labanan sa Pulang
Lupa sa Marinduque noong ika-13 ng Setyembre 1900.
Pinamunuan ito ni Koronel Maximo Abad.

Nagpatuloy ang labanan nang sumunod na taon. Sa


Alaminos, Laguna, ilang sundalong Amerikano ang nabihag ng
mga Pilipino noong ika-17 ng Enero 1900. Sa Balangiga, Samar,
winasak ng pangkat ni Heneral Vicente Lukban ang garison ng
mga Amerikano subalit matindi ang naging kapalit nito. Maraming
Pilipino ng bayang ito ang namatay nang dumating ang isang
pangkat ng mga sundalong Amerikano.

Si Heneral Emilio Aguinaldo ang nagpatuloy ng labanan sa


Luzon. Siya ang pumalit kay Heneral Juan Luna bilang pinuno ng
sandatahang lakas. Sa sumunod na labanan, nagtamo ng
pagkatalo ang kanyang mga kawal. Napilitan siyang umurong sa
Hilagang Luzon. Upang hindi agad siya masundan ng mga
Amerikano, magiting na ipinagtanggol ng pangkat ni Heneral del
Pilar ang kanyang daraanan. Sa kasamaang palad, nasawi si
Heneral del Pilar at ang kanyang mga kawal sa Pasong Tirad sa
Ilocos Sur. Isang katutubo ang nagturo sa mga Amerikano ng lihim
na daanan patungo sa kinaroroonan nila. Nakalapit sa kanila ang
mga Amerikano at nagapi sila pagkatapos ng ilang sandaling
palitan ng putok. Dahil sa kagitingan ni Heneral Gregorio del Pilar,
maging ang mga Amerikano ay humanga sa kanya. Tinagurian
siyang Bayani ng Pasong Tirad.
Mahigit ding isang taong nakapagtago sa mga Amerikano
si Aguinaldo. Nahuli siya sa Palanan, Isabela noong ika-23 ng Marso
1901 sa pamumuno ni Col. Frederick Funston. Pagkaraan ng ilang
araw, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos noong ika-19
ng Abril 1901. Sumuko na rin ang kanyang mga kawal. Noong ika-
16 ng Abril 1902, sumuko si Heneral Miguel Malvar sa Lipa,
Batangas. Nahuli naman si Heneral Vicente Lukban sa Samar ng
mga Amerikano noong ika-18 ng Pebrero 1902. Sa Albay, sumuko
si Heneral Simeon Ola noong ika-25 ng Setyembre 1903.

Pilipinas: Bansang Malaya 5, ph. 118-119

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan
1. Gawain 1. Masdan ang larawan at suriin ang ipinahihiwatig nito
hinggil sa pagsisimula ng pananakop ng mga Amerikano sa
Pilipinas. Ano ang iyong naramdaman?

www.los-indios-bravos.com
2. Gawain 2 Pangkatang Gawain
2.1. Pangkat I. Gumawa ng Time line na nagpapakita ng
simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano batay sa talatang
binasa.
Petsa Kaganapan sa Digmaang Pilipino
Amerikano

2.2. Pangkat II. Isalaysay sa pamamagitan ng maikling dula-


dulaan kung paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-
Amerikano.
Rubrics sa Pangkatang Gawain
Kriterya 4 3 2 1
Ipinamalas Ipinamalas Nawawala Hindi
ang ang ang ibang handa sa
kahandaan kahandaan mga linya mga linya
sa mga linya sa mga linya sa eksena ang mga
Kahandaan at alam ang ngunit minsan tauhan
kanilang ay nawawala
katauhan sa sa kanilang
gawain katauhan sa
gawain
Nasasabi Nasasabi ang Nasasabi Hindi
ang mga ilan sa mga ang mga malinaw
Kalinawan linya ng linya ng linya ngunit ang
ng Boses malinaw at malinaw at may pagbigka
malakas malakas kahinaan s ng mga
linya
Napababati Naipababati Hindi Nawawal
d ang tunay d ang malinaw a ang
na nilalaman nilalaman ng na tunay na
Kabuuang
ng istorya sa istorya sa naipabatid nilalaman
eksena
pamamagita pamamagita ang ng istorya
n ng wastong n ng ilang nilalaman
ng istorya
kilos ng mga kilos ng
tauhan tauhan
Masigasig na Masigasig na Nakilahok Walang
nakilahok nakilahok ang buong natapos
ang buong ang buong grupo na
grupo at grupo at ngunit Gawain
Pagtatapos
natapos ang natapos ang hindi ang
sa Takdang
Gawain Gawain sa nakatapos grupo.
Oras
bago takdang oras sa takdang
dumating oras
ang takdang
oras
Kabuuan

2.3. Pangkat III. Gumamit ng graphic organizer, isulat ang


mga bayaning nagpakita ng katapangan sa
pakikipaglaban sa mga Amerikano.

E. Paglinang sa Kabihasaan
1. Paano nagsimula ang pananakop ng mga Amerikano sa
Pilipinas?
2. Ano ang reaksyon dito ng mga Pilipino?
3. Paanong pangyayari ipinamalas ng mga pinunong Pilipino ang
pagtatanggol sa bayan?
4. Bakit bumagsak ang Unang Republika ng Pilipinas?
5. Sino ang kahuli-hulihang Heneral na sumuko sa mga Amerikano?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.


1. Kung ikaw si Heneral Gregorio del Pilar, gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawang pagtatanggol sa bayan? Bakit?
2. Paano mo mapahahalagahan ang mga nagawa ng ating mga
bayani para sa ating bayan?

G. Paglalahat ng Aralin
 Paano sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano?

H. Pagtataya ng Aralin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Kailan bumagsak ang Unang Republika sa kamay ng mga
Amerikano?
A. Abril 16, 1902 C. Abril 26, 1904
B. Abril 16, 1903 D. Abril 26, 1905
2. Paano nakita ng mga Amerikano ang kinaroroonan ng mga
sundalong Pilipino?
A. Ipinagtanggol ng isang katutubo ang mga sundalong
Pilipino.
B. Itinuro ng isang katutubo ang kinaroroonan ng mga
sundalong Pilipino.
C. Itinago ng isang katutubo ang kinaroroonan ng mga
sundalong Pilipino.
D. Itinuro ng isang katutubo ang kinaroroonan ng mga
sundalong Amerikano.
3. Ang pagbaril sa isang sundalong Pilipino habang tumatawid sa
tulay ng San Juan Del Monte noong Pebrero 4, 1899 ang naging
simula ng anong digmaan?
A. Digmaang Pilipino- Indones
B. Digmaang Pilipino- Hapones
C. Digmaang Pilipino-Espanyol
D. Digmaang Pilipino-Amerikano
4. Paano ipinakita ni Heneral Miguel Malvar ang kanyang
katapangan at pagmamahal sa bayan?
A. Nakipagkasundo agad sa mga Amerikano.
B. Kahuli-hulihang sumuko sa mga Amerikano.
C. Nagpakita ng pagkatakot sa mga Amerikano.
D. Iniwan ang mga kasamahang sundalo at ipinagtanggol si
Heneral Emilio Aguinaldo.
5. Napag-aralan mo sa Araling Panlipunan ang mga bayaning
nagbuwis ng buhay para sa bayan. Paano mo pahahalagahan
ang kanilang nagawa sa ating bayan?
A. Hayaan na lamang na ituro sa klase.
B. Ipagmamalaki ito saan man makarating.
C. Babalewalain ang mga pangyayaring bahagi ng
kasaysayan.
D. Hindi papansinin dahil hindi mo naman naranasan ang mga
pangyayari.

Sagot: 1. A 2. B 3. D 4. B 5. B

I. Karagdagan Gawain para takdang aralin at remedyasyon


Ano ano ang mga layunin o motibo ng mga Amerikano sa
pananakop sa Pilipinas. Ilahad ito sa klase sa susunod na araw.

Pilipinas: Bansang Malaya 5, ph. 120


ARALING PANLIPUNAN 6
Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Aralin 27

I. LAYUNIN:
10.2.2.1. Natatalakay ang mga pangyayari naganap noong labanan
sa Tirad Pass
10.2.2.2. Naitatala ang mga pangyayari noong labanan sa Tirad Pass
10.2.2.3. Napahahalagahan ang mahalagang nangyari sa Tirald Pass.

II. NILALAMAN:
Labanan sa Tirad Pass

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian : AP6PMK-Ig-10 p. 58, Yaman ng Lahing
Pilipino 6, p. 105, Ang Pilipinas I p. 171,
Makabayan, Kasaysayang Pilipino 5, p.
131
B. Iba pang kagamitan : laptop, projector, mga larawan, activity
sheets, power point presentation, video
presentation

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral
 Anong pangyayari ang nagsilbing dahilan kung bakit
naganap ang Balangiga Massacre?
 Paano ang ginawang paghihiganti ng mga Amerikano sa
mga Pilipino sa Balangiga, Samar?
3. Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat
ang titik ng wastong sagot.
1. Kaninong plano o istratehiya ang pag-ambush o
pagtambang ng mga Pilipino sa mga Amerikano sa Pasong
Tirad?
A. Antonio Luna C. Gregorio del Pilar
B. Emilio Aguinaldo D. Wala sa nabanggit

2. Anong katangian ang nakita ni del Pilar sa lugar ng Pasong


Tirad kung kaya’t naisip niyang dito gawin ang kanyang naisip
na istratehiyang pagtambang sa mga Amerikano?
A. Makitid at mataas ang lugar kung kaya’t kitang-kita ang
mga kalaban.
B. Matarik at madulas kung kaya’t masasaksihan nila ang
pagdausdos ng mga kalaban.
C. Madawag ang lugar kung kaya’t ito’y angkop na
pagtaguan habang naghihintay sa kalaban.
D. Patag at malinis ang lugar kung kaya’t mabilis nilang
makikita ang pagdating ng kanilang mga kalaban.

3. Noong dumating sa Pasong Tirad ang halos 300 sundalong


Amerikano ay totoong hirap na hirap sila sapagkat mabisa
ang istratehiya at nakikisama ang lokasyon. Sinong lider ang
namuno at nag-isip ng panlabang istratehiya?
A. Heneral Lawton C. Koronel Stotsenburg
B. Heneral Mc Arthur D. Kapitan March

4. Sinasabing sa labanan sa Pasong Tirad ay may “mga


Pilipinong nalahian ni Hudas (nagkanulo kay Kristo)”. Anong
pangyayari ang nagbigay kahulugan dito?
A. Isang Kristiyanong Igorot ang nagturo ng lihim na
lagusan para marating ang Tirad.
B. Isang katutubo ang nagbenta sa Pasong Tirad sa mga
Amerikano kapalit ng mga Pilak.
C. Ipinagkanulo ng isang katutubo na nasa Pasong Tirad
nga ang grupo ni del Pilar.
D. Pasalamatan ang mga Kastila sa kanilang ipinatutupad
sa mga Pilipino.

5. Labis na nalungkot si Pangulong Aguinaldo nang mabalitaan


ang kaugnay ng pangyayari sa Pasong Tirad. Anong sumpa
ang kanyang binitiwan ukol dito?
A. Sumumpa siyang hindi kalilimutan ang mga namatay
niyang kasamahan.
B. Sumumpa siyang mamahalin ang pamilyang naulila ng
mga kasamahan.
C. Sumumpa siyang lalaban sa mga Amerikano hanggang
kamatayan.
D. Sumumpa siyang kakaibiganin ang mga Amerkano.

Sagot: 1. C 2. A 3. D 4. A 5. C

B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak


 Pagpapanood ng maikling video presentation na hango sa
pelikulang El Presidente na nagpapakita ng dahilan kung bakit
nakarating sa Pasong Tirad sina Emilio Aguinaldo.
Sanggunian:https://www.youtube.com/watch?v=jHo-
05wBUck

1. Sino sino ang natatandaan ninyo na mga tauhan ng


pelikula?
2. Ano sa palagay ninyo ibig sabihin ngpelikulang El
Presidente?
C. Paglalahad ng Aralin

https://www.google.com.ph/search?q=tirad+pass+picture
https://www.google.com.ph/search?q=gregorio+del+pilar&site
 Ipalarawan sa mga bata ang Pasong Tirad.
 Ano-ano kaya ang mga naganap sa lugar na ito noong
panahon ng Digmaang Pilipino- Amerikano?

D. Pagtalakay
1. Gawain 1. Pagbasa at pag-unawa sa nilalaman ng talata na may
kinalaman sa paksang-aralin.

Kailangang madakip ang mga pinuno upang


panghinaan ng loob ang mga tauhan nito. Ito ang motibong
pinanindigan ng mga Amerikano.
Buhat sa Bayambang tumungo si Aguinaldo ng Calasiao
at naglakad patungo sa Manaoag noong Nobyembre 13, 1899.
Nagpatuloy siya sa Pozorubio. Hindi siya dapat tumigil.
Masigasig ang mga Amerikano. Sa kabundukan naparaan sila
sa Pasong Tirad, at binagtas ang lambak hanggang
makarating sila sa Palanan, Isabela. Ito ang pook na sa palagay
niya ay ligtas ang Republika.
Ang Pasong Tirad ay mataas at makitid. Angkop na
angkop ang gagawing pagtambang (ambush) kung sakaling
darating ang mga kaaway. Bago pa makaakyat ay makikita
na ng mga Pilipinong sundalo ang mga kalaban. Anupa’t ang
mga namumuno sa 60 sundalo ay si Gregorio del Pilar. Siya ang
nagmungkahi ng istratehiya sa pangulo.
Noong Disyembre 2, 1899 dumating sa Tirad ang halos
300 sundalong Amerikano na pinamumunuan ng lider na si
Kapitan March. Totoong hirap na hirap sila. Mabisa ang
istratehiya, nakikisama ang lokasyon. Malakas ang puwersa,
nag-isip ang mga Amerikano.
Subalit, totoong may mga Pilipinong nalahian ni Hudas
(nagkanulo kay Hesukristo) isang Kristiyanong Igorot na si
Januario Galut ang nagturo ng isang daan patungo sa likod ng
kinaroroonan ng mga Pilipino. Dito napatay si Heneral del Pilar
at ang kanyang mga kasamahan.
Nakarating kay Pangulong Aguinaldo ang balita
kaugnay ng pangyayari sa Tirad. Labis niya itong ikinalungkot.
Isipin na walong tauhan lamang ang nakaligtas. Sumumpa
siyang lalaban sa mga Amerikano hanggang sa kamatayan.
Sanggunian: Ang Pilipinas I, p. 171
Makabayan, Kasaysayang Pilipino 5, p. 131

2. Gawain 2 Pangkatang Gawain


2.1. Pangkat 1
a. Magsagawa ng brainstorming ukol sa mga
pangyayaring naglalarawan sa labanang naganap sa
pagitan ng mga Pilipino-Amerikano sa Pasong Tirad.
b. Magkaroon ng talakayan sa pangkat upang alamin
ang mga paglalarawan ng bawat isa sa naganap na
labanan sa Tirad Pass. Pagsama-samahin at ibuod ang
mga ito upang mabuo ang paglalarawan ng pangkat.

2.2. Pangkat 2
a. Isa-isahin at itala ang mga pangyayari sa labanan sa
Pasong Tirad sa pamamagitan ng timeline.
LABANAN SA PASONG TIRAD

E. Paglinang sa Kabihasaan
Pag-uulat ng bawat pangkat.
 Ano ang motibo ng mga amerikano sa labanan sa Tirad Pass?
 Ano ang dahilan kung bakit dinala ng mga pinuno ng mga
sundalong Pilipino ang labanan sa Pasong Tirad?
 Paano napatay si Heneral Gregorio Del Pilar?
 Saan matatagpuan ang Pasong Tirad?
 Ano ang naging damdamin ng mga Pilipino ng malaman nilang
napatay na ng mga sundalong amerikano si Heneral Gregorio
Del Pilar?

F. Paglalapat
1. Bilang isang bata, paano mo maipakikita ang iyong
pagpapahalaga sa labanan sa Pasong Tamo?
2. Ano ang maghalagang pangyayari sa Pasong Tirad ang
makapagpapatibay mong makipaglaban kung sakaling may
sumakop muli sa ating bansa?

G. Paglalahat ng Aralin
 Ano-ano ang mga mahahalagang pangyayari sa Digmaang
Pilipino-Amerikano na naganap sa Pasong Tirad?

H. Pagtataya ng Aralin
Piliin ang titik ng tamang sagot:
1. Sa labanang Pilipino-Amerikano, bakit nga ba nakarating sa
Pasong Tirad si Aguinaldo?
A. Sapagkat nais ni Aguinaldong magsimula ng isang
bagong pangkat sa Pasong Tirad.
B. Sapagkat nais sakupin ng mga Amerikano ang Pasong
Tirad at nais itong hadlangan ni Aguinaldo.
C. Sapagkat nais ni Aguinaldong sa Pasong Tirad
pansamantalang manirahan kasama ang mga tauhan.
D. Sapagkat ang Pasong Tirad ay isa sa lugar na kanyang
dinaanan upang makatakas sa mga Amerikanong
nagnanais na siya’y dakipin.
2. Sino ang naghain ng plano o istratehiya ng pag-ambush sa mga
Amerikano at siya ring namuno sa 60 sundalo sa labanan sa
Pasong Tirad?
A. Emilio Aguinaldo C. Gregorio del Pilar
B. Antonio Luna D. Wala sa nabanggit
3. Ang pagdating ng 300 sundalong Amerikano, ang mismong
labanan sa Pasong Tirad at ang pagkamatay ni del Pilar ay
naganap sa iisang petsa. Kailan ito?
A. Enero 2, 1899 C. Agosto 2, 1899
B. Abril 2, 1899 D. Disyembre 2, 1899
4. Ipinagkanulo ang mga Pilipino ng kapwa nila Pilipino nang itiuro
nito sa mga Amerikano ang isang daan patungo sa likod ng
Pasong Tirad. Sino ang taong ito?
A. Antonio Luna C. Cecilio Seguismundo
B. Gregorio del Pilar D. Januario Galut
5. Paano nakaapekto kay Aguinaldo ang pangyayari sa Pasong
Tirad kung saan napatay si del Pilar at kanyang mga kasama?
A. Wala itong naging epekto kay Aguinaldo sapagkat siya ay
nanatiling ligtas.
B. Labis na nalungkot si Aguinaldo at sumumpa na
makikipaglaban hanggang kamatayan.
C. Hindi niya ito dinamdam at itinuloy niya ang kanyang
pagtakas at pagtatago sa mga Amerikano.
D. Ikinatuwa niya ito sapagkat kahit papaano ay naging
epektibo ang istratehiya ni del Pilar na ambush sa Tirad.

Sagot: 1. D 2. C 3. D 4. D 5. B

I. Karagdagan Gawain
1. Itala sa journal ang mga mahahalagang pangyayaring
naganap sa Pasong Tirad. Iugnay ang kahalagahan nito sa
kalayaan natin ngayon sa pamamagitan ng isang talata.
2. Magsaliksik at mangalap ng ilang mga datos ukol sa
Kasunduang Bates.

3. Sanggunian: Pilipinas Bansang Papaunlad 6, p. 192-193.


Araling Panlipunan 6
Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Aralin 28

I. LAYUNIN:
10.3.1. Natatalakay ang Kasunduang Bates (1830-1901) at ang motibo
ng pananakop ng Amerikano sa bansa sa panahon ng
paglawak ng kanyang “political empire”
10.3.2. Nakabubuo ng pananaw tungkol sa mga motibo ng pananakop
ng mga Amerikano sa bansa
10.3.3. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa pagkakatatag
ng Kasunduang Bates (1830 -1901).

II. NILALAMAN:
Panghihimasok ng mga Amerikano

III. KAGAMITAN PANTURO:


A. Sanggunian : AP6PMK-1g-10, Pilipinas Bansang
Papaunlad 6 p. 192 -193, Project EASE
Modyul 12 p. 9, Pilipinas Isang Sulyap
at Pagyakap I p. 184
B. Iba pang kagamitan : mga larawan, activity sheets, marker,
rubrics, masking tape, laptop, DLP

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral
a. Ano ang mga pangyayaring naganap sa Pasong Tirad?
b. Ano-ano ang mga pangyayaring nagbunsod upang
maganap ang labanan sa Pasong Tirad?
c. Bakit tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad” si Heneral Gregorio
del Pilar?

3. Panimulang Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon, sagutin at
piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Hindi naging madali sa mga Amerikano na makuha ang
kalooban ng mga Muslim. Ano ang unang paraang ginawa
ng mga Amerikano?
A. Nakipagkasundo sa mga Muslim
B. Pinalaganap ang relihiyong Islam
C. Nagpatayo ng mga industriya sa Sulu
D. Nakipagkaibigan sa mga Pilipinong Muslim
2. Upang maisagawa ng mga Amerikano ang
pakikipagkasundo ay nagpadala sila ng kinatawan sa Sulu.
Sino ang kinatawang ipinadala ng mga Amerikano?
A. Heneral John Bates C. Heneral Henry Lawton
B. Jacob G. Schurman D. Cdre George Dewey
3. Matapos ang pakikipagkaibigan at pakikipag-ugnayan ng
mga Amerikano sa mga pinunong Muslim, ano ang kanilang
nilagdaan?
A. Kasunduang Bates
B. Kasunduan sa Paris
C. Kasunduan sa Biak-na-Bato
D. Kasunduang Pangkapayapaan
4. Sa naganap na paglagda sa kasunduan sa pagitan ng mga
Amerikano at Muslim, ano ang naging bunga o resulta ng
kasunduang ito?
A. Nagtagumpay ang mga Amerikano sa kanilang
hangarin.
B. Naipakita ng mga Muslim ang kanilang
pagkamakabayan.
C. Hindi nagtagumpay ang kasunduang nilagdaan ng
kinatawang Amerikano at Muslim.
D. Naging maunlad ang mga pamayanan sa Mindanao
sa ginawang pagpapaunlad ng mga Amerikano.
5. Sa nagaganap na paglagda sa kasunduan, ano ang
pangunahing layunin ng mga Amerikano sa pagsasagawa ng
kasunduan?
A. Makapagtatag ng Sultanato sa buong kapuluan ng
Pilipinas.
B. Makapagtatag ng kabuhayan ng mga Pilipinong
Muslim sa Mindanao.
C. Magkaroon ng ganap na kapangyarihan sa kapuluan
at mga nasasakupan nito.
D. Makuha ang kalooban ng mga hindi Kristiyanong
Pilipino at maipalaganap ang Protestantismo.
Sagot: 1. D 2. A 3. A 4. C 5.C

B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak

https://i.ytimg.com/vi/G4kv5EHHjx4/hqdefault.jpg
Pagmasdan ang larawan at alamin ang isinasaad nito.
(Ang guro ay magtatanong kaugnay ng isinasaad sa larawan).
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin o Paglalahad ng
Aralin
 Pagpapakita ng mga sumusunod na larawan na ipasusuri sa mga
mag-aaral. Maaaring pagsunud-sunurin ang mga larawan ayon
sa kaganapan sa pamamagitan ng Inquiry-Based Approach.

http://www.filipinoamericanwar.com/stallingmororesistance.htm

http://www.filipinoamericanwar.com/stallingmororesistance.htm
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan
1. Gawain 1 Pagtalakay sa mga sumusunod:
1.1. Mahalaga ba ang paglagda sa isang kasunduan? Bakit?
1.2. Paano mapatutunayan na ang isang kasunduan ay
magiging makabuluhan sa mga sangkot sa paglagda sa
kasunduan?

2. Gawain 2 Pangkatang Gawain

Gumawa ng paraan ang Estados Unidos na makuha


ang kalooban ng mga Pilipinong Muslim sa pamamagitan ng
pakikipagkaibigan. Si Heneral John Bates ay ipinadala sa Sulu
bilang sugo ng Amerika. Nakipag-ugnayan siya kay Sultan
Jamalul Kiram II ng Sulu upang makipagkaibigan sa mga
Muslim.
Naging maayos ang ginawang pakikipag-usap ni Bates
kay Sultan Kiram. Napapayag ang huli na lumagda sa
kasunduan noong Agosto 2, 1899 na tinawag na Kasunduang
Bates. Itinakda ng kasunduang ito ang pagkilala sa
kapangyarihan ng mga Amerikano sa buong kapuluan at
mga nasasakupan nito; hindi pakikialaman o
panghihimasukan ang relihiyon ng mga Muslim; walang
bayad o buwis ang mga kalakal na dala ng sultan at ng
kanyang mga tauhan sa alinmang panig ng kapuluan; at
pagtanggap ng sultan ng kabayarang dolyar bilang
buwanang sahod.
Hindi lubhang nagtagumpay ang Kasunduang Bates
dahilan sa patuloy na pakikipaglaban ng mga Muslim lalo na
sa Lanao noong 1902-1912, nang hindi lahat ng Muslim ay
lubusang naniniwala dito.
2.1. Pangkat I
Kagamitan: activity sheet, marker
Panuto: Sundin at gawin ang mga panutong nakasaad sa
activity card.
a. Basahin at unawaing mabuti ang tekstong nasa loob ng
kahon.
b. Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang paraang ginawa ng mga Amerikano
upang makuha ang kalooban ng mga Pilipinong
Muslim?
2. Sino ang ipinadala sa Sulu bilang sugo ng Amerika?
3. Ano ang tawag sa kasunduang nilagdaan nina
Heneral John Bates at Sultan Jamalul Kiram II?
c. Magtakda ng kasaping mag-uulat sa klase.

2.2. Pangkat II
Kagamitan: activity sheet, marker, metacards, masking
tape
Panuto: Sundin at gawin ang mga panutong nakasaad sa
activity card.
a. Sumangguni sa tekstong nakasulat sa loob ng kahon,
b. Basahin at unawaing mabuti ang konseptong isinasaad
sa mga talata.
c. Itala sa metacards ang mga nakapaloob sa
Kasunduang Bates.
d. Magtakda ng miyembrong mag-uulat sa klase.

2.3. Pangkat III


Kagamitan: activity sheet, rubrics
Panuto: Sundin at gawin ang mga panutong nakasaad sa
activity card.
a. Sumangguni sa tekstong nakasulat sa loob ng kahon.
b. Basahin at unawaing mabuti ang konseptong isinasaad
sa mga talata.
c. Magsagawa ng isang role play na nagpapakita ng
pagsalungat ng mga Pilipinong Muslim sa mga
Amerikano.
d. Gagamit ng Rubrics ang guro.

E. Paglinang sa Kabihasaan
1. Pag-uulat ng mga bata sa kanilang ginawang awtput
2. Pagsagot sa mga tanong:
1. Ano ang paraang ginawa ng mga Amerikano upang makuha
ang kalooban ng mga Pilipinong Muslim?
2. Sino ang ipinadala sa Sulu bilang sugo ng Amerika?
3. Ano ang tawag sa kasunduang nilagdaan nina Heneral John
Bates at Sultan Jamalul Kiram II?
4. Ano ano ang mga probisyong nakapaloob sa Kasunduang
Bates?
5. Ano ang motibo ng mga Amerikano sa ginawang pananakop
na nakasaad sa Kasunduang Bates?
6. Paano ipinakita ng mga Pilipinong Muslim ang pagtutol sa
mga Amerikano?

F. Paglalapat
 Nakabuti ba o hindi nakabuti sa mga Pilipino ang naging motibo
ng mga Amerikano sa pagpapakilala at paglagda sa
Kasunduang Bates? Ipaliwanag ang iyong sagot.
 Kung isa ka sa mga Muslim na nabubuhay noong panahon ng
mga Amerikano, ano ang magiging saloobin mo sa motibo ng
mga Amerikano sa paglalahad o pagpapatupad ng mga
probisyong nakasulat sa Kasunduang Bates?

G. Paglalahat ng Aralin
Ang Kasunduang Bates ay nilagdaan nina Heneral John Bates at
Jamalul Kiram II noong Agosto 2, 1899. Ang ilan sa mga probisyong
nakasaad sa Kasunduang Bates ay ang mga sumusunod:
 Pagkilala sa kapangyarihan ng mga Amerikano sa buong
kapuluan at mga nasasakupan nito.
 Hindi pakikialaman o panghihimasukan ang relihiyon ng mga
Muslim.
 Walang bayad o buwis ang mga kalakal na dala ng sultan at ng
kanyang mga tauhan sa alinmang panig ng kapuluan.
 Pagtanggap ng sultan ng kabayarang dolyar bilang buwanang
sahod.

H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang pakikipagkaibigan ng mga Amerikano ay kanilang ginawa
sa kagustuhang makuha ang kalooban ng mga Pilipino. Bakit ito
ginawa ng mga Amerikano sa mga Muslim?
A. Upang magkaroon ng kapangyarihan sa buong kapuluan
at sa mga nasasakupan nito.
B. Upang panatilihin ang kapayapaan sa buong kapuluan at
sa mga nasasakupan nito.
C. Sa kagustuhan ng mga Amerikano na higit na makilala ang
mga Pilipinong Muslim.
D. Para sa pagpapalawak ng ugnayang pangkabuhayan ng
Pilipinas at Amerika.
2. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Amerikano at Pilipinong
Muslim. Ano ang tawag sa kasunduang namagitan sa kanila?
A. Kasunduang Bates
B. Kasunduan sa Paris
C. Kasunduan sa Biak-na-Bato
D. Kasunduang Moro-Amerikano
3. Kabilang sa probisyon ng kasunduan ang hindi panghihimasok sa
relihiyon ng mga Muslim. Ano ang relihiyon ng mga Muslim?
A. Protestantismo C. Kristiyanismo
B. Iglesia ni Kristo D. Islam
4. Sa kabila ng mga probisyong nakasaad sa Kasunduang Bates ay
hindi ito lubusang nagtagumpay. Ano ang dahilan at hindi ito
lubusang nagtagumpay?
A. Dahil hindi lahat ng mga Muslim ay naniwala sa kasunduan.
B. Sapagkat kakaunti ang probisyong pabor sa mga
Amerikano.
C. Hindi sapat ang kakayahan ng mga Amerikano para
hikayatin ang mga Muslim.
D. Marami sa mga dayuhang Amerikano at mga Pilipinong
Muslim ang hindi nakiisa sa kasunduan.
5. Ang Kasunduang Bates ay nilagdaan ni Heneral John Bates na
isang Amerikano. Sino sa panig ng mga Pilipinong Muslim ang
lumagda sa kasunduang ito?
A. Sultan Kudarat C. Sultan Jamalul Kiram II
B. Sharif Kabungsuan D. Sharif Karim ul-Makdum

Sagot: 1. A 2. A 3. D 4. A 5. C

I. Karagdagan Gawain para takdang aralin at remedyasyon.


Sumulat ng maikling sanaysay na nagsasaad ng iyong sariling
pananaw sa motibo ng mga Amerikano sa paghikayat sa pinunong
Muslim sa ginawang paglagda sa Kasunduang Bates. Ilahad kung
makatarungan ba ang ginawang paglaban o pagsalungat ng mga
Muslim sa kasunduan.

Araling Panlipunan 6
Unang Markahan

I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong sa Lingguhang Pagsusulit

II. Paksang Aralin


LINGGUHANG PAGSUSULIT

III. Pamaraan
A. Pagganyak
B. Pagpapaliwanag ng mga panuto at panuntunan sa pagsusulit
C. Pagbibigay ng pagsusulit
D. Pagsagot ng mga bata sa pagsusulit
E. Pagsubaybay at pagmamasid ng guro sa mga bata habang
nagsusulit
F. Pagwawasto ng pagsusulit
G. Pagtatala ng resulta

También podría gustarte