Está en la página 1de 1

Ang Batik ng Buwan

Bayan ng Bisaya

Mag-asawa ang araw at ang buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang
mga anak at ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng
araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga
anak ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinapanood ang mga
ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang
lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi na ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang
mga anak ngunit hindi niya nakita ang maliliit kaya’t hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak. Sa
gayo’y sinumbatan niya ang asawa. “Niyakap mo sila? Huwag kang magsinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na
nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na
galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagos sa mukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang
mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya hanggang ngayon ay hinahabol parin ng buwan
ang araw.

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng iyong tamang sagot.

1. Saan nagtungo si Buwan, kaya ipinagbilin niya ang mga anak sa kanyang asawa?
a. dagat b. kalawakan c. ilog d. talon
2. Sino ang naging anak ng mag-asawang Araw at Buwan?
a. mga bituin b. mga buhangin c. mga puno d. mga kalawakan
3. Bakit bawal lumapit si Araw sa kanyang mga anak?
a. dahil malilikot ang mga anak niya
b. dahil matutunaw ang mga anak sa labis na init ng araw
c. ayaw ng Araw na mahihirapan ang Buwan
d. sapagkat itatago ng araw ang kanyang mga anak
4. Dumampot siya ng isang dakot ng buhangin. Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita?
a. balde b. sako c. kuyam d. baso
5. Ang mga pangyayari ay nagpapahiwatig ng isang ama na iniisip ang kapakanan maliban sa:
a. Binantayan ng araw ang mga anak
b. Nakadama siya ng pananabik sa mga anak
c. Gusto niyang makipaglaro sa mga anak
d. Niyakap niya ang mga anak kung kaya natunaw ang mga ito
6. Ang tekstong binasa ay isang uri ng panitikan na,
a. maikling kwento b. sanaysay c. parabula d. epiko
7. Bakit nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan?
a. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti
b. Hinagisan ng buhangin ang mukha ni Buwan ng kanyang asawa
c. Nagkaproblema siya dahil nawawala ang mga anak
d. Nagkaroon siya ng problema sa asawa
8. Ano ang aral na mahihinuha sa tekstong binasa?
a. Handang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba
b. Pagmamahal ng ama sa mga anak
c. Pagmamahalan ng mag-asawang araw at buwan
d. Labis na pagmamahal ay minsan nakakasakal
9. Paano ipinakita ni Buwan ang labis niyang galit kay araw?
a. Pinaalis niya sa kanilang tahanan si araw
b. Binunot ang isang punong saging at tinangkang ipukal sa asawa
c. Hinagisan ni Buwan ng buhangin si araw
d. Sinumbatan ni Buwan ang asawa ng ito’y isang sinungaling
10. Alin sa mga pahayag ang nagbabadya ng wakas ng tekstong binasa?
a. Hanggang ngayon hinahanap pa rin ng buwan ang mga bituin
b. Hinabol ng araw ang buwan upang makaganti sa asawa
c. Hinagisan ng buhangin ng Araw si Buwan kaya nagkaroon ng batik ang mukha
d. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

También podría gustarte