Está en la página 1de 4

Alkolohismo

Posistion paper

Pag pakilala sa paksa


Ang alkoholismo ay isang salitang may iba't ibang kahulugan ngunit magkakasalungat na
kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang
kahit anong kalagayang nagresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa kabila
ng mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito sa lipunan. Inilalarawan
ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom
ng alak at iba pang inuming nakalalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito.
Maaari ring banggitin ang alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na
makainom ng alak, at maging sa kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto
ng sobrang pag-inom ng alak.

Sariling pananaw sa isyu


Ano nga ba ang kahulugan ng pag-inom ng alak sa ating mga kabataan? Ayon sa aking mga
naririnig at sa aking mismong karanasan, ito ang ginagawa ng maraming kabataan upang
makalimot sa kanilang problema at upang magkaroon ng lakas ng loob kung sila man ay may
kaaway, o may gustong sabihin sa nililigawan, kaibigan at maging sa kanilang pamilya. Paano
nga ba natin malalaman kung sobra na ba ang alak na iniinom ng isang tao? Bagamat iba’t iba
ang dami ng alak sa kailangan sa iba’t ibang tao upang malasing, maaaring magsilbing gabay
ang sumusunod. Ayon sa mga iba’t ibang himpilan, ay pinakamarami ngunit katanggap-tanggap
parin na pag-inom ay 1-2 bote ng beer kada araw ngunit hindi lalampas ng 7 bote ng beer sa
isang linggo. Sa hard drinks naman gaya ng gin, vodka, rum, o brandy na may 40% alcohol,
hanggang 4 na shot (25 ml x 4 = 100mL) bawat araw ngunit hindi lalampas ng 14 na shot sa
isang linggo.

Mga argumento sa isyu


Ang alkoholismo o ang pag-abuso sa alak ay hindi nalalayo sa paggamit ng droga. Ang pag-
inom ng alak para sa mga taong may kalagayan na konektado sa alkoholismo ay nakakarelax at
nakakawala ng pagkabahala para sa kanila. At ang biglaan namang pagtalikod dito ay
nagbubunga ng mga epektong pisikal at mental para sa iba.

Mga impormasyong sumusuporta sa argumento

Maraming ebidensya o mga argumentong sumusuporta patungkol sa alkoholismo. Ang ilan sa mga ito ay
ang mga sumusunod na pahayag: 1. Umiinom ng alak ang isang tao upang makatulog. 2. Umiinom ng alak
dahil kailangang makalimot sa mga problema. 3. Umiinom ng alak dahil pakiramdam niya ay nauuhaw siya
at kailangan ito ng katawan niya. At marami pang iba.

mga ebidensya para sa mga argumento


Ang mga modernong pananaw ng siyensya ay nagpapakita ng mga ebidensya para sa
matalinong pagdidisenyo mula sa iba’t ibang disiplina, mula sa biology, astronomiya,
pisika at kosmolohiya. Layunin ng artikulong ito na magbigay ng buod ng mga
pangunahing argumentong ito.

Opinyon sa unang punto


Mahirap makakuha ng sapat na mga inpormasyon upang labanan ang alkoholismo. Ito’y
isang sakit na nangangailangan ng ibayong pansin upang magamot. Kapag pumasok na
sa sistema ang adiksyon sa alak at sobrang pag-inom, ang isang tao ay maaaring
dumanas ng maraming hirap at sakit kung ito’y ititigil. Magkakaroon ng mga sintomas
na makapagdudulot ng iba’t ibang pahirap sa isang tao higit lalo kung siya ay matagal
nang gumon sa alcohol. Pero kung ang isang nilalang ay nagnanais na makaalis sa
sitwasyong kinasadlakan, maaari pa ring magbago ang kanyang pananaw.

Mga ebidensiya
Maari namang malimot ang pag iinom ng alak ngunit sa isa-isa lamang hakbang.

Opinyon sa ikalawang punto


Maaaring hindi ka pa nga isang alcoholic. Ngunit makabubuting maging alerto sa
anumang pagbabago at gawan na agad ng solusyon ang maliliit na problema upang
hindi na umabot sa mas malalaking gulo sa hinaharap. Ang labis na pag-inom ng alak
ay maaaring maging sanhi ng mas malalang kondisyon kung hindi maaagapan. Kaya’t
ipinapayong bawasan ang labis na pagkonsumo o tumigil na upang maiwasan ang
anumang malalang pangyayari sa kinabukasan.

Mga ebidensya
Maraming paraan kung paano mababawasan ang labis na pag-inom. Kung nahihirapan
na tumigil ng lubusan, maaaring bawasan na muna ang pag-inom at tumigl na lamang
kapag unti-unting dumating sap unto na mas madali na ang pagtigil. Ang mga taong
nagbabawas ng kanilang kinokonsumong alak ay may pagkakataon upang unti-unti ring
matanggal ang alcohol sa katawan at sistema.

Opinyon sa ikatlong punto


Ang anumang labis ay lubhang nakakasama. Iplano mo ang gagawing pag-inom. Hindi dapat
uminom sa oras na may iniisip na problema o kinakaharap na suliranin upang hindi dumating
sa punto ang pagkawal ng control sa pag-inom. Ang problema o mga problemang iniisip ay
kadalasang nagiging sanhi ng pag-abuso sa alcohol kaya’t ipinapayong uminom sa tamang
panahon at kasiglahan lamang.

mga ebidensya
Huwag makipag-inuman sa taong bantad na ang paglalasing. Ang isang tao na may ganitong habit
ay magiging trigger upang ikaw rin, sa kabila ng mga pagpipigil ay maging ganito ang
makakagawian. Magsama ng kaibigan na may control din at hindi labis ang iniinom upang makaiwas
sa paglalasing.

Konklusyon
Tayong lahat ay may karapatang uminon ng alak ngunit huwag lang mag mamalabis
sapagkat nakakasama rin ito. Kung tayo ay matututo ng pag disiplina sa sarili ay mas
maka bubuting isang baso sa loob ng isang araw ang pag iinom.

Plano ng pag kilos


Maaari akung makisama sa mga proyekto ng Gobyerno upang mag bigay ng mga alam
sa mga taong mahilig uminom. Ngunit maging sa sarili ko ay didisiplinahin ko muna
bago ang sa iba.

Sanggunian
1. Alcohol, Online Etymology Dictionary
2. Jump up↑ Alcoholics Anonymous. The Big Book Self Test. intoaction.us. Kinuha noong 22 Marso
2008.
3. Jump up↑ American Medical Association (26 Agosto 1992). "The definition of alcoholism. The Joint
Committee of the National Council on Alcoholism and Drug Dependence and the American Society of
Addiction Medicine to Study the Definition and Criteria for the Diagnosis of Alcoholism". The Journal of
the American Medical Association, Tomo 268 Blg. 8. Hinango noong 22 Marso 2008.
4. Jump up↑ VandeBos, Gary R. (2007) (sa English). APA Dictionary of Psychology (1st ed. ed.).
Washington, D.C.: American Psychology Association.
5. Jump up↑ OCTOBER 22 DEATHS. todayinsci.com. Kinuha noong 22 Marso 2008.
6. Jump up↑ Fingarette, Herbert. "The Perils of Powell: In Search of a Factual Foundation for the
"Disease Concept of Alcoholism"". In Edith Lisansky Gomberg (sa English). Current Issues in
Alcohol/Drug Studies (1st ed. ed.). Haworth Press. pp. p.1. ISBN 0866569650. Hinango noong 22
Marso 2008.
7. Jump up↑ Gabbard, Glen O. (sa English). Treatments of Psychiatric Disorders (3rd ed. ed.). American
Psychiatric Publications, Inc.. ISBN 0880489103.
8. Jump up↑ Cabinet Office Strategy Unit (United Kingdom). Alcohol misuse: How much does it cost?.
p. p.8. Hinango noong 22 Marso 2008.
9. Jump up↑ Gro Harlem Brundtland (19 Pebrero 2001). "WHO European Ministerial Conference on
Young People and Alcohol". World Health Organization. Hinango noong 22 Marso 2008.
10. ↑ Jump up to:10.0 10.1 Joyce Valbuena (2001). "Alcohol and Media: The Situation in the Philippines". Insitute
of Alcohol Studies.

También podría gustarte