Está en la página 1de 1

“Karunungan Sa Pag-ibig”

Ni Jane Kimverly S. Alaba

Anong klaseng buhay mayroon tayo kung walang “PAG-IBIG”? Walang


pagmamahalan sa bawat isa’t isa. Sadyang nakaklulungkot isipin. Kung kayo
ang tatanungin, napakasarap umibig hindi ba?

Ang pag-ibig ay sentro ng ating pamumuhay. Malaya tayong magmahal,


maging sino man. Pumili ng taong mamahalin ay nagagawa natin. Napakaganda
at napakakulay ng ating mga buhay kung may pagmamahalan. Ang sarap
magmahal. Ang tanong, masarap pa bang mag-mahal kung ang minamahal mo’y
nag mamahal ng iba?

Mas mabuti kung magparaya ka, lalol’t alam mong di siya sasaya. Ang
mga salitang “Masaya Ako At KONTENTO NA KAPAG NAKIKTA KO SIYANG
MASAYA NA” ay madaling sabihin ngunit mahirap tanggapin. Hindi nga sa lahat
ay masarap magmahal. Mayroong mga tao na nagiging tanga dahil sa pag-ibig.
Iyong patuloy pa rin sa pagmamahal sa iba kahit alam nilang wala ng pag-asa
pa. Bakit ang saklap minsan kapag nagmamahal? Kasalanan a ito ni kupido?
Kasalanan ba niya na ang pinana niya para sayo ay iyong taong hindi tama para
ilaan sayo? Kung gano’y kasalanan nga siguro ni Kupido. Pero kung iisipin, hindi
tayo magiging matatag at mag-kakaroon ng kaalaman sa pag-ibig kung walang
pag kakamali hindi ba?

Ang dapat matutunan, huwag matakot magmahal. Walang masama


sa magmahal. Ang masama ay iyong hindi mo kayang tanggapin kung di ka
mahal ng ng taong mahal mo. Dapat marunong kang magparaya at ibigay ang
kaligayahan niya. Ang tunay na nagmamahal. Kasiyan ng kanyang minamahal
ang hangad. Ang nagmamahal ay hindi makasarili. kung kayo man ay nakaranas
ng kabiguan, ituloy lang ang laban sa ngalan ng PAG-IBIG.

También podría gustarte