Está en la página 1de 6

 “Dalawang dekada ka lang mag-aaral.

Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng


kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko
ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.”

“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple
choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan,
kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang
sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang
erasures.”

“Mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong
syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis… kung may pagkukulang sayo ang
magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka,
magpakulay ng buhok sa kili-kili… sa bandang huli, ikaw din ang biktima… rebeldeng
walang napatunayan at bait sa sarili.”

“Iba ang informal gramar sa mali!!!”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga
damo”

“Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil


hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o
suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo,
kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig
e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang
kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at
maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng
mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon,
hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo
nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung
moral lesson?”
“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro
sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi
nagbabasa.”

“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili
mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang
Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko “

 Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. Dahil kahit
ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”

“Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? ‘Wag kang magpakatanga, sa taong
hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan. “

“Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam
mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.”

“Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi ‘yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa ‘pag gusto mo ng
paglaruan. Hindi ‘yan iPod na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi ‘yan Red Horse
na p’wede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi ‘yan
gadget para kolektahin at paglaruan.”

“Wag kang magpadala sa salitang ‘sorry’ at ‘ayokong mawala ka.’ Kung totoo ‘yun, patunayan n’ya.”

” Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sa’yo ay ginagawa din
n’ya sa iba?”

 Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina bubuyog at gagamba, may naipundar din kami
kahit papano. Nasa pagsisikap lang ‘yan ng tao!

Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong
pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa ‘yo sa bisyo.

Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo,
kailangan nakatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED

 Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon… makikita mo ulit ang taong minahal mo pero
hindi na mauulit ang naramdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa na lamang
masayang gunita ngayon, isang bintana sa kahapon, na paminsan-minsan ay gusto mong
masulyapang muli… sabay bulong sa sarili: Sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon para
magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon…

 1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh
meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”- Hahaha Sabi naman ni Juan tamad, “Babalik at babalik
parin ang elevator, kaya mas maganda na maghintay ka nalang”

 “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat
lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw
mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo
mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman
magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-
text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga
taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang
pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang
maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman.
Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal,
maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi
ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na
pinili nya.”
15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na
sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong
tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa
ng wala.”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang
intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo.
Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka
sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng
emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo
ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung
matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa
lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s
either by accident or talagang tanga ka..”

 Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan
na apektado ka ng salita.

“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso… Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang
makinig, marunong kang magmahal…”

 “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan
ang sarili mo.”

3. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-
bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

4. ”Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon.”

5. ”Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba”

6. “Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto,


responsibilidad ko ang buhay ko.”

7. “Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka
man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

8. “Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong


lisanin ang barkong sa tingin mo’y papalubog na. Basta’t wag mo lang hahagisan ng
anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.”
9. “Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi
lahat matibay para sa temptasyon.”

10. “Merong matigas.. merong malambot.. merong tuwid..merong kulot.. merong


buo..merong durog.. at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!”

11. “Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto
mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.”

12. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag
mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng
kasiyahan mo.”

13. “Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti,


hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”

14. “Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo


ang gusto mo, kailangan nkatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED..“

15. “Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”

16. “Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari?
wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang
pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy
mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo
tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero
ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.”

17. ”Tatlong uri ng mamamayan: Ang mahihirap, ang mas mahihirap at ang mga
makapangyarihang oportunistang maylikha sa dalawa.”

18. “Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na
ng sisihan.”

19. “Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?”

20. “Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing 0 to 10% lang


ang ‘character’ sa computation ng grades gayong Character ang humuhulma sa tao,
pamilya, bansa, mundo at kasaysayan?”

21. “Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko
nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.”

22. ”Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog


nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo
kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung
saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

23. “Nalaman kong mali ang laging mamigay ng pad paper sa mga kaklaseng linta na
hindi bumibili ng paper kahit may pambili.”

24. “Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro
nila?”

24. “Minsan kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka.”

25. “Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit
anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para
maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.”

26. “Kahit saang anggulo tingnan, mahirap yatang lunuking ang katwirang “eh ano kung
mabaho tayo, may mas mabaho pa naman sa atin ah!”

27. “Ano ang talino kung walang disiplina?”

28. “Kulang ba tayo sa pagmamalaki? Ito ba ang dahilan kaya pinalitan ng Philipine
Eagle ang maya bilang pambansang ibon? May mali nga ba sa mga simbolo ng ating
kasarinlan at idelohiya?”

29. “Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa
mga damo.”

30. “Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you,
pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

También podría gustarte