Está en la página 1de 1

B2

BARNACHEA, John Rey M. 1/3/2018


11-Newton Tekstong Deskriptibo

Maraming tanyag na siyudad sa bansang Italy. Isa sa mga ito ang Roma. Puno ng
kasaysayan ang lungsod na ito. Kapag binisita ninyo ang Roma, marami kayong makikitang mga
magagandang tanawin.
Malalim ang mitolohiyang pinagmulan ng Roma. Sinasabing natagpuan ito ng kambal na
sina Romulus at Remus noong ika-21 ng Abril, 753 BC. Sinusuportahan nito ang mga
ebidensiyang arkiyolohikal, na nagsasabing may mga komunidad ng mga magsasaka sa lugar na
iyon hindi nalalayo sa petsang isinasaad sa mito. Sa paglaganap ng Simbahang Katolika, ang Roma
ay naging higit na mahalaga sa larangan ng relihiyon at pulitika.
Ang Roma ay isa sa mga lungsod na nanguna sa Renaissance. Ang estilong nabuo noong
panahong ito ay kapansin-pansin sa mga kalsada at mga gusaling binuo noong panahong iyon. Ito
rin ay nakaapekto sa mga obra ng mga pintor at iba pa. Kung bibisitahin ang lungsod, mapapansin
ang mga impluwensiya ng panahong iyon, kagaya ng mga palasyong Baroque, mga obelisk, at iba
pang gusali.
Tanyag din ang Roma sa arkitektura. Ang colosseum ang isa sa sikat na gusaling Roman.
Dati, ito ay isang amphitheatre na nanguna sa pag-unlad ng arkitektura noong 70 AD. Ngayon
ito’y hindi kasingganda ng dati, ngunit ito’y nakamamanghang gusali pa rin.
Ang makabagong Roma ay itinuturing na sentrong kultural ng rehiyon, at itinatanghal ang
sining sa iba’t ibang uri at porma nito. Mayroon ditong lumalagong larangan ng musika,
mapapansin sa mga tanghalang pangkonserto. Ang Roma rin ang naglalabas ng pinakamaraming
pelikula sa buong bansa ng Italy.

También podría gustarte