Está en la página 1de 2

Republika ng Pilipinas }

Lalawigan ng Camarines Sur }


Bayan ng Pili }s.s

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si ARNEL C. AMILANO., Pilipino, may asawa, nasa


hustong gulang, at nakatira at restradong botante ng Barangay La
Purisima Nuevo, Ocampo Camarines Sur, matapos na panumpain
nang naaayon sa batas, ay nagsasabing:

1. Ako ay residente at botante ng Barangay La Purisima Nuevo,


Ocampo, Camarines Sur bilang ako ay nagrehistro doon at may
hawak ng Voter's ID na may bilang VIN-1725-0040A-
EO175ACA10000. Bilang pagpapatotoo nito ay aking inilalakip sa
salaysay na ito ang photocopy ng aking Voter's ID at
minamarkahan bilang Annex "A".

2. Noong ika 18 ng Abril 2016, bandang alas nuwebe (9 o'clock) ng


gabi, habang ako at ang aking kaibigan na si Pedro Belleca Jr. ay
dumadalo sa pangangampanya ng grupo ni Ex-mayor Fidel
Carido sa Barangay Hanawan Ocampo, Camarines Sur, ay nakita
at narinig ko si Punong Barangay Jose V. Dacuya ng Hibago,
Ocampo, Camarines Sur, na hayag-hayagang nakikilahok sa
partidistang pampulitikal na gawain sa pamamagitan ng
pagtatalumpati sa entablado at pag-endorso sa grupo ni Ex-mayor
Fidel Carido sa darating na halalan ng Mayo 9, 2016. Ilan sa mga
sinabi ni PB Dacuya sakanyang talumpating umi-endorso sa mga
kandidato ay ang mga sumusunod:

".........sabi po ngani sako i-aakusar daa po ako, sabi ko mayo


man problema, dai bale ako ma-preso basta sa bilog na taga
Ocampo ta gusto ko pong ma-bago an liderato digdi sa satuyag
banwaan, ibalik ta po si Mayor Carido ta ini sana po an
Mayor na ma-solusyon sa banwaan ta .... sana po iyan
pakiulay ko saindo ibalangibog ta po sa bilog na Ocampo, sa
mga kataid ta, mga pinsan ta na ini pong tigsasabi ko po sa
hampangan nindo......."

(...ang sabi nga po sa akin ay idedemanda daw ako, ang sabi ko naman ay
walang problema, di bale nang ma kulong ako basta sa buong mga taga
Ocampo dahil gusto ko pong mabago ang liderato dito sa ating bayan,
ibalik po natin si Mayor Carido dahil siya lang po ang Mayor na magso-
solusyon sa bayan natin.... sana po ang pakiusap kong ito ay ipamalita po

Page 1 of 2
natin sa buong Ocampo, sa ating mga kapitbahay, mga pinsan natin, ito
pong sinasabi ko sa harapan ninyo...)

"......mayo na po akong ibang apelasyon saindo, na sana sa


maabot na Mayo nuwebe (9) dai ta po pagrilingawan
ining mga yaraon digdi sa inotan ta iyo po an mapadagos
kan progreso kan ocampo asin iyo an may pag-makulog digdi po
sa Ocampo....."

(".... wala po akong ibang apelasyon sainyo, na sana sa darating na


Mayo a nuwebe (9), huwag po nating kalilimutan itong mga taong nasa
unahan ninyo, sapagkat sila po ang magpapatuloy ng progreso ng
Ocampo at sila rin po ang may malasakit dito po sa Ocampo...)

4. Bilang isang nagmamalasakit na mamamayan at botante ng Bayan


ng Ocampo, ay alam ko na ang ginawa at patuloy na ginagawa ni
PB Dacuya na pakikilahok sa partidistang pampulitikal na gawain
sa pamamagitan ng pagtalumpati sa entablado at hayag-hayagang
pag-endorso sa isang kandidato ay ipinagbabawal ng ating mga
batas, ayon na rin sa mga pahayag ng COMELEC at ng mga balita
sa media.

5. Sa pamamagitan nito, isinasagawa ko ang salaysay na ito upang


patotohanan ang mga pangyayaring aking isinaad sa mga naunang
talata, at sa anupamang legal na layuning maaaring pagsilbihan
nito.

SA PAGPAPATOTOO NITO, aking nilalagdaan ang Salaysay


na ito ngayong ika _____ ng Abril 2016, sa ____________________
Republika ng Pilipinas.

ARNEL C. AMILANO
Affiant
Govt issued ID: ___________
Valid Until:_______________

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _______ day of


April 2016 at ____________________, Philippines, affiant having
shown to me his ID and further avowed that the same is his free and
voluntary act and deed.

Page 2 of 2

También podría gustarte