Noong unang panahon, may isang dalagang nangangalang
Andura na isang salamengkera ang nakatira sa isang nayon. Siya ay biniyayaan ng isang diwata ng kapangyarihan dahil sa busilak nitong puso at sa angking kagandahan nito. Parang niyog ito ng puti ang balat nito at may maamong mukha pero siya'y maliit na babae. Ngunit habang tumatagal ay nagagamit na ang kapangyarihan ni Andura sa masamang gawain. Mahilig na siyang mangalikot ng mga bagay na hindi niya pag mamay-ari sapagkat dumidepende siya sa kapangyarihan na mayroon siya. Lagi niyang pinapakialaman ang mga gamit ng kanyang kapatid ngunit kahit siya'y nahuhuli na ito, hindi pa rin naniniwala ang kanilang ina dahil wlang pruweba na ginagawa iyon ni Andura sapagkat dali- dali niyang binubura ang kanyang mga maling ginagawa gamit ang kanyang salamangka. Nagpatuloy parin si Andura sa pangingialam ng mga gamit ng kanyang kapatid at pang- aaway dito. May pangyayari na ginupit niya ang paboritong bestida ng kanyang kapatid dahil siya ay naiingit sa damit nito at mabilis niyang iniwala ang ginamit niyang gunting at tita-tirang tela para hindi malaman ng kanilang ina na siya ang gumawa n'on. Ngunit nakita iyon ng kanyang kapatid kung kaya't nanlilisik na mga matang nakatingin sa kanya habang mapang-uyam naman ng ngiti ang isinukli ni Andura. Hindi lang iyon ang ginawa ni Andura. Habang nagpapahinga sa duyan ang kanyang kapatid, nakita niya ang kuwarto nito na sinisimulan ng lagyan ng mga disenyo at kulay. Naisipan ni Andura na sirain ang ginagawa ng kapatid dahil nagagandahan siya sa gawa nito at siya'y naiingit. Ikinalat niya ang mga pintura sa sahig, dingding at bubong ng kuwarto na naging dahilan ng pagkasira sa gawa ng kapatid, ginamit niya ang kanyang salamangka para dalhin sa kanyang kwarto at kaagad niyang binura ang mga pinturang kumapit sa kanya.
"Anduraaaaaaa!" naiinis na sigaw ng kanyang kapatid.
Mabilis namang siyang umarte at hinarap ang mangiyak- iyak na mukha ng kapatid. "Bakit? Ano nanaman ang ginawa?" inosente niyang tanong. "Bakit mo sinira ang gawa ko? Pinaghirapan ko iyon!" "Bakit mo ba ako pinagbibintangan? May proweba ka ba na ako ang gumawa non ?" "Alam kong ikaw ang may gawa no'n dahil ikaw lang ang may kapangyarihan sa pamilyang ito!" nanlilisik na mga matang tinuro siya nito. "Aba.....Hindi porket may kapangyarihan ako pag bibintangan mo na ako!" "Alam kong ikaw ang may gawa nito, Andura dahil lagi mong binubura ang mga mali mong ginagawa!" Dahil sa kanilang pag-aaway, naulinigan ito ng kanilang ina."Ano ang nangyayari dito?Bakit nag sisigawan kayo?"."Tingnan mo ang ginawa ni Andura sa kwarto ko, Inay. Sinira niya ang disenyo ko para sa akin kwarto." Umiiyak na sabi ng kanyang kapatid ni Andura. "Inay huwag po kayo maniniwala sa kanya. Wala po akong ginagawang masama." Nagmamakaawang sagot ni Andura."Ilang beses na ba itong nangyayari?" Napabuntong hininga ang matandang babae, "Sige kung wala kang ginawa, Andura halika at titingnan ko ang kwarto." Pagkasabi no'n ay kaagad namang binura ang nagkakalat na pintura sa sahig, dingding at bubong sa loob ng kwarto at ibinalik ito sa dating ayos ang gamit ang kaniyang salamangka.
"Wala naman pala eh!" napailing nalang ang matandang
babae "sa susunod, idaan niyo sa maayos na usapan a? Ayoko ng sigawan sa pamamahay ko. "At umalis na ang kanilang ina. "Nakakainis ka, Andura!" Ngumisi lang si Andura." Sana maging bagay ka nalang na maaaring gamitin kapag nagkakamali. Dahil lagi mong binibura at lahat ng maling ginagawa mo! Do'n may pakinabang ka pa. Hindi tulad dito, puro kalokohan ang ginagawa mo! Hindi ka manlang nahiya sa nagbigay ng kapangyarihan mong iyan" Namumula sa galit na umalis ang kapatid ni Andura habang siya'y nagkibit-balikat lamang. Nakita ng diwatang nagbigay kay Andura ng kapangyarihan ang nangyari at narinig din ang sinabi ng kapatid ni Andura. Kaya habang mahimbing natutulog si Andura ay pumunta sa kwarto ng dalagang diwata. "Labis akong nalulungkot sa tinuran mo Andura." Malumanay na sabi ng diwata. "gaya ng sinabi ng iyong kapag simula ngayun, magiging isang bagay kana ginagamit sa pagbura ng mga maling ginagawa. Magiging pakinabang ka na sa mga tao." Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa loob ng kwarto ni Andura. Kinaumagahan, "Andura gising ka na raw sabi ni Inay. Mamamalengke pa tayo." Patuloy parin sa pagkatok ang kapatid ni Andura, Andura!" Pinihit nito ang pintuan at nakita wala doon si Andura. Nakukunot-noong lumapit ito sa higaan ng kapatid."Ano ito?" tanong nito habang hawag hawak ang isang hugis na parisukat at maputing bagay.
"Kay liit at puti naman nito. Parang si Andura." Natatawa
nitong saad pero maya maya'y naunawaan na ito ang nangyari. Naalala niya ang kanyang sinabi bago natapos ang pag aaway nila ni Andura. "H-hindi maaari..." nanlulumong napaupo nalang ito sa sahig habang hawak- hawak ang maliit na bagay. Makalipas ng ilang araw, Inay?" "May gamit ba kayo na nakakabura ng sulat gamit ang lapis? Nag kamali ho kasi ako ng sulat." "Humanap ka ng bagay diyan, anak, pwede mong gamitin may ginagawa pa ako rito." Napabuntong- hininga na lang ito at pinagmasdan ang maling nakasulat sa papel. "Kung naririto lang sana si Andura. Mabubura niya kaagad itong maling nakasulat." Naalala niya ang parisukat at maputing bagay na nakatago sa lalagyan ng kanyang alahas. Kinuha niya ito at pinagmasdan maigi "Ano kaya ang nagagawa nito? Katulad din kaya ito ni Andura?" Kinuha niya ang papel at dahan dahang ikiniskis ang parisukat na bagay dito. Maya maya'y na bura ang maling nakasulat sa papel. "Aba! Parang si Andura lang ito.Nabubura niya ang kamaliang ginawa" Simula sa araw na iyon, dumami ang bagay na iyon sa tulong narin ng salamangka na nagmula kay Andura at napakinabangan na ito ng lahat. Hanggang lumaon at tinawag na itong Andura....andura...andura...andura... pambura...pambura.