Documentos de Académico
Documentos de Profesional
Documentos de Cultura
Minsan nagkaroon ng karamdaman si Aling Rosa, naratay siya sa higaan kaya si Pina ang inutusan
niyang gumawa ng ilang mga gawain sa bahay. Inutusan ni Aling Rosa na magluto ng lugaw si Pina,
sumunod naman si Pina kaya lang sa bawat gawa niya ay palagi niyang tinatanong ang ina sa mga
bagay na kanyang kailangan, tulad ng;
Dahil sa sama ng pakiramdam ng ina ito ay nainis kay Pina dahil sa walang tigil na katatanong sa
kanya, kung kayat naibulalas nito ang mga salitang, Naku! Pina sanay magkaroon ka ng maraming
mata para mahanap at makita mo ang bagay na nais mong makita.
Sumama ang loob ni Pina sa sinabi ng ina sa kanya kaya lumabas ito ng bahay. Sumapit na ang
dilim subalit hindi pa rin umuuwi si Pina, nag-alala ang kanyang ina kaya kahit masama pa ang
pakiramdam ay bumangon at pinagtanong-tanong sa kapit-bahay ang anak subalit hindi niya nakita
ang anak kaya nagpasya na lamang siyang bumalik sa bahay.
Kinabukasan, dahil sa pagmamahal sa anak hinanap ulit niya ang anak na si Pina subalit bigo pa rin
siya. Naupo si Aling Rosa sa harap ng kanilang bahay at tinatanawan ang pagbabalik ng anak nang
bigla niyang makita ang isang halamang kakaiba sa kanyang paningin. Inalagaan niya ito hanggang
sa ito ay magkabunga. Laking gulat na lamang niya ng makita niya na hugis ulo ito na maraming
mata. Inisip ni Aling Rosa ang anak na si Pina at ang huling mga salitang kanyang sinabi sa anak.
Naibulong niya sa sarili na Pina anak ko. Mula noon tinawag niyang Pina ang halaman at sa
kalaunan sa pagsasaling bibig ng pangalang Pina ito ay naging Pinya.