Está en la página 1de 2

Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at nakaharap sa

dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay mga anino ng mga bagay
sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba
upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.

Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang Alegorya ng Kuweba. Ayon
kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng
katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa Mundo ng mga Ideya. Ang mga konsepto ng bagay ay
naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating
pangangatwiran upang silay matuklasan.

Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay Aristotle, ang katotohanan
ay ang karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata, tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa. Ang
mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayoy ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Ang
isip ng tao ay tinagurian ni Aristotle na Tabula Rasa na ang ibig sabihin ay blankong tableta. At bawat
karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa nasabing tableta. Ang kaisipang ito ay
tinawag na empirisismo.

Sa paglipas ng mga taon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Kahit ako
ay palo sa kaisipan ni Aristotle. Ngunit napag-isip-isip ko, bagamat mali si Plato, may binuksan siyang
pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.

Sa tingin koy may punto pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa aninong tinuran ni Plato,
hindi ibig sabihiy hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas makapag-papalaya
na hindi makikita sa hugis. Hindi bat ang batong ating nakikita ay binubuo ng mga atomos na
iminungkahi ng dakilang si Democritus? Hindi bat ang materya ay patuloy na mahiwaga sa atin?
Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa quark ay di pa rin
natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa ating
agham.

Sa ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at itoy buod ng
relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang materya. Alam kong mali ang konsepto ni Plato sa
kanyang rasyunalismo ngunit gusto kong sundan ang kanyang lohika ang pagtuklas sa mas malawak at
makapagpapalayang na realidad.
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang
hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.

Ang punto ng may akda ay nagpapahiwatig siya upang maipakita niya ang isang anyo na dapat nating
mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan
sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na silay gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang
punto niya ay nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso
nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay
nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.

También podría gustarte