Está en la página 1de 1

AlaALA

Muli akong bumalik sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Malaki
na ang pinagbago ng lugar na ito. Ibang iba na ang ayos nito ngayon kumpara
noon. Naaalala ko pa yung sinabi nya sa akin noon, Pag naging tayo na, dito
kita unang ipapasyal. Napangiti na lamang ako ng maalala ko ang lahat ng
yun. Yung mga kalokohan naming dalawa, yung tatakas pa kami para lang
makapunta dito. Lahat ng pinaggagagawa namin noon ay naaalala ko pa.
Alira, tara na. Umuwi na tayo. tawag sa akin ni Tatay. Agad naman akong
pumunta sa kinaroroonan nya. Bago ako sumakay ng kotse muli kong
sinilayan ang lugar na punong puno ng alaala kung saan una kong nakilala
ang una kong naging kaibigan, ang una kong pinakamatalik na kaibigan at
ang unang lalaki kong minahal. Dito kami bumuo ng masasayang alaala at
dito rin sa lugar na ito nangyari ang pinakamasalimuot na pangyayari sa
buhay ko. Napatingin ako sa puno na pinag-ukitan naming ng palayaw
naming noon, Tabachingching love Tabatingting napangiti ako ng maalala
ko yun. Napansin ko na parang may tao sa likod ng puno. Laking gulat ko ng
makita ko sya. Tinitigan ko ng mabuti ang lalaking nakasilay sakin ngayon
nakangiti sya sa akin pero puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Pero
paano? Paano sya nabuhay? Nakita mismo ng dalawang mata ko kung pano
sya paslangin ng walang habas. Nakita rin mismo ng dalawang mata ko kung
paano sya mag-agaw buhay. Pero hindi ako pwedeng magkamali, kilalang
kilala ko sya. Alam kong sya yun, ang lalaking pinakamamahal ko.

También podría gustarte