Está en la página 1de 2

AP Reviewer

Ang Kalagayang Politikal ng mga Bansa Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig

Great Depression kalagayan na humina ang ekonomiya na nagdulot ng malawakang pagkawala ng


trabaho, pagbaba ng produksiyon ng industriya, at paglaganap ng kahirapan

Implasyon pagtaas ng halaga ng bilihin at pagbaba ng halaga ng pera

Kolektibismo sama-samang pag-aari ng lupa at paraan ng produksiyon

Pasismo pamahalaang diktatoryal na ang pangunahing batayan ng kapangyarihan ay ang hukbong


sandatahan

Karl Marx nagturo ng kaisipang komunismo

Vladimir Lenin naging pinuno ng mga komunistang Ruso

USSR Union of Soviet Socialist Republics

Joseph Stalin ipinatupad ang industriyalisasyon ng USSR sa pamamagitan ng Limang Taong Plano

Italy Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakaranas ng taggutom, implasyon, at kawalan ng
trabaho

Benito Mussolini itinatag ang Partido Pasista na nangakong isasaaayos ang ekonomiya ng Italy at
wawakasan ang mga pag-aalsa, ipinag-utos na salakayin ang Ethiopia at ipasailalim ito sa imperyong
Italyano

Republikang Weimar pumalit sa imperyo ng Germany na pinamunuan ni Friedrich Ebert

Nazi National Socialist German Workers Party, itinatag noong panahon ng krisis sa Germany

Adolf Hitler hinirang na tsanselor at tinawag niya ang kanyang sarili bilang Der Fuhrer

Gestapo secret police na may misyong manmanan at kilalanin ang mga kalaban ng pamahalaan

Alfonso XIII nag-alsa ang mga Espanyol laban sa kanya

1932 ipinatupad ang isang batas agraryo na ibinabahagi ang mga lupain sa mahihirap na magsasaka,
binigyan din ng karapatan ang kababaihan na bumoto at tinanggal ang ilang mga pribilehiyo ng
mayayaman

1936 pinangunahan ni Heneral Francisco Franco ang isang pag-aalsa laban sa republika

Heneral Francisco Franco binuo ang hukbong Nacionalista na sinuportahan ng mga korsabatibong
Espanyol.

Loyalista mga kakampi ng republika, binubuo ito ng mga pangkat ng liberal at komunista

America Maraming negosyo at kompanya sa America ang nangailangan ng puhunan kaya nagbenta sila
ng kanilang mga sapi sa stock market.
Franklin D. Roosevelt pangulo ng America noong 1933, ipinatupad ang programang The New Deal

The New Deal layunin ng programang ito na isaayos ang ekonomiya ng America

Britain bumuo ng isang multiparty coalition upang maiwasan ang patuloy na pagbaba ng ekonomiya

Multiparty coalition nagpatupad ng mga patakaran ng pagpataw ng mas mataas na taripa at buwis

France di gaanong naapektuhan ng Great Depression dahil nakasalalay sa agrikultura ang ekonomiya
ng kanilang bansa, ngunit sa kabila nito ay isang milyong Pranses pa rin ang nawalan ng trabaho noong
1935.

Chiang Kai-shek humalili bilang pinuno ng Partido Kuomintang, itinuloy niya ang pakikidigma sa mga
warlord sa hilaga ng China at matagumpay nilang napasuko ang mga ito

Mao Zedong pinamumunuan ang mga komunista patungong hilagang China na tinawag sa kasaysayan
na Long March

Japan isinalakay ang lalawigan ng Manchuria sa hilagang China dahil sa taglay nitong malaking
reserba ng bakal at karbon.

También podría gustarte