Está en la página 1de 35

MAG-AARAL

AKO

Araw ng sabado. Madilim


pa ay gumising na si Hadjie.
Sasama siya sa kanyang ama
patungo sa bukid. Tutulong siya
sa pag-aalis ng damo sa tanim
na palay. Habang daan ay
nagkukuwentuhan ang mag-ama.
Anak, alam mo ba kung bakit
kita isasama sa bukid ngayon?
tanong ng ama. Opo tatay,
tutulungan kita sa gawain mo
wala naman pong pasok
ngayon, wika ni Hadjie. Tama
ka anak para malaman mo kung
paano ko ginagawa at kung
gaano kahirap ang aking gawain
sa bukid.
Sinuway ko ang pangaral ng
aking mga magulang nuon kaya
hindi ako nakapagtapos ng pag-
aaral. Opo tatay alam ko na po
ang ibig mong sabihin. Huwag
po kayong mag-alala magsisikap
po ako upang makapagtapos sa
aking pag-aaral pangako ko po
iyan sa inyo ni inay.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S.
Dinalungan District
1. Sino ang gumising ng maaga?
a. ama
b. Hadjie
c. Ina
2. Saan sila pupunta ng kanyang ama?
a. sa bukid
b. sa dagat
c. palengke
3. Ano ang gagawin nila sa bukid?
a. mag-aani
b. magtatanim
c. aalisin ang damo sa palay
4. Bakit hindi nakatapos sa pag-aaral ang ama ni Hadjie?
a. sinuway niya ang magulang
b. nagkasakit
c. walang pera
5. Ano ang pangako ni Hadjie sa kanyang ama?
a. magpapakabait
b. magtatapos sa pag-aaral
c. magsasaka

TALASALITAAN: sinuway -hindi sinunod


pangaral -payo

KAYAMANAN

Mayaman ka kung marami kang


pera. Tama, wika ni Angelica.
Maaari kang bumili anuman ang
gustuhin mo. Makakapunta ka
saanmang lugar na nanaisin mo
sapagkat mayaman ka.
Depende iyon, sagot naman ni
Zoren. Maaaring maubos o
mawala kaagad kung mali ang
paraan ng paggamit o paggasta.
Samantalang kung tayo ay
makakatapos sa ating pag-aaral,
iyon ay hindi mauubos o
mawawala.
May katwiran ka, sang-ayon
ng iba pa. Ang edukasyon o
pinag-aralan ay isang tunay na
kayamanan.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S.
Dinalungan District

TALASALITAAN: mayaman -sagana


Paggasta -paggamit, paggastos

1. Ano ang maaaring gawin kapag maraming pera?


a. bumili ng lahat ng gusto
b. ilagak sa bangko
c. ipamigay sa tao
2. Bakit maaaring mauubos agad ang kayamanan?
a. kapag mali ang paggasta
b. kapag ipinamigay
c. kapag ibilini ng pagkain
3. Alin ang higit na mas mahalaga ayon kay Zoren?
a.edukasyon
b.kayamanan
c. sasakyan
4. Ano ang meron sayo kapag mayaman ka?
a. pera
b. kaibigan
c. kaaway
5. Paano ang wastong paggasta ng pera?
a. bilhin lamang ang kailangan
b. bilhin ang lahat ng magustuhan
c. ipamigay ang ibang pera

ANG TAHANAN NG ISDA


Pangingisda ang hanapbuhay ng
karamihan sa mga mamamayan dito
sa barangay Dibaraybay. Ang
malawak na karagatan nito ang
pinanggagalingan ng sariwa at
masasarap na isda at iba pang
lamang dagat.
Tatay, bakit po hindi nauubos
ang isda sa dagat kahit po marami
ang nanghuhuli araw-araw? tanong
ni April sa kanyang ama habang nag-
aalis ng huling isda sa kanyang
lambat.
Maganda kasi ang tirahan ng
isda dito sa karagatang malapit sa
atin. Nariyan ang mga gasangan na
nagsisilbi nilang tahanan. Isa pa ay
mahigpit na ipinagbabawal ang
paggamit ng dinamita o lason sa
pangingisda kaya nananatiling
marami ang nahuhuling isda dito.
Kaya po pala hindi nauubos ang
isda dito. Oo anak, sana ay
patuloy na pagyamanin at
pangalagaan ng pamahalaan at kahit
ng mga mangingisda ang karagatan
upang patuloy na may pagkunan ng
ikabubuhay.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S.
Dinalungan District

1. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng tao


sa Dibaraybay?
a. pagsasaka
b. pangingisda
c. pagmimina
2. Saan nanggagaling ang sariwa at
masasarap na isda?
a. sa ilog
b. sa Manila
c. sa dagat
3. Bakit hindi nauubos ang isda sa dagat ng Dibaraybay?
a. maaganda ang tirahan ng isda
b. marami silang mangitlog
c. hindi hinuhuli ang ibang isda
4. Ano ang ipinagbabawal ng pamahalaan sa mga mangingisda?
a. paggamit ng lambat
b. paggamit ng dinamita at lason
c. paggamit ng kuryente
5. Ano ang nagsisilbing tahanan ng mga isda?
a. gasangan
b. buhanginan
c. batuhan

TALASALITAAN: malawak -maluwang


Gasangan -koral
Lambat -panghuli ng isda

BUNGO
Natakot ka ba? Huwag kang
matakot, pangalan iyan ng isang ilog
dito sa bayan ng Dinalungan. Hindi ko
alam kung bakit bungo ang
ipinangalan dito.
Nuong bata pa ako madalas kaming
tumatawid sa ilog patungo sa aming
bukid sa kabilang barangay.
Minsan, at natunghayan ko kung
gaano kalawak at mapaminsala ang ilog
na ito. Katatapos nuon ng malakas na
bagyo. Maraming punongkahoy, niyog
at iba pang panamin ang tinangay ng
napakalakas at rumaragasang tubig
nito. May pangyayari pa na may
naanod at namatay na bata dahil sa
pagtawid nito sapagkat nuon ay wala
pa itong tulay.
Dati maraming hirap at
sakripisyo ang naranasan ng mga tao
dito sapagkat mahirap itong tawirin ng
kahit anumang uri sasakyan. Sa
ngayon ay mayroon na itong mahaba at
matibay na tulay.
Alam mo ba kapag panahon ng tag-init
ay natutuyuan ito ng tubig?
Subalit kapag panahon ng tag-
ulan, sagana at malakas ang malamig
at malinaw na agos nito. Dinarayo ito
ng maraming tao upang maglaba o kaya
naman ay magpiknik. Minsan nga dito
pa idinaos ang pagdiriwang ng Araw
ng mga Guro

By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S.


Dinalungan District

1. Ano ang pangalan ng ilog na tinutukoy sa kwento?


a. Bungo
b. Pasig
c. Cagayan
2. Ano ang tinangay ng malakas na agos ng ilog?
a. punongkahoy ay niyog
b. bato
c.buhangin
3. Bakit mahirap tumawid ang sasakyan sa ilog ng bungo?
a. malakas ang agos nito
b. malalim ang ilog
c. malalaki ang bato
4. Ano ang nangyayari sa ilog kapag panahon ng tag- init?
a. tinutubuan ng damo
b. natutuyo ang tubig
c. tinatapunan ng basura
5. Sa panahon ng tag-ulan ano ang ginagawa ng mga tao sa ilog?
a. naglalambat
b. namimingwit
c. naglalaba at nagpipiknik

TALASALITAAN: idinaos -ginawa


sakripisyo -pagtitiyaga
rumaragasa - -mabilis na pag-agos
mapaminsala -nakakasira

ANG TALON NG BULAWAN


Nakarating ka na ba sa Talon
ng Bulawan? Naku! Dapat
mapuntahan mo na ito sa lalong
madaling panahon. Sayang naman
kung hindi mo mararanasan ang
maligo sa malinaw at kakaibang
lamig ng tubig nito.
Alam mo ba na ito ay kilala na
at dinarayo ng mga tao buhat pa sa
ibat-ibang lugar at bayan ng ating
lalawigan? Nais nilang matunghayan
ang kagandahan ng talon at
maranasan ang maligo dito.
Ang Talon ng Bulawan at
matatagpuan sa kabundukang sakop
ng Barangay Paleg. May layo itong
humigit kumulang na pitong
kilometro mula sa sentro ng bayan
ng Dinalungan. Mararating mo ito sa
pamamagitan ng pagsakay sa
alinmang sasakyang panlupa. Hindi
mahirap marating ang lugar na ito
sapagkat higit pang inayos ang daan
patungo duon upang madaling
marating ng mga turista.
Tunay na maipagmamalaki ang
likas na kagandahan ng talon na ito,
kayat patuloy na pinagyayaman at
inaalagaan upang hindi abusuhin at
putulin ang mga malalaking puno sa
paligid na nagpapanatili ng malinis
at malamig na tubig nito.

By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S.


Dinalungan District

1. Anong Talon ang tinutukoy sa kwento?


a. Pagsangjan
b. Ma. Cristina
c. Bulawan
2. Saan matatgpuan ang talon ng bulawan?
a. Barangay Nipoo
b. Barangay Paleg
c. Barangay Mapalad
3. Gaano ang layo nito mul sa bayan ng Dinalungan?
a. Humigit kumulang 7 kilometro
b Humigit kumulang 8 kilometro
c. Humigit kumulang 10 kilometro
4. Sino ang nagnanais na makarating sa talon?
a. mga turista
b. mangingisda
c. magmimina
5. Ano ang maaaring sakyan sa pagtungo sa talon ng Bulawan?
a. barko
b. traysikel
c. bisekleta
TALASALITAAN: sentro -gitna
matunghayan - makita
turista -dayuhan
Dinarayo -pinupuntahan
Buhat -mula

ANG PUNONG
TALISAY
Hayun! napakataas ng
punong talisay. Bata pa akong
musmos ay natatanaw ko na ang
punong ito ngunit hindi pa
kasinglaki ng sa ngayon.
Dalawang puno ito na
magkatabi, animo ay
guwardiyang nakatunghay sa
mga batang papasok at lalabas
sa tarangkahan ng Mababang
Paaralan ng Dibaraybay.
Madalas akong
nakikipaglaro sa ilalim ng puno
sapagkat malilim at malamig
dito. Madami ng bagyo ang
dumaan subalit heto parin ang
punong talisay matatag na
nakatayo.
Sa ngayon ay nasa ikaapat
na baitang na ako sa paaralan.
Isa na ako sa nagwawalis ng mga
dahon na nalaglag mula sa mga
sanga nito.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S.
Dinalungan District

1. Anong puno ang tinutukoy sa kwento?


a. Nara
b. talisay
c. niyog
2. Ilang puno ng talisay ang makikita sa bakuran ng paaralan?
a. 3
b. 2
c. 1
3. Saan naglalaro ang bata?
a. sa ilalim ng puno
b. sa sanga ng puno
c. sa taas ng puno
4. Bakit sinasabi na matibay ang puno?
a. hindi ito namatay pagkatapos masunog
b. hindi nabuwal pagkatapos ng bagyo
c. hindi nababali ang sanga
5. Saan inihalintulad ang punong talisay?
a. sa guwardiya
b.guro
c. pulis
TALASALITAAN: musmos -bata pa
nakatunghay -nakatingin
tarangkahan -pinto ng bakuran

ANG BATANG SI GLEN


Malikot, pasaway, mahilig magtago
ng tsinelas ng kamag-aral, pumasok at
dili, mapangbuska, pasang-awa kung
susumahin ang grado.
Siya si Glen, ang aking eskwela sa ika-apat
na baitang ang nakatawag ng aking pansin
sa unang taon ng pagtuturo ko sa
Mababang Paaralan ng Dibaraybay.
Hindi ko pa lubos na nakikilala ang
mga mamamayan dito kayat nagtanong-
tanong ako kung sino ang kanyang mga
magulang upang sila ay kausapin. At duon
natuklasan ko na ang tanging nag-aalaga
sa kanilang apat na magkakapatid ay ang
kanilang ama sapagkat ang kanilang ina
ay nasa ibang bansa bilang OFW.
Hindi na ako nagtaka kung bakit
ganun ang asal niya gayunman ay
nakaramdam ako ang habag sa kaniya.
Walang anu-ano may sumigaw na bata,
kulang sa pansin at paglingon ko, si
Glen, nakaakyat sa itaas ng pisara.
Pagtingin ko sa kanya ay dahan-dahan
siyang bumaba at umupo sa isang sulok.
Maraming beses ko siyang kinausap
at pinangaralan.
Lumipas ang maraming taon. Minsan,
habang ako ay naglalakad sa loob ng
pamilihan ng N.E. Baler,
Good morning Mamwika ng tinig mula sa
aking likuran. Si Glen pala at may bitbit
na basket na may lamang groserya.
Kumusta kana? bati ko sa kanya.
Heto po, namimili ng mababaon
patungong lungsod ng Baguio para duon
magreview. Katatapos ko po ng kursong
Criminology, pagpapatuloy niya. Laking
gulat ko ngunit may kahalong tuwa at
paghanga. Nagkuwentuhan kami ng ilang
sandali at bago kami naghiwalay ay sinabi
ko sa kanya.
Good Luck sayo, sana makapasa ka.
Paglabas ko ng pamilihan nakaramdam
ako ang kakaibang tuwa. Sino ang
makakapagsabi na si Glen na isang batang
makulit at pasaway ay naging
matagumpay.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S.
Dinalungan District

1. Sino ang batang pasaway?


a. John
b. Glen
c. Ben
2. Saan naroon ang kanyang nanay?
a. nasa Manila
b. ibang bansa
c. ibang bayan
3. Anong kurso ang natapos ni Glen?
a. Criminology
b. Accountancy
c. Social Works
4. Saan pupunta si Glen para mag review?
a.Manila
b.Baguio
c. Amerika
5. Bakit masasabing kahanga-hanga si Glen?
a. mahusay siyang umawit
b.mabait
c. nakapagtapos siya ng pag-aaral

TALASALITAAN: mapangbuska -magaling manloko


Pasaway -makulit
Asal -ugali
DALAMPASIGAN
Mapalad tayo sa lalawigan ng
Aurora sapagkat mayroon tayong
dalampasigan. Natural na
maputing buhangin, dalisay na
tubig na masarap languyan at
sagana sa sariwa at matatabang
isda ang nahuhuli sa araw-araw.
Hindi lahat ng lugar sa
Pilipinas ay biniyayaan ng
magandang dalampasigan.
Kailangan pa nilang maglakbay
ng malayo at magbayad sa mga
pribadong lugar upang
maranasan mo ang katulad nito.
Bakit marami ang
nabibighani sa kagandahan ng
tabing dagat o dalampasigan?
Kakaiba kasi ang simoy ng
hangin dito. Sariwa at
nakakawala ng mga mabibigat
na alalahanin sa buhay. Lalo na
kapag makikita mo ang mga alon
at kung maglalakad ka sa
buhanginan ng nakatapak o
walang tsinelas.
Tunay na
nakakapagparelaks ng
pakiramdam.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan
District

1. Ano ang dalampasigan?


a. tabing ilog
b. tabing dagat
c. paanan ng bundok
2. Saang lalawigan sagana sa dalampasigan?
a. Aurora
b. Isabela
c. Pangasinan
3. Bakit marami ang nagnanais pumunta sa dalampasigan?
a. upang magrelaks
b. upang magtinda
c. upang kumain
4. Bakit nakakabighani ang tanawin dito?
a. sariwa ang simoy ng hangin
b. madaming artista
c. maraming mabibili
5. Ano ang ginagawa ng ibang mga tao upang maranasan at makakita ang
magagandang dalampasigan?
a. bumibili ng dagat
b. nagbabayad sa pribadong may-ari
c. nagtutungo sa ibang bansa
TALASALITAAN:
natural - tunay
biniyayaan -pinagkalooban

SI GHENAIZA
Nasa ika-apat na baitang na si
Ghenaiza. Maliit na bata ngunit
bibo at aktibo. Kulot ang
katamtamang haba niyang
buhok. Balingkinitan ang
kanyang katawan at higit sa
lahat siya ay maganda at mabait.
Ang batang ito maliit
man ay may katangi-tanging
talento. Mahusay siyang
sumayaw at umawit. Madalas
siyang lumalahok sa mga
patimpalak at tulad ng dapat
asahan siya ay nagwawagi.
Tuwang tuwang sa
kanya ang marami sapagkat
malakas ang kanyang loob at
hindi mahiyain.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan
District

1. Nasa anong baitang si Ghenaiza?


a. ika-apat
b.ika-lima
c. ika-anim
2. Anong talento mayroon siya?
a. sayaw at awit
b. drawing
c. pag-arte
3. Ano ang katangian niya upang maisagawa ng maayos ang kanyang talento?
a. mahusay
b. hindi mahiyain
c. malakas ang boses
4. Sino ang natutuwa sa kanya?
a. nanunuod
b. mga guro
c. kamag-aral
5. Paano niya ipinapakita ang kanyang talento?
a. buong tapang
b. buong husay
c. buong puso

TALASALITAAN: talento- galing


patimpalak- palabas

PALAY
GINTONG BUTIL, ito ang
taguri sa hinog na bunga ng
palay. Mula sa lipak na palad ng
magsasaka na buong sipag at
tiyaga umulan man o umaraw
kailangang alagaan niya ang
tanim na palay.
Si Mang Noli ay isa sa
mga magsasakang ito. Sa araw-
araw na pagpasok ko sa paaralan
ay nadadaanan ko siya sa
kanyang bukid. Matiyaga niyang
inaayos ang mga pilapil ng
kanyang palayan at isa-isang
inaalis ang damong ligaw sa
pagitan ng puno ng palay.
Parang kailan lamang
mula ng itanim ang punla, heto,
may bunga at namimintog na.
Maaliwalas ang nakangiti niyang
mukha sapagkat sa lalong
madaling panahon ay
mamamalas na niya ang gintong
butil sa uhay.

By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan


District

1. Ano ang inutukoy na gintong butil?


a. perlas
b.palay
c. sitaw
2. Sino ang nag-aalaga ng palay?
a. magsasaka
b. mangingisda
c. karpintero
3. Pano inaalagaan ni Mang Noli ang tanim niyang palay?
a. kinukulambuan
b. pinapakain
c. inaalis ang damo
4. Bakit nakangiti si Mang Noli?
a. maganda ang panahon
b. malapit ng mahinog ang bunga ng palay
c. maraming bulaklak
5. Gaano kahalaga ang palay?
a. pagkain ng ibon
b. pagkain ng baka
c. pagkain ng tao

TALASALITAAN:
gintong butil -hinog na bunga ng palay
uhay -tangkay ng palay kung saan naroon ang bunga
mamamalas - makikita
lipak - makapal

TUBIG AY MAHALAGA
Isara ang gripo kapag hindi
ginagamit. Ito ang nakasulat sa
dingding malapit sa gripo. Gaano
ba kahalaga ang tubig, tanong ng
guro sa mga mag-aaral. Inumin po,
sagot ni Angel, ginagamit po sa
paglalaba at paliligo, dagdag naman
ni Lara.
Panlinis po ng mga kagamitan,
dugtong ni Mark Dave. Tama lahat
ang inyong sinabi. Wika ng guro.
Ilan lamang iyan sa napakaraming
pangangailangan sa tubig.
Kayat dapat natin itong
pahalagahan at huwag aaksayahin.
Panatilihing nakasara ang gripo
kapag hindi ginagamit upang sa
gayon ay hindi ito masayang at hindi
lumaki ang babayarang konsumo.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan
District

TALASALITAAN:
Konsumo -nagamit
Aksaya -maling paggamit

1. Ano ang nakasulat sa dingding?


a. bawal magkalat
b. Isara ang gripo kapag hindi ginagamit
c. bawal pumasok dito
2. Alin ang pangunahin at pinakamahalang gamit ng tubig?
a. panlaba
b. panligo
c. inumin
3. Ano ang gagawin sa gripo pagkatapos maghugas ng kamay?
a. sirain
b. isara
c. putulin
4. Paano mo gagamitin ng wasto ang tubig?
a. huwag aksayahin
b. hayaang dumadaloy
c. ibuhos sa kanal
5. Ano ang mangyayari kung hindi tayo magtitipid sa paggamit ng tubig?
a. mauubos ang tubig
b. puputulan ng tubo
c. tataas ang bayarin

SALAMAT INAY
Isang araw ng sabado.
Maagang gumising si April at agad
nitong hinanap ang kanyang ama.
Inay, nasaan po ang Itay tanong
niya sa Ina habang naghahanda ng
almusal.
Umalis na ang iyong ama, nagtungo
siya sa dagat upang maglambat,
sagot ng Ina.
Bakit po napakaagap niya,
madilim pa ang paligid, muli niyang
tanong.
Ganito ang tamang oras ng
paglalambat anak wika ng Inay. Ah,
ganun po ba? Sana po madaming
mahuling isda si Itay para masarap
ang ulam natin.
Oo anak, kailangan din natin na
makapagbenta upang may ipambili
ng pangangailangan mo sa
paaralan.
Salamat po Inay dahil
pinapahalagahan mo ang aking pag-
aaral. Hayaan po ninyo at
magsisikap ako upang makatapos.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan
District

1. Sino ang gumising ng maaga?


a. May
b. April
c. Jane
2. Sino ang kanyang hinanap pagkagising nito?
a. ate
b. kuya
c. tatay
3. Saan nagtungo ang kanyang ama?
a. bukid
b. palengke
c. dagat
4. Ano ang pinapahalagahan ng Ina ni April?
a. edukasyon
b. material ng bagay
c. pagkain
5. Ano ang mangyayari kay April kung hindi siya magsisikap sa pag-aaral?
a. hindi makakatapos
b. magagalit ang nanay
c. magagalit ang guro

IKAW BA AY
MAPAGKAKATIWALAAN?
Araw-araw ay maagang
pumapasok sa paaralan si Jedale.
Nasa ika-apat na Cop ala na siya.
Siya ang nagbubukas ng
kanilang silid aralan bago pa
man dumating ang kanyang
guro. Nagwawalis siya ng sahig
at nag-aayos ng mga upuan at
mesa.
Pagdating ng hapon,
hindi siya uuwi hanggat naroon
pa ang kanyang guro na abala sa
paggagawa ng reports. Hindi
naman nag-aalala ang kanyang
nanay sa pag-uwi nito ng huli
dahil malapit lamang ang
paaralan sa kanilang tahanan.
Lubos na nasisiyahan
ang kanyang guro sapagkat siya
ay mapagkakatiwalaan na sa
mga mumunting gawaing
iniatang sa kanya.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S.
Dinalungan District

TALASALITAAN:
Iniatang -ibinigay
Nasisiyahan -natutuwa

1. Sino ang maagang pumapasok sa paaralan?


a. Jedale
b. Hadjie
c. Airon
2. Ano ang ginagawa niya habang wala pa ang guro?
a. nagsusulat
b. nagwawalis
c. nagdidilig
3. Anong katangian ang taglay ni Jedale?
a. masipag
b. mapagkakatiwalaan
c. mabait
4. Bakit hindi nag-aalala ang nanay ni Jadale kahit huli na itong umuwi?
a. nagpapaalam muna siya
b. malapit ang bahay nila sa paaralan
c. nanatakot siya sa guro
5. Magagawa mo rin ba ang katulad ng ginagawa ni Jedale?
a. opo
b. siguro
c. hindi

ANG PARU-PARO
Palipat-lipat ang paru-paro sa
ibat-ibang bulaklak, animo ay
may hinahanap. Dahan-dahan
akong lumapit habang ito ay
nakadapo sa bulaklak ng cosmos.
Ano ang iyong ginagawa diyan?
tanong ng aking guro na kanina
pa pala nakamasid sa akin.
Nagtataka lamang po ako sa
paru-paro bakit po palipat-lipat
siya sa mga bulaklak. Sagot ko
sa aking guro. Sinisipsip ng
paru-paro ang pulot o 7op al ng
mga bulaklak sapagkat ito ang
nagsisilbi nilang pagkain.
Kaya 7op ala araw-araw kong
napapansin na madaming ibat-
ibang paru-paro na umaaligid sa
mga bulaklak.
By: F.M. Dela Pea 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan
District

1. Saan palipat-lipat ang mga paru-paro?


a. sa dahon
b. bulaklak
c. bunga
2. Bakit palipat-lipat ang paru-paro sa mga bulaklak?
a. may hinahanap
b. nagagandahan sa bulaklak
c. sinisipsip ang nectar ng bulaklak
3. Ano ang nagsisilbing pagkain ng paru-paro?
a. buto ng bulaklak
b. nectar ng bulaklak
c. petal ng bulaklak
4. Maliban sa paru-paro ano pa ang hayop ang sumisipsip ng nectar ng
bulaklak?
a. ibon
b. uod
c. bubuyog
5. Ano sa palagay mo ang lasa ng nectar ng bulaklak?
a. matamis
b. maaasim
c. maalat
TAMA SILA
Araw-araw na lang sinasabi ni
Maam, magbasa, magsulat,
makinig, nakakasawa na
pagdating sa bahay sasabihin
naman ng nanay ko, Reymar,
walang maglalaro, magbasa ka at
gumawa ng assignment mo.
Wala naman ako magawa kundi
sumunod, kunwari nagbabasa ako
pero ang totoo ay binibilang ko lang
ang mga salita sa kwento.
Ganun palagi ang aking
ginagawa hanggang sa magsawa
ang nanay ko bukod pa duon ay
madalas siyang ipinapatawag ng
guro ko sapagkat madalas akong
lumiban sa klase o kaya naman ay
mag-cutting classes. Hanggang sa
tuluyan na akong huminto sa pag-
aaral. Sumasama ako sa aking
barkada kung saan-saan. Nuong
kaya ko ng magtrabaho sumasama
akong magtabas upang kumita.
Natuto rin akong magtapas ng
niyog at kung anu-ano pang gawain
para lamang may paggastos ako.
Ang hirap pala talaga ng ganitong
gawain. Naalala ko tuloy ang sabi
ng Nanay ko nuon, Anak kahit
naglalabada lang ako at si tatay mo
ay karpintero, pipilitin naming na
pag-aralin ka, sana naman ay
magsikap ka para hindi masayang
ang paghihirap namin. Isa pa, para
din sa magandang kinabukasan mo
iyan.
Ang sabi ni Maam nuon,
mag-aral kayong mabuti sapagkat
iyan ay isang yaman na kaylanman
ay hindi mauubos. Iyan ang
magdadala sa inyo sa maginhawang
buhay.
Ngunit, anupa ang magagawa ko
ngayon. Heto, wala ng pagkakataon
pa upang mag-aral. Tama sila, si
Nanay at si Maam.
1. Ano ang sabi ni Maam?
a. magbasa
b. maglaba
c. magluto
2. Ano ang sabi na Nanay?
a. maglaro
b. gumawa ng assignment
c. magdilig
3. Sumunod ba si Reymar sa Nanay?
a. hindi po
b. opo
c. maari
4. Ano ang nagyari sa kanya?
a. nakatapos
b. hindi nakatapos
c. nawala
5. Sino ang tama?
a. si Reymar
b. si Maam at Nanay
c. si ate
Talasalitaan:
Magtapas - magbalat ng niyog

Prepared by: Noted:

FLORENTINA M. DELA PEA DIEGO R. SAMBAS


T-III/TIC Principal-I

Recommending Approval:

Approved:
TERESITA G. EDRADA
PSDS ALBERTO P. SALUDEZ, Ph. D.
Schools Division Superintendent
PAUNANG SALITA
ANG MGA KWENTONG MABABASA DITO AY HANGO SA
TUNAY NA KARANASAN AT PANGYAYARI SA BUHAY NG
ILANG MAG-AARAL, GAYUNDIN ANG MGA LUGAR NA
BINABANGGIT AY BASE SA TOTOONG NATUTUNGHAYAN O
NAKIKITA. ITO AY GINAWA UPANG PUKAWIN ANG ISIP
AT DAMDAMIN NG MAMBABASA.

También podría gustarte