Está en la página 1de 1

AlaALA

Muli akong bumalik sa lugar kung saan kami unang


nagkakilala. Malaki na ang pinagbago ng lugar na ito. Ibang iba na
ang ayos nito ngayon kumpara noon. Naaalala ko pa yung sinabi
nya sa akin noon, Pag naging tayo na, dito kita unang ipapasyal.
Napangiti na lamang ako ng maalala ko ang lahat ng yun. Yung
mga kalokohan naming dalawa, yung tatakas pa kami para lang
makapunta dito. Lahat ng pinaggagagawa namin noon ay naaalala
ko pa. Alira, tara na. Umuwi na tayo. tawag sa akin ni Tatay. Agad
naman akong pumunta sa kinaroroonan nya. Bago ako sumakay
ng kotse muli kong sinilayan ang lugar na punong puno ng alaala
kung saan una kong nakilala ang una kong naging kaibigan, ang
una kong pinakamatalik na kaibigan at ang unang lalaki kong
minahal. Dito kami bumuo ng masasayang alaala at dito rin sa
lugar na ito nangyari ang pinakamasalimuot na pangyayari sa
buhay ko. Napatingin ako sa puno na pinag-ukitan naming ng
palayaw naming noon, Tabachingching love Tabatingting
napangiti ako ng maalala ko yun. Napansin ko na parang may tao
sa likod ng puno. Laking gulat ko ng makita ko sya. Tinitigan ko ng
mabuti ang lalaking nakasilay sakin ngayon nakangiti sya sa akin
pero puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Pero paano?
Paano sya nabuhay? Nakita mismo ng dalawang mata ko kung
pano sya paslangin ng walang habas. Nakita rin mismo ng
dalawang mata ko kung paano sya mag-agaw buhay. Pero hindi
ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko sya. Alam kong sya
yun, ang lalaking pinakamamahal ko.

También podría gustarte