Está en la página 1de 6

Dagat

Ang Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o ng


isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay
(Dead Sea).
Karagatan

Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng


kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng
mga 361 kilometro kwadrado) ang natatakpan ng karagatan.
Ilog

Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa,
isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan,
dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga
karagatan. A
Look

Ang look (Ingles: gulf, bay, harbor, sound, inlet) ay isang baiya na maaaring gamitin bilang
kanlungan ng sasakyang pandagat,katulad ng mga bapor, partikular na kung may malalakas na
mga bagyo. Ito ang tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang tawag sa malalaking look.
Kaugnay nito, tinaguriang kalookan ang pinakapanloob at kurbadang rehiyon ng isang golpo.
Isang halimbawa nito ang look ng Maynila.
Lawa

Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig
ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang
mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.
May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas hidro-elektriko, mga
gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang pagkunan ng tubig.
MGA KILALANG LAWA:
Antarctica - Lawa ng Vostok (subglacial)
Asya - Dagat ng Caspian, ang pinakamalaki sa daigdig.
Australia - Baras-Baras
Europa - Lawa ng Ladoga, sinundan ng Lawa ng Onega, parehong nasa hilagang kanluran ng
Rusya.
Hilagang Amerika - Lawa ng Superior
Timog Amerika - Lawa ng Titicaca.
Bukal

Ang bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang
matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang
tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May
mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.
Kipot

Ang kipot o kakiputan ay Isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo.

Isang halimbawa ang Kipot ng San Bernardino na matatagpuan sa pagitan ng kapuluan ng


samar at sorsogon (bikol).
Talon

Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng
isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may
matitigas na mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.
Tangway

Ang tangway o peninsula ay isang makitid at mahabang anyong lupa na nakaungos sa dagat o
iba pang bahaging tubig. Nagmula ang salitang peninsula sa dalawang salitang Latin na paene
na nangangahulugang halos at insula na ang ibig sabihin ay pulo.

Kabilang sa mga tangway sa Pilipinas ang Bataan Peninsula, Bicol Peninsula at Zamboanga
Peninsula. Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory ay isang lupa na
napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain
(headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang
halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwy.
Sapa

Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init..

También podría gustarte