Está en la página 1de 23

University of the Philippines Manila

The Health Sciences Center


COLLEGE OF NURSING
Sotejo Hall, Pedro Gil St., Ermita, Manila

EVALUATION REPORT
BARANGAY CATMON
SAN JUAN, BATANGAS
Sa pakikipagtulungan ng
Munisipyo ng San Juan, Batangas
sa ilalim ng pamumuno ni Kgg. Romeo A. Manalo
Ang Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dr. Nestor Alidio
Mga kawani ng Barangay Catmon Health Center
na pinangungunahan ni Ms. Christina L. Marasigan,
midwife ng Cluster 2 ng San Juan
Mga mamamayan ng Barangay Catmon
na pinamumunuan ni Kapitan Eulogio Japlit
at ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila, Kolehiyo ng Narsing, Klase ng 2013

Inihanda nina:
Nikki Rose F. Aguilar at Marian Kimberly Claire B. Maniulit

Sa patnubay ni Prof. Cora Anonuevo

NILALAMAN
I. KONTEXTO AT BACKGROUND ....................................................................................................... 3
Community Health and Development Program (CHDP) ..................................................... 3
POKUS NG EBALWASYON/ KEY EVALUATION QUESTIONS................................................. 4
STAKEHOLDER IDENTIFICATION ................................................................................................ 5
II. METHODOLOGY ................................................................................................................................ 6
DESIGN AND RATIONALE ................................................................................................................ 6
RESPONDENTS AND/OR PARTICIPANTS ................................................................................... 7
MEASURES OR INDICATORS........................................................................................................... 8
DATA COLLECTION METHODS ...................................................................................................... 8
III. PAGSUSURI ...................................................................................................................................... 20
LIMITASYON, KALAKASAN AT KAHINAAN NG EBALWASYON...................................... 20
IV. RESULTA NG EBALWASYON ...................................................................................................... 22
DISKUSYON AT REKOMENDASYON ........................................................................................... 22

I. KONTEXTO AT BACKGROUND
COMMUNITY HEALTH AND DEVELOPMENT PROGRAM (CHDP)
Noong taong 2007, nagkaroon ng isang kasunduan ang Unibersidad ng Pilipinas
Manila (UPM) at ang munisipalidad ng San Juan, Batangas ang Community Health and
Development Program (CHDP). Ang probinsiya ng San Juan, Batangas ay napili dahil ito ay
nakapasa sa mga criteria na inilaan ng UP Manila para sa pagpili ng isang komunidad na
siyang magiging kaakibat nito sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan. Ang
mga criteria na ito ay ang sumusunod: (1) Hindi nararating o kakaunti ang tulong na
natatanggap mula sa gobyerno at iba pang ahensya, (2) kakayanan at kagustuhan na
magpatuloy sa mga intern at estudyante, (3) kaayusan at kalagayan ng kapayapaan, (4)
pagkakaroon ng progresibong LGU/MHO.
Layunin ng nasabing kasunduang ito na matulungan ang komunidad ng San Juan na
mapataas ang kanilang kakayahan na pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng Primary Health Care Approach habang natutulungan naman nito ang mga
faculty at mag-aaral ng UP Manila dahil itoy nagsisilbing lugar upang matuto sila at
maisakatuparan ang kanilang mga natutunan na prinsipyo sa community medicine at health
care. Ang sumusunod ay ang Mission and Vision ng San Juan- UP Community Health and
Development Program:
Vision: Ang mga tao ng San Juan at ang academic community ng UP, na nagtataglay
ng mga katangian ng social responsibility, professionalism, compassion, at
nationalism,

ay

aalalay

sa

pag-unlad

ng

munisipalidad

sa

aspektong

sosyoekonomiko, pulitikal, kultural, at pangkapaligiran, upang ito ay maging

nangungunang

sentrong

agrikultural,

komersyal,

at

industriyal,

at

isang

panturistang destinasyon sa timog-silangang bahagi ng Batangas.


Mission: Ang pagtutulungan ng San Juan at UP ay nagtataguyod ng may-pakikibahagi
at nagpapatuloy na pag-unlad sa aspektong sosyoekonomik, pulitikal, at kultural, na
kung saan ay kalusugan ay inilakip, na ginagamit ang Primary Health Care Approach
na tinalakay sa 1978 Alma Ata Conference at ang Interdisciplinary Approach. Ang
programa ay naglalaan din ng mga karanasan sa komunidad na nagpapakita ng
tunay na pagtutulungan sa pagitan ng munisipalidad ng San Juan at UP.
Gabay ng mga layunin ng CHDP na mapabuti ang pamumuhay at kalusugan ng mga
mamamayan ng San Juan, Batangas, at pati na rin ng layunin ng N121.2 Intensive
Community Nursing Experience na mapaghusay at mahasa ang kakayahan ng mga student
nurse sa komunidad, ang mga student nurse ay nagsagawa ng pagsusuri ng komunidad at
paglulunsad ng mga programang pangkalusugan sa Barangay Catmon, San Juan, Batangas.
POKUS NG EBALWASYON/ KEY EVALUATION QUESTIONS
Ang pokus ng ebalwasyon na gagawin sa Barangay ng Catmon ay sesentro sa mga naging
epekto ng mga programa na inilunsad sa probinsiya ng San Juan, Batangas sa mga
nakaraang taon. Ilan sa mga tanong na nais sagutin ng evaluation report na ito ay ang mga
sumusunod:
1. Anu-ano ang mga programang naipatupad sa barangay Catmon?
2. Anu-ano ang mga papel na ginampanan ng local na pamahalaan sa mga inilunsad na
programang ito?

3. Ano ang naging partisipasyon o pagtanggap ng mga mamamayan sa mga programang


nailunsad?
4. Ano ang mga rekomendasyon ng mga mamamayan upang mas mapaunlad pa ang mga
programang ito.
STAKEHOLDER IDENTIFICATION
Ang mga napiling stakeholders na pagkukunan ng impormasyon ay mga
sumusunod. Ang punong barangay ng Barangay Catmon, ang rural health midwife ng Brgy.
Catmon, mga barangay health workers at maging ang mga mamamayan ng barangay.
Ang punong barangay ng Catmon na si Kgg. Eulogio Japlit ang isa sa
pinakamahalagang pagmumulan ng impormasyon tungkol sa mga naisagawang
ebalwasyon ng mga naisagawang programang pangkalusugan sa nakalipas na panahon. Isa
sa papel na ginagampanan niya sa aspeto ng kalusugan sa komunidad ay ang pnag-aapruba
ng mga pinaplanong programa sa barangay. Dahil dito, isa siya sa mga pangunahing
makapagbibigay ng paglalagom sa mga nakalipas na aktibidades na ito.
Ang rural health midwife na si Gng. Cristina Marasigan ay isa rin sa mga natukoy na
stakeholder. Ang rural health midwife ay ang pangunahing pinuno sa barangay Catmon
pagdating sa kalusugan ng mga mamamayan nito. Siya ay dumadalaw tuwing Huwebes sa
barangay Health center kung saan nagpapatingin sa kanya ang lahat ng mamamayang
nangangailangan ng tulong o payo tungkol sa kanilang karamdaman. Bukod pa dito, ang
midwife na si Gng. Marasigan ang siyang nagtatala sa case registries logbook ng bilang ng
mga taong nagpapakonsulta sa health center, kabilang na ang edad at ang uri ng
karamdamang ipinapatingin sa kanya.

Ang mga barangay health workers din ay maituturing na stakeholders. Ang mga
barangay health worker ay isa rin sa mga mamamayan ng barangay. Bunga nito, mas
mahaba ang nagiging interaksyon nila sa bawat mamamayan ng barangay. Ang bawat BHW
din ay mayroong kanya-kanyang sakop na bahay sa komunidad kung kayat natututukan,
namomonitor ang progreso ng kalagayang pangkalusugan ng mga mamamayan na sakop
nila at naibabalita nila ito sa rural health midwife.
Ang mga mamamayan din ay napiling stakeholder sapagkat sila ang mga
nakakaranas ng mga programang isinasagawa sa barangay. Ang rekomendasyon at
ebalwasyon na maibabahagi nila ay mahalaga upang matukoy ang mga aspeto na maari
pang mapaunlad ng mga susunod na magpapatakbo sa programa. Bukod pa rito, ang antas
ng kaalaman nila sa pagkakaroon ng mga kasalukuyang ipinatuupad na programa ay
makatutulong sa paglalagom ng uri ng pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa nasabing
programa sa barangay.

II. METHODOLOGY
DESIGN AND RATIONALE
Sa pagsasagawa ng ebalwasyon sa komunidad na ito, gumamit ang mga
estudyanteng nars ng mga pamamaraang kagaya ng review of records, key informant
interview at focused group discussion.
Pinakamainam na gamitin ang key informant interview sa pagkuha ng mga
kinakailangang ispesipikong impormasyon sa mga katauhan na mas o pinakanakaalam
katulad ng mga may katungkulang punong barangay at ng local na midwife. Ito ang napiling
pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon dahil sila ang mga lider ng pamayanan na may

malaking papel na ginagampanan hindi lamang sa pagsasagawa ng mga programang may


kinalaman sa kalusugan kundi pati na rin sa pagpapanatili ng mga ito.
Sa kabilang banda, ang paggamit naman ng focused group discussion bilang uri ng
pagkuha ng impormasyon sa mga pangkat na gaya ng barangay health workers at ng mga
mamamayang mayroong altapresyon ang itinuring na pinakamainam na paraan sapagkat
matatalakay sa ganitong uri ng diskusyon ang mga karaniwang karanasan, suliranin at
solusyon ng mga miyembro ng bawat grupo. Bukod dito, ang focused group discussion ay
isang paraan upang magkaroon ng ebalwasyon kung naging matagumpay ba ang
programang naisagawa sa barangay.
Nagsagawa rin ng interview ng mga piling mamamayan sa barangay. Mahalagang
magsagawa ng panayam sa mga piling mamamayan upang malaman ang kaalaman ng
mamamayan sa kalusugan ng barangay. Bukod pa dito, mahalaga rin na malaman ang layo
ng naabot impormasyon. Kinapanayam ang mga piling mamamayan ukol sa kanilang mga
kaalaman ukol sa kasalukuyang suliraning pangkalusugan ng barangay at sa mga
ipinatatakbong programa sa barangay.
Kabilang sa mga naisamang dokumento na ginawan ng review ay ang mga
nakaraang pagsusuring pangkomunidad na ginawa nina Amoranto, Bangloy at Cadelina
(2010) at ang accomplishment report nina Cabading, Co at Ellano (2010).
RESPONDENTS AND/OR PARTICIPANTS
Ang mga piniling kasapi sa ebalwasyon na gagawin ay ang 21 na local na barangay
health workers (BHWs), ang punong-barangay na si Kgg. Eulogio Japlit, at maging ang mga
mamamayan ng Barangay Catmon.

MEASURES OR INDICATORS
Ang mga measures o indicators na ginamit para sa ebalwasyong ito ay ang mga sumusunod:
mga gawaing naisakatuparan, mga naging gastusin sa pagsasakatuparan ng mga programa,
publicity o layo ng naabot ng promosyon sa mga naisagawang programa, partisipasyon
hindi lang mula sa mga mamamayan kundi pati na rin mula sa panig ng mga stakeholders,
pagkakuntento ng mga mamamayan sa naging programa, at maging ang mga grupo na
nabuo mula sa mga naging programa.

DATA COLLECTION METHODS


Sa pagsusuri ng mga naging programa na nailunsad sa barangay, ang uri ng pangangalap ng
mga datos na ginamit ay ang focused group discussions at key informant interviews. Para
sa mga barangay health worker na binubuo ng lagpas 20 na tao, nagsagawa ng 2
magkaibang sesyon ng focused group discussion upang mas matalakay ang mga suliranin,
kalakasan at kahinaan ng bawat programang naisapatupad sa barangay.
Samantala, ukol sa mga key informant interview, ipinaiskeydyul ng mga estudyanteng nars
para sa mga kakapanayamin nila.

DATA PROCESSING PROCEDURES


Paglalagom Ng Mga Naisagawang Programa Sa Barangay Catmon
Taon
Pamagat ng Programa
Paglalarawan

2010
Bata ay Palusugin, Kaalaman ay Pagyamanin
Ito ay isang health fair kung saan mayroong mga estasyon upang matuto ang mga mag-aaral ng
elementarya ng Catmon

PANGKALAHATANG
LAYUNIN

SHORT TERM OUTCOME OBJECTIVES AND OUTPUTS AND


INDICATORS
INDICATORS

Pababain ang pag-iral ng


parasitismo,
malnutrisyon, ubo, sipon,
lagnat sa mga bata edad
5-10
ng
Barangay
Catmon

1. Palakasin ang kamalayan ng kabataan


tungkol sa parasitismo, malnutrisyon, ubo,
sipon, lagnat at kalinisan ng katawan
Indicators:
Parasitismo
Pagbabago sa proporsyon ng mga bata
edad 0-12 na hindi nagsasagawa ng mga
gawaing pang-kalinisan
Pagbabago sa proporsyon ng mga
kabahayan na kumukuha ng inuming tubig
mula sa poso
Pagbabago sa estado ng kalinisan ng mga
kapaligiran sa komunidad
Pagbabago sa proporsyon ng mga bata
edad 0-12 na nakakatanggap ng deworming
2. Pataasin ang kaalaman ng kabataan
tungkol sa parasitismo, malnutrisyon, ubo,
sipon, lagnat at kalinisan ng katawan

ACTIVITIES
AND MGA PUNA
PROCESS
EVALUATION
INDICATORS
Nagpaskil ng mga Health fair para sa Sa araw ng Health
poster ng food mga bata
Fair para sa magpyramid,
aaral ng Day-Care
smokers body at Mga Nagpatupad: Mga sa halip na 9:00
tamang kalinisan mag-aaral ng UPCN at am
magsimula,
ng katawan sa 4 BHW sa bawat araw 10:00 am na ito
bawat silid-aralan sa halip na 10 na nakapagsimula
ng
elementary, BHWs
dahil
may
daycare at health
nangampanya sa
center
Dami ng araw na labas ng center
isinagawa:
3 (Peb 23,25 at Naging mahirap
26/2010)
ang pagsasagawa
ng health fair sa
Oras na ginugol: 12 day care center
hours (tig-4 na oras dahil sa maikling
bawat araw [9-11 am pasensya ng at
at 3-5 pm])
atensiyon ng mga
bata

POPULASYON
NG
INTERES
Ang programang ito ay
para
sa
mga
kindergarten students at
mag-aaral ng grade 1-6
na nakatira sa Barangay
Catmon.
Ang
pinakamabisang paraan
upang makipag-usap sa
kanila
ay
sa
pamamagitan
ng
paggawa ng isang health
fair
na
nagbibigay
impormasyon
upang
maiwasan ang mga sakit.
Ang pinakamainam na
lugar kung saan maaring
makipag-usap sa kanila
ay sa mababang paaralan
ng barangay Catmon

LONGER TERM OUTCOME OBJECTIVES AND


INDICATORS
1.Hikayatin ang kabataan na magsagawa ng
mga gawaing pangkalinisan sa katawan at
kumain ng mga pagkaing masustansiya

0-12 na mahilig kumain ng mga pagkaing hindi


masustansya

Lugar:
Paaralang
Elementarya
ng
Catmon at Day Care
Center
Attendance ng mga
mag-aaral:
Grade 1 40
Grade 2, 4 at 5 70
Day-care 15

Taon
Pamagat ng Programa
Paglalarawan

PANGKALAHATANG
LAYUNIN
Pagkatapos
ng
programa, mapapaunlad
ang
kalusugan
at
mapapababa ang pag-iral
ng ilang mga programa
tulad ng parasitismo at
ubot sipon, sa mga bata
sa
pamamagitan ng
pagpapalaganap
ng
tamang kaalaman sa mga
tagapag-alaga nila

2010
Community Class
Ito ay isang maikling pagtuturo na isasagawa ng mga Barangay Health Workers para sa mga
tagapag-alaga o caregiver upang madagdagan ang kaalaman nila ukol sa pagpapanatili ng
wastong kalusugan
SHORT
TERM
OUTCOME
OBJECTIVES
AND
INDICATORS
1. Madagdagan ang kaalaman
ng mga tagapag-alaga ukol sa
paninigarilyo,
wastong
nutrisyon, parasitismo, wastong
pagpapanatili ng kalinisan sa
katawan, at ubot sipon

OUTPUTS AND
INDICATORS

2. Mabawasan, kung hindi man


maalis nang tuluyan, ang mga
maling paniniwala at pangamba
ng mga tagapag-alaga ukol sa
parasitismo at pagpupurga

Bilang ng
BHW
nakilahok
bawat Sitio

3. Maipakita ang tamang paraan


ng paghuhugas ng mga kamay
4.
Mabigyang-diin
ang
kahalagahan
ng
wastong
pagpapanatili ng kalinisan sa
katawan sa pagpapababa ng
probabilidad ng pagkaroon ng

Pagbibigay
ng
saloobin ng mga
tagapag-alaga
ukol
sa
mga
naisagawang mga
pagtuturo.

ACTIVITIES
AND
PROCESS EVALUATION
INDICATORS
Health fair para sa
Para sa sitio Ibaba, ang
mga tagapag-alaga ay
iimbimtahin at titipunin
sa bahay ni Crispina
Maulion sa ganap na
ika-3 ng hapon ng
Marso 3, 2010.

mga
na
sa Samantala, para naman
sa mga taga Sitio Ilaya,
ang
pagtuturo
ay
gaganapin sa tapat ng
bahay ni Rosalie Perez
sa ganap na ika-3 ng
hapon ng Marso 4,
2010.

MGA PUNA

Kalakasan
Bilang ng BHW na lumahok sa
Sitio Ibaba 5 mula sa 9
Bilang ng BHW na lumahok sa
Sitio Ilaya 9 mula sa 11

Nagtulungan ang mga BHW sa


pagtuturo sa paksa
Nakasagot ang mga BHW sa
mga katanungan mula sa mga
tagapag-alaga
Nakilahok ang mga intern mula
sa kolehiyo ng medisina sa
community class sa Sitio Ilaya
Nabanggit
tagapangalaga

ng
ang

ilang
kanilang

parasitismo at ubot sipon

pangamba at maling paniniwala


ukol sa pagpupurga ng mga
bata, at ang mga ito ay nilinaw
ng mga BHW at nars
Habang nagtuturo tungkol sa
wastong nutrisyon, may mga
tagapag-alagang nabanggit na
ang
problema
ukol
sa
malnutrisyon ay nag-uugat sa
kakulangn ng pondo at hindi
kakulangan sa kaalaman.

POPULASYON
NG LONGER TERM OUTCOME
INTERES
OBJECTIVES AND INDICATORS
Ang programang ito ay
para
sa
mga
tagapangalaga sa bawat
pamilya ng barangay
Catmon

Kahit walang kinalaman sa


pagtuturong
pangkalusugan,
may ilang tagapag-alaga na
nagbanggit na ang problema ng
barangay ay hindi lang basta
tungkol sa kalusugan, kundi pati
na rin sa quarrying na
nagaganap sa kalapit-bayan,
kung saan nababawasan ang
lupain ng Barangay Catmon
Kahinaan
Sa Sitio Ibaba, sa halip na
magsimula sa ika-3 ng hapon,
sinimulan ang programa ng ika4 ng hapon sapagkat kulang pa
ang dami ng taong dumalo sa
tamang oras.
Sa

Sitio

Ilaya,

ang

naging

programa (na isinagawang mga


mag-aaral mula sa Kulehiyo ng
Pampublikong Kalusugan) bago
ang programang ito ay natapos
ng ika-4 ng hapon kayat nahuli
rin
ang
pagsisimula
ng
community class.

Taon
Pamagat
Programa
Paglalarawan
PANGKALAHA
TANG LAYUNIN
Pagkatapos ng
programa, ang
mga Barangay
Health Workers
ay
magiging
epektibong
gurong
pangkalusugan
ng San Juan

2010
ng Gurong Pangkalusugan, Para sa Kinabukasan
Ito ay isang capability building program para sa mga BHWs ng Barangay Catmon
SHORT
TERM
OUTCOME
OBJECTIVES AND INDICATORS
1. Mapalawak ang kanilang
kaalaman ukol sa parasitismo,
tamang kalinisan ng katawan, ubo,
sipon, lagnat, wastong nutrisyon,
paninigarilyo
at
tamang
pagbubukod bukod ng basura
2. Magkaroon ng karagdagang
kaalaman ang komunidad ukol sa
kalusugan

OUTPUTS AND
INDICATORS
Bilang ng BHWs
na nakilahok sa
programa Sitio

ACTIVITIES AND PROCESS EVALUATION MGA PUNA


INDICATORS
Unang Sesyon
16 na BHWs ang
pagtuturo ng mga nars tungkol sa nakilahok
parasitismo
a) paliwanag kung ano ang kondisyon na Nakilahok ang mga
ito
,ag-aaral mula sa
kursong BS Public
b) paraan kaya nakukuha at naikakalat
Health
c) mga paraan ng pag-iwas
d) mga senyales at sintomas

3. Magkaroon ng mas malawak na


pang-unawa ang mga BHW ukol sa
kanilang gampanin bilang mga
gurong pangkalusugan

POPULASYON
NG INTERES

INTERMEDIATE OUTCOME AND


INDICATORS

Dumalo
si
Dr.
Cordero at 2 medical
interns
upang
tumulong

e) mga posibleng komplikasyon


Mayroong
mga
f) tamang pagbibigay-lunas
BHWs na naging
mahusay
ang
pagtuturo ng nars tungkol sa ubo, sipon at kanilang pagtalakay
lagnat
kahit na sa maikling
a) paliwanag kung ano ang mga ito
oras na ibinigay sa

Ang
Mahasa ang kanilang kakayahan
programang ito bilang isang gurong pangkalusugan
ay para sa mga
Barangay
Health Workers
ng
Barangay
Catmon

kanila
b) mga paraan kaya nakukuha ito at
naikakalat
naging
mas
epektibong guro ang
c) mga paraan ng pag-iwas
mga BHWs noong
ang pagtuturo ay
d) mga sintomas ng lumalalang ubo sipon impormal at walang
at lagnat na kailangang ikonsulta
visual aid na kasma
kaysa sa pagtuturo
e) mga posibleng komplikasyon
tulad ng sa klase.
f) mga ligtas na panlunas sa bahay
pagtuturo sa pamamaraan ng pag-iwas sa
pagkakaroon ng parasitismo, ubo, sipon at
lagnat o tamang kalinisan sa katawan
a) paghuhugas ng kamay
b) paliligo araw-araw
c) pagsusuot ng tsinelas
d) pagdumi sa kubeta sa halip na buhangin
e) paggamit ng malinis na tuwalya, tisyu o
mask kapag inuubo o sinisipon
f) pagkain ng mga masusansiyang pagkain
pagtuturo ng mga nars tungkol sa
paninigarilyo at ang relasyon nito sa
pagkakaroon ng ubot sipon ng mga bata
upang magsilbing inspirasyon sa paggawa
ng ordinansa para dito

Pagtuturo ng mga nars tungkol sa tamang


pagtatapon ng dumi ng tao at basura at sa
pagpapanatili ng kalinisan ng kubeta at
kapaligiran
Pagtuturo ng mga nars tungkol sa wastong
nutrisyon
a) mga masustansiyang pagkain at
rekomendadong dami na dapat nakakain
ang isang bata araw-araw
b)pag-iwas sa pagkain ng mga hindi
masustansyang street food at pag-inom ng
softdrinks

Taon
Pamagat ng Programa
Paglalarawan

PANGKALAHATANG
LAYUNIN

Mabawasan ang dami


ng mga basurang
nakakalat sa loob ng
Barangay Catmon na
maaring magdulot ng
ibat-ibang
karamdaman o sakit

POPULASYON

NG

2010
Clean-up Week
Ito ay binubuo ng isang linggong paglilinis na gagawin ng mga mamamayan ng Barangay Catmon

SHORT
TERM
OUTCOME OUTPUTS AND
OBJECTIVES AND INDICATORS
INDICATORS

ACTIVITIES
AND PROCESS
EVALUATION
INDICATORS
1. Madagdagan ang kagustuhan ng Komite
na May 3 activities
mga mamamayan ng Barangay mangunguna sa sa ilalim ng
upang linisin ang mga lugar na pagpapatupad
programang ito
madalas pinagtatapunan
ng
wastong
pangangasiwa
A. OPERASYON
2. Madagdagan ang kaalaman ng ng basura
LINIS
mga mamamayan ng wastong
BARANGAY
pangangasiwa ng basura
- ang bilang ng
mga
taong
3. Bumuo ng komite na siyang
nagsipagdalo sa
magsisilbing punong tagapangasiwa
linis barangay
at tagapangalaga ng kalinisan ng
barangay
- bilang ng
nalinis na lugar
4. Makipag-ugnayan sa ibat-ibang
na madalas pagtanggapan ukol sa pagdadalhan ng
imbakan
ng
mga nabukod na basura
basura sa bawat
sitio
5. Maglunsad ng programa na
nagsusulong ng pagreresiklo ng mga
B. SEARCH FOR
basura
THE CLEANEST
SITIO
LONGER
TERM
OUTCOME

MGA PUNA

. Operasyon: Linis Barangay


Kalakasan/strengths
-nagkaroon ng pagutulungan mula sa
mga mamamayan sa paglilinis ng
barangay
-nagkaroon ng sariling pagkukusa ang
mga mamamayan na maglinis ng
kanilang kapaligiran. Sa katunayan, ang
naiplanong isang araw na paglilinis ay
naganap ng 3 araw dahil sa pagkukusa
at kagustuhan ng mga mamamayan na
ituloy ang paglilinis ng lahat ng
imbakan ng basura ng barangay
-natutong magsegregate ng mga basura
ang mga mamamayan at kanilang
isinabuhay ang ginawang paglilinis
-nakilahok sa paglilinis ang karamihang
kasapi ng mga barangay officials,
barangay police, BHWs at SK at

INTERES
Ang programang
ay humihikayat
lahat ng lider
mamamayan
Barangay Catmon

OBJECTIVES AND INDICATORS


ito
sa
at
ng

1.Hikayatin ang kabataan na


magsagawa ng mga gawaing
pangkalinisan sa katawan at
kumain
ng
mga
pagkaing
masustansiya

bata edad 0-12 na mahilig kumain


ng mga pagkaing hindi masustansya

-kalidad
ng mayroon din mga nagboluntaryong
naging kalinisan mamamayan kahit walang posisyon
ng barangay sa
bawat Sitio
-nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa
Philippine Air Force na maaring
C.
WASTE makatulong sa pagpapadala ng mga
SEGREGATION
sundalon tutulong sa pagsasagawa ng
mga proyekto ng barangay
-uri ng naging
pagtanggap ng -naimungkahi ng mga mamamayan sa
tao
sa mga may tungkulin (Konsehal Noel
isinagawang
Pasco, Col. Villareal ng Air Force, Brgy.
programa
Kap. Japlit) ang mga pangangailangan
ng barangay kaugnay sa pagpapanatili
-pagsisimula ng ng kalinisan ng barangay
mga tao na
a. pagkakaroon ng pampublikong
isagawa
ang palikuran para sa mga bahay na walan
waste
sariling palikuran upang maiwasan ang
segregation
pagdumi o pagtatapon ng dumi ng tao
(obserbasyon)
kung saan-saan
b. pagkakaroon ng mga pampublikong
D. MR. AND MS. basurahan na paglalagyan ng mga
MALINIS
naisegregate na basura
-bilang ng mga c.magkaroon
ng
sistema
sa
nakilahok
sa pagdadqalhan ng basura sa barangay
programa
Kahinaan:
-hindi naiwasang magsilab ng basura na
nakasasama sa kalikasan at sa kalusgan
ng tao
-mayroong mamamayan na hindi
mahikayat tumulong sa paglilinis at
nakatingin lamang

-naging mahirap ang lubusang paglilinis


ng imbakan ng basra dahil naging
patung-patong na ang mga basura sanhi
ng matagal nang pag-iimbak
B. Search for the cleanest Sitio
Kalakasan
- nasimulang malinisan ng mga
mamamayan ang mga imbakan ng
basura at nagkaroon ng malaking
pagbabago sa estado ng kalinisan ng
kapaligiran ng barangay
-nagpakita ng pagtutulungan ang mga
mamamayan sa pangangalaga ng
kanilang kapaligiran
-ang mga mamamayan ay kumilos dahil
sa sariling kagustuhan na mapabuti ang
estado
ng
barangay
higit
sa
pagpapanalo ng patimpalak ng Cleanest
Sitio
Kahinaan
dahil sa lahat ng tahanan sa parehong
sitio ay nagawaran ng papremyo,
nakilahok man sa paglilinis o hindi,
hindi gaano nakilahok

III. PAGSUSURI
LIMITASYON, KALAKASAN AT KAHINAAN NG EBALWASYON
BATA AY PALUSUGIN, KAALAMAN AY PAGYAMANIN
Isa sa matutukoy na naging kahinaan ng nasabing programa na ito ay ang kaunting
bilang ng mga barangay health workers na dumalo sa nasabing programa. Bungan g
kaunting bilang ng mga baangay health workers, kinailangang tumao ng mga nars sa mga
estasyon. Bukod pa rito, nabanggit ng nasabing programa na naging mahirap ang
pagsasagawa ng health fair sa mga bata dahil sa maikling pasensya at atensiyon na
ipinakita ng mga bata.

COMMUNITY CLASS
Hindi nagsimula sa tamang oras ang nasabing programa. Bukod pa rito kaunti
lamang ang bilang ng mga taong dumalo sa community class na ito.
Samantala, ang kalakasan ng programang ito ay nakita ang pagtutulungan at
kooperasyon sa pagitan ng bawat Barangay Health Worker. Naipakita din ng bawat BHW
ang kapasidad nila bilang gurong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagtuturo nang
wasto at sapat sa lahat ng mga naging katanungan sa kanila ng kanilang mga tinuruan.
Bukod pa rito, nagkaroon din ng pagkakataon na makilahok sa nasabing programa ang mga
intern mula sa kolehiyo ng medisina.

GURONG PANGKALUSUGAN, PARA SA KINABUKASAN


Kung ikukumpara sa ibang mga programang naipatupad sa barangay, mas marami
ang mga barangay health workers na nakadalo (16 mula sa 20) sa capability building

program na ito. Kasama sa mga nakilahok dito ang dalawang intern at si Dr. Cordero mula
sa kolehiyo ng medisina at ang mga mag-aaral mula sa kolehiyo ng public health. Bukod pa
dito, ilan sa mga BHW ay naging mahusay ang pagtalakay nila kahit sa maikling oras
lamang na ibinigay sa kanila. Natuklasan din na mas epektibo ang naging pagtuturo ng mga
barangay health worker.
Ilan sa kahinaan ng mga nasabing programa ay ang hindi pagsisimula ng programa
sa itinakdang oras bunga ng matagal na pagdating ng mga barangay health workers. Hindi
rin natalakay nang detalyado ang ilang paksa sapagkat ibat ibang paksa ang natalakay sa
loob lamang ng tatlong oras.

CLEAN-UP WEEK
Isa sa mga kalakasan ng programang ito ay ang pagkakaroon ng pagkukusa ng mga
mamamayan ng Barangay Catmon na linisin ang kanilang kapaligiran. Naisagawa nang
tatlong araw ang ipinlanong isang araw na paglilinis sa barangay. Nagpahayag din ang mga
mamamayan ng kagustuhan na maipagpatuloy ang nasabing clean-up week.
Sa kabilang banda, ang mga kahinaan ng programang ito ay ang mga sumusunod:
napansin pa rin na patuloy pa rin ang pagsisilab ng mga tao ng basura na nakakasama sa
kalikasan at sa kalusugan ng tao, may ilang mamamayan na hindi mahikayat na tumutulong
sa paglilinis at nakatingin lamang at naging mas mahirap ang lubusang paglilinis ng mga
imbakan ng basura sapagkat naging patung-patong na ang mga basura sanhi ng matagal
nang pag-iimbak.

IV. RESULTA NG EBALWASYON


DISKUSYON AT REKOMENDASYON
BATA AY PALUSUGIN, KAALAMAN AY PAGYAMANIN

Ilan sa mga rekomendasyon sa nasabing programa ay ang pagdalo ng mas maraming


barangay health worker sa programa upang magkaroon ng sapat na tao na tatao sa bawat
estasyon. Bukod dito, inirerekomendang magsagawa din ng edukasyong pangkalusugan
hindi lamang sa mababang paraan kundi pati sa mataas na paaralan

COMMUNITY CLASS

Nirerekomenda na magsagawa ng mas maraming oportunidad ng pagtuturo para sa


mga BHW upang mahasa ang kanilang kakayahan bilang isa sa mga gurong pangkalusugan.
Bukod pa rito, ang pagpapakalat ng balita tungkol sa magaganap na programa ay kailangan
upang mas marami ang makakadalo. Siguraduin din na sa pag-iimbita ng mga tao para sa
programang ito ay maipaliwanag nang mabuti ang aasahan nila na mangyayari sa
programa.

GURONG PANGKALUSUGAN, PARA SA KINABUKASAN

Nirerekomenda ng bago magsimula ang capability training program para sa mga


BHWs, sana ang mga guro ay pormal na sumailalim sa isang seminar patungkol sa
capability building program. Maganda rin na mabigyan ng mas mahabang panahon ang

mga BHWs upang matuto at mapag-aralan nila nang mabuti ang mga bagong natutunan.
Magsagawa ng dagdag na pagsasanay sa mga BHWs upang patuloy na mahasa at masanay
ang kanilang kakayahan bilang gurong pangkalusugan at ang mabigyan pa ang mga BHWs
ng pagkakataon pang maisakatuparan o magamit nila ang kanilang mga natututunan sa
pamamagitan ng health class.
CLEAN-UP WEEK

Inirerekomenda ng clean up week na ito na magkaroon ng mas maraming


kagamitan sa panglinis tulad ng kalaykay, pala at walis upang maging mas mabilis ang
paglilinis, magkaroon ng mas malawak na partisipasyon ang mga tao at magkaroon ng
sisidlan ng basura upang hindi kailanganing sunugin ang mga basura.

También podría gustarte