Está en la página 1de 2

Alessandra B.

Derla

Kwestyonable
Nak!dyan ka muna sa lola mo ha! Overtime kasi ako eh! sabi ni nanay sa akin nung
umagang iyon, ako naman bilang sagot tumango na lang hanggang sa nakarating kami kina lola.
Hinabilin niya ko non kay lola at tumungo na siya sa kaniyang trabaho.
Wala akong kaalam alam na yon na pala ang huli anaming pagkikita ng nanay ko.
Nang kinagabihan noong araw ring yon kasama ko ang aking ama sa aming
bahay.Kami lang ang naandoon dahil si lola Ely ay nasa tatiao kung saan nakatira ang isa pa
niyang anak, doon kasama niya ang kaniyang asawa si lolo Peter.Eto na nga habang naglalaro
ako biglang may nagtext kay tatay nang sandaling iyon nakita ko sa mukha ng aking ama ang
pagkalungkot, dali dali niya akong niyakap, nagulat ako dahil iyon ang unang beses na niyakap
ako ng aking ama .Tinatanong ko siya kung bakit ngunit ayaw niyang maagsalita hanggang sa
umalis kami hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi ko naman alam ang nangyayari
yun pala pupunta kami sa kaibigan ng nanay ko at bukod doon katrabaho pa ng aking ina.Kilala
ko ang taong iyon si ate Bebsi.Tinatawag siya ng aking ama kahit gabi na at tingin ko ay patulog
na nga sila ng kaniyang pamilya.Paglabas ni ate Bebsi agad siyang tinanong ngaking ama kung
alam niya kung nasaan ang aking ina doon nagsisimula na akong mag isip. Hindi ko alam eh
bakit? sabi ni ate Bebsi.Para mo ng awa Bebsi kung alam mo kung nasaan si Lina sabihin mo
na sakin, sabi ni tatay.Noong gabing iyon kitang kita ko sa mukha ng tatay ko na down na down
na siya awang awa ako sa kanya noon.Tinigilan na niya ang pagtatanong sa sa kaibigan ni nanay
dahil wala namana siya ditong mapapala.Pagkatapos noon pumunta namaa kami sa Tatiao sa
kapatid ni tatay doon ko na nakita yung mahinan side ng tatay ko umiyak siya sa lola ko at doon
ko narinig yung mga salitang sagot sa tanong ko,Nay(natulo ng luha) iniwan na ako ni Lina
sumama na siya sa ibang lalake sabi ni tatay.Hindi ko alam kung anoang sinabi ni lola kay tatay
pero alam kong galit na galit siya sa aking nanay.Pagkatapos noon pumunta kami sa silangan
sinabi namin kina lola ang nangyari at doon tinatanong nila ako kung may nasabi ba daw sa akin
si nanay sinabi ko naman yun ngang overtime nga daw siya.Hajanapin na nila yung nanay ko
gusto ko sanang sumama kaso gabi na ta ayaw nila akong payagan.Dumaan ang mga araw na
hinahanap nila si nanay kaso ayaw pahanap eh paimportante akala wow yung ganon akala
nakakaganda punyeta lang tapos isang araw nakita siya ni tito Lloyd sa McDo sa Trese haha yung
nanay ko baliw ata nagtakip ba naman ng bag sa mukha sabay takbo parang engot lang edi
syempre nakita na tatago ka pa ay oo nga pala nagtatago.Lalo nilang hinanap si nanay
pinablather na nila hanggang sa isang araw nakita na daw nila yung nanay ko kasama ako nung
susunduin na nila, ay di ko pala nasabi sa inyo kilala ko yung lalake katrabaho niya yon tapos
ang bait ko don yun pala gagaguhin kami nga tatay ko leche.
*KRINNNNG* *KRIIIIING* *KRIIIIIIIIIIIING*
Tapppos uy ma`am bell na tsaka ko na lang itutuloy hahaOkay class dismiss you may have
your recess!.Nagaayos ako ng gamit ko ng biglang ,hoy bakla! Ituloy mo yung kwento mo dal
naaaaaa hindi po siya bakla babae po yan bakla lang talaga tawagan namen,Ha! wag na wag
ng balikan haha sabi ko naman ,e dali naaa! sabi ni bakla.Napagisip-isip kong di rin naman

ako titigilan nito kaya,sige basta bili muna tayong pagkain sabi ko,ay sige gusto ko yan sabi
nya.Habang kumakaimn kame sinimulan ko ng magkwento,

. . .
Nagkita kame ng nanay ko hindi ko alam ang gagawin ko pero niyakap ko lang siya tapos
lumabas na ko dun sa kwartong iyon pumunta ko sa lola ko mahigit ring kalhating oras nung
lumabas sila doon at nang pauwi na kami ayunkasama na namin si nanay tinanong niya ko kung
umiyak ba daw ako sabi ko naman hindi.Simula ng araw na yon biglang nagbago lahat.Isang
beses nga bigla na lang silang nagaway-away di ko alam lumuha na ko noon pero di ko
pianaalam sa kanila .
oy bakla ilang taon ka ba nung nangyari sayo yon? ah grade 2 ako non 7 years old haha ah
bata mo naman pala non ganon talaga ano tuloy ko na ba? hehe sige sorryyyyyy ayun na
nga nagbago lahat hindi pinapalabs ng bahay si nanay tapsos isang araw sabi sa akin ni lola
Ming buntis daw yung nanay ko ako naman si naniniwala.Ayun buntis nga, dalawa lang kasi kame
ng kuya ko eh may dumagdag pang isa naging tatlo haha di ko alam pero sa tingin ko nagbago
pati ugali ni tatay kase lagi na lang siyang mainit ang ulo pero di ko na lang pinapiansin tapos
ayun na.Ahh yun pala kwento mo sabi ni bakla,tanga hahahahaha sabi ko haha Oy bakla
may tanong ako sayo, napatawad mo na ba yung nanay mo sa lahat ng nagawa niya sayo?
napaisip naman ako napatawad ko na nga ba si nanay, sa loob kasi ng 14 taon ngayon lang may
nagtanong ng ganyan sa akin kaya di ko alam kung anong isasagot ko,siguro.di ko alam haha
matagal na rin kase yun eh haha by the way nood na lang tayong Barcelona bukas ano game?
ayyyy sige gusto ko yan yieeee.

SA SINEHAN HABANG NANONOD NG BARCELONA


(*sniff**sniff*)kung itatanong niyo kung sino yang naiyak walang iba kundi ako naiyak kase ako
dun sa sagutan ni Ely tska nung mama niya pasensya na nacarried away lang relate kasi eh huhu
luha lang go lang huhu napaiyak na ko ng tuluyan kase nararamdaman ko yung galit ni Elyas eh
kase iniwan din siya nito ng matagal tapos magtatanong kung napatawad na ba daw siya WTF!
So ayun natapos na umuwi kami ni bakla kase gabi na kumain na naman kami sa KFC kaya di na
ko kumain dumiretso ako sa kwarto iniisip ko yung eksena nina Elyas hanggang sa napaiyak na
me ganern tapos nakatulog akech then ganern. Kinabukasan gabi na non PBB na pinalabas si
Heaven sa bahay ni kuya kase yung nanay nya dinala sa ospital kase may tumutubong mas
chuchu malapit sa brain kaya kailangang operahen, awang awa ako sakanya kase yung mama
niya yung lagi nyang kasama nung gabing yon napagisip-isip kong nag iisa lang ang mga nanay
sa mundo kaya mahalin natin sila at pahalagahan wala silang nkatulad nung oras ding yon naisip
kong patawarin na yung nanay ko sa lahat ng mga nagawa nyang kasalanan habang hindi pa huli
ang lahat habang hindi pa sya nakaratay sa kama habang malakas pa sya maging masaya nga
dapat ako kase andyan pa sya sa tabi ko malakas kaya ayun achuchuchuchu hahahaha yun lang
asfdfkhfbjdhgwkny.

At dito nagtatapos ang aking kwento bye Charo.