Está en la página 1de 3

Alegorya Ng Yungib ni Plato (Text Analysis)

imerosesilveron:
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga
tao ang hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.
Ang punto ng may akda ay nagpapahiwatig siya upang maipakita niya ang isang anyo na
dapat nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na
may mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na silay
gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na masaksihan ng tao
ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at
ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay nakakaranas tayo ng
mga suliranin at problema sa buhay.
Ang napansin kong kakaiba na ginagawa niya ay wala dahil ginawa niya naman ang
sanaysay upang ang mambabasa ay makaunawa sa pangyayari at makapulot ng aral sa
Alegorya ng Yungib . Ang may akda ay gumagawa ng paraan upang ang kanyang sanaysay
ay maihahalintulad sa naging karanasan ng tao , di mapagkaila na sa paggawa niya nito ay
nakaranas din sya ng kadiliman na siyay tumungo sa kaliwanagan.
Oo , nakaranas din kasi ako ng mga paghihirap sa buhay at hindi ko ito binalewala kundi
gumawa ako ng solusyon sa tulong ng Panginoon akoy kanyang binangon at binuksan muli
ang puso at tumayo na syang maghahatid sa akin patungo sa liwanag.
Tanong ko lang sa may akda ay :
Una , May karanasan ka din ba sa iyong ginawang sanaysay ?
Pangalawa , Sino ang naging o Ano ang naging inspirasyon mo sa paggawa ng iyong
sanaysay ?
At huli , Sa iyong palagay makakagawa din ba ako ng sanaysay kagaya mo ?

Alegorya Ng Kuweba

Setyembre 23, 2012

Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at
nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita
natin ay mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin

nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang


katotohanan tungkol sa mga bagay.

Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang Alegorya
ng Kuweba. Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa
mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay
nasa Mundo ng mga Ideya. Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan
na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating
pangangatwiran upang silay matuklasan.

Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay
Aristotle, ang katotohanan ay ang karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata,
tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip
noong tayoy ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Ang isip ng tao ay
tinagurian ni Aristotle na Tabula Rasa na ang ibig sabihin ay blankong tableta. At
bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa nasabing
tableta. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.

Sa paglipas ng mga taon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang
empirisismo. Kahit ako ay palo sa kaisipan ni Aristotle. Ngunit napag-isip-isip ko,
bagamat mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng
rasyunalismo ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.

Sa tingin koy may punto pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa
aninong tinuran ni Plato, hindi ibig sabihiy hindi katotohanan ang ating nakikita
kundi may katotohanang mas makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi
bat ang batong ating nakikita ay binubuo ng mga atomos na iminungkahi ng
dakilang si Democritus? Hindi bat ang materya ay patuloy na mahiwaga sa atin?
Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa quark
ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang,
wala nang pag-unlad sa ating agham.

Sa ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang
gamit at itoy buod ng relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang
materya. Alam kong mali ang konsepto ni Plato sa kanyang rasyunalismo ngunit
gusto kong sundan ang kanyang lohika ang pagtuklas sa mas malawak at
makapagpapalayang na realidad.

Tungkol sa mga ad na ito

También podría gustarte