Está en la página 1de 1

Ang Unyon ng mga Republikang Sosyalistang Sobyet (Ruso:

(tulongimpormasyon), tr. Soyuz Sovetskikh Sotsialisticheskikh Respublik, IPA [sjs s


vekx slstiskx rspblk]; Inggles: Union of Soviet Socialist Republics
(USSR)), kilala din bilang Unyong Sobyet [1]( , Sovetskij Soyuz) ay ang
orihinal na estadong sosyalista na naitatag noong 1922 [2] at tumagal ito hanggang sa
pagbuwag nito noong 1991.
Ang Pederasyong Ruso ang malawakang tinatanggap bilang ang estadong kahalili ng Unyong
Sobyet pagdating sa diplomasya. Ang pagkabuo nito ay sanhi ng kulminasyon ng
Himagsikang Ruso noong 1917 na nagpatalsik kay Tsar Nicholas II at ng sumunod na
digmaang sibil mula 1918 hanggang 1920 na nagpalehitimo sa mga Bolshebik bilang mga
bagong tagapamuno[3].
Sa teoriya, isang bansang sosyalista ang Unyong Sobyet at ang organisasyong pampolitika
nito ay binibigyang kahulugan lamang ng kaisa-isang pinapayagang partidong pampolitika,
ang Partidong Komunista ng Unyong Sobyet. Ang pamahalaang Sobyet, na naitatag tatlong
dekada bago ng Digmaang Malamig ang nagsilbing pangunahing modelo para sa mga
kinabukasang bansang komunista. Nagpaiba-iba ang sakop na territoryo ng Kaisahang
Sovyet, ngunit sa pinakahuling kasaysayan nito nagbagay ito higit-kumulang sa panghuling
Imperyo ng Rusya, habang kapuna-puna ang di-pagkasama ng Polonya at Pinlandiya[4].
Unang itinatag bilang isang Unyon ng mga Republikang Sosyalistang Sobyet, lumawak ang
USSR hanggang sa magkaroon ito ng 15 kliyente o "republika ng unyon" noong 1956. Ito ay
ang SSR Armenia, [[Sobyet na Sosyalistang Republika ng Aserbayan|SSR Azerbaijan]],
[[SSR Byelorusyan]], [[SSR Estonian]], [[SSR Georgian]], [[Sobyet na Sosyalistang Republika
ng Kasakistan|SSR Kasakistan]], [[SSR Kyrgyz]], [[SSR Latvia]], [[SSR Lithuania]], [[SSR
Moldavia]], [[Sobyet na Pederatibong Sosyalistang Republika ng Rusya|SPSR Rusya]], Tajik
SSR, Turkmen SSR, Ukrainian SSR, at Uzbek SSR. (Mula sa pagdagdag ng Estonia SSR
noong 6 Agosto 1940 hanggang sa reorganisasyon ng Karelo-Finnish SSR noong 16 Hulyo
1956, naging 16 ang opisyal na bilang ng mga "republikang unyon".) Bahagi ang mga
republika ng isang mataas na sentralisadong unyong pederal na pinapangibabawan ng
Rusong SSR.
Puna ang Unyong Sobyet sa kasaysayan bilang isa sa dalawang superpower ng daigdig mula
1945 hanggang sa pagbuwag nito.

También podría gustarte