Está en la página 1de 1

KABANATA 60: PAGKAMAKABAYAN AT KAPAKANANG PANSARILI

Tagpuan
Kumbento ng iba’t-ibang korporasyon
Bahay ni Kapitan Tinong sa Tondo
Intramuros (kung saan naganap ang isang pagtitipon)

Tauhan
Mahahalaga Di gaanong mahalaga/nabanggit
Kapitan Tinong Ibarra
Kapitana Tinchang Padre Salvi
Don Primitivo mga sundalo
mga babaeng nasa pagtitipon

Mahahalagang Pangyayari
1) Lihim na naipalathala sa Maynila ang pag-aalsa.
2) Iba’t-ibang mga balita ang kumalat, lalo na sa mga kumbento.
3) Marami ang nagpuri kay Padre Salvi. Hinihiling sa obispo ang mitra para sa kanya.
4) Sa isang kumbento ay sinabing lahat ng mga naghihimagsik ay mula sa Ateneo, ang
paaralang pinatatakbo ng mga Heswita.
5) Hindi mapakali si Kapitan Tinong sa kanyang bahay sa Tondo dahil nagpakita siya noon
ng kagandahang-loob kay Ibarra. (pag-anyaya sa pananghalian)
6) Lubhang pinangangaralan si Kapitan Tinong ng kanyang asawang si Kapitana Tinchang.
7) Naguguluha’t nangangamba naman ang dalawa niyang anak na dalaga.
8) Dumating ang pinsan nilang si Don Primitivo upang kanilang hingan ng payo. Sinabi
niyang dapat magbigay ng regalo sa heneral si Kapitan Tinong, idahilan na pamasko o di
kaya’y sunugin ang mga papeles para walang ebidensya laban sa kanya, tulad ng ginawa ni
Ibarra.
9) Sa isang pagtitipon sa Intramuros ay paksa pa rin ang pangyayari.
10) Ang mga tulog nang taga-Tondo ay nakatanggap ng imbitasyon mula sa mga sundalo
upang patulugin ang mga may-kayang tao sa Fort Santiago. Kabilang si Kapitan Tinong sa
nakatanggap ng imbitasyon.

Aral
“Nagdurusa ang mababait para sa mga makasalanan.”
-Don Primitivo
Kaugnayan sa Kasalukuyan
Sa pagkakadakip ay binibigyan ng espesyal na pagtrato ang mga mayayamang tao,
gaya ng nangyari sa kabanata na inanyayahan ang mga may-kayang matulog sa Fort
Santiago sapagkat mas payapa at preskong matulog roon.

También podría gustarte