Está en la página 1de 11

LIHAM PANGKAIBIGAN

54 Matatag St. Purok 6,


Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo, 2008
Minamahal kong Agusta Demetria,
Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkita
mula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay
para makibalita sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.
Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat at
hindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan.
Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na pasukan.
Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan para
sa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilang
isang kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano at
nakakatulong din sa aming pamilya.
Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako pag
nakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.
Lubos na pagmamahal,
Aaron John Briones

LIHAM NA PAUMANHIN

Enero 12, 2008


G. Lorenzo Castro
Kolehiyo Administrador
Softnet University
Dear Sir,
Maaring tanggapin ang sulat na ito tulad ng nakasulat na abiso na ako ay hindi pumasok sa
trabaho noong nakaraang Enero 9, 2008 dahil sa aking namamagang lalamunan at lagnat.

Umaasa ako para sa inyong mga uri na pagsasaalang-alang

Nang buong puso,


Engr. John Vergara

LIHAM NA PAGBATI

885 Coronado St.


Makati, Metro Manila
Setyembre 6, 1992
Mahal naming Ana,
Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak Pagkukwento noong nakaraang
Linggo ng Wika.
Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami nang malaman naming
ikaw ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang ginawa mong pagkukwento. Parang
totoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo'y ang iyong
mahusay na paghikayat sa mga manonood.
Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo.
Ang iyong mga kamag-aral,
5-GOLD

LIHAM NA PAANYAYA
97 Tikay, Malolos
Bulacan
Mayo 17, 1992
Minamahal kong Dayanah,
Sa darating na Sabado ay kaarawan ko. Inaanyayahan ko kayong lahat sa isang munting salu-salo
sa aming bahay-bakasyunan sa Malolos, Bulacan.
Ito ay magsisimula sa ganap na ika-2:00 ng hapon. Isama mo ang iyong mga kapatid at
magulang. Inaasahan ko kayong lahat.
Nagmamahal,
Lady Mary Josephine Crawley

LIHAM NA PAKIKIRAMAY
130 Lealtad
Sampaloc, Manila
Mayo 5, 1992
Mahal kong Agripina,
Kaming magkakaklase ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong Lolo Sebyo. Huwag kang labis
na malungkot. Ipinagdarasal namin ang kanyang kaluluwa. Nawa ay maging matahimik siya sa kabilang
buhay.
Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay at ng aking mga kamag-aral.

Ang iyong kaibigan,


Lazaro Briones

LIHAM PANGANGALAKAL
LUZ DEL MUNDO
506 Lakas St.
Bacood, Sta.Mesa
Ika-10 ng Setyembre 2013
ANG DEKANO
Kolehiyo ng Businesss Administration
Pamantasan ng Santo Tomas
Ginoo:
Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko
pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kalian at saan
kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong malaman
kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa
application form.
Ipinaaabot ko po ang taos-puso kong pasasalamat.

Magalang na sumasainyo,
Agnetha Briones

LIHAM NA NAG-AANYAYA SA PANAUHING TAGAPANAYAM


Manuel Roxas High School Paco, Maynila
Hulyo 5, 2013
Dr. Estrella Roxas
Dekana, Kolehiyo ng Nutrisyon
Emilio Aguinaldo College
Mahal na Doktora Roxas:
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, magkakaroon ang aming paaralan ng iba't ibang gawain
at palatutuntunan na magbibigay-sigla sa kahalagahan ng pagdiriwang na ito.
Isang seminar na kaugnay ng Buwan ng nutrisyon ang idaraos sa aming paaralan na dadaluhan ng
mga guro at tagamasid mula sa iba't ibang mataas na paaralan ng sangay ng paaralang Lungsod ng
Maynila. Dahil po rito nais naming kayong anyayahan na maging panauhing tagapanayam tungkol sa
paksang "Ang Kahalagahan ng Nutrisyon sa Kalusugan". Ito'y gaganapin sa ika-10 ng Hulyo, taong
kasalukuyan sa awditoryum ng paaralan. Alam ko pong may malawak kayong kaalamang maibabahagi sa
aming mga guro.
Inaasahan kop o ang inyong pagdalo.

Matapat na sumasainyo,
Fantine Bourdeux
Punungguro

LIHAM NA HUMIHINGI NG SUBSKRIPSYON


1025 Balic-Balic
Sampaloc, Maynila
Oktubre 10,2013
ANG TAGAPAMAHALA
Liwayway Publishing, Inc.
2249 Pasong Tamo
Lungsod ng Makati
Mahal na Ginoo:
Kalakip po nito ang halagang dalawang daan at walongpu't walong piso (P288.00) hiro postal
bilang kabayaran sa amin na buwang suskrisyon ng magasing Liwayway.

Lubos na sumasainyo,
Azelma Thernardier

LIHAM APLIKASYON

July 04, 2014


G. Madeleine
Personnel officer

DEPARTAMENTO
KOMPANYA
485 Coral St. Don Bosco Compound, Tayuman, Maynila

Mahal na G. Madeleine:
Nabasa ko po sa pahayagang Inquirer na may petsang June 31, 2014 na nangangailangan ang
inyong kompanya ng isang Web Page Designer. Ninanais ko pong mapabilang na isa sa inyong mga
aplikante sa nabanggit na posisyon.Nagtapos po ako ng kursong Batsilyer sa Computer Science sa FEUEast Asia College noong Marso 28, 2014. Bilang isang mag-aaral sa aming paaralan ay naging aktibo po
ako sa lahat ng mga gawaing pampaaralan dahilan upang malimit akong maging pangulo ng aming klase.
Naging student assistant po ako sa computer laboratory ng aming paaralan. Bilang student assistant,
nalinang po ang aking kasanayan sa ibat ibang gawain tulad ng computer trouble shooting, networking,
web designing at nang mahusay na pakikitungo sa tao.Pagkatapus na pagkatapos ko po ng kursong
Computer Science ay agad akong natanggap sa IBM, Philippines kung saan ako ay naglingkod bilang
Web Page Designer/Developer. Ikinararangal ko pong sabihin na ang aking paglilingkod sa IBM,
Philippines ay higit na nagpaunlad ng aking kaalaman, kakayahan at mga karanasan sa larangan ng Web
Page Designing at Development.Bunga ng aking mga karanasan at kwalipikasyon, naniniwala po akong
malaki ang aking maibabahagi sa lalong ikauunlad ng inyong kompanya.Para sa mga iba pang
imformasyong nais ninyong mabatid tungkol sa aking katauhan at kakayahan ay maaari po kayong
sumangguni sa resume na kalakip ng aking liham.Umaasa po ako na inyong tatawagan sa lalong madaling
panahon para sa personal na intervyu at mabigyan ng pagkakataong maipamalas ang aking
kakayahan.Maaari po ninyo akong tawagan sa telepono bilang 235-3333/Celphone no. 09358434155 o
kaya ay sulatan sa 0935 Anonuevo St. Batinga Binangonan Rizal o sa e-mail address na
cosette_miserables@yahoo.com

Matapat na sumasainyo,
Cosette Fauchelevant

LIHAM SA PATNUGOT
Mahal na Patnugot ,
Lunes. Ito po ang araw na akoy sabik dahil balik-eskwela na naman. Ako po ay baguhan pa rito
sa paaralan pero nakikita ko po ang di kaaya-ayang ipinapakitang mga mag-aaral sa oras na ikanta na po
ang Lupang Hinirang at Sarangani Hymn.Simpleng pagpapahalaga sa pag-awit ay di pa maipakita
marahil po ba ito sapaglaki na rin ng mga ulo ng iskolar kung ituri ng? O sadyang nawawala
na angpagiging marespeto at makabayan ng iilang mag-aaral? Sana po mabigyang pansin ito ng
pamunuan ng SSG o di kayay MAPEH . Alalahanin din po sana ng mga mag-aaral na anuman ang
ipinapakita natin, ito angn a t u t u n a n n a t i n . S i g u r o n a m a n w a l a n g m a g u l a n g a t
g u r o n a n a g u t u t u r o n g kabalastugan.
Sumasainyo ,
Marius Pontmercy

LIHAM NG PAGTATANONG
17 Sampaguita Street
Makati City
Enero 17, 2013
Gng. Maria Algen Therese Coronado
Robinson
Mandaluyong City
Kagagalanggalang na Gng. Coronado:
Magandang umaga po! Ako po ay sumulat upang tanungin kung magkano ang kikitain sa trabaho
po diyan.
Lubos na gumagalang,
Eponine Thernardier

También podría gustarte