Está en la página 1de 1

NASYONALISMO Ang nasyonalismo ay galing sa salitang Latin na "natio" na ang ibig sabihin ay ang "pagpapangkat ng mga taong may

iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan". Dito rin nag-ugat ang salitang nasyon na nangangahulugang "pangkat ng mga indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksyon sa isa't isa". Batay rito, ang nasyonalismo ay itinuturing na pananaw ng isang indibidwal bilang kasapi ng isang bansa o kaya ay pagnanasa ng isang indibidwal na paunlarin at palakasin ang isang bansa. Kagustuhan ng isang tao na maging malaya kahit ibuwis niya ang kanyang buhay. Ito ay tumutukoy sa isang panghahawakang may karapatan. Ito ay mapapahayag sa pamamagitan ng Pagmamahal sa bayan, Pagiging makabayan. Ito ay isang taong may damdaming makabansa. Ang salitang nasyonalismo ay mula sa salitang "nasyon." isang katawagan sa samahan o pangkat ng mga taong may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon. Tumutukoy ang nasyonalismo sa isang damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan, hindi sa pangulo o sa ilang pinuno lamang. Sa paglinang ng nasyonalismo, hindi lamang mahalaga ang lupang tirahan, pamahalaan, o namumuno higit na binibigyang-diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kabilang sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangangalagaan ito. Ang NASYONALISMO ay damdamin ng katapatan at pagmamahal sa sariling bayan at pagmamalaki sa kultura at kasaysayan nito. IMPERYALISMO

Ang Imperyalismo ay isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang ang kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo. Isang halimbawa ng imperyalismo ay ang kung kailang nilulusob at sinasakop ng mga bansa o namirmihan sa mga lupain sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga kolonya. Noong mga dekada ng 1700 at 1800, ginamit ng Imperyong Britaniko ang patakaran ng imperyalimso upang matabanan ang malalaking mga teritoryong katulad ng Australya at Kanada.
KOLONYALISMO Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bayan sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong pagkakaiba."Maaaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang kolonya".[1]

También podría gustarte