Está en la página 1de 14

LOHIKAL AT MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

Ang Lohika at Pagsulat


Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.

Sa larangang ito, madalas na may mga katwirang kailangang pangatwiranan.

Mga mungkahi upang maging lohikal ang pagsulat:


a. Alamin ang paksa ng sulatin at magsaliksik ng tungkol dito king kinakailangan; b. Alamin ang mga proposisyong kaugnay ng paksa upang mapili ang mga argumentong magagamit; c. Alamin ang paraan ng pangangatwirang angkop gamitin sa iyong mga argumento;

d. Mangalap ng mga datos na magpapatibay sa iyong argumento; at e. Iwasan ang mga maling pangangatwiran; Mga Ebidensyang maaaring magamit: a. Pangyayaring nauugnay sa argumento; b. Obserbasyong pansarili o kayay pang ibang tao;

c. Mga saksi; at d. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang argumento.

Lohikal na Pangangatwiran
Pangangatwirang Pabuod o Indaktib nagsisimula sa maliit na halimbawa o partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto. Pasaklaw na Pangangatwiran nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan ng mga

partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una. gumagamit ito ng silohismo a. Tiyakang Silohismo
Pangunahing Premis: Lahat ng Katoliko ay Kristiyano. Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko. Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano.

b. Kondisyunal na Silohismo

Pangunahing Premis: Kung si Juanay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit. Pangalawang Premis: Si Juan ay isang mabuting Kristiyano. Kongklusyon: Si Juan ay pupunta sa langit.

c. Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano, hindi makakarating ng langit. Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano. Kongklusyon: Makararating si Pedro sa langit.

d. May Pamiliang Silohismo

Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, si Jose ay Kristiyano o Muslim. Pangalawang Premis: Si Jose ay hindi Muslim. Kongklusyon: Si Jose ay Kristiyano.

*kailangang maging matibay ang pangunahing premis sapagkat kung hindi, hahantong ito sa maling kongklusyon. Halimbawa:
Pangunahing Premis: Lahat ng lumalangoy ay isda. Pangalawang Premis: Si Nena ay lumalangoy. Kongklusyon: Si Nena ay isda.

Palasi ng Pangangatwiran
Argumentum ad hominem pag-atake sa personal na katauhan at hindi sa paksa o argumento. Argumentum ad baculum paggamit ng pwersa o awtoridad. Argumentum ad misericordiam pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran.

Argumentum ad ignorantiam nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napapatunayan o kayay totoo ang anumang hindi napapasinungalingan. Non-sequitur paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does not follow the premise. Ignorantio elenchi pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang

dapat patotohanan. Maling Paglalahat pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis. Maling Analohiya paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon. Maling Saligan paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling

kongklusyon. Maling Awtoridad paggamit ng tao o sangginihang walang kinalaman sa isang paksa. Dilemma pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternatib. Mapanlinlang na tanong paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay

maglalagay sa isang tao sa kahiyahiyang sitwasyon.

También podría gustarte