Está en la página 1de 9

PROCESSIONAL ORDER OF THE MASS BESTMAN RAYMUNDO BISCO GROOMSMAN RONALD CASILLANO GROOM WITH PARENTS MR NESTOR BISCO,

MRS. MILKY BISCO & RYAN BISCO PRINCIPAL SPONSORS MR. JUN BISCO & MRS. LILETH BISCO MR. DANILO DANCEL & MRS. ANNALIZA DANCEL MR. BEN TEMPROSA & MRS. ROSALIE YABUT MR. JIMMY AGUDO & MRS. SHIRLEY AGUDO MR. FRANCISCO ESCARDA JR. & MRS. ELIZABETH AGAN SECONDARY SPONSORS CANDLE MR. LEONILO ESCARDA & MS. MA. LIEZLE ESCARDA VEIL MR. NEMRICK BASCO & MS. CRIZEL OABEL CORD MR. ERIC DE ALDAY & MS. LADYLYN BISCO BRIDESMAID MS. MARIEL DE ALDAY

RING BEARER JHON KYLE EVANGELISTA COIN BEARER RENZ DE VERA BIBLE BEARER NINO ORLANDO GUITIERREZ FLOWER GIRLS LJ ANIYAH EVANGELISTA

CARLENE BISCO CHLOE ERRINE GELLIDON BRIDES ANGEL LUCCI LYLE DIZON MAID OF HONOR LUCILLE ESCARDA PARENTS OF THE BRIDE MR. LEO ESCARDA & MRS. LUZVIMINDA ESCARDA BRIDE LUZVILLA ESCARDA

Pari: Bayan: Pari: Bayan: Pari:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Sumainyo ang Panginoon. At sumainyo rin. Mga kapatid aminin natin an gating mga kasalanan upang tayoy maging marapat na gumanap sa banal na pagdiriwang.

Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo mga kapatid na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita at sa gawa at sa aking pagkukulang kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo mga kapatid, na akoy ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, Patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen. Pari: Panginoon, kaawaan mo kami. Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami. Pari: Kristo, kaawaan mo kami. Bayan: Kristo, kaawaan mo kami. Pari: Panginoon, kaawaan mo kami. Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami. Pari: Manalangin tayo. Ama naming makapangyarihan, Iyong itinalaga na ang pag-iisang dibdib Ay maging sagisag ng pag-ibig Ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan. Sa pinagdurugtong na buhay nina Ryan at Luzy Na ngayoy umaako sa banal na tipan ng kasal Naway mangibabaw ang ipinahayag nilang pagmamahalan Sa pamamagitan ni Hesukristo Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Silay nagiging iisa. Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoon, Hindi mainam na mag-isa ang tao; Bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong. Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, Inilapit sa tao, at ipinaubaya ditto ang pagbibigay ng pangalan ng mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya. Kayat pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito At pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyoy ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki, Sa wakas, narito ang isang tulad ko, Laman ng aking laman, buto ng aking buto; Babae ang siyang itatawag sa kaniya Sapagkat sa lalakiy nagmula siya. Ito ang dahilan kaya iniwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat silay nagiging iisa. Ang Salita ng Diyos. Bayan: Salamat sa Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 127, 1-2, 3, 4-5. Tugon: Mapalad ang sumusunod Na taong may takot sa Diyos.

ALLELUYA! ALLELUYA!

MABUTING BALITA Mateo 19, 3-6 Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghihiwalayin ng tao. Pari: Sumainyo ang Panginoon. Bayan: at sumainyo rin. Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoon Noong panahong iyon, Mga pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya Sa pamamagitan ng tanong na ito: Naaayun bas a Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan? Sumagot si Hesus: :Hindi nyo pa ba nababasa sa Kasulatan na pasimulay nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, dahil ditto, iiwan ng lalaki ang kanyang amat ina, At magsasama sila ng kanyang asawa; silay magiging isa. Kayat hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao. Ang Mabuting Balita n gating Kaligtasan. Bayan: Pinupuri ka naming, Panginoong Hesukristo. PANGARAL ANG PAG-IISANG DIBDIB PARI: Minamahal kong Ryan at Luzy, Sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo Sa buhay at pananagutan ng Panginoon, At sa pagdiriwang ng Huling Hapunan Mulit muli kayong nakisalo Sa hapag ng Kanyang Pagmamahal. Ngayon namay kusang loob na kayoy dumudulog Sa sambayanang ito at humihiling ng panalangin Upang ang inyong panghabangbuhay na pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon. At kayo naman, mga kapatid, Na natitipon ngayon,

Ay manalangin para kina Ryan at Luzy, At bukas palad silang tanggpain Bilang magka-isang dibdib Sa ating sambayanang kristiyano. Pari: Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin para sa isat isa. Pari: Luzy, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang maka-isang dibdib si Ryan, na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay? Luzy: Opo, padre. Pari: Ryan, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang dibdib si Luzy, na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay? Ryan: Opo, padre. Pari: Nakahanda ba kayong gumanap sa inyong pananagutan sa Simbahan at sa bayan na umaasang inyong aarugain ang mga supling na ipagkakaloob sa inyo ng Maykapal upang sila ay inyong palakihin bilang mabubuting mamamayang kristiyano? Ryan&Luzy: Opo, Padre. PAGTITIPAN Pari: Minamahal kong Ryan at Luzy Sa harap ng Diyos at ng kanyang Sambayanan, Pagdaupin ninyo ang inyong palad at ipahayag ninyo ang mithiing magtipan sa banal na sakramento ng kasal.

Pari: Luzy, sumasang-ayon k aba na maging asawa si Ryan na narito ngayon, alinsunod sa batas at mga alituntunin n gating banal na Simbahan? Luzy: Opo, Padre. Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang kanyang maybahay?

Luzy: Opo, Padre. Pari: Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang pananagutan ng buhay may-asawa? Luzy: Opo, Padre. Pari: Ryan, sumasang-ayon ka ba na maging maybahay si Luzy, na narito ngayon, alinsunod sa batas at mga alituntunin n gating banal na Simbahan? Ryan: Opo, Padre. Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang kanyang asawa? Ryan: Opo, Padre. Pari: Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang pananagutan ng buhay may-asawa? Ryan: Opo, Padre. (magdarasal ang magkasintahang ikinakasal) Ryan&Luzy: Ama namin, Kami po ay Inyong loobing magka-isa ng kaloobat damdamin mula ngayon sa kaginhawaan at kahirapan sa karamdaman at kalusugan sa lahat ng araw ng aming buhay. Pari: bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay kot binabasbasan ang pagtataling puso na inyong pinagtipanan, Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Bayan: Amen. PAGBABASBAS AT PAGBIBIGAYAN NG MGA SINGSING AT ARAS

Pari: Ama naming maawain, basbasan mot kupkupin ang iyong mga lingcod na sina Ryan at Luzy. Pagkalooban mo po sila ng sapat na kabuhayang sinasagisag ng aras na ito sa ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan. Iniluluhog naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Bayan: Amen. Pari: Ama naming mapagmahal, basbasan mot kupkupin ang iyong mga lingcod na sina Ryan at Luzy. Pagindapatin mo na silang magsusuot ng mga singsing na ito ay maging kawangis mo sa iyong pag-ibig at walang maliw na katapatan. Iniluluhog naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen. Ryan: Luzy, kailanmay di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Luzy: Ryan, kailanmay di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Ryan: Luzy, kailanmay di kita pababayaan. Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan mo at n gating magiging mga anak. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Luzy: tinatanggap koi to at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo iisang Anak ng Diyos Panginoon nating lahat, nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus namatay inilibing, nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Ng may ikatlong araw nabuhay na mag-uli, umakyat sa langit naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa mga nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng mga nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen. PANALANGIN NG BAYAN Pari: mga minamahal kong kapatid Halinang magkaisa sa pagdalangin sa Diyos para sa ating mga bagong kasal na sina Ryan at Luzy at para sa buong Simbahan, sanlibutan at sa ikapagkakaisa ng tanan. Tugon: isinasamo naming kamiy iyong dinggin.

También podría gustarte